< 1 Samuel 2 >
1 Nanalangin si Ana at sinabing, “Nagsasaya ang aking puso kay Yahweh. Itinaas ni Yahweh ang aking tambuli. Nagmamayabang ang aking bibig sa aking mga kaaway, dahil nagagalak ako sa iyong pagliligtas.
哈拿祷告说: 我的心因耶和华快乐; 我的角因耶和华高举。 我的口向仇敌张开; 我因耶和华的救恩欢欣。
2 Wala ng banal tulad ni Yahweh, sapagka't walang iba maliban sa iyo; walang ibang bato tulad ng ating Diyos.
只有耶和华为圣; 除他以外没有可比的, 也没有磐石像我们的 神。
3 Huwag nang magmataas ng buong kapurihan; huwag hayaang maglabas ng kahambugan ang iyong bibig. Sapagka't si Yahweh ay Diyos ng kaalaman; sa pamamagitan niya tinitimbang ang mga kilos.
人不要夸口说骄傲的话, 也不要出狂妄的言语; 因耶和华是大有智识的 神, 人的行为被他衡量。
4 Nasira ang mga pana ng mga makapangyarihang kalalakihan, ngunit iyong mga nadapa ay nagsuot ng kalakasan tulad ng isang sinturon.
勇士的弓都已折断; 跌倒的人以力量束腰。
5 Ipinaupa ng mga busog ang kanilang sarili para sa tinapay; sa mga gutom sila ay hindi na naging gutom. Kahit na ang isang baog ay magsisilang ng pito, ngunit mananamlay ang babaeng maraming anak.
素来饱足的,反作用人求食; 饥饿的,再不饥饿。 不生育的,生了七个儿子; 多有儿女的,反倒衰微。
6 Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas. (Sheol )
耶和华使人死,也使人活, 使人下阴间,也使人往上升。 (Sheol )
7 Si Yahweh ang nagpapadukha, at siya ang nagpapayaman. Siya ang nagpapababa, ngunit siya rin naman ang nagpapataas.
他使人贫穷,也使人富足, 使人卑微,也使人高贵。
8 Ibinabangon niya ang mahirap mula sa alabok. Itinataas niya ang mga nangangailangan mula sa tambak ng abo upang paupuin sila kasama ang mga prinsipe at manahin ang upuan ng karangalan. Sapagka't ang mga haligi ng mundo ay kay Yahweh at kanyang ipinatong sa kanila ang sanlibutan.
他从灰尘里抬举贫寒人, 从粪堆中提拔穷乏人, 使他们与王子同坐, 得着荣耀的座位。 地的柱子属于耶和华; 他将世界立在其上。
9 Gagabayan niya ang mga paa ng kanyang mga tapat, ngunit patatahimikin ang mga makasalanan sa kadiliman, sapagka't walang ni isa ang mananaig sa pamamgitan ng lakas.
他必保护圣民的脚步, 使恶人在黑暗中寂然不动; 人都不能靠力量得胜。
10 Magkakapira-piraso ang mga sumasalungat kay Yahweh; magpapakulog siya mula sa langit laban sa kanila. Si Yahweh ang huhusga sa mga dulo ng mundo. Bibigyan niya ng kalakasan ang kanyang hari at itataas niya ang sungay ng kanyang hinirang.”
与耶和华争竞的,必被打碎; 耶和华必从天上以雷攻击他, 必审判地极的人, 将力量赐与所立的王, 高举受膏者的角。
11 Pagkatapos pumunta si Elkana sa Rama, sa kanyang bahay. Naglingkod ang bata kay Yahweh sa harapan ni Eli na pari.
以利加拿往拉玛回家去了。那孩子在祭司以利面前事奉耶和华。
12 Ngayon ang mga anak na lalaki ni Eli ay mga walang kabuluhang kalalakihan. Hindi nila nakikilala si Yahweh.
以利的两个儿子是恶人,不认识耶和华。
13 Ang kaugalian ng mga pari kapag naghandog ang sinumang tao ng isang alay, pupunta ang lingkod ng pari na may dalang tatlong tulis na tinidor sa kanyang kamay, habang kumukulo ang karne.
这二祭司待百姓是这样的规矩:凡有人献祭,正煮肉的时候,祭司的仆人就来,手拿三齿的叉子,
14 Itusok niya ito sa loob ng kawali, o takure, o kaldero, o palayok. Lahat nang nakuha ng tinidor ay kukunin ng pari para sa kanyang sarili. Ginawa nila ito sa Shilo kasama ang lahat ng mga Israelita na pumunta roon.
将叉子往罐里,或鼎里,或釜里,或锅里一插,插上来的肉,祭司都取了去。凡上到示罗的以色列人,他们都是这样看待。
15 Sa halip, bago nila sunugin ang taba, dumating ang lingkod ng pari, at sinabi sa taong nag-aalay, “Magbigay ka ng karne upang ihawin para sa pari; sapagka't hindi niya tatanggapin ang pinakuluang karne mula sa iyo, ngunit hilaw lamang.”
又在未烧脂油以前,祭司的仆人就来对献祭的人说:“将肉给祭司,叫他烤吧。他不要煮过的,要生的。”
16 Kung sasabihin ng tao sa kanya, “Dapat nilang sunugin muna ang taba, at pagkatapos kumuha ka ng hangga't gusto mo.” Pagkatapos sasabihin niyang, “Hindi, ibigay mo ito sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko ito ng sapilitan.”
献祭的人若说:“必须先烧脂油,然后你可以随意取肉。”仆人就说:“你立时给我,不然我便抢去。”
17 Ang kasalanan ng mga binatang ito ay napakalaki sa harapan ni Yahweh, sapagka't inalipusta nila ang handog ni Yahweh.
如此,这二少年人的罪在耶和华面前甚重了,因为他们藐视耶和华的祭物。
18 Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod.
那时,撒母耳还是孩子,穿着细麻布的以弗得,侍立在耶和华面前。
19 Ginagawan siya ng kanyang ina ng isang maliit na balabal at dinadala ito sa kanya taon-taon, kapag umaakyat siya kasama ang kanyang asawa upang maghandog ng taunang alay.
他母亲每年为他做一件小外袍,同着丈夫上来献年祭的时候带来给他。
20 Pinagpapala ni Eli si Elkana at kanyang asawa at sinasabing, “Bigyan nawa ka ni Yahweh ng maraming anak sa pamamagitan ng babaeng ito dahil sa kahilingan na kanyang ginawa kay Yahweh.” Pagkatapos babalik sila sa kanilang sariling tahanan.
以利为以利加拿和他的妻祝福,说:“愿耶和华由这妇人再赐你后裔,代替你从耶和华求来的孩子。”他们就回本乡去了。
21 Tinulungan muli ni Yahweh si Ana, at nabuntis siya ulit. Nagsilang siya ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. Samantala, lumaki ang batang si Samuel sa harapan ni Yahweh.
耶和华眷顾哈拿,她就怀孕生了三个儿子,两个女儿。那孩子撒母耳在耶和华面前渐渐长大。
22 Ngayon napakatanda na ni Eli; narinig niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa buong Israel, at kung paano nila sinipingan ang mga kababaihan na naglilingkod sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
以利年甚老迈,听见他两个儿子待以色列众人的事,又听见他们与会幕门前伺候的妇人苟合,
23 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginawa ang ganoong mga bagay? Sapagka't narinig ko ang inyong mga masamang gawa mula sa lahat ng mga taong ito.”
他就对他们说:“你们为何行这样的事呢?我从这众百姓听见你们的恶行。
24 Hindi, mga anak ko; sapagka't hindi magandang balita ang aking naririnig. Dinulot ninyong sumuway ang mga tao ni Yahweh.
我儿啊,不可这样!我听见你们的风声不好,你们使耶和华的百姓犯了罪。
25 “Kung magkakasala ang isang tao laban sa iba, hahatulan siya ng Diyos; ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?” Ngunit ayaw nilang makinig sa boses ng kanilang ama, dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila.
人若得罪人,有士师审判他;人若得罪耶和华,谁能为他祈求呢?”然而他们还是不听父亲的话,因为耶和华想要杀他们。
26 Lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga kalalakihan.
孩子撒母耳渐渐长大,耶和华与人越发喜爱他。
27 Ngayon dumating ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Hindi ko ba inihayag ang aking sarili sa bahay ng iyong ninuno, nang naroon sila sa Ehipto sa pagkakaalipin sa bahay ni Paraon?
有神人来见以利,对他说:“耶和华如此说:‘你祖父在埃及法老家作奴仆的时候,我不是向他们显现吗?
28 Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy.
在以色列众支派中,我不是拣选人作我的祭司,使他烧香,在我坛上献祭,在我面前穿以弗得,又将以色列人所献的火祭都赐给你父家吗?
29 Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?'
我所吩咐献在我居所的祭物,你们为何践踏?尊重你的儿子过于尊重我,将我民以色列所献美好的祭物肥己呢?’
30 Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
因此,耶和华—以色列的 神说:‘我曾说,你和你父家必永远行在我面前;现在我却说,决不容你们这样行。因为尊重我的,我必重看他;藐视我的,他必被轻视。
31 Tingnan mo, paparating na ang mga araw na puputulin ko ang iyong lakas at ang lakas ng bahay ng iyong ama, upang wala ng sinumang matandang lalaki sa iyong bahay.
日子必到,我要折断你的膀臂和你父家的膀臂,使你家中没有一个老年人。
32 Makikita mo ang pagdadalamhati sa lugar kung saan ako naninirahan. Kahit na ibibigay ang kabutihan sa Israel, wala nang sinumang matandang lalaki sa iyong bahay.
在 神使以色列人享福的时候,你必看见我居所的败落。在你家中必永远没有一个老年人。
33 Sinuman sa inyo na hindi ko puputulin mula sa aking altar, idudulot kong lumabo ang inyong mga mata, at magdudulot ako ng kapighatian para sa inyong buhay. Mamamatay ang lahat ng kalalakihang ipapanganak sa inyong pamilya.
我必不从我坛前灭尽你家中的人;那未灭的必使你眼目干瘪、心中忧伤。你家中所生的人都必死在中年。
34 Ito ang magiging palatandaan para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak na lalaki, kay Hofni at Pinehas: Mamamatay silang dalawa sa parehong araw.
你的两个儿子何弗尼、非尼哈所遭遇的事可作你的证据:他们二人必一日同死。
35 Magtataas ako para sa aking sarili ng isang tapat na pari na gagawa kung ano ang nasa aking puso at nasa aking kaluluwa. Gagawan ko siya ng isang tiyak na bahay; at lalakad siya sa harapan ng aking hinirang na hari magpakailanman.
我要为自己立一个忠心的祭司;他必照我的心意而行。我要为他建立坚固的家;他必永远行在我的受膏者面前。
36 Paparoon ang bawat isa na naiwan sa iyong bahay at yuyukod sa taong iyon, hihingi para sa isang pirasong ng pilak at isang putol ng tinapay, at magsasabing, “Pakiusap italaga mo ako sa isa sa mga tungkulin ng pari upang makakain ako ng piraso ng tinapay.'''''
你家所剩下的人都必来叩拜他,求块银子,求个饼,说:求你赐我祭司的职分,好叫我得点饼吃。’”