< 1 Samuel 20 >
1 Pagkatapos tumakas si David mula Naiot sa Rama at dumating at sinabi kay Jonatan, “Ano ang nagawa ko? Ano ang aking kasamaan? Ano ang kasalanan ko sa harap ng iyong ama, na gustong kunin ang aking buhay?”
David ran from Naioth in Ramah to Jonathan and asked him, “What have I done? What is my wrong have I done? What terrible thing have I done to your father that he wants to kill me?”
2 Sinabi ni Jonatan kay David, “Malayong mangyari iyon; hindi ka mamamatay. Walang ginawa ang aking ama malaki man o maliit na hindi sinasabi sa akin. Bakit kailangang itago ng aking ama ang bagay na ito mula sa akin? Hindi ganoon.”
“Nothing!” Jonathan replied. “You're not going to die! Listen! My father tells me everything he's planning, whatever it is. Why would my father keep something like this from me? It's not true!”
3 Gayunman nangako muli si David at sinabing, “Alam na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin. Nasabi niyang, 'Huwag hayaang malaman ito ni Jonatan, o magluluksa siya.' Ngunit tunay nga na habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, may isang hakbang lamang sa pagitan ko at ng kamatayan.”
But David swore an oath again, saying, “Your father knows very well that I'm your friend, and so he's told himself, ‘Jonathan can't find out about this, otherwise he'll be really upset.’ I swear on the life of the Lord, and on your own life, my life is hanging by a thread.”
4 Pagkatapos sinabi ni Jonatan kay David, Anuman ang sabihin mo, gagawin ko para sa iyo.”
“Tell me what you want me to do for you and I'll do it,” Jonathan told David.
5 Sinabi ni David kay Jonatan, “Bukas ang bagong buwan at kailangan kong umupo para kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis upang makapagtago ako sa bukirin hanggang sa ikatlong araw nang gabi.
“Well, the New Moon festival is tomorrow, and I'm meant to sit down and eat with the king. But if it's alright with you, I plan to go and hide in the field until the evening three days from now.
6 Kung talagang nangungulila ang ama mo sa akin, sa gayon, sabihin mo, 'Taimtim na humingi ng pahintulot na umalis si David sa akin upang makatakbo siya sa Bethlehem na kanyang lungsod; dahil taon ng pag-aalay ngayon doon para sa buong pamliya.'
If your father does indeed miss me, tell him, ‘David had to urgently ask my permission to hurry down to Bethlehem, his hometown, because of a yearly sacrifice there for his whole family group.’
7 Kung sasabihin niyang, 'Mabuti iyon,' magkakaroon ng kapayapaan ang iyong lingkod. Ngunit kung sobrang galit siya, kung ganoon, nakapagpasiya na siya sa kasamaan.
If he says, ‘That's fine,’ then there's no problem for me, your servant, but if he gets mad, you'll know he intends to do me harm.
8 Kaya makitungo ka ng may kabutihan sa iyong lingkod sa tipan ni Yahweh sa iyo. Pero kung may kasalanan ka sa akin, ikaw mismo ang pumatay sa akin; sapagkat bakit mo naman ako dadalhin sa iyong ama?”
So please treat me well, as you promised when you made a agreement with me before the Lord. If I've done wrong, then kill me yourself! Why take me to your father for him to do it?”
9 Sinabi ni Jonatan, “Malayo nawa ito sa iyo! Kung malalaman kong ipinasya ng aking ama na dumating sa iyo ang kapahamakan, hindi ko ba sasabihin sa iyo?”
“Absolutely not!” Jonathan replied. “If I knew for certain that if my father had plans to harm you, don't you think I'd tell you?”
10 Pagkatapos sinabi ni David kay Jonatan, “Sino ang magsasabi sa akin kung may pagkakataon na sagutin ka ng iyong ama ng magaspang?”
“So who's going to let me know if your father gives you a nasty answer?” David asked.
11 Sinabi ni Jonatan kay David, “Halika, magtungo tayo palabas ng bukirin.” At sabay silang lumabas ng bukirin.
“Come on, let's go out into the countryside,” Jonathan said. So they both of them went out into the countryside.
12 Sinabi ni Jonatan kay David, “Maging saksi nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Kapag tinanong ko ang aking ama sa mga panahong ito bukas o sa ikatlong araw, kung may magandang kalooban kay David, hindi ko ipapadala at ipaalam ito sa iyo?
Jonathan said to David, “I promise by the Lord, the God of Israel, that I will question my father by this time tomorrow or the day after. If things look good for you, I'll send a message to you and let you know.
13 Kung makakalugod sa aking ama na saktan ka, gawin nawa ni Yahweh kay Jonatan at mas higit pa din kung hindi ko ipapaalam ito sa iyo at papaalisin kita, upang makahayo ka nang payapa. Sumaiyo nawa si Yahweh, gaya ng kasama niya ang aking ama.
But if my father plans to do you harm, then may the Lord punish me very severely, if I don't let you know by sending you a message so you can get away safely. May the Lord be with you, just as he was with my father.
14 Kung buhay pa rin ako, hindi mo ba ipapakita sa akin ang tipan ng katapatan ni Yahweh, upang hindi ako mamatay?
While I live, please show me trustworthy love like that of the Lord so I don't die,
15 At huwag mong tuluyang putulin ang iyong tipan ng katapatan mula sa aking bahay, nang dapat pinutol na ni Yahweh ang bawat isa sa mga kalaban ni David mula sa balat ng lupa.”
and please don't ever remove your trustworthy love for my family, even when the Lord has removed every one of your enemies from the earth.”
16 Kaya gumawa si Jonatan ng isang tipan sa bahay ni David at sinabing, “Mangailangan nawa si Yahweh ng isang pagtatala mula sa kamay ng mga kalaban ni David.”
Jonathan made a solemn agreement with the family of David, saying, “May the Lord impose retribution on David's enemies.”
17 Ipinagawa muli ni Jonatan si David ng pangako dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya, dahil minahal niya siya gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sariling kaluluwa.
Jonathan made David swear this once more by making an oath based on David's love for him, for Jonathan already loved David as he loved himself.
18 Pagkatapos sinabi ni Jonatan sa kanya, “Bagong buwan bukas. Hahanapin ka dahil walang uupo sa iyong upuan.
Then Jonathan said to David, “The New Moon festival is tomorrow. You'll be missed, because your place will be empty.
19 Kapag nakapanatili ka na ng tatlong araw, bumaba ng mabilisan at pumunta sa lugar kung saan ka nagtago noong nangyari ang usapin at manatili sa may bato ng Ezel.
In three days time, go quickly to where you hid when all this started, and stay there beside the pile of stones.
20 Papana ako ng tatlong palaso sa gilid nito, na para bang pumapana ako sa isang patamaan.
I'll shoot three arrows to the side of it as if I were shooting at a target.
21 At ipapadala ko ang aking binata at sabihin sa kanyang, 'Humayo kayo at hanapin ang mga palaso.' Kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan ninyo, nasa gilid mo ang mga palaso; kunin ang mga ito,” pagkatapos pumarito kayo; dahil magkakaroon ng kaligtasan para sa iyo at hindi kapahamakan, habang nabubuhay si Yahweh.
Then I'll send a boy and tell him, ‘Go and find the arrows!’ Now, if I say to him specifically, ‘Look, the arrows are this side of you; bring them over here,’ then I swear on the life of the Lord it's safe for you to come out—there's no danger.
22 Ngunit kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan mo, nasa likod mo ang mga palaso,' kung ganoon humayo sa iyong pupuntahan, dahil pinaalis ka ni Yahweh.
But if I tell the boy, ‘Look, the arrows are way past you,’ then you'll have to leave, for the Lord wants you to go away.
23 Para naman sa usapang nagsalita ka at ako, tingnan mo, nasa pagitan natin si Yahweh magpakailanman.”'
As for what you and I talked about, remember that the Lord is a witness between you and me forever.”
24 Kaya itinago ni David ang kanyang sarili sa bukirin. Noong dumating ang bagong buwan, umupo ang hari para kumain ng pagkain.
So David hid himself in the field. When the New Moon festival arrived, the king sat down to eat.
25 Umupo ang hari sa kanyang upuan, gaya ng dati, sa upuan sa may pader. Tumayo si Jonatan at umupo si Abner sa tabi ni Saul. Ngunit walang nakaupo sa lugar ni David.
He sat in his usual place by the wall opposite Jonathan. Abner sat next to Saul, but David's place was empty.
26 Gayunman walang sinabing anumang bagay si Saul sa araw na iyon dahil inisip niyang, “May nangyari sa kanya. Hindi siya malinis; tiyak na hindi siya malinis.”
Saul didn't say anything that day because he thought, “Something has probably happened to David to make him ceremonially unclean—yes, he must be unclean.”
27 Ngunit sa ikalawang araw, ang araw matapos ang bagong buwan, walang nakaupo sa upuan ni David. Sinabi ni Saul sa kanyang anak na lalaking si Jonatan, “Bakit hindi dumating sa kainan ang anak na lalaki ni Jesse, maging kahapon o ngayon?”
But the second day, the day after the New Moon, David's place was still empty. Saul asked his son Jonathan, “Why hasn't the son of Jesse come to dinner either yesterday or today?”
28 Sumagot si Jonatan kay Saul, “taimtim na humingi ng pahintulot si David mula sa akin na makapunta sa Bethlehem.
Jonathan answered, “David had to urgently ask my permission to go to Bethlehem.
29 Sinabi niya, 'Pakiusap hayaan akong makaalis. Dahil may pag-aalay ang aming pamilya sa lungsod at inutusan ako ng aking kapatid na lalaki na pumaroon. Ngayon, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, pakiusap hayaan akong makaalis at makita ang aking mga kapatid na lalaki.' Sa kadahilanang ito hindi siya pumunta sa mesa ng hari.”
He told me, ‘Please let me go, because our family is having a sacrifice in the town and my brother told me I had to be there. If you think well of me, please let me go and see my brothers.’ That's why he's absent from the king's table.”
30 Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, “Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina?
Saul got very angry with Jonathan and said, “You rebellious son of a whore! Don't you think I know that you prefer the son of Jesse? Shame on you! You're a disgrace to the mother who bore you!
31 Dahil habang nabubuhay sa mundo ang anak na lalaki ni Jesse, hindi ikaw ni ang iyong kaharian ang maitatatag. Ngayon, ipadala mo siya at dalhin mo siya sa akin sapagkat tiyak na dapat siyang mamatay.”
While the son of Jesse remains alive, you and your kingship are not secure. Now go and bring him here to me, for he has to die!”
32 Sinagot ni Jonatan si Saul na kanyang ama, “Sa anong kadahilanan dapat siyang ipapatay? Ano ang kanyang nagawa?”
“Why does he have to be put to death?” Jonathan asked. “What has he done?”
33 Pagkatapos hinagis ni Saul ang kanyang sibat upang patayin siya. Kaya alam ni Jonatan na gustong-gustong ipapatay ng kanyang ama si David.
Saul threw his spear at Jonathan, trying to kill him, so he knew that his father definitely wanted David dead.
34 Tumayo si Jonatan sa mesa na sobrang galit at hindi kumain ng pagkain sa ikalawang araw ng buwan dahil nagluksa siya para kay David dahil hindi siya ginalang ng kanyang ama.
Jonathan left the table absolutely furious. He would not eat anything on the second day of the festival, for he was so upset by the shameful way his father had treated David.
35 Kinaumagahan, lumabas si Jonatan papunta sa bukirin sa tipanan kay David at isang binata ang kasama niya.
In the morning Jonathan went to the field to the place he had agreed with David, and a young boy was with him.
36 Sinabi niya sa kanyang binata, “Tumakbo ka at hanapin ang mga palasong ipinana ko.” At sa pagtakbo ng binata, pumana siya ng isang palaso sa unahan niya.
He told the boy, “Run and find the arrows that I shoot.” The boy started running and Jonathan shot an arrow past him.
37 Nang dumating ang binata sa lugar kung saan nahulog ang palaso na pinana ni Jonatan, tinawag ni Jonatan ang binata at sinabing, “Hindi ba nasa unahan mo ang palaso?”
When the boy got to the place where Jonathan's arrow had landed, Jonathan shouted to him, “Isn't the arrow farther past you?
38 At tinawag ni Jonatan ang binata, “Magmadali ka, bilisan mo, huwag kang tumigil!” Kaya tinipon ng binata ni Jonatan ang mga palaso at pumunta sa kanyang panginoon.
Hurry up! Do it quickly! Don't wait!” The boy picked up the arrows and took them back to his master.
39 Ngunit walang alam ang binata sa anumang bagay. Tanging sina Jonatan at David ang nakakaalam ng bagay.
The boy didn't suspect anything—only Jonathan and David knew what it meant.
40 Binigay ni Jonatan ang kanyang mga sandata sa kanyang binata at sinabi sa kanyang, “Humayo ka, dalhin ang mga ito sa lungsod.”
Jonathan gave his bow and arrows to the boy and said, “Take these back to town.”
41 Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak.
After the boy had gone, David got up from beside the pile of stones, fell facedown to the ground, and bowed three times. Then he and Jonathan kissed each other and cried together as friends, though David cried the hardest.
42 Sinabi ni Jonatan kay David, “Humayo ka ng payapa, dahil pareho tayong nangako sa pangalan ni Yahweh at sinabing, 'Pumagitna nawa si Yahweh sa iyo at sa akin at sa pagitan ng aking mga kaapu-apuhan at iyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.'” Pagkatapos tumayo si David at umalis at bumalik si Jonatan sa lungsod.
Jonathan said to David, “Go in peace, for the two of us have sworn a solemn oath in the name of the Lord. We said, ‘The Lord will be a witness between me and you, and between my descendants and your descendants forever.’” Then David left, and Jonathan went back to town.