< 1 Samuel 24 >

1 Nang bumalik si Saul mula sa pagtugis sa mga Filisteo, sinabihan siya, “Si David ay nasa desyerto ng Engedi.”
Cumque reversus esset Saul, postquam persecutus est Philisthæos, nuntiaverunt ei, dicentes: Ecce David in deserto est Engaddi.
2 Pagkatapos kumuha si Saul ng tatlong libong piling kalalakihan mula sa buong Israel at umalis para hanapin si David at kanyang mga tauhan sa mga Bato ng mga Ligaw na Kambing.
Assumens ergo Saul tria millia electorum virorum ex omni Israël, perrexit ad investigandum David et viros ejus, etiam super abruptissimas petras, quæ solis ibicibus perviæ sunt.
3 Dumating siya sa tabi ng kulungan ng mga tupa, na kung saan may isang kuweba. Pumasok si Saul sa loob upang paginhawahin ang kanyang sarili.
Et venit ad caulas ovium, quæ se offerebant vianti: eratque ibi spelunca, quam ingressus est Saul ut purgaret ventrem: porro David et viri ejus in interiore parte speluncæ latebant.
4 Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Ito ang araw na sinabi ni Yahweh na sinabi niya sa iyo, 'Ibibigay ko sa iyong kamay ang iyong kaaway, upang gawin mo ang nais mong gawin sa kanya.”' Pagkatapos umakyat si David at tahimik na gumapang pasulong at pinutol ang gilid ng balabal ni Saul.
Et dixerunt servi David ad eum: Ecce dies de qua locutus est Dominus ad te: Ego tradam tibi inimicum tuum, ut facias ei sicut placuerit in oculis tuis. Surrexit ergo David, et præcidit oram chlamydis Saul silenter.
5 Pagkatapos bumigat ang damdamin ni David dahil pinutol niya ang gilid ng balabal ni Saul.
Post hæc percussit cor suum David, eo quod abscidisset oram chlamydis Saul.
6 Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Huwag nawang ipahintulot ni Yahweh na gawin ko ang bagay na ito sa aking panginoon, na hinirang ni Yahweh, para iunat ko ang aking kamay laban sa kanya, sapagkat hinirang siya ni Yahweh.”
Dixitque ad viros suos: Propitius sit mihi Dominus, ne faciam hanc rem domino meo, christo Domini, ut mittam manum meam in eum: quia christus Domini est.
7 Kaya pinagsabihan ni David ang kanyang mga tauhan ng mga salitang ito, at hindi sila pinahintulutang salakayin si Saul. Tumayo si Saul, iniwan ang kuweba, at umalis.
Et confregit David viros suos sermonibus, et non permisit eos ut consurgerent in Saul: porro Saul exsurgens de spelunca, pergebat cœpto itinere.
8 Pagkatapos, tumayo rin si David, iniwan ang kuweba, at tinawag si Saul: “Aking panginoong hari.” Nang tumingin si Saul sa kanyang likuran, nagpatirapa si David sa lupa at nagpakita sa kanya ng paggalang.
Surrexit autem et David post eum: et egressus de spelunca, clamavit post tergum Saul, dicens: Domine mi rex. Et respexit Saul post se: et inclinans se David pronus in terram adoravit,
9 Sinabi ni David kay Saul, “Bakit ka nakikinig sa mga kalalakihan na nagsabing, “Tingnan mo, gusto kang saktan ni David?'
dixitque ad Saul: Quare audis verba hominum loquentium: David quærit malum adversum te?
10 Ngayon nakita ng iyong mga mata kung paano ka inilagay ni Yahweh sa aking kamay nang nasa kuweba pa tayo. Sinabi ng ilan sa akin na patayin kita, ngunit kinaawaan kita. Sinabi ko, 'Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; dahil hinirang siya ni Yahweh.'
Ecce hodie viderunt oculi tui quod tradiderit te Dominus in manu mea in spelunca: et cogitavi ut occiderem te, sed pepercit tibi oculus meus: dixi enim: Non extendam manum meam in dominum meum, quia christus Domini est.
11 Tingnan mo, aking ama, tingnan mo ang gilid ng iyong balabal sa aking kamay. Sapagkat ang katotohanan kung bakit ko pinutol ang gilid ng iyong balabal at hindi kita pinatay, para malaman mo at makita mo na walang masama o pagtataksil sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, kahit na tinutugis mo ang aking buhay para makuha.
Quin potius pater mi, vide, et cognosce oram chlamydis tuæ in manu mea: quoniam cum præscinderem summitatem chlamydis tuæ, nolui extendere manum meam in te: animadverte, et vide, quoniam non est in manu mea malum, neque iniquitas, neque peccavi in te: tu autem insidiaris animæ meæ ut auferas eam.
12 Nawa'y humatol si Yahweh sa pagitan mo at sa akin, at nawa'y si Yahweh ang maghiganti para sa akin laban sa iyo, ngunit hindi magiging laban sa iyo ang kamay ko.
Judicet Dominus inter me et te, et ulciscatur me Dominus ex te: manus autem mea non sit in te.
13 Gaya ng sinabi ng lumang kasabihan, 'Mula sa makasalanan lumalabas ang kasamaan.' Ngunit hindi magiging laban sa iyo ang kamay ko.
Sicut et in proverbio antiquo dicitur: Ab impiis egredietur impietas: manus ergo mea non sit in te.
14 Mula kanino sumunod ang hari ng Israel? Mula kanino ka humahabol? Sa isang patay na aso! Sa isang pulgas!
Quem persequeris, rex Israël? quem persequeris? canem mortuum persequeris, et pulicem unum.
15 Nawa'y maging hukom si Yahweh at magbigay ng hatol sa pagitan natin, at tiyakin, at ipakiusap ang layunin ko at pahintulutan akong makatakas mula sa iyong kamay.”
Sit Dominus judex, et judicet inter me et te: et videat, et judicet causam meam, et eruat me de manu tua.
16 Nang matapos sabihin ni David ang mga salitang ito kay Saul, Sinabi ni Saul, “Boses mo ba ito, David, aking anak?” Nagtaas ng kanyang boses si Saul at umiyak.
Cum autem complesset David loquens sermones hujuscemodi ad Saul, dixit Saul: Numquid vox hæc tua est, fili mi David? Et levavit Saul vocem suam, et flevit:
17 Sinabi niya kay David, “Mas matuwid ka kaysa sa akin. Dahil sinuklian mo ako nang mabuti, kung saan sinuklian kita ng kasamaan.
dixitque ad David: Justior tu es quam ego: tu enim tribuisti mihi bona, ego autem reddidi tibi mala.
18 Ipinahayag mo ngayong araw na ito kung paano ka gumawa nang mabuti sa akin, dahil hindi mo ako pinatay nang nilagay ako ni Yahweh sa iyong habag.
Et tu indicasti hodie quæ feceris mihi bona: quomodo tradiderit me Dominus in manum tuam, et non occideris me.
19 Dahil kung matatagpuan ng isang tao ang kanyang kaaway, hahayaan ba niya siyang umalis ito nang ligtas? Nawa'y gantimpalaan ka ni Yahweh ng mabuti para sa nagawa mo sa akin ngayon.
Quis enim cum invenerit inimicum suum, dimittet eum in via bona? sed Dominus reddat tibi vicissitudinem hanc pro eo quod hodie operatus es in me.
20 Ngayon alam kong tiyak na magiging tapat na hari ka at itatatag ang kaharian ng Israel sa iyong kamay.
Et nunc quia scio quod certissime regnaturus sis, et habiturus in manu tua regnum Israël:
21 Ipangako mo sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na hindi mo puputulin ang aking mga kaapu-apuhan kasunod ko, at hindi mo sisirain ang aking pangalan sa bahay ng aking ama.”
jura mihi in Domino, ne deleas semen meum post me, neque auferas nomen meum de domo patris mei.
22 Kaya gumawa si David ng isang panunumpa kay Saul. Pagkatapos umuwi si Saul, pero umakyat sina David at kanyang mga tauhan sa matibay na tanggulan.
Et juravit David Sauli. Abiit ergo Saul in domum suam: et David et viri ejus ascenderunt ad tutiora loca.

< 1 Samuel 24 >