< 2 Mga Cronica 10 >
1 Pumunta sa Shekem si Rehoboam, dahil darating ang lahat ng mga taga-Israel sa Shekem upang gawin siyang hari.
2 Narinig ito ni Jeroboam na anak ni Nebat (dahil nasa Egipto siya, kung saan siya tumakas mula kay haring Solomon, ngunit bumalik si Jeroboam mula sa Ehipto).
3 Kaya ipinatawag nila siya, dumating si Jeroboam at ang lahat ng Israelita. Kinausap nila si Rehoboam at sinabi,
4 “Ginawang mahirap ng iyong ama ang aming mga pasanin. Kaya ngayon, gawin mong mas madali ang mahirap na gawain ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na ibinigay niya sa amin at paglilingkuran ka namin.”
5 Sinabi ni Rehoboam sa kanila, “Bumalik kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw.” Kaya, umalis na ang mga tao.
6 Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matandang kalalakihan na nagpayo kay Solomon na kaniyang ama noong nabubuhay pa siya. sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang mabigyan ng kasagutan ang mga taong ito?”
7 Nakipag-usap sila sa kaniya at sinabi, “Kung magiging mabuti ka sa mga taong ito at bibigyang-lugod mo sila at magsasabi ng mga mabubuting salita sa kanila, magiging alipin mo sila sa habang panahon.
8 Ngunit hindi pinakinggan ni Rehoboam ang payo na ibinigay ng mga matandang kalalakihan sa kaniya at sumangguni siya sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki at nagpapayo sa kaniya.
9 Sinabi niya sa kanila, “Ano ang maibibigay ninyong payo sa akin upang sagutin natin ang mga taong ito na nakipag-usap sa akin at sinasabi, “Pagaanin mo ang mga pasanin na ibinigay ng iyong ama sa amin'?”
10 Nagsalita ang mga kabataang lalaki na kasabayang lumaki ni Rehoboam na nagsasabi, “Makipag-usap ka sa mga taong nagsabi sa iyo na ginawang mabigat ng iyong amang si Solomon ang kanilang mga pasanin, na kailangan mong gawing mas magaan. Dapat mong sabihin sa kanila, 'Mas makapal ang aking hinliliit kaysa sa baywang ng aking ama.
11 Kaya ngayon, bagaman pinapasan kayo ng aking ama ng isang mabigat na pasanin, dadagdagan ko pa ang inyong mga pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”'
12 Kaya pumunta si Jeroboam at ang lahat ng tao kay Rehoboam sa ikatlong araw, kagaya ng iniutos ng hari sa kanila ng sabihin niya, “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.”
13 Marahas silang sinagot ng hari. Hindi pinansin ni Haring Rehoboam ang payo ng mga matandang kalalakihan.
14 Nakipag-usap siya sa kanila na sinunod ang payo ng mga kabataang lalaki at sinabi, “Gagawin kong mas mabigat ang inyong mga pasanin at dadagdagan ko pa ito. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
15 Hindi nakinig ang hari sa mga tao, sapagkat ito ang isang pangyayaring pinahintulutan ng Diyos, upang matupad ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
16 Nang makita ng mga taga-Israel na hindi nakinig ang hari sa kanila, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Bumalik na kayong mga taga-Israel sa inyong mga tolda. Ngayon David, bahala ka ng tumingin sa iyong sariling tolda.” Kaya, bumalik na ang bawat isa sa mga Israelita sa kanilang mga tolda.
17 Ngunit ang mga taga-Israel na nakatira sa mga lungsod ng Juda, pinamunuan sila ni Rehoboam.
18 Pagkatapos, ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram na namumuno sa sapilitang panggawa, ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa namatay siya. Kaagad na tumakas si Haring Rehoboam sakay ng kaniyang karwahe patungo sa Jerusalem.
19 Kaya, nagrerebelde ang Israel laban sa sambahayan ni David hanggang sa mga panahong ito.