< 1 Samuel 23 >

1 Sinabihan nila si David, “Tingnan mo, nakikipaglaban ang mga Filisteo laban sa Keila at ninakaw nilavang mga giikang sahig.”
有人告訴大衛說:「非利士人攻擊基伊拉,搶奪禾場。」
2 Kaya nanalangin si David kay Yahweh para sa tulong, at tinanong niya siya, “Dapat ba akong pumunta at salakayin ang mga Filisteong ito?” Sinabi ni Yahweh kay David, “Pumunta ka at salakayin ang mga Filisteo at iligtas ang Keila.”
所以大衛求問耶和華說:「我去攻打那些非利士人可以不可以?」耶和華對大衛說:「你可以去攻打非利士人,拯救基伊拉。」
3 Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Tingnan mo, natatakot kami dito sa Juda. Ano pa kaya kung pupunta tayo sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo?”
跟隨大衛的人對他說:「我們在猶大地這裏尚且懼怕,何況往基伊拉去攻打非利士人的軍旅呢?」
4 Pagkatapos nanalangin pang muli si David kay Yahweh para sa tulong. Sinagot siya ni Yahweh, “Tumayo ka, bumaba ka sa Keila. Dahil bibigyan kita ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
大衛又求問耶和華。耶和華回答說:「你起身下基伊拉去,我必將非利士人交在你手裏。」
5 Pumunta sina David at mga tauhan niya sa Keila at nakipaglaban sa mga Filisteo. Tinangay nila ang kanilang mga baka at sinalakay nila sila ng may matinding patayan. Kaya iniligtas ni David ang mga naninirahan sa Keila.
大衛和跟隨他的人往基伊拉去,與非利士人打仗,大大殺敗他們,又奪獲他們的牲畜。這樣,大衛救了基伊拉的居民。
6 Nang nakatakas papunta kay David si Abiatar na anak na lalaki ni Ahimelech sa Keila, bumaba siya na may isang epod sa kanyang kamay.
亞希米勒的兒子亞比亞他逃到基伊拉見大衛的時候,手裏拿着以弗得。
7 Sinabihan si Saul na pumunta si David sa Keila. Sinabi ni Saul, “Ibinigay siya ng Diyos sa aking kamay. Dahil nakulong siya sapagkat pumasok siya sa isang lungsod na may mga tarangkahan at mga rehas.”
有人告訴掃羅說:「大衛到了基伊拉。」掃羅說:「他進了有門有閂的城,困閉在裏頭;這是上帝將他交在我手裏了。」
8 Ipinatawag ni Saul ang lahat ng kanyang hukbo para sa labanan, para bumaba sa Keila, upang lusubin si David at kanyang mga tauhan.
於是掃羅招聚眾民,要下去攻打基伊拉城,圍困大衛和跟隨他的人。
9 Nalaman ni David na may masamang balak si Saul laban sa kanya. Sinabi niya kay Abiatar na pari, “Dalhin mo rito ang epod.”
大衛知道掃羅設計謀害他,就對祭司亞比亞他說:「將以弗得拿過來。」
10 Pagkatapos sinabi ni David, “Yahweh, ang Diyos ng Israel, tunay nga na narinig ng iyong lingkod na hinangad ni Saul na pumunta sa Keila, upang wasakin ang lungsod alang-alang sa akin.
大衛禱告說:「耶和華-以色列的上帝啊,你僕人聽真了掃羅要往基伊拉來,為我的緣故滅城。
11 Maaari bang hulihin ako ng mga kalalakihan ng Keila at isusuko ako sa kanyang kamay? Maaari bang bumaba si Saul, gaya ng narinig ng iyong lingkod? Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagmamakaawa ako sa iyo, pakiusap sabihan mo ang iyong lingkod.” Sinabi ni Yahweh, “Bababa siya.”
基伊拉人將我交在掃羅手裏不交?掃羅照着你僕人所聽的話下來不下來?耶和華-以色列的上帝啊,求你指示僕人!」耶和華說:「掃羅必下來。」
12 Pagkatapos sinabi ni David, “Isusuko ba ako ng mga kalalakihan ng Keila at ang aking mga tauhan sa kamay ni Saul?” Sinabi ni Yahweh, “Isusuko ka nila.”
大衛又說:「基伊拉人將我和跟隨我的人交在掃羅手裏不交?」耶和華說:「必交出來。」
13 Pagkatapos bumangon si David at ang kanyang halos anim na raang mga tauhan at umalis mula sa Keila, at pumunta sila mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sinabihan si Saul na nakatakas si David mula sa Keila, at tumigil siya sa pagtugis.
大衛和跟隨他的約有六百人,就起身出了基伊拉,往他們所能往的地方去。有人告訴掃羅,大衛離開基伊拉逃走;於是掃羅不出來了。
14 Nanatili si David sa matibay na mga tanggulan sa ilang, sa maburol na lugar sa ilang ng Zip. Hinahanap siya ni Saul araw-araw, ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos sa kanyang kamay.
大衛住在曠野的山寨裏,常在西弗曠野的山地。掃羅天天尋索大衛,上帝卻不將大衛交在他手裏。
15 Nakita ni David na paparating si Saul para kunin ang kanyang buhay; ngayon nasa ilang ng Zip sa Hores si David.
大衛知道掃羅出來尋索他的命。那時,他住在西弗曠野的樹林裏;
16 Sa gayon bumangon at pinuntahan ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul si David sa Hores, at pinalakas ang kanyang kamay sa Diyos.
掃羅的兒子約拿單起身,往那樹林裏去見大衛,使他倚靠上帝得以堅固,
17 Sinabi niya sa kanya, “Huwag kang matakot. Dahil hindi ka mahahanap ng kamay ni Saul na aking ama. Magiging hari ka sa Israel, at ako ang susunod sa iyo. Alam din ito ni Saul na aking ama.”
對他說:「不要懼怕!我父掃羅的手必不加害於你;你必作以色列的王,我也作你的宰相。這事我父掃羅知道了。」
18 Gumawa sila ng isang kasunduan sa harap ni Yahweh. Nanatili si David sa Hores, at umuwi si Jonatan sa kanyang tahanan.
於是二人在耶和華面前立約。大衛仍住在樹林裏,約拿單回家去了。
19 Pagkatapos pumunta ang mga lahi ni Zip kay Saul sa Gibea at sinabing, “Hindi ba nagtatago si David sa matibay na tanggulan sa Hores, sa kaburulan ng Haquila, na nasa timog ng Jesimon?
西弗人上到基比亞見掃羅,說:「大衛不是在我們那裏的樹林裏山寨中、曠野南邊的哈基拉山藏着嗎?
20 Ngayon, bumaba ka, hari! Ayon sa iyong ninanais, bumaba ka! Tungkulin naming isuko siya sa kamay ng hari.”
王啊,請你隨你的心願下來,我們必親自將他交在王的手裏。」
21 Sinabi ni Saul, “Pagpalain nawa kayo ni Yahweh. Dahil nahabag kayo sa akin.
掃羅說:「願耶和華賜福與你們,因你們顧恤我。
22 Umalis kayo, at siguraduhing mabuti. Pag-aralan at alamin kung saang lugar siya nagtatago at kung sino ang nakakita sa kanya roon. Sinabi ito sa akin na napakatuso niya.
請你們回去,再確實查明他的住處和行蹤,是誰看見他在那裏,因為我聽見人說他甚狡猾。
23 Kaya tingnan ninyo, at alamin ang lahat ng lugar kung saan mismo siya nagtatago. Bumalik kayo sa akin na may tiyak na kaalaman, at pagkatapos babalik ako kasama ninyo. Kung nasa lupain siya, hahanapin ko siya kasama ang lahat ng libu-libo ng Juda.”
所以要看準他藏匿的地方,回來據實地告訴我,我就與你們同去。他若在猶大的境內,我必從千門萬戶中搜出他來。」
24 Pagkatapos nauna silang umakyat kay Saul sa Zip. Ngayon si David at kanyang mga tauhan ay nasa ilang ng Maon, sa Araba ng timog ng Jesimon.
西弗人就起身,在掃羅以先往西弗去。 大衛和跟隨他的人卻在瑪雲曠野南邊的亞拉巴。
25 Pumunta si Saul at kanyang mga tauhan upang hanapin siya. At sinabihan si David tungkol dito, kaya bumaba siya sa isang mabatong burol at nanirahan sa ilang ng Maon. Nang narinig ito ni Saul, tinugis niya si David sa ilang ng Maon.
掃羅和跟隨他的人去尋找大衛;有人告訴大衛,他就下到磐石,住在瑪雲的曠野。掃羅聽見,便在瑪雲的曠野追趕大衛。
26 Pumunta si Saul sa isang panig ng bundok, at pumunta si David at ang kanyang mga tauhan sa kabilang panig ng bundok. Nagmadaling tumakas si David mula kay Saul. Habang nakapalibot sina Saul at kanyang mga tauhan kay David at kanyang mga tauhan upang dakpin sila,
掃羅在山這邊走,大衛和跟隨他的人在山那邊走。大衛急忙躲避掃羅;因為掃羅和跟隨他的人,四面圍住大衛和跟隨他的人,要拿獲他們。
27 pumunta ang isang mensahero kay Saul at sinabing, “Bilisan mo at pumarito dahil gumawa ng pagsalakay ang mga Filisteo laban sa lupain.”
忽有使者來報告掃羅說:「非利士人犯境搶掠,請王快快回去!」
28 Kaya bumalik si Saul mula sa pagtugis niya kay David at nilabanan ang mga Filisteo. Kaya nga ang lugar na iyon ay tinawag na Bato ng Pagtakas.
於是掃羅不追趕大衛,回去攻打非利士人。因此那地方名叫西拉‧哈瑪希羅結。
29 Umakyat si David mula roon at namuhay sa matibay na mga tanggulan ng Engedi.
大衛從那裏上去,住在隱‧基底的山寨裏。

< 1 Samuel 23 >