< 1 Samuel 3 >

1 Naglingkod kay Yahweh ang batang si Samuel na nakapailalim kay Eli. Madalang ang mga salita ni Yahweh sa mga panahong iyon; walang madalas na pangitain.
童子撒母耳在以利面前事奉耶和华。当那些日子,耶和华的言语稀少,不常有默示。
2 Sa panahong iyon, nang si Eli, na ang paningin ay nagsimulang lumabo kaya hindi na siya makakita nang mabuti, ay nakahiga sa kanyang sariling higaan.
一日,以利睡卧在自己的地方;他眼目昏花,看不分明。
3 Hindi pa namamatay ang ilawan ng Diyos, at nakahiga si Samuel upang matulog sa bahay ni Yahweh, kung saan naroon ang kaban ng Diyos.
神的灯在 神耶和华殿内约柜那里,还没有熄灭,撒母耳已经睡了。
4 Tumawag si Yahweh kay Samuel, na nagsabing, “Narito ako.”
耶和华呼唤撒母耳。撒母耳说:“我在这里!”
5 Tumakbo si Samuel kay Eli at sinabing, “Narito ako, dahil tinawag mo ako.” Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinawag; humiga ka ulit.” Umalis si Samuel at humiga.
就跑到以利那里,说:“你呼唤我?我在这里。”以利回答说:“我没有呼唤你,你去睡吧。”他就去睡了。
6 Tumawag muli si Yahweh, “Samuel.” Bumangon muli si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, “Narito ako, dahil tinawag mo ako.” Sumagot si Eli, “Hindi kita tinawag, aking anak; humiga ka muli.”
耶和华又呼唤撒母耳。撒母耳起来,到以利那里,说:“你呼唤我?我在这里。”以利回答说:“我的儿,我没有呼唤你,你去睡吧。”
7 Ngayon wala pang anumang karanasan si Samuel kay Yahweh, ni nagkaroon ng anumang mensahe mula kay Yahweh na naibunhayag sa kanya.
那时撒母耳还未认识耶和华,也未得耶和华的默示。
8 Tinawag muli ni Yahweh si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Muling bumangon si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, “Narito ako, sapagka't tinawag mo ako.” Pagkatapos napagtanto ni Eli na tinawag ni Yahweh ang bata.
耶和华第三次呼唤撒母耳。撒母耳起来,到以利那里,说:“你又呼唤我?我在这里。”以利才明白是耶和华呼唤童子。
9 Pagkatapos sinabi ni Eli kay Samuel, “Umalis ka at humigang muli; kung tatawagin ka niya muli, dapat mong sabihin, 'Magsalita ka, Yahweh, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.''' Kaya umalis si Samuel at minsan pang humiga sa kanyang sariling lugar.
因此以利对撒母耳说:“你仍去睡吧;若再呼唤你,你就说:‘耶和华啊,请说,仆人敬听!’”撒母耳就去,仍睡在原处。
10 Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, “Samuel, Samuel.” Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.”
耶和华又来站着,像前三次呼唤说:“撒母耳啊!撒母耳啊!”撒母耳回答说:“请说,仆人敬听!”
11 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Tingnan mo, gagawa akong ng isang bagay sa Israel kung saan manginginig ang mga tainga ng lahat ng makakarinig nito.
耶和华对撒母耳说:“我在以色列中必行一件事,叫听见的人都必耳鸣。
12 Sa araw na iyon tutuparin ko ang lahat ng bagay na aking sinabi kay Eli tungkol sa kanyang bahay, mula simula hanggang sa katapusan.
我指着以利家所说的话,到了时候,我必始终应验在以利身上。
13 Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan.
我曾告诉他必永远降罚与他的家,因他知道儿子作孽,自招咒诅,却不禁止他们。
14 Dahil dito naipangako ko sa sambahayan ni Eli na ang mga kasalanan ng kanyang sambahayan ay hindi kailanman mapapawi sa pamamagitan ng alay o handog.”
所以我向以利家起誓说:‘以利家的罪孽,虽献祭奉礼物,永不能得赎去。’”
15 Nakahiga si Samuel hanggang umaga; pagkatapos binuksan niya ang mga pintuan ng bahay ni Yahweh. Ngunit natakot si Samuel na sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.
撒母耳睡到天亮,就开了耶和华的殿门,不敢将默示告诉以利。
16 Pagkatapos tinawag ni Eli si Samuel at sinabing, “Samuel, anak ko.” Sinabi ni Samuel, “Narito ako.”
以利呼唤撒母耳说:“我儿撒母耳啊!”撒母耳回答说:“我在这里!”
17 Sinabi niya, “Ano ang salitang kanyang sinabi sa iyo? Pakiusap huwag mo itong itago mula sa akin. Gawin nawa sa iyo ng Diyos, at higit pa, kung itatago mo ang anumang bagay mula sa akin anuman sa lahat ng salitang sinabi niya sa iyo.”
以利说:“耶和华对你说什么,你不要向我隐瞒;你若将 神对你所说的隐瞒一句,愿他重重地降罚与你。”
18 Sinabi ni Samuel sa kanya ang lahat; wala siyang tinago mula sa kanya. Sinabi ni Eli, “Si Yahweh iyon. Hayaan mong gawin niya anuman ang sa tingin niya ay mabuti sa kanya.”
撒母耳就把一切话都告诉了以利,并没有隐瞒。以利说:“这是出于耶和华,愿他凭自己的意旨而行。”
19 Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo.
撒母耳长大了,耶和华与他同在,使他所说的话一句都不落空。
20 Nalaman ng buong Israel mula Dan hanggang Beer-seba na hinirang si Samuel upang maging isang propeta ni Yahweh.
从但到别是巴所有的以色列人都知道耶和华立撒母耳为先知。
21 Nagpakita muli si Yahweh sa Shilo, sapagka't ibinunyag niya ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng kanyang salita.
耶和华又在示罗显现;因为耶和华将自己的话默示撒母耳,撒母耳就把这话传遍以色列地。

< 1 Samuel 3 >