< 1 Samuel 20 >
1 Pagkatapos tumakas si David mula Naiot sa Rama at dumating at sinabi kay Jonatan, “Ano ang nagawa ko? Ano ang aking kasamaan? Ano ang kasalanan ko sa harap ng iyong ama, na gustong kunin ang aking buhay?”
Y David huyó de Najot, que es en Rama, y vínose delante de Jonatán, y dijo: ¿Qué he hecho? ¿Qué es mi maldad? ¿O qué es mi pecado contra tu padre que él procura quitarme mi vida?
2 Sinabi ni Jonatan kay David, “Malayong mangyari iyon; hindi ka mamamatay. Walang ginawa ang aking ama malaki man o maliit na hindi sinasabi sa akin. Bakit kailangang itago ng aking ama ang bagay na ito mula sa akin? Hindi ganoon.”
Y él le dijo: En ninguna manera. No morirás. He aquí que mi padre ninguna cosa hará, grande ni pequeña, que no me la descubra. ¿Por qué pues me encubrirá mi padre este negocio? No será así.
3 Gayunman nangako muli si David at sinabing, “Alam na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin. Nasabi niyang, 'Huwag hayaang malaman ito ni Jonatan, o magluluksa siya.' Ngunit tunay nga na habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, may isang hakbang lamang sa pagitan ko at ng kamatayan.”
Y David volvió a jurar, diciendo: Tu padre sabe claramente, que yo he hallado gracia delante de tus ojos: y dirá en sí: No sepa esto Jonatán, porque no haya pesar: y ciertamente vive Jehová, y vive tu alma, que apenas hay un paso entre mí y la muerte.
4 Pagkatapos sinabi ni Jonatan kay David, Anuman ang sabihin mo, gagawin ko para sa iyo.”
Y Jonatán dijo a David: Qué dice tu alma, que yo lo haré por ti.
5 Sinabi ni David kay Jonatan, “Bukas ang bagong buwan at kailangan kong umupo para kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis upang makapagtago ako sa bukirin hanggang sa ikatlong araw nang gabi.
Y David respondió a Jonatán: He aquí que mañana será nueva luna, y yo acostumbro sentarme con el rey a comer: mas tú me dejarás que me esconda en el campo hasta la tarde del tercero día:
6 Kung talagang nangungulila ang ama mo sa akin, sa gayon, sabihin mo, 'Taimtim na humingi ng pahintulot na umalis si David sa akin upang makatakbo siya sa Bethlehem na kanyang lungsod; dahil taon ng pag-aalay ngayon doon para sa buong pamliya.'
Si tu padre hiciere mención de mí, dirás: Rogóme mucho que le dejase ir presto a Belén su ciudad; porque todos los del linaje tienen allá sacrificio aniversario.
7 Kung sasabihin niyang, 'Mabuti iyon,' magkakaroon ng kapayapaan ang iyong lingkod. Ngunit kung sobrang galit siya, kung ganoon, nakapagpasiya na siya sa kasamaan.
Si él dijere: Bien está: tu siervo tiene paz. Mas si se enojare, sabe que la malicia es en él consumada.
8 Kaya makitungo ka ng may kabutihan sa iyong lingkod sa tipan ni Yahweh sa iyo. Pero kung may kasalanan ka sa akin, ikaw mismo ang pumatay sa akin; sapagkat bakit mo naman ako dadalhin sa iyong ama?”
Harás pues misericordia con tu siervo, (pues que trajiste contigo a tu siervo en alianza de Jehová, ) que si maldad hay en mí, tú me mates, que no hay necesidad de traerme hasta tu padre.
9 Sinabi ni Jonatan, “Malayo nawa ito sa iyo! Kung malalaman kong ipinasya ng aking ama na dumating sa iyo ang kapahamakan, hindi ko ba sasabihin sa iyo?”
Y Jonatán le dijo: Esto nunca te acontezca: mas si yo entendiere ser consumada la malicia de mi padre, para venir sobre ti, ¿no te lo había yo de descubrir?
10 Pagkatapos sinabi ni David kay Jonatan, “Sino ang magsasabi sa akin kung may pagkakataon na sagutin ka ng iyong ama ng magaspang?”
Y David dijo a Jonatán: ¿Quién me dará la respuesta: o si tu padre te respondiere ásperamente?
11 Sinabi ni Jonatan kay David, “Halika, magtungo tayo palabas ng bukirin.” At sabay silang lumabas ng bukirin.
Y Jonatán dijo a David: Ven, salgamos al campo. Y saliéronse ambos al campo.
12 Sinabi ni Jonatan kay David, “Maging saksi nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Kapag tinanong ko ang aking ama sa mga panahong ito bukas o sa ikatlong araw, kung may magandang kalooban kay David, hindi ko ipapadala at ipaalam ito sa iyo?
Entonces dijo Jonatán a David: Jehová Dios de Israel, si preguntando yo a mi padre mañana a esta hora, o después de mañana, y si él me hablare bien de David, si entonces no enviare a ti, y te lo descubriere,
13 Kung makakalugod sa aking ama na saktan ka, gawin nawa ni Yahweh kay Jonatan at mas higit pa din kung hindi ko ipapaalam ito sa iyo at papaalisin kita, upang makahayo ka nang payapa. Sumaiyo nawa si Yahweh, gaya ng kasama niya ang aking ama.
Jehová haga así a Jonatán, y esto le añada. Mas si a mi padre pareciere bien de hacerte mal, también te lo descubriré, y te enviaré y te irás en paz; y sea Jehová contigo, como fue con mi padre.
14 Kung buhay pa rin ako, hindi mo ba ipapakita sa akin ang tipan ng katapatan ni Yahweh, upang hindi ako mamatay?
Y si yo viviere, harás conmigo misericordia de Jehová. Mas si fuere muerto,
15 At huwag mong tuluyang putulin ang iyong tipan ng katapatan mula sa aking bahay, nang dapat pinutol na ni Yahweh ang bawat isa sa mga kalaban ni David mula sa balat ng lupa.”
No quitarás tu misericordia de mi casa perpetuamente. Cuando desarraigare Jehová los enemigos de David de la tierra uno a uno, quite también a Jonatán de su casa, y requiera Jehová de la mano de los enemigos de David.
16 Kaya gumawa si Jonatan ng isang tipan sa bahay ni David at sinabing, “Mangailangan nawa si Yahweh ng isang pagtatala mula sa kamay ng mga kalaban ni David.”
Y así Jonatán hizo alianza con la casa de David.
17 Ipinagawa muli ni Jonatan si David ng pangako dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya, dahil minahal niya siya gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sariling kaluluwa.
Y tornó Jonatán a jurar a David, porque le amaba, que como a su alma le amaba.
18 Pagkatapos sinabi ni Jonatan sa kanya, “Bagong buwan bukas. Hahanapin ka dahil walang uupo sa iyong upuan.
Y díjole Jonatán: Mañana es nueva luna, y tú serás echado menos, porque tu asiento estará vacío.
19 Kapag nakapanatili ka na ng tatlong araw, bumaba ng mabilisan at pumunta sa lugar kung saan ka nagtago noong nangyari ang usapin at manatili sa may bato ng Ezel.
Estarás pues tres días, y luego descenderás, y vendrás al lugar donde estabas escondido el día de trabajo, y esperarás junto a la piedra de Ezel.
20 Papana ako ng tatlong palaso sa gilid nito, na para bang pumapana ako sa isang patamaan.
Y yo tiraré tres saetas hacia aquel lado, como ejercitándome al blanco.
21 At ipapadala ko ang aking binata at sabihin sa kanyang, 'Humayo kayo at hanapin ang mga palaso.' Kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan ninyo, nasa gilid mo ang mga palaso; kunin ang mga ito,” pagkatapos pumarito kayo; dahil magkakaroon ng kaligtasan para sa iyo at hindi kapahamakan, habang nabubuhay si Yahweh.
Y luego enviaré el criado, diciéndole: Vé, busca las saetas. Y si dijere al mozo: He allí las saetas más acá de ti, tómalas: tú vendrás, porque paz tienes, y nada hay de mal, vive Jehová.
22 Ngunit kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan mo, nasa likod mo ang mga palaso,' kung ganoon humayo sa iyong pupuntahan, dahil pinaalis ka ni Yahweh.
Mas si yo dijere al mozo así: He allí las saetas adelante de ti: tú vete, porque Jehová te ha enviado.
23 Para naman sa usapang nagsalita ka at ako, tingnan mo, nasa pagitan natin si Yahweh magpakailanman.”'
Y cuanto a las palabras que yo y tú hemos hablado, sea Jehová para siempre entre mí y ti.
24 Kaya itinago ni David ang kanyang sarili sa bukirin. Noong dumating ang bagong buwan, umupo ang hari para kumain ng pagkain.
David pues se escondió en el campo, y fue la nueva luna, y el rey se asentó a comer pan.
25 Umupo ang hari sa kanyang upuan, gaya ng dati, sa upuan sa may pader. Tumayo si Jonatan at umupo si Abner sa tabi ni Saul. Ngunit walang nakaupo sa lugar ni David.
Y el rey se asentó en su silla, como solía, en el asiento de la pared: y Jonatán se levantó, y sentóse Abner al lado de Saul, y el lugar de David estaba vacío.
26 Gayunman walang sinabing anumang bagay si Saul sa araw na iyon dahil inisip niyang, “May nangyari sa kanya. Hindi siya malinis; tiyak na hindi siya malinis.”
Aquel día Saul no dijo nada, diciendo entre sí: Habrále acontecido algo, no está limpio, porque no estará limpio.
27 Ngunit sa ikalawang araw, ang araw matapos ang bagong buwan, walang nakaupo sa upuan ni David. Sinabi ni Saul sa kanyang anak na lalaking si Jonatan, “Bakit hindi dumating sa kainan ang anak na lalaki ni Jesse, maging kahapon o ngayon?”
El día siguiente, el segundo día de la nueva luna, aconteció también que el asiento de David estaba vacío: y Saul dijo a Jonatán su hijo: ¿Por qué no ha venido el hijo de Isaí hoy ni ayer al pan?
28 Sumagot si Jonatan kay Saul, “taimtim na humingi ng pahintulot si David mula sa akin na makapunta sa Bethlehem.
Y Jonatán respondió a Saul: David me pidió que le dejase ir hasta Belén.
29 Sinabi niya, 'Pakiusap hayaan akong makaalis. Dahil may pag-aalay ang aming pamilya sa lungsod at inutusan ako ng aking kapatid na lalaki na pumaroon. Ngayon, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, pakiusap hayaan akong makaalis at makita ang aking mga kapatid na lalaki.' Sa kadahilanang ito hindi siya pumunta sa mesa ng hari.”
Y dijo: Ruégote que me dejes ir, porque tenemos sacrificio del linaje en la ciudad, y mi hermano mismo me lo ha mandado: por tanto si he hallado gracia en tus ojos, escaparme he ahora, y visitaré a mis hermanos: y por esto no ha venido a la mesa del rey.
30 Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, “Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina?
Entonces Saul se encendió contra Jonatán, y díjole: ¡Hijo de la perversa y rebelde! ¿no entiendo yo que tú has elegido al hijo de Isaí para confusión tuya, y para confusión de la vergüenza de tu madre?
31 Dahil habang nabubuhay sa mundo ang anak na lalaki ni Jesse, hindi ikaw ni ang iyong kaharian ang maitatatag. Ngayon, ipadala mo siya at dalhin mo siya sa akin sapagkat tiyak na dapat siyang mamatay.”
Porque todo el tiempo que el hijo de Isaí viviere sobre la tierra, ni tú serás firme, ni tú reino, Envía pues, y tráemele en esta hora, porque ha de morir.
32 Sinagot ni Jonatan si Saul na kanyang ama, “Sa anong kadahilanan dapat siyang ipapatay? Ano ang kanyang nagawa?”
Y Jonatán respondió a su padre Saul, y díjole: ¿Por qué morirá? ¿Qué ha hecho?
33 Pagkatapos hinagis ni Saul ang kanyang sibat upang patayin siya. Kaya alam ni Jonatan na gustong-gustong ipapatay ng kanyang ama si David.
Entonces Saul le arrojó una lanza por herirle: y Jonatán entendió que su padre estaba determinado de matar a David.
34 Tumayo si Jonatan sa mesa na sobrang galit at hindi kumain ng pagkain sa ikalawang araw ng buwan dahil nagluksa siya para kay David dahil hindi siya ginalang ng kanyang ama.
Y Jonatán se levantó de la mesa con ira de furor, y no comió pan el segundo día de la nueva luna; porque tenía dolor a causa de David, y porque su padre le había afrentado.
35 Kinaumagahan, lumabas si Jonatan papunta sa bukirin sa tipanan kay David at isang binata ang kasama niya.
Otro día de mañana Jonatán salió al campo al tiempo aplazado con David, y un mozo pequeño con él:
36 Sinabi niya sa kanyang binata, “Tumakbo ka at hanapin ang mga palasong ipinana ko.” At sa pagtakbo ng binata, pumana siya ng isang palaso sa unahan niya.
Y dijo a su mozo: Corre y busca las saetas que yo tirare. Y como el muchacho iba corriendo, él tiraba la saeta adelante de él.
37 Nang dumating ang binata sa lugar kung saan nahulog ang palaso na pinana ni Jonatan, tinawag ni Jonatan ang binata at sinabing, “Hindi ba nasa unahan mo ang palaso?”
Y llegando el muchacho adonde estaba la saeta que Jonatán había tirado, Jonatán dio voces tras el muchacho, diciendo: ¿La saeta no está más adelante de ti?
38 At tinawag ni Jonatan ang binata, “Magmadali ka, bilisan mo, huwag kang tumigil!” Kaya tinipon ng binata ni Jonatan ang mga palaso at pumunta sa kanyang panginoon.
Y tornó a dar voces Jonatán tras el muchacho: Dáte priesa prestamente; no te pares. Y el muchacho de Jonatán cogió las saetas, y vínose a su señor.
39 Ngunit walang alam ang binata sa anumang bagay. Tanging sina Jonatan at David ang nakakaalam ng bagay.
Y el muchacho ninguna cosa entendió, solamente Jonatán y David entendían el negocio.
40 Binigay ni Jonatan ang kanyang mga sandata sa kanyang binata at sinabi sa kanyang, “Humayo ka, dalhin ang mga ito sa lungsod.”
Y Jonatán dio sus armas a su muchacho, y díjole: Vete, y llévalas a la ciudad.
41 Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak.
Y como el muchacho fue ido, David se levantó de la parte del mediodía, e inclinóse tres veces postrado en tierra; y besándose el uno al otro, lloraron el uno con el otro, aunque David lloró más.
42 Sinabi ni Jonatan kay David, “Humayo ka ng payapa, dahil pareho tayong nangako sa pangalan ni Yahweh at sinabing, 'Pumagitna nawa si Yahweh sa iyo at sa akin at sa pagitan ng aking mga kaapu-apuhan at iyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.'” Pagkatapos tumayo si David at umalis at bumalik si Jonatan sa lungsod.
Y Jonatán dijo a David: Vé en paz: que ambos habemos jurado por el nombre de Jehová, diciendo: Jehová sea entre mí y ti; entre mi simiente, y entre tu simiente, para siempre. Y él se levantó, y se fue: y Jonatán se entró en la ciudad.