< 1 Timoteo 2 >
1 Kaya una sa lahat, ipinakikiusap ko na ang mga kahilingan, mga panalangin, mga panalangin para sa iba at mga pasasalamat ay maipaabot para sa lahat ng tao,
obsecro igitur primo omnium fieri obsecrationes orationes postulationes gratiarum actiones pro omnibus hominibus
2 para sa mga hari at sa lahat ng mga nasa kapangyarihan, upang tayo ay makapamuhay ng mapayapa at tahimik na may buong kabanalan at karangalan.
pro regibus et omnibus qui in sublimitate sunt ut quietam et tranquillam vitam agamus in omni pietate et castitate
3 Ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harap ng ating Diyos na tagapagligtas.
hoc enim bonum est et acceptum coram salutari nostro Deo
4 Ninanais niya na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa katotohanan.
qui omnes homines vult salvos fieri et ad agnitionem veritatis venire
5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus.
unus enim Deus unus et mediator Dei et hominum homo Christus Iesus
6 Ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang katubusan sa lahat, bilang patotoo sa tamang panahon.
qui dedit redemptionem semet ipsum pro omnibus testimonium temporibus suis
7 Sa kadahilanang ito, ako, si Pablo, ay naging tagapagturo at apostol. Nagsasabi ako ng katotohanan. Hindi ako nagsisinungaling. Ako ang tagapagturo ng mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
in quo positus sum ego praedicator et apostolus veritatem dico non mentior doctor gentium in fide et veritate
8 Kaya, nais ko na ang lahat ng kalalakihan sa bawat lugar na manalangin at itaas ang kanilang mga banal na kamay ng walang galit at mga pag-aalinlangan.
volo ergo viros orare in omni loco levantes puras manus sine ira et disceptatione
9 Gayundin, nais ko ang mga kababaihan na magsuot ng nararapat na kasuotan ng may kahinhinan at pagpipigil sa sarili. Hindi sila dapat magtirintas ng buhok, o maglagay ng ginto, o perlas, o magsuot ng mamahaling damit.
similiter et mulieres in habitu ornato cum verecundia et sobrietate ornantes se non in tortis crinibus aut auro aut margaritis vel veste pretiosa
10 Nais ko silang magsuot ng kung ano ang angkop sa mga kababaihan na nagpapahayag ng pagiging maka-diyos sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa.
sed quod decet mulieres promittentes pietatem per opera bona
11 Dapat matuto ang babae ng may pananahimik at nang buong pagpapasakop.
mulier in silentio discat cum omni subiectione
12 Hindi ko pinahihintulutan ang isang babae na magturo o pamahalaan ang isang lalaki ngunit mamuhay sa katahimikan.
docere autem mulieri non permitto neque dominari in virum sed esse in silentio
13 Sapagkat unang nilikha si Adan bago si Eba.
Adam enim primus formatus est deinde Eva
14 At si Adan ay hindi nalinlang, ngunit lubos na nadaya ang babae sa pagsuway.
et Adam non est seductus mulier autem seducta in praevaricatione fuit
15 Gayunman, maliligtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila ay magpapatuloy sa pananampalataya, sa pag-ibig at kabanalan na may mahinahon na kaisipan.
salvabitur autem per filiorum generationem si permanserint in fide et dilectione et sanctificatione cum sobrietate