< 1 Timoteo 6 >
1 Hayaan ang lahat ng nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin na kilalanin nila ang kanilang mga amo ng karapat-dapat sa buong paggalang. Dapat nilang gawin ito upang ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan.
οσοι εισιν υπο ζυγον δουλοι τους ιδιους δεσποτας πασης τιμης αξιους ηγεισθωσαν ινα μη το ονομα του θεου και η διδασκαλια βλασφημηται
2 Ang mga alipin na may among mananampalataya ay huwag silang lapastanganin dahil sila ay magkapatid. Sa halip, sila ay dapat paglingkurang mabuti. Sapagkat ang mga amo na natutulungan nila sa kanilang gawain ay mga mananampalataya at minamahal. Ituro mo at ipahayag ang mga bagay na ito.
οι δε πιστους εχοντες δεσποτας μη καταφρονειτωσαν οτι αδελφοι εισιν αλλα μαλλον δουλευετωσαν οτι πιστοι εισιν και αγαπητοι οι της ευεργεσιας αντιλαμβανομενοι ταυτα διδασκε και παρακαλει
3 Kung mayroong magtuturo ng kakaiba at hindi tinanggap ang ating tapat na tagubilin, na ang mga Salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung hindi nila tanggapin ang katuruan na nagdadala sa pagiging maka-diyos.
ει τις ετεροδιδασκαλει και μη προσερχεται υγιαινουσιν λογοις τοις του κυριου ημων ιησου χριστου και τη κατ ευσεβειαν διδασκαλια
4 Ang taong ito ay mapagmataas at walang nalalaman. Sa halip, sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita. Ang mga salitang ito ay humahantong sa pagkainggit, pagtatalo, mga insulto, mga masamang akala, at
τετυφωται μηδεν επισταμενος αλλα νοσων περι ζητησεις και λογομαχιας εξ ων γινεται φθονος ερις βλασφημιαι υπονοιαι πονηραι
5 patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman.”
διαπαρατριβαι διεφθαρμενων ανθρωπων τον νουν και απεστερημενων της αληθειας νομιζοντων πορισμον ειναι την ευσεβειαν
6 Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang.
εστιν δε πορισμος μεγας η ευσεβεια μετα αυταρκειας
7 Sapagkat wala tayong dinalang anuman dito sa mundo. wala rin tayong madadala na anumang bagay.
ουδεν γαρ εισηνεγκαμεν εις τον κοσμον οτι ουδε εξενεγκειν τι δυναμεθα
8 Sa halip, masiyahan tayo sa pagkain at pananamit.
εχοντες δε διατροφας και σκεπασματα τουτοις αρκεσθησομεθα
9 Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao.
οι δε βουλομενοι πλουτειν εμπιπτουσιν εις πειρασμον και παγιδα και επιθυμιας πολλας ανοητους και βλαβερας αιτινες βυθιζουσιν τους ανθρωπους εις ολεθρον και απωλειαν
10 Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian.
ριζα γαρ παντων των κακων εστιν η φιλαργυρια ης τινες ορεγομενοι απεπλανηθησαν απο της πιστεως και εαυτους περιεπειραν οδυναις πολλαις
11 Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan,
συ δε ω ανθρωπε θεου ταυτα φευγε διωκε δε δικαιοσυνην ευσεβειαν πιστιν αγαπην υπομονην πραυπαθιαν
12 Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti. (aiōnios )
αγωνιζου τον καλον αγωνα της πιστεως επιλαβου της αιωνιου ζωης εις ην εκληθης και ωμολογησας την καλην ομολογιαν ενωπιον πολλων μαρτυρων (aiōnios )
13 Ibinibigay ko sa iyo ang utos na ito sa harap ng Diyos, na siyang dahilan nang lahat ng bagay para mabuhay, at sa harapan ni Cristo-Jesus, na siyang nagsabi ng katotohanan kay Poncio Pilato:
παραγγελλω {VAR1: σοι } {VAR2: [σοι] } ενωπιον του θεου του ζωογονουντος τα παντα και χριστου ιησου του μαρτυρησαντος επι ποντιου πιλατου την καλην ομολογιαν
14 ingatan mong mabuti ang mga kautusan, ng walang kapintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu- Cristo.
τηρησαι σε την εντολην ασπιλον ανεπιλημπτον μεχρι της επιφανειας του κυριου ημων ιησου χριστου
15 Ipapahayag ng Diyos ang kaniyang pagpapakita sa tamang panahon—ang Diyos, ang Pinagpala, ang nag-iisang kapangyarihan, ang Hari na siyang naghahari, ang Panginoong namumuno.
ην καιροις ιδιοις δειξει ο μακαριος και μονος δυναστης ο βασιλευς των βασιλευοντων και κυριος των κυριευοντων
16 Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen. (aiōnios )
ο μονος εχων αθανασιαν φως οικων απροσιτον ον ειδεν ουδεις ανθρωπων ουδε ιδειν δυναται ω τιμη και κρατος αιωνιον αμην (aiōnios )
17 Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. (aiōn )
τοις πλουσιοις εν τω νυν αιωνι παραγγελλε μη υψηλοφρονειν μηδε ηλπικεναι επι πλουτου αδηλοτητι αλλ επι θεω τω παρεχοντι ημιν παντα πλουσιως εις απολαυσιν (aiōn )
18 Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi.
αγαθοεργειν πλουτειν εν εργοις καλοις ευμεταδοτους ειναι κοινωνικους
19 Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay.
αποθησαυριζοντας εαυτοις θεμελιον καλον εις το μελλον ινα επιλαβωνται της οντως ζωης
20 Timoteo, pangalagaan mo kung ano ang mga naibigay sa iyo. Umiwas ka sa mga walang kabuluhang mga usapan at mga pagtutuligsa na sinasabing maling kaalaman.
ω τιμοθεε την παραθηκην φυλαξον εκτρεπομενος τας βεβηλους κενοφωνιας και αντιθεσεις της ψευδωνυμου γνωσεως
21 May ibang mga tao na nagpapahayag ng mga bagay na ito kaya marami sa kanila ang nailihis sa pananampalataya. Sumasaiyo nawa ang biyaya.
ην τινες επαγγελλομενοι περι την πιστιν ηστοχησαν η χαρις μεθ υμων