< 1 Samuel 4 >
1 Dumating ang salita ni Samuel sa buong Israel. Ngayon umalis ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Nagtayo sila ng kampo sa Ebenezer, at nagtayo ng kampo ang mga Felisteo sa Afek.
And so it was, when the word of Samuel had reached all Israel, that Israel went forth to meet the Philistines in battle, and they encamped near Eben-ezer, while, the Philistines, encamped in Aphek.
2 Humanay ang mga Filisteo para labanan ang Israel. Lumaganap ang labanan, natalo ang Israel ng mga Filisteo, na pumatay ng halos apat na libong kalalakihan sa lugar ng labanan.
And the Philistines set themselves in array to meet Israel, and, when the battle spread, then was Israel smitten before the Philistines, —and there were slain of the army in the field about four thousand men.
3 Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, “Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway.”
And, when the people came into the camp, the elders of Israel said, Wherefore hath Yahweh smitten us to-day, before the Philistines? Let us fetch unto us, out of Shiloh, the ark of the covenant of Yahweh, that, when it cometh into our midst, it may save us out of the hand of our enemies.
4 Kaya nagpadala ang mga tao ng kalalakihan sa Silo; mula roon dinala nila ang kaban ng tipan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa itaas ng querobin. Ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Hofni at Finehas ay naroon kasama ang kaban ng tipan ng Diyos.
So the people sent to Shiloh, and bare from thence the ark of the covenant of Yahweh of hosts, who inhabiteth the cherubim, —and, there, were the two sons of Eli, with the ark of the covenant of God, namely, Hophni and Phinehas.
5 Nang dumating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa kampo, sumigaw nang malakas ang lahat ng mga tao ng Israel, at umugong ang mundo.
And so it was, when the ark of the covenant of Yahweh came into the camp, that all Israel brake out into a loud shout of joy, —so that the earth rang again.
6 Nang narinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyawan, sinabi nila, “Ano ang kahulugan nitong malakas na hiyawan sa kampo ng mga Hebreo?” Pagkatapos napagtanto nila na dumating ang kaban ni Yahweh sa kampo.
And, when the Philistines heard the noise of the shout, they said—What meaneth the noise of this loud shout of joy in the camp of the Hebrews? And they learned that, the ark of Yahweh, had come into the camp.
7 Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, “Dumating ang Diyos sa kampo.” Sinabi nila, “Kapighatian sa atin!” Hindi pa nangyayari ito noon!
And the Philistines were afraid, for they said—God hath come into the camp. And they said—Woe to us! for there hath not happened the like of this, heretofore.
8 Kapighatian sa atin! Sino ang magtatanggol sa atin mula sa lakas nitong makapangyarihang Diyos? Ito ang Diyos na sumalakay sa mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng marami at iba't ibang uri ng salot sa ilang.
Woe to us! Who shall rescue us out of the hand of these majestic gods? These, are the gods, who smote the Egyptians with all manner of smiting in the desert!
9 Lakasan ninyo ang loob ninyo, at magpakalalaki kayo, kayong mga Filisteo, o magiging mga alipin kayo para sa mga Hebreo, gaya ng naging mga alipin sila sa inyo. Magpakalalaki kayo, at lumaban.”
Take courage, and quit yourselves like men, ye Philistines, lest ye come into bondage to the Hebrews, as they have been in bondage unto you, —therefore must ye quit yourselves like men, and fight.
10 Nakipaglaban ang mga Filisteo, at natalo ang Israel. Tumakas ang bawat isa sa kanyang bahay, at ang patayan ay napakalawak; sapagka't natalo ang tatlumpung libong sundalo mula sa Israel.
So the Philistines fought, and Israel was smitten, and they fled every man to his home; and the slaughter became exceeding great, —and there fell of Israel—thirty thousand footmen.
11 Nakuha ang kaban ng Diyos at namatay ang dalawang lalaking anak ni Eli, na sina Hofni at Finehas.
And, the ark of God, was taken, —and, the two sons of Eli, were slain, Hophni and Phinehas.
12 Tumakbo ang isang lalaki ng Benjamin mula sa hanay ng labanan at nakarating sa Silo sa parehong araw, dumating na punit ang kanyang mga damit at may lupa sa kanyang ulo.
And there ran a man of Benjamin out of the army, and entered Shiloh on the same day, —with his clothes rent, and with earth upon his head.
13 Nang nakarating siya, nakaupo si Eli sa kanyang upuan na nakatingin sa daan dahil kumabog ang kanyang puso na may pag-aalala para sa kaban ng Diyos. Nang pumasok ang lalaki sa lungsod at sinabi ang balita, umiyak ang buong lungsod.
And, when he entered, lo! Eli was sitting upon his chair, by the wayside, watching, for his heart was trembling for the ark of God, —and, the man, entered to tell the news in the city, and all the city made outcry.
14 Nang narinig ni Eli ang ingay ng iyakan, sinabi niya, “Ano ang kahulugan nitong hiyawan?” Biglang dumating ang lalaki at sinabi kay Eli.
And, when Eli heard the noise of the outcry, he said—What meaneth the noise of this tumult? And, the man, hasted, and came, and told Eli.
15 Ngayon siyamnapu't walong taong gulang na si Eli; malabo ang kanyang mga mata, at hindi siya makakita.
Now, Eli, was ninety-eight years old; and his eyes were fixed, that he could not see.
16 Sinabi ng lalaki kay Eli, “Ako ang isang nanggaling mula sa hanay ng labanan. Tumakas ako mula sa labanan sa araw na ito.” At sinabi niya, “Ano ang nangyari, anak ko?”
So the man said unto Eli, I, am he that came in from the army, yea, I, from the army, fled to-day. And he said—What is the thing that hath happened, my son?
17 Sumagot at nagsabi ang lalaking nagdala ng balita, “Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo. Mayroon ding isang malaking pagkatalo sa mga tao. Ang iyong dalawang anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas ay patay na, at nakuha ang kaban ng Diyos.”
And the bearer of tidings answered, and said—Israel hath fled before the Philistines, Moreover also, a great smiting, hath taken place among the people, —Moreover also, thy two sons, are slain, Hophni and Phinehas, And, the ark of God, is taken.
18 Nang nabanggit niya ang kaban ng Diyos, natumba patalikod si Eli mula sa kanyang upuan sa gilid ng tarangkahan. Nabali ang kanyang leeg, at namatay siya, dahil matanda na siya at mabigat. Naging hukom siya ng Israel sa loob ng apatnapung taon.
And it came to pass, when he mentioned the ark of God, that he fell from off his seat backwards, at the side of the gate, and his neck brake, and he died, for, old, was the man, and, heavy, —and, he had judged Israel forty years.
19 Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak.
Now, his daughter-in-law, wife of Phinehas, was with child, ready to give birth, and, when she heard the tidings, as to the taking of the ark of God, and the death of her father-in-law, and her husband, she bowed herself and gave birth, for her pains had seized her.
20 Sinabi sa kanya ng babaeng nagpapaanak sa oras na malapit na siyang mamatay, “Huwag kang matakot, dahil nanganak ka ng isang lalaki.” Ngunit hindi siya sumagot o isinapuso kung ano ang kanilang sinabi.
And, about the time of her death, the women that stood by her said: Do not fear, for, to a son, hast thou given birth. But she neither answered nor regarded.
21 Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!” dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa.
And she called the boy I-chabod ["Where’s the glory?"]! saying, Exiled is the glory from Israel, —In regard to the taking of the ark of God, and to her father-in-law, and to her husband.
22 At sinabi niya, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel, dahil nakuha ang kaban ng Diyos.”
So she said—Exiled is the glory from Israel, —For the ark of God hath been taken.