< 1 Mga Tesalonica 1 >
1 Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo para sa iglesiya ng mga taga-Tesalonica sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
Paulus og Silvanus og Timotheus til Thessalonikernes Menighed i Gud Fader og den Herre Jesus Kristus. Naade være med eder og Fred!
2 Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat, habang binabanggit namin kayo sa aming mga panalangin.
Vi takke Gud altid for eder alle, naar vi komme eder i Hu i vore Bønner,
3 Inaalala namin ng walang tigil sa harapan ng Diyos at Ama ang inyong mga gawa ng pananampalataya, pagpapagal sa pag-ibig, at pagtitiyagang may pagtitiwala para sa hinaharap sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
idet vi uafladelig mindes eders Gerning i Troen og eders Arbejde i Kærligheden og eders Udholdenhed i Haabet paa vor Herre Jesus Kristus for vor Guds og Faders Aasyn,
4 Mga kapatid na iniibig ng Diyos, alam namin ang inyong pagkatawag,
efterdi vi kende eders Udvælgelse, I af Gud elskede Brødre,
5 kung paanong ang ating ebanghelyo ay dumating sa inyo na hindi lamang sa salita, ngunit gayon din sa kapangyarihan, sa Banal na Espiritu, at sa lubos na katiyakan. Gayon din naman, inyong nalalaman kung anong uri ng tao kami sa inyo para sa inyong kapakanan.
at vort Evangelium ikke kom til eder i Ord alene, men ogsaa i Kraft og i den Helligaand og i fuld Overbevisning, som I jo vide, hvorledes vi færdedes iblandt eder for eders Skyld.
6 ninyo kami at ang Panginoon, gaya nga ng pagtanggap ninyo sa salita sa matinding paghihirap na may kagalakan mula sa Banal na Espiritu.
Og I ere blevne vore Efterfølgere, ja, Herrens, idet I modtoge Ordet under megen Trængsel med Glæde i den Helligaand,
7 Bilang resulta, kayo ay naging halimbawa sa lahat ng mananampalataya sa Macedonia at Acaya.
saa at I ere blevne et Forbillede for alle de troende i Makedonien og Akaja;
8 Sapagkat mula sa inyo ang salita ng Panginoon ay lumaganap, at hindi lamang sa Macedonia at Acaya. Kundi, sa lahat ng dako kung saan ang inyong pananampalataya sa Diyos ay naibalita. Bilang resulta, hindi na namin kailangang magsalita ng ano pa man.
thi fra eder har Herrens Ord lydt ud, ikke alene i Makedonien og Akaja, men alle Vegne er eders Tro paa Gud kommen ud, saa at vi ikke have nødig at tale derom.
9 Sapagkat sila mismo ang nagbalita kung paano kami dumating sa inyo. Kanilang sasabihin kung paano kayo nanumbalik sa Diyos mula sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa buhay at tunay na Diyos.
Thi de forkynde selv om os, hvordan en Indgang vi vandt hos eder, og hvorledes I vendte om til Gud fra Afguderne for at tjene den levende og sande Gud
10 Ibinalita nila na kayo ay naghihintay sa kaniyang Anak mula sa langit, na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. Ito ay si Jesus, na nagpalaya sa atin mula sa poot na darating.
og vente paa hans Søn fra Himlene, hvem han oprejste fra de døde, Jesus, som frier os fra den kommende Vrede.