< 1 Samuel 25 >

1 Ngayon namatay na si Samuel. Sama-samang nagtipon ang lahat ng Israelita at nagluksa para sa kanya, at inilibing nila siya sa kanyang bahay sa Rama. Pagkatapos tumayo at bumaba si David sa desyerto ng Paran.
撒母耳死了,以色列眾人聚集,為他哀哭,將他葬在拉瑪-他自己的墳墓裏。 大衛起身,下到巴蘭的曠野。
2 Mayroong isang lalaki sa Maon, na may mga pag-aari sa Carmel. Napakayaman ng lalaki. Mayroon siyang tatlong libong tupa at isang libong kambing. Naggugupit siya ng kanyang tupa sa Carmel.
在瑪雲有一個人,他的產業在迦密,是一個大富戶,有三千綿羊,一千山羊;他正在迦密剪羊毛。
3 Nabal ang pangalan ng lalaki, at ang pangalan ng kanyang asawa ay Abigail. Matalino at may kahali-halinang anyo ang babae. Pero malupit at masama ang lalaki sa kanyang pakikitungo. Isa siyang kaapu-apuhan sa sambahayan ni Caleb.
那人名叫拿八,是迦勒族的人;他的妻名叫亞比該,是聰明俊美的婦人。拿八為人剛愎凶惡。
4 Narinig ni David sa ilang na si Nabal ay naggugupit ng kanyang tupa.
大衛在曠野聽見說拿八剪羊毛,
5 Kaya nagpadala ng sampung kalalakihan si David. Sinabi ni David sa binatang kalalakihan. “Umakyat sa Carmel, pumunta kay Nabal, at batiin siya sa aking pangalan.
大衛就打發十個僕人,吩咐他們說:「你們上迦密去見拿八,提我的名問他安。
6 Sasabihin ninyo sa kanya 'Mamuhay sa karangyaan. Kapayapaan para sa iyo at kapayapaan sa iyong bahay, at kapayapaan sa lahat ng mayroon ka.
要對那富戶如此說:『願你平安,願你家平安,願你一切所有的都平安。
7 Narinig ko na mayroon kang mga manggugupit. Nasa amin ang iyong mga pastol, at hindi namin sila sinaktan at walang nawala sa kanila sa buong panahon na sila ay nasa Carmel.
現在我聽說有人為你剪羊毛,你的牧人在迦密的時候和我們在一處,我們沒有欺負他們,他們也未曾失落甚麼。
8 Tanungin ang iyong kabataang kalalakihan, at sasabihin nila sa iyo. Ngayon hayaang makasumpong ng biyaya ang binatang kalalakihan sa iyong mga mata, dahil pupunta kami sa araw ng isang pagdiriwang. Pakiusap magbigay ka anuman ang mayroon ka sa iyong kamay sa iyong mga lingkod at sa iyong anak na lalaking si David.”'
可以問你的僕人,他們必告訴你。所以願我的僕人在你眼前蒙恩,因為是在好日子來的。求你隨手取點賜與僕人和你兒子大衛。』」
9 Nang dumating ang mga kabataang kalalakihan ni David, sinabi nila itong lahat kay Nabal sa ngalan ni David at pagkatapos naghintay.
大衛的僕人到了,將這話提大衛的名都告訴了拿八,就住了口。
10 Sumagot si Nabal sa mga lingkod ni David, “Sino si David? At sino ang anak na lalaki ni Jesse? Maraming mga lingkod sa araw na ito ang sumusuway sa kanilang mga amo.
拿八回答大衛的僕人說:「大衛是誰?耶西的兒子是誰?近來悖逆主人奔逃的僕人甚多,
11 Kailangan ko bang kunin ang aking tinapay, aking tubig at aking karne na kinatay ko para sa aking mga manggugupit at ibigay ito sa kalalakihang dumating mula sa hindi ko alam kung saan nanggaling?”
我豈可將飲食和為我剪羊毛人所宰的肉給我不知道從哪裏來的人呢?」
12 Kaya umalis at bumalik ang kabataang kalalakihan ni David, at sinabi sa kanya ang lahat nang bagay na sinabi.
大衛的僕人就轉身從原路回去,照這話告訴大衛。
13 Sinabi ni David sa kanyang tauhan, “Itali nang bawat lalaki ang kanyang espada.” At itinali ng bawat lalaki ang kanyang espada. Itinali rin ni David ang kanyang espada. Halos apat na daang kalalakihan ang sumunod kay David, at naiwan ang dalawang daan sa dala-dalahan.
大衛向跟隨他的人說:「你們各人都要帶上刀!」眾人就都帶上刀,大衛也帶上刀。跟隨大衛上去的約有四百人,留下二百人看守器具。
14 Pero sinabihan ng isa sa kabataang kalalakihan si Abigail, asawa ni Nabal; sinabi niya, “Nagpadala si David ng mga mensahero sa labas ng ilang upang batiin ang ating amo, at ininsulto niya sila.
有拿八的一個僕人告訴拿八的妻亞比該說:「大衛從曠野打發使者來問我主人的安,主人卻辱罵他們。
15 Yamang napakabait ng kalalakihan sa atin. Hindi tayo sinaktan at walang anumang bagay na nawala sa atin hanggat kasama natin sila nang nasa mga bukirin tayo.
但是那些人待我們甚好;我們在田野與他們來往的時候,沒有受他們的欺負,也未曾失落甚麼。
16 Isang pader sila sa atin sa araw man o sa gabi, kasama namin sila sa pagbabantay ng mga tupa.
我們在他們那裏牧羊的時候,他們晝夜作我們的保障。
17 Samakatuwid alamin ito at isaalang-alang kung ano ang iyong magagawa, sapagka't may balak na kasamaan laban sa ating amo, at laban sa kanyang buong sambahayan. Siya ay napakasamang tao na walang isa na makapagdahilan sa kanya.”
所以你當籌劃,看怎樣行才好;不然,禍患定要臨到我主人和他全家。他性情凶暴,無人敢與他說話。」
18 Pagkatapos nagmadali si Abigail at kumuha ng dalawang daang tinapay, dalawang boteng alak, limang tupang nakahanda na, limang sukob ng sinangag na butil, isang daang tungkos ng pasas, at dalawang daang mamon ng igos at ikinarga ang mga ito sa mga asno.
亞比該急忙將二百餅,兩皮袋酒,五隻收拾好了的羊,五細亞烘好了的穗子,一百葡萄餅,二百無花果餅,都馱在驢上,
19 Sinabi niya sa kanyang kabataang kalalakihan, “Mauna kayo sa akin at susunod ako sa inyo.” Ngunit hindi niya sinabihan ang kanyang asawang si Nabal.
對僕人說:「你們前頭走,我隨着你們去。」這事她卻沒有告訴丈夫拿八。
20 Habang nakasakay siya sa kanyang asno at bumaba sa pamamagitan ng bundok, bumaba si David at kanyang tauhan papunta sa kanya at sinalubong niya sila.
亞比該騎着驢,正下山坡,見大衛和跟隨他的人從對面下來,亞比該就迎接他們。
21 Ngayon sinabi ni David, “Tiyak na walang kabuluhan ang lahat ng pagbabantay ko sa lahat ng mayroon ang taong ito sa ilang, kaya wala ni isang nawawala na lahat ng nasa kanya, at ibinalik niya sa akin ang masama para sa mabuti.
大衛曾說:「我在曠野為那人看守所有的,以致他一樣不失落,實在是徒然了!他向我以惡報善。
22 Nawa gawin ng Diyos ito sa akin, David, at marami pa, kung sa umaga wala akong ititirang isang lalaki sa lahat na nasa kanya.”
凡屬拿八的男丁,我若留一個到明日早晨,願上帝重重降罰與我!」
23 Nang nakita ni Abigail si David, nagmadali siyang bumaba mula sa kanyang asno at lumuhod sa harapan ni David at nagpatirapa sa kanyang sarili sa lupa.
亞比該見大衛,便急忙下驢,在大衛面前臉伏於地叩拜,
24 Lumuhod siya sa kanyang paa at sinabi, “Ako lang mag-isa, aking panginoon, na mayroong pagkakasala. Pakiusap hayaan mong kausapin ka ng iyong lingkod, at makinig sa mga salita ng iyong lingkod.
俯伏在大衛的腳前,說:「我主啊,願這罪歸我!求你容婢女向你進言,更求你聽婢女的話。
25 Huwag mong hayaan aking panginoon na pansinin ang walang halangang taong ito, Nabal ang kanyang pangalan, at ang kahangalan ay nasa kanya. Ngunit ako na iyong lingkod ay hindi nakita ang kabataang kalalakihan ng aking panginoon, na iyong ipinadala.
我主不要理這壞人拿八,他的性情與他的名相稱;他名叫拿八,他為人果然愚頑。但我主所打發的僕人,婢女並沒有看見。
26 Pagkatapos ngayon, aking panginoon, habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, buhat ng pinigilan ka ni Yahweh mula sa pagdaloy ng dugo, at mula sa paghihiganti ng iyong sarili sa sariling mong kamay, ngayon hayaan mo ang iyong mga kaaway, at sa mga naghahanap gumawa ng kasamaan sa aking panginoon, ay magiging kagaya ni Nabal.
我主啊,耶和華既然阻止你親手報仇,取流血的罪,所以我指着永生的耶和華、又敢在你面前起誓說:『願你的仇敵和謀害你的人都像拿八一樣。』
27 At ngayon, hayaan sanang madala ng iyong lingkod ang regalong ito para sa aking panginoon, hayaang ibigay ito sa kabataang kalalakihan na sumunod sa aking panginoon.
如今求你將婢女送來的禮物給跟隨你的僕人。
28 Pakiusap patawarin ang pagkakasala ng iyong lingkod, dahil tiyak na gagawan ni Yahweh ang aking panginoon ng isang bahay, dahil nakikipaglaban ang aking panginoon sa labanan ni Yahweh, at hindi makikita ang kasamaan sa iyo habang nabubuhay ka.
求你饒恕婢女的罪過。耶和華必為我主建立堅固的家,因我主為耶和華爭戰;並且在你平生的日子查不出有甚麼過來。
29 At kahit na tugisin ka ng mga kalalakihan para kunin ang iyong buhay, gayon pa man ang buhay ng aking panginoon ay matatali sa mga nabubuhay sa pamamagitan ni Yahweh na inyong Diyos, at aalisin niya ang mga buhay ng iyong mga kaaway, gaya ng nasa bulsa ng isang tirador.
雖有人起來追逼你,尋索你的性命,你的性命卻在耶和華-你的上帝那裏蒙保護,如包裹寶器一樣;你仇敵的性命,耶和華必拋去,如用機弦甩石一樣。
30 At mangyari ito, nang matapos gawin ni Yahweh ang lahat ng mabuting mga bagay para sa aking panginoon na kanyang ipinangako sa iyo, at nang ginawa ka niyang pinuno sa buong Israel,
我主現在若不親手報仇流無辜人的血,到了耶和華照所應許你的話賜福與你,立你作以色列的王,那時我主必不致心裏不安,覺得良心有虧。耶和華賜福與我主的時候,求你記念婢女。」
31 hindi magiging pahirap ang bagay na ito sa iyo, ni masasaktan ang aking panginoon, dahil hindi mo ibinuhos ang iyong dugo ng walang dahilan, at hindi mo ipinaghiganti ang iyong sarili. At kapag nagdala ng tagumpay si Yahweh sa aking panginoon, alalahanin mo ang iyong lingkod.”
32 Sinabi ni David kay Abigail, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, na pinagpala, ang siyang nagpadala sa iyo upang makipagkita sa akin sa araw na ito.
大衛對亞比該說:「耶和華-以色列的上帝是應當稱頌的,因為他今日使你來迎接我。
33 At ang iyong kaalaman ay pinagpala, at pinagpala ka, dahil pinanatili mo ako sa araw na ito mula sa pagkakasala sa pagdanak ng dugo at mula sa paghihiganti ko para sa aking sariling gamit ang aking kamay.
你和你的見識也當稱讚;因為你今日攔阻我親手報仇、流人的血。
34 Para sa katotohanan, ayon kay Yahweh, ang Diyos ng Israelm ma nabubuhay, na pinigilan ako na saktan ka, maliban lamang kung nagmadali ka para makipagkita sa akin, tiyak na walang matitira kay Nabal kahit isang sanggol na lalaki kinaumagahan.”
我指着阻止我加害於你的耶和華-以色列永生的上帝起誓,你若不速速地來迎接我,到明日早晨,凡屬拿八的男丁必定不留一個。」
35 Kaya tinanggap ni David mula sa kanyang kamay kung ano ang kanyang dinala sa kanya, sinabi niya sa kanya, “Umakyat ka ng may kapayapaan sa iyong bahay; tingnan mo, nakinig ako sa iyong boses at tinanggap kita.”
大衛受了亞比該送來的禮物,就對她說:「我聽了你的話,准了你的情面,你可以平平安安地回家吧!」
36 Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway.
亞比該到拿八那裏,見他在家裏設擺筵席,如同王的筵席;拿八快樂大醉。亞比該無論大小事都沒有告訴他,就等到次日早晨。
37 At nangyari kinaumagahan, nang hindi na lasing si Nabal, na sinabi ng kanyang asawa sa kanya ang mga bagay na ito, inatake siya sa puso, at naging tulad siya ng isang bato.
到了早晨,拿八醒了酒,他的妻將這些事都告訴他,他就魂不附體,身僵如石頭一般。
38 At dumating matapos ang sampung araw na sinalakay ni Yahweh si Nabal kaya namatay siya.
過了十天,耶和華擊打拿八,他就死了。
39 At nang narinig ni David na namatay na si Nabal, sinabi niya, “Nawa pagpalain si Yahweh, na siyang kumuha ng dahilan ng pang-iinsulto sa akin mula sa kamay ni Nabal, at sa pag-iingat ng kanyang lingkod mula sa kasamaan. At ibinalik niya ang masamang kilos ni Nabal sa kanyang sarili.” Pagkatapos nagpadala si David ng mga lingkod at kinausap si Abigail, para kunin siya bilang kaniyang asawa.
大衛聽見拿八死了,就說:「應當稱頌耶和華,因他伸了拿八羞辱我的冤,又阻止僕人行惡;也使拿八的惡歸到拿八的頭上。」於是大衛打發人去,與亞比該說,要娶她為妻。
40 Nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmel, nakipag-usap sila sa kanya at sinabi, “Ipinadala kami ni David sa iyo upang kunin ka para sa kaniya bilang kanyang asawa.”
大衛的僕人到了迦密見亞比該,對她說:「大衛打發我們來見你,想要娶你為妻。」
41 Tumayo siya, niyuko ang kanyang sarili kasama ang kanyang mukha sa lupa, at sinabi, “Tingnan ninyo, ang iyong lingkod na babae ay isang lingkod para maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon.”
亞比該就起來,俯伏在地,說:「我情願作婢女,洗我主僕人的腳。」
42 Nagmadali si Abigail at tumayo, at sumakay sa isang asno na may limang lingkod na babae na sumunod sa kanya, at sumunod siya sa mga mensahero ni David at naging kanyang asawa.
亞比該立刻起身,騎上驢,帶着五個使女,跟從大衛的使者去了,就作了大衛的妻。
43 Kinuha rin ni David si Ahinoam ng Jezreel bilang isang asawa, kapwa sila ay naging kanyang mga asawa.
大衛先娶了耶斯列人亞希暖,她們二人都作了他的妻。
44 Ngayon ibinigay ni Saul si Mical na kanyang anak na babae, asawa ni David, kay Palti anak ni Lais, na nasa Gallim.
掃羅已將他的女兒米甲,就是大衛的妻,給了迦琳人拉億的兒子帕提為妻。

< 1 Samuel 25 >