< 1 Samuel 31 >

1 Ngayon nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel mula sa harap ng mga Filisteo at patay na bumagsak sa bundok Gilboa.
And the Philistines fought with Israel: and the men of Israel fled from before the Philistines, and they fall down wounded in the mountain in Gelbue.
2 Tinugis ng malapitan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki. Napatay ng mga Filisteo si Jonatan, Abinadab, at Malquisua, at ang kanyang mga anak na lalaki.
And the Philistines press closely on Saul and his sons, and the Philistines strike Jonathan, and Aminadab, and Melchisa son of Saul.
3 Nagpatuloy ang matinding labanan laban kay Saul, at nasukol siya ng mga mamamana. Siya ay nakaranas ng malubhang sugat dahil sa kanila.
And the battle prevails against Saul, and the shooters with arrows, even the archers find him, and he was wounded under the ribs.
4 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, “Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako.” Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.
And Saul said to his armor-bearer, Draw your sword and pierce me through with it; lest these uncircumcised come and pierce me through, and mock me. But his armor-bearer would not, for he feared greatly: so Saul took his sword and fell upon it.
5 Nang nakita ng tagadala ng baluti na patay na si Saul, gayon din pinatay niya ang kanyang sarili ng kanyang sariling espada at namatay nagmagkasama.
And his armor-bearer saw that Saul was dead, and he fell also himself upon his sword, and died with him.
6 Kaya namatay si Saul, ang kanyang tatlong anak na lalaki, at kanyang tagadala ng baluti— sama-samang namatay ang mga kalalakihang ito nang araw na iyon.
So Saul died, and his three sons, and his armor-bearer, in that day together.
7 Habang nasa kabilang bahagi ng lambak ang mga kalalakihan ng Israel, at sa mga nasa ibayo ng Jordan, nakita nila na nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel, at nang si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay patay na, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas, at dumating ang mga Filisteo at nanirahan sa lugar nila.
And the men of Israel who were on the other side of the valley, and those beyond Jordan, saw that the men of Israel fled, and that Saul and his sons were dead; and they leave their cities and flee: and the Philistines come and dwell in them.
8 Dumating ang sumunod na araw, nang dumating ang mga Filisteo upang tanggalin ang mga patay, na nakita nila si Saul at ang kanyang tatlong anak na lalaki na patay na sa Bundok Gilboa.
And it came to pass on the morrow that the Philistines come to strip the dead, and they find Saul and his three sons fallen on the mountains of Gelbue.
9 Pinutol nila ang kanyang ulo at tinanggal ang kanyang mga pananggang baluti, at nagpadala ng mga mensahero sa lupain ng mga Filisteo sa lahat ng dako upang dalhin ang balita sa kanilang diyus-diyosan sa templo at sa mga tao.
And they turned him, and stripped off his armor, and sent it into the land of the Philistines, sending round glad tidings to their idols and to the people.
10 Inilagay nila ang kanyang baluti sa loob ng templo ni Astare, at ang kanilang itinali ang kanyang katawan sa pader ng lungsod sa Bethsan.
And they set up his armor at the temple of Astarte, and they fastened his body on the wall of Baethsam.
11 Nang nabalitaan ng mga nakatira sa Jabes Galaad kung ano ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
And the inhabitants of Jabis Galaad hear what the Philistines did to Saul.
12 tumayo ang lahat ng mandirigmang mga kalalakihan at lumakad ng magdamag at kinuha ang katawan ni Saul at ang mga katawan ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng Bethsan. Pumunta sila sa Jabesh at doon nila sinunog ang mga ito.
And they rose up, [even] every man of might, and marched all night, and took the body of Saul and the body of Jonathan his son from the wall of Baethsam; and they bring them to Jabis, and burn them there.
13 Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.
And they take their bones, and bury them in the field that is in Jabis, and fast seven days.

< 1 Samuel 31 >