< 1 Samuel 5 >

1 Ngayon nakuha na ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, at dinala nila ito mula sa Ebenezer patungo sa Asdod.
Mushure mokunge vaFiristia vapamba areka yaMwari, vakaitora kubva kuEbhenezeri vakaenda nayo kuAshidhodhi.
2 Kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, dinala nila ito sa bahay ng Dagon, at inilagay sa tabi ng Dagon.
Ipapo vakatakura areka vakapinda nayo mutemberi yaDhagoni vakaiisa parutivi rwaDhagoni.
3 Nang nagising nang maaga sa sumunod na araw ang mga tao ng Asdod, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Kaya kinuha nila ang Dagon at inilagay siyang muli sa kanyang lugar.
Vanhu veAshidhodhi pavakamuka mangwanani-ngwanani zuva raitevera, wanei hoyo Dhagoni akawira pasi nechiso pamberi peareka yaJehovha! Vakatora Dhagoni vakamudzosera panzvimbo yake.
4 Ngunit nang nagising sila nang maaga ng sumunod na umaga, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Ang ulo ng Dagon at kanyang dalawang kamay ay putol na naroon sa pintuan. Katawan lamang ng Dagon ang naiwan.
Asi mangwanani aitevera pavakamuka wanei hoyo Dhagoni akawira pasi nechiso pamberi peareka yaJehovha! Musoro wake namaoko zvakanga zvadimbuka zvisisipo uye zviri pasi pachikumbaridzo chomukova, muviri wake bedzi ndiwo wakanga wangosara.
5 Ito ang dahilan, kahit sa araw na ito, ang mga pari ng Dagon at sinumang dumating sa bahay ng Dagon ay hindi umaapak sa pintuan ng Dagon sa Asdod.
Ndokusaka kusvika nanhasi kusina vaprista vaDhagoni kana vamwewo zvavo vanopinda mutemberi yaDhagoni paAshidhodhi vanotsika pachikumbaridzo chomukova.
6 Napakabigat ng kamay ni Yahweh sa mga tao ng Asdod. Winasak niya sila at pinahirapan sila ng mga bukol, kapwa sa Asdod at nasasakupan nito.
Ruoko rwaMwari rwakatambudza zvikuru vanhu veAshidhodhi nenzvimbo dzakaikomberedza; akauyisa kuparadzwa pamusoro pavo uye akavarova namamota.
7 Nang napagtanto ng mga kalalakihan ng Asdod kung ano ang nangyayari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili ang kaban ng Diyos ng Israel sa atin, dahil mabigat ang kanyang kamay laban sa atin at laban kay Dagon na ating diyos.”
Vanhu veAshidhodhi pavakaona zvakanga zvichiitika vakati, “Areka yaMwari weIsraeri haifaniri kugara pano nesu nokuti ruoko rwake rwatitambudza zvikuru isu naDhagoni mwari wedu.”
8 Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat.” At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon.
Saka vakadana pamwe chete vatongi vose vavaFiristia vakavabvunza vachiti, “Toitei neareka yaMwari weIsraeri?” Vakapindura vachiti, “Itai kuti areka yaMwari weIsraeri iendeswe kuGati.” Saka vakabvisa areka yaMwari weIsraeri.
9 Ngunit pagkatapos nilang madala ito sa palibot, ang kamay ni Yahweh ay laban sa lungsod, na nagdudulot ng isang napakalaking kalituhan. Pinahirapan niya ang mga kalalakihan ng lungsod, kapwa maliit at malaki; at ang mga bukol ay kumalat sa kanila.
Asi mushure mokunge vaibvisa, ruoko rwaMwari rwakarwisana neguta iroro, uye akarivhundutsa nokuvhundutsa kukuru. Akarova vanhu veguta iroro, vakuru navadiki, namamota.
10 Kaya ipinadala nila ang kaban ng Diyos sa Ekron. Ngunit pagdating mismo ng kaban ng Diyos sa Ekron, sumigaw ang mga taga-Ekron, nagsasabing, “Dinala nila sa atin ang kaban ng Diyos ng Israel upang patayin tayo at ang ating mga tao.”
Saka vakaendesa areka yaMwari kuEkironi. Areka yaMwari payakanga yava kupinda muEkironi, vanhu veEkironi vakadanidzira, vachiti, “Vauyisa areka yaMwari weIsraeri kuti vatiuraye isu navanhu vedu.”
11 Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao.” Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon.
Saka vakadana pamwe chete vatongi vose vavaFiristia vakati, “Dzoserai areka yaMwari weIsraeri kwakare, regai idzokere kunzvimbo kwayo, nokuti ichatiuraya isu navanhu vedu.” Nokuti rufu rwakanga rwazadza guta nokuvhunduka; ruoko rwaMwari rwakanga rwaritambudza zvikuru.
12 Ang mga kalalakihang hindi namatay ay pinahirapan ng mga bukol, at umabot ang iyak ng siyudad sa kalangitan.
Avo vasina kufa vakarohwa namamota uye kuchema kweguta kwakakwira kudenga.

< 1 Samuel 5 >