< 2 Mga Cronica 1 >

1 Si Solomon na anak ni David ay naging matatag sa kaniyang pamumuno, at si Yahweh na kaniyang Diyos ay kasama niya at ginawa siyang makapangyarihan.
[撒羅滿求智慧]達味的兒子撒羅滿漸漸鞏固了自己的王位,上主,他的天主常與他同在,使他非常偉大。
2 At nagsalita si Solomon sa buong Israel at sa mga pinunong kawal ng libu-libo at sa daan-daan at sa mga hukom at sa bawat prinsipe sa buong Israel, sa mga pinuno ng mga ama ng tahanan.
撒羅滿命令全以色列,即千夫長、百夫長、判官,以及全以色列的首領和族長集合,
3 Kaya si Solomon at ang buong kapulungang kasama niya ay pumunta sa dambana na nasa Gibeon; dahil naroon ang toldang tipanan ng Diyos na ginawa ni Moises na lingkod ni Yahweh sa ilang.
然後同全會眾往基貝紅高丘去,因為那裏有上主的僕人梅瑟,在曠野裏所做的天主的會幕。
4 Ngunit dinala ni David ang kaban ng Diyos mula sa Chiriath Jearim sa lugar na kaniyang inihanda para rito sapagkat nagtayo siya ng tolda para dito sa Jerusalem.
但是,天主的約櫃,達味已由克黎雅特耶阿陵運到所預備的地方,因為他在耶路撒冷為約櫃搭了一個帳幕。
5 Sa karagdagan, ang altar na tanso na ginawa ni Besalel na anak ni Uri na anak ni Hur ay nasa harapan ng tabernakulo ni Yahweh; pumanta roon sina Solomon at ang kapulungan.
胡爾的孫子,烏黎的兒子貝匝肋耳所製的銅壇,也在那裏,即在上主的會幕前。撒羅滿與會眾便去求問上主。
6 Pumunta si Solomon doon sa altar na tanso sa harapan ni Yahweh, na naroon sa toldang tipanan at naghandog dito ng isang libong sinunog na mga alay.
撒羅滿上到會幕前的銅壇上,在上主面前,獻了一千犧牲,作為全燔祭。
7 Nagpakita ang Diyos kay Solomon ng gabing iyon at sinabi sa kaniya, “Humiling ka! Ano ang dapat kong ibigay sa iyo?”
那天夜裏天主顯示給撒羅滿,對他說:「你不拘求什麼,我必要給你! 」
8 Sinabi ni Solomon sa Diyos, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan kay David na aking ama at ginawa mo akong hari na kahalili niya.
撒羅滿對天主說:「你曾對我父親達味大施仁慈,使我繼他為王。
9 Ngayon, Yahweh na Diyos, isakatuparan mo ang iyong pangako kay David na aking ama, dahil ginawa mo akong hari sa mga tao na ang bilang ay kasing dami ng mga alikabok sa lupa.
上主,天主! 現在唯願你向我父達味應許的話得以實現,因為你已立了我為王,治理一個多如地上塵沙的民族。
10 Ngayon bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamunuan ko ang mga taong ito, sapagkat sino ba ang huhukom sa iyong mga tao na napakarami ang bilang?”
現在,求你賜我智慧和聰明,好使我能在這民族面前出入,因為誰能統治你這樣大的一個民族﹖」
11 Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil ito ang nasa iyong puso at dahil hindi ka humiling ng mga yaman, kayamanan o karangalan at hindi mo hiningi ang buhay ng mga may galit sa iyo, o mahabang buhay para sa iyong sarili—ngunit dahil humiling ka ng karunungan at kaalaman para sa iyong sarili, upang mapamunuan mo ang aking mga tao kung saan kita ginawang hari—
天主對撒羅滿說:「你既有此心願,沒有求富貴、財寶、光榮,也沒有要求你敵人的性命,也沒有要求長壽,只為自己求智慧和聰明,好能治理我的民族,即我使你為王所管理的民族;
12 Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang karunungan at kaalaman; bibigyan din kita ng yaman, kayamanan, karangalan, higit pa sa nakamtan ng sinumang mga hari na nauna sa iyo at higit pa sa makakamtan ng sinuman na susunod sa iyo.”
為此,智慧和聰明已賜予了你,但我還願將富貴和光榮賜予你,是你以前的君王從沒有過,你以後也不會再有的。」
13 At bumalik si Solomon sa Jerusalem mula sa dambana na nasa Gibeon, mula sa harapan ng toldang tipanan; naghari siya sa buong Israel.
以後撒羅滿由基貝紅高丘,由會幕前回了耶路撒冷,治理以色列。撒羅滿的財富
14 Nagtipon si Solomon ng mga karwahe at mangangabayo: at nagkaroon siya ng 1, 400 na mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo na inilagay niya sa lungsod na pinag-iimbakan ng mga karwahe, at sa kaniya rin, na hari ng Jerusalem.
撒羅滿調集了戰車和騎兵,計戰車一千四百輛,騎兵一萬二千名,使他們駐守屯車城,或在耶路撒冷君王左右。
15 Ginawa ng hari ang pilak at ginto na pangkaraniwan sa Jerusalem na parang mga bato at ginawa niyang pangkaraniwan ang sedar na kahoy tulad ng mga puno ng sikamorong nasa mababang mga lupain.
君王在耶路撒冷積存的金銀多如石塊,香柏木多如平原的桑樹。
16 Sa pag-aangkat ng mga kabayo mula sa Ehipto at Cilicia para kay Solomon, binili ng kaniyang mga mangangalakal ang mga ito mula sa Cilicia sa mataas na halaga.
撒羅滿所養的馬,都是來自慕茲黎和科厄,是君王的商人依照定價由科厄買來的。
17 Nag-angkat sila ng karwahe mula sa Ehipto sa halagang anim na raang siklong pilak at kabayo sa halagang 150 siklo. Iniluluwas din nila ang mga ito sa mga hari ng Heteo at sa mga Arameo.
他們由慕茲黎運來的車,每輛值遺六百「協刻耳;」馬,每匹值銀一百五十「協刻耳。」同樣,赫特諸王和阿蘭諸無所有的車馬,也都是經這些商人的手運來的。[建殿的準備]

< 2 Mga Cronica 1 >