< 2 Mga Cronica 17 >

1 Si Jehoshafat na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari at nagpakalakas siya laban sa Israel.
И воцарися Иосафат сын его вместо его, и укрепися Иосафат над Израилем:
2 Naglagay siya ng mga hukbo sa lahat ng pinatibay na lungsod ng Juda at naglagay ng mga kampo sa lupain ng Juda at sa mga lungsod ng Efraim na sinakop ng kaniyang amang si Asa.
расположи же силу во всех градех Иудиных крепких и постави воеводы во градех Иудиных и во градех Ефремовых ихже побра прежде Аса отец его.
3 Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa unang kaparaanan ng kaniyang ama na si David at hindi siya bumaling sa mga Baal.
И бысть Господь со Иосафатом, яко хождаше в путех Давида отца своего первых и не взыска идолов,
4 Sa halip, nagtiwala siya sa Diyos ng kaniyang ama, at lumakad siya ayon sa kaniyang mga kautusan, hindi ayon sa gawain ng Israel.
но Господа Бога отца своего взыска и пойде в повелениих отца своего, а не по делом Израилевым:
5 Kaya itinatag ni Yahweh ang pamamahala sa kaniyang kamay, nagbigay ng parangal kay Jehoshafat ang lahat ng Juda. Nagkaroon siya ng napakaraming yaman at karangalan.
и укрепи Господь царство в руку его, и даша вся Иудеа дары Иосафату, и бысть ему богатство и слава многа.
6 Ang kaniyang puso ay nakatuon sa kaparaanan ni Yahweh. Inalis din niya ang mga altar at imahen ni Ashera sa Juda.
И вознесеся сердце его в пути Господни, и ктому изя высокая и дубравы от земли Иудины.
7 Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari ipinadala niya ang kaniyang mga opisyal na sina Benhayil, Obadias, Zecharias, Netanel at Micaias upang magturo sa mga lungsod ng Judah.
В третие же лето царства своего посла началники своя и сынов сильных Авдию и Захарию, и Нафанаила и Михеа, да учат во градех Иудиных:
8 Kasama nila ang mga Levita: Sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias at Tobadonijas at kasama nila ang mga paring sina Elisama at Jehoram.
и с ними левити Самеа и Нафаниа, и Завдиа и Асиил, и Семирамоф и Ионафан, и Адониа и Товиа и Товадониа левити, и с ними Елисама и Иорам жерцы:
9 Nagturo sila sa Juda, dala-dala Ang Aklat ng Kautusan ni Yahweh. Nagtungo sila sa lahat ng lungsod ng Juda at nagturo sa mga tao.
учаху же во Иудеи, имеюще книгу закона Господня, и прохождаху грады Иудины и учаху люди.
10 Nagkaroon ng Malaking Takot kay Yahweh ang lahat ng kaharian ng mga lupaing nasa palibot ng Juda kaya hindi sila nakipagdigma laban kay Jehoshafat.
И бысть страх Господень на всех царствах земных окрест Иуды, и не воеваша противу Иосафата.
11 Nagdala ang ilang mga Palestina kay Jehoshafat ng mga kaloob at pilak bilang pagkilala. Nagdala din sa kaniya ang mga Arabo ng mga kawan, 7, 700 na lalaking tupa at 7, 700 na kambing.
И от иноплеменник Иосафату дары приношаху сребро и дани: Арави же привождаху ему овнов овчих седмь тысящ и седмь сот, и козлов седмь тысящ седмь сот.
12 Naging labis na makapangyarihan si Jehoshafat. Nagpatayo siya ng mga matibay na tanggulan at imbakang lungsod sa Juda.
И бе Иосафат предуспевая велик в высоту и созда во Иудеи домы и грады крепки.
13 Nagkaroon siya ng maraming kagamitan sa mga lungsod ng Juda at mga kawal—malalakas, matatapang na mga lalaki—sa Jerusalem.
И многа дела быша ему во Иудеи: и мужие ратницы крепцы сильнии во Иерусалиме.
14 Ito ang listahan ng lahat sa kanila, ayon sa pangalan ng sambahayan ng kanilang ama: Mula sa Juda, ang mga pinuno ng libo; si Adna ang pinunong kawal at kasama niya ang 300, 000 na lalaking panglaban;
И сие число их по домом отечеств их: и во Иуде тысященачалницы Еднас вождь и с ним сынове сильнии силы триста тысящ:
15 sumunod sa kaniya si Jehohanan ang pinunong kawal at kasama niya ang 280, 000 na lalaki;
и по нем Иоанан началник и с ним двести осмьдесят тысящ:
16 sumunod sa kaniya si Amasias na anak ni Zicri, na nagkusang-loob upang maglingkod kay Yahweh at kasama niya ang 200, 000 na lalaking panglaban.
по немже Амасиа, сын Захариин, усердсвуяй Господу и с ним двести тысящ мужей сильных.
17 Mula sa Benjamin: si Eliada isang makapangyarihan na lalaking matapang at kasama niya ang 200, 000 na may dalang mga pana at panangga;
И от Вениаминя сильнии силы Елиад, и с ним держащих лук и щиты двести тысящ сильных:
18 sumunod sa kaniya si Jehosabad at kasama niya ang 180, 000 na handa sa pakikipagdigma.
и по нем Иозавад, и с ним сто осмьдесят тысящ, сильнии ко брани.
19 Ito ang mga naglingkod sa hari, maliban pa sa mga inilagay ng hari sa mga pinatibay na lungsod sa buong Juda.
Сии служащии царю, кроме оных, ихже постави царь по градом крепким во всей Иудеи.

< 2 Mga Cronica 17 >