< 1 Samuel 19 >
1 Sinabi ni Saul sa kanyang anak na si Jonatan at sa lahat ng kanyang mga lingkod na kailangan nilang patayin si David. Pero nalugod ng labis si Jonatan kay David, anak na lalaki ni Saul.
扫罗对他儿子约拿单和众臣仆说,要杀大卫;扫罗的儿子约拿单却甚喜爱大卫。
2 Kaya sinabi ni Jonatan kay David, “gusto kang patayin ng aking amang si Saul. Kaya maging handa sa umaga at magtago sa isang lihim na lugar.
约拿单告诉大卫说:“我父扫罗想要杀你,所以明日早晨你要小心,到一个僻静地方藏身。
3 Lalabas ako at tatayo sa tabi ng aking ama sa bukirin kung nasaan ka, at makikipag-usap ako sa aking ama tungkol sa iyo. Kung may malaman akong anumang bagay, sasabihin ko sa iyo.”
我就出到你所藏的田里,站在我父亲旁边与他谈论。我看他情形怎样,我必告诉你。”
4 Nagsalita ng magandang bagay si Jonatan patungkol kay David sa kanyang ama na si Saul at sinabi sa kanyang, “Huwag mong hayaang magkasala ang hari laban sa kanyang lingkod na si David. Sapagkat hindi siya nagkasala laban sa iyo, at nagdala ng kabutihan sa iyo ang kanyang mga gawa.
约拿单向他父亲扫罗替大卫说好话,说:“王不可得罪王的仆人大卫;因为他未曾得罪你,他所行的都与你大有益处。
5 Sapagkat ipinagsapalaran niya ang kanyang buhay at pinatay ang taga-Filisteo. Nagdala ng malaking tagumpay si Yahweh para sa buong Israel. Nakita mo ito at nagalak ka. Bakit ka magkakasala laban sa walang salang dugo sa pamamagitan ng pagpatay kay David nang walang dahilan?”
他拚命杀那非利士人,耶和华为以色列众人大行拯救;那时你看见,甚是欢喜,现在为何无故要杀大卫,流无辜人的血,自己取罪呢?”
6 Nakinig si Saul kay Jonatan. Sumumpa si Saul, “Habang nabubuhay si Yahweh, hindi ko siya papatayin.”
扫罗听了约拿单的话,就指着永生的耶和华起誓说:“我必不杀他。”
7 Pagkatapos tinawag ni Jonatan si David, sinabi ni Jonatan ang lahat ng mga bagay na ito. Dinala ni Jonatan si David kay Saul, at nasa piling niya siya tulad ng dati.
约拿单叫大卫来,把这一切事告诉他,带他去见扫罗。他就仍然侍立在扫罗面前。
8 At may digmaan muli. Humayo si David at nakipaglaban sa mga Filisteo at tinalo sila sa isang matinding patayan. Tumakas sila sa kanya.
此后又有争战的事。大卫出去与非利士人打仗,大大杀败他们,他们就在他面前逃跑。
9 Isang mapaminsalang espiritu mula kay Yahweh ang pumunta kay Saul habang nakaupo siya sa kanyang tahanan na may sibat sa kanyang kamay, at habang nagpapatugtog si David ng kanyang panugtog.
从耶和华那里来的恶魔又降在扫罗身上(扫罗手里拿枪坐在屋里),大卫就用手弹琴。
10 Sinubukang itusok ni Saul si David sa pader gamit ang sibat, ngunit nakaalis siya mula sa presensiya ni Saul, kaya naitusok ni Saul ang sibat sa pader. Lumayo at tumakas si David ng gabing iyon.
扫罗用枪想要刺透大卫,钉在墙上,他却躲开,扫罗的枪刺入墙内。当夜大卫逃走,躲避了。
11 Nagpadala si Saul ng mga mensahero sa sambahayan ni David upang bantayan siya ng sa ganun maaari niya siyang mapatay sa umaga. Sinabi sa kanya ni Mical, asawa ni David, “Kung hindi mo ililigtas ang iyong sarili ngayong gabi, bukas mapapatay ka.”
扫罗打发人到大卫的房屋那里窥探他,要等到天亮杀他。大卫的妻米甲对他说:“你今夜若不逃命,明日你要被杀。”
12 Kaya pinababa ni Mical si David sa bintana. Umalis siya at lumayo at tumakas.
于是米甲将大卫从窗户里缒下去,大卫就逃走,躲避了。
13 Kumuha si Mical ng isang sambahayang diyus-diyosan at nilagay ito sa kama. Pagkatapos naglagay siya ng isang unan na gawa sa buhok ng kambing sa ulunan nito, at tinakpan ito gamit ang mga damit.
米甲把家中的神像放在床上,头枕在山羊毛装的枕头上,用被遮盖。
14 Nang magpadala si Saul ng mga mensahero para kunin si David, sinabi niyang, “May sakit siya.”
扫罗打发人去捉拿大卫,米甲说:“他病了。”
15 Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang tingnan si David; sinabi niya, “Dalhin ninyo siya sa akin sa kama, upang mapatay ko siya.”
扫罗又打发人去看大卫,说:“当连床将他抬来,我好杀他。”
16 Nang pumasok ang mga mensahero, masdan, nasa kama ang sambahayang diyus-diyosan kasama ng unan na buhok ng kambing sa uluhan nito.
使者进去,看见床上有神像,头枕在山羊毛装的枕头上。
17 Sinabi ni Saul kay Mical, “Bakit mo ako nilinlang at hinayaang umalis ang aking kaaway, kaya nakatakas siya?” Sinagot ni Mical si Saul, “Sinabi niya sa akin, 'Hayaan akong makaalis. Bakit kailangan kitang patayin?”'
扫罗对米甲说:“你为什么这样欺哄我,放我仇敌逃走呢?”米甲回答说:“他对我说:‘你放我走,不然我要杀你。’”
18 Ngayon lumayo si David at tumakas, at nagtungo kay Samuel sa Rama at sinabi sa kanya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kanya. Pagkatapos nagtungo at nanatili siya at si Samuel sa Naiot.
大卫逃避,来到拉玛见撒母耳,将扫罗向他所行的事述说了一遍。他和撒母耳就往拿约去居住。
19 Sinabi ito kay Saul, na sinasabing, “Tingnan mo, nasa Naiot si David sa Rama.”
有人告诉扫罗,说大卫在拉玛的拿约。
20 Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang hulihin si David. Nang makita nila ang samahan ng mga propetang nanghuhula, at tumatayo si Samuel bilang kanilang pinuno, nagtungo ang Espiritu ng Diyos sa mga mensahero ni Saul, at nanghula din sila.
扫罗打发人去捉拿大卫。去的人见有一班先知都受感说话,撒母耳站在其中监管他们;打发去的人也受 神的灵感动说话。
21 Nang masabihan si Saul nito, nagpadala siya ng ibang mga mensahero at nanghula din sila. Kaya nagpadala muli si Saul ng mga mensahero sa ikatlong pagkakataon, at nanghula din sila.
有人将这事告诉扫罗,他又打发人去,他们也受感说话。扫罗第三次打发人去,他们也受感说话。
22 Pagkatapos nagtungo din siya sa Rama at dumating sa malalim na balon na nasa Secu. Tinanong niya, “Nasaan sina Samuel at David?” Mayroong nagsabing, “Tingnan, nasa Naiot sila sa Rama.”
然后扫罗自己往拉玛去,到了西沽的大井,问人说:“撒母耳和大卫在哪里呢?”有人说:“在拉玛的拿约。”
23 Nagpunta si Saul sa Naiot sa Rama. At dumating din ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at nanghula siya sa pagpunta niya, hanggang sa makabalik siya sa Naiot sa Rama.
他就往拉玛的拿约去。 神的灵也感动他,一面走一面说话,直到拉玛的拿约。
24 At inalis niya din ang kanyang mga damit, at nanghula din siya sa harapan ni Samuel at humigang hubad sa buong araw at buong gabing iyon. Dahil dito sinabi nilang, “Kabilang na din ba si Saul sa mga propeta?”
他就脱了衣服,在撒母耳面前受感说话,一昼一夜露体躺卧。因此有句俗语说:“扫罗也列在先知中吗?”