< 1 Samuel 17 >

1 Ngayon tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soco, na nabibilang sa Juda. Nagkampo sila sa pagitan ng Soco at Azeka, sa Epesdammim.
さてペリシテびとは、軍を集めて戦おうとし、ユダに属するソコに集まって、ソコとアゼカの間にあるエペス・ダミムに陣取った。
2 Nagtipon at nagkampo si Saul at ang kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at nagsihanay upang makipaglaban sa mga Filisteo.
サウルとイスラエルの人々は集まってエラの谷に陣取り、ペリシテびとに対して戦列をしいた。
3 Nakatayo ang mga Filisteo sa isang bundok sa kabilang dako at nakatayo naman ang mga Israelita sa isang bundok sa kabilang dako na may isang lambak ang nakapagitan sa kanila.
ペリシテびとは向こうの山の上に立ち、イスラエルはこちらの山の上に立った。その間に谷があった。
4 Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
時に、ペリシテびとの陣から、ガテのゴリアテという名の、戦いをいどむ者が出てきた。身のたけは六キュビト半。
5 Mayroon siyang isang salakot na tanso sa kanyang ulo, at nasusuutan siya ng isang baluti sa katawan. Tumitimbang ang baluti ng limang libong siklong tanso.
頭には青銅のかぶとを頂き、身には、うろことじのよろいを着ていた。そのよろいは青銅で重さ五千シケル。
6 Mayroon siyang tansong baluti sa kanyang mga binti at isang sibat na tanso sa pagitan ng kanyang mga balikat.
また足には青銅のすね当を着け、肩には青銅の投げやりを背負っていた。
7 At ang hawakan ng kanyang sibat ay malaki, na may isang silong panghabi para sa paghahagis nito gaya ng tali sa isang panghabi ng manghahabi. Tumitimbang ang ulo ng kanyang sibat ng anim na raang siklong bakal. Ang kanyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kanya.
手に持っているやりの柄は、機の巻棒のようであり、やりの穂の鉄は六百シケルであった。彼の前には、盾を執る者が進んだ。
8 Tumayo siya at sumigaw sa mga hukbo ng Israel, “Bakit kayo lumabas para humanay sa pakikipaglaban? Hindi ba ako isang Filisteo, at hindi ba kayo mga lingkod ni Saul? Pumili kayo ng isang lalaki para sa inyong sarili at hayaan siyang bumaba rito sa akin.
ゴリアテは立ってイスラエルの戦列に向かって叫んだ、「なにゆえ戦列をつくって出てきたのか。わたしはペリシテびと、おまえたちはサウルの家来ではないか。おまえたちから、ひとりを選んで、わたしのところへ下ってこさせよ。
9 Kung kaya niya akong labanan at mapatay ako, sa gayon magiging mga alipin ninyo kami. Ngunit kung matalo at mapatay ko siya, sa gayon magiging mga lingkod namin kayo at maglingkod sa amin.”
もしその人が戦ってわたしを殺すことができたら、われわれはおまえたちの家来となる。しかしわたしが勝ってその人を殺したら、おまえたちは、われわれの家来になって仕えなければならない」。
10 Muling sinabi ng Filisteo, “Hinahamon ko ang mga hukbo ng Israel ngayon. Bigyan ninyo ako ng isang tao para makapaglaban kami.”
またこのペリシテびとは言った、「わたしは、きょうイスラエルの戦列にいどむ。ひとりを出して、わたしと戦わせよ」。
11 Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang sinabi ng Filisteo, pinanghinaan sila ng loob at labis na natakot.
サウルとイスラエルのすべての人は、ペリシテびとのこの言葉を聞いて驚き、ひじょうに恐れた。
12 Ngayon si David ay anak ng Efrateo ng Betlehem sa Juda, na nagngangalang Jesse. Mayroong siyang walong anak na lalaki. Isang matandang lalaki si Jesse sa panahon ni Saul, higit sa gulang sa mga kalalakihan.
さて、ダビデはユダのベツレヘムにいたエフラタびとエッサイという名の人の子で、この人に八人の子があったが、サウルの世には年が進んで、すでに年老いていた。
13 Sumunod ang tatlong anak ni Jesse kay Saul sa pakikipaglaban. Ang pangalan ng tatlong anak niyang lalaki na sumama sa labanan ay sina Eliab ang panganay, pangalawa sa kanya si Abinadab, at ang pangatlo ay si Shamma.
エッサイの子らのうち、上の三人はサウルに従って戦争に出た。その戦いに出た三人の子の名は、長子をエリアブといい、次をアビナダブといい、第三をシャンマと言った。
14 Si David ang bunso. Sumunod kay Saul ang tatlong pinakamatanda.
ダビデは末の子であって、兄三人はサウルにしたがった。
15 Ngayon nagpapabalik-balik si David sa pagitan ng hukbo ni Saul at ng mga tupa ng kanyang ama sa Betlehem, upang pakainin ang mga ito.
ダビデはサウルの所から行ったりきたりして、ベツレヘムで父の羊を飼っていた。
16 Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan.
あのペリシテびとは四十日の間、朝夕出てきて、彼らの前に立った。
17 Pagkatapos sinabi ni Jesse sa kanyang anak na si David, “Dalahan mo ang iyong mga kapatid ng epa ng butil na sinangag at itong sampung tinapay at dalhin agad ang mga ito sa kampo para sa iyong mga kapatid mo.
時に、エッサイはその子ダビデに言った、「兄たちのため、このいり麦一エパと、この十個のパンをとって、急いで陣営にいる兄の所へ持っていきなさい。
18 Dalahin mo din ang sampung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo. Tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid na lalaki at magdala ka pabalik ng ilang patunay na mabuti ang kanilang kalagayan.
またこの十の乾酪を取って、千人の長にもって行き、兄たちの安否を見とどけて、そのしるしをもらってきなさい」。
19 Kasama ni Saul ang iyong mga kapatid at lahat ng kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo.”
さてサウルと彼らおよびイスラエルのすべての人は、エラの谷でペリシテびとと戦っていた。
20 Bumangon si David ng maaga kinaumagahan at iniwan ang kawan ng tupa sa pangangalaga ng isang pastol. Kinuha niya ang mga gamit at umalis, gaya ng iniutos ni Jesse sa kanya. Pumunta siya sa kampo habang lumalabas ang hukbo sa larangan ng digmaan na isinisigaw ang sigaw pandigma.
ダビデは朝はやく起きて、羊を番人に託し、エッサイが命じたように食料品を携えて行った。彼が陣営に着いた時、軍勢は、ときの声をあげて戦線に出ようとしていた。
21 At nagsihanay ang Israel at mga Filisteo para sa labanan, hukbo laban sa hukbo.
そしてイスラエルとペリシテびととは戦列を敷いて、軍と軍と向き合った。
22 Iniwan ni David ang kanyang mga dala sa tagapag-ingat ng mga gamit, tumakbo sa mga hukbo, at binati ang kanyang mga kapatid.
ダビデは荷物をおろして、荷物を守る者にあずけ、戦列の方へ走って、兄たちの所へ行き、彼らの安否を尋ねた。
23 Habang nakikipag-usap siya sa kanila, lumabas mula sa hukbo ng Filisteo ang isang malakas na tao, ang taga-Filisteo ng Gat, na Goliat ang pangalan, at sinabi ang ganoon ding mga salita.
兄たちと語っている時、ペリシテびとの戦列から、ガテのペリシテびとで、名をゴリアテという、あの戦いをいどむ者が上ってきて、前と同じ言葉を言ったので、ダビデはそれを聞いた。
24 At narinig ni David ang mga ito. Nang makita ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang lalaki, tumakas sila mula sa kanya at takot na takot sila.
イスラエルのすべての人は、その人を見て、避けて逃げ、ひじょうに恐れた。
25 Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.”
イスラエルの人々はまた言った、「あなたがたは、あの上ってきた人を見たか。確かにイスラエルにいどむために上ってきたのだ。彼を殺す人は、王が大いなる富を与えて富ませ、その娘を与え、その父の家にはイスラエルのうちで税を免れさせるであろう」。
26 Sinabi ni David sa mga kalalakihang nakatayo sa tabi niya, “Ano ang gagawin sa taong makakapatay sa Filisteong ito at mag-aalis ng kahihiyan mula sa Israel? Sino ang hindi tuling Filisteo ito na humahamon sa mga hukbo ng buhay na Diyos?”
ダビデはかたわらに立っている人々に言った、「このペリシテびとを殺し、イスラエルの恥をすすぐ人には、どうされるのですか。この割礼なきペリシテびとは何者なので、生ける神の軍をいどむのか」。
27 Pagkatapos inulit ng mga tao kung ano ang kanilang sinasabi at sinabihan siya, “Ganito ang gagawin sa taong makakapatay sa kanya.”
民は前と同じように、「彼を殺す人にはこうされるであろう」と答えた。
28 Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
上の兄エリアブはダビデが人々と語るのを聞いて、ダビデに向かい怒りを発して言った、「なんのために下ってきたのか。野にいるわずかの羊はだれに託したのか。あなたのわがままと悪い心はわかっている。戦いを見るために下ってきたのだ」。
29 Sinabi ni David, “Ano ang nagawa ko ngayon? Hindi ba isang tanong lang iyon?”
ダビデは言った、「わたしが今、何をしたというのですか。ただひと言いっただけではありませんか」。
30 Tumalikod siya sa kanya tungo sa iba, at nagsalita sa ganoon ding paraan. Sumagot ang mga tao ng parehong bagay gaya ng kanina.
またふり向いて、ほかの人に前のように語ったところ、民はまた同じように答えた。
31 Nang marinig ang mga salitang sinabi ni David, inulit ng mga sundalo ang mga ito kay Saul, at ipinatawag niya si David.
人々はダビデの語った言葉を聞いて、それをサウルに告げたので、サウルは彼を呼び寄せた。
32 Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, “Hayaang walang puso ang mabigo dahil sa Filisteong iyon; pupunta ang iyong lingkod at makikipaglaban sa Filisteong ito.”
ダビデはサウルに言った、「だれも彼のゆえに気を落してはなりません。しもべが行ってあのペリシテびとと戦いましょう」。
33 Sinabi ni Saul kay David, “Hindi mo kayang pumunta sa Filisteong iyon para makipaglaban sa kanya; sapagkat isang kabataan ka lamang, at isa siyang taong mandirigma mula sa kanyang kabataan.”
サウルはダビデに言った、「行って、あのペリシテびとと戦うことはできない。あなたは年少だが、彼は若い時からの軍人だからです」。
34 Pero sinabi ni David kay Saul, “Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan,
しかしダビデはサウルに言った、「しもべは父の羊を飼っていたのですが、しし、あるいはくまがきて、群れの小羊を取った時、
35 hinahabol ko ito at sinasalakay ito, at inililigtas ito mula sa kanyang bibig. At kapag lumaban ito sa akin, hinuhuli ko ito sa kanyang balbas, hinahampas at pinapatay ito.
わたしはそのあとを追って、これを撃ち、小羊をその口から救いだしました。その獣がわたしにとびかかってきた時は、ひげをつかまえて、それを撃ち殺しました。
36 Parehong pinatay ng iyong lingkod ang isang leon at isang oso. Ang hindi tuling Filisteong ito ay magiging tulad ng isa sa kanila, yamang hinahamon niya ang mga hukbo ng buhay na Diyos.”
しもべはすでに、ししと、くまを殺しました。この割礼なきペリシテびとも、生ける神の軍をいどんだのですから、あの獣の一頭のようになるでしょう」。
37 Sinabi ni David, “Iniligtas ako ni Yahweh mula sa pangalmot ng leon at mula sa pangalmot ng oso. Ililigtas niya ako mula sa kamay ng Filisteong ito.” Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Humayo ka, at sumaiyo nawa si Yahweh.”
ダビデはまた言った、「ししのつめ、くまのつめからわたしを救い出された主は、またわたしを、このペリシテびとの手から救い出されるでしょう」。サウルはダビデに言った、「行きなさい。どうぞ主があなたと共におられるように」。
38 Dinamitan ni Saul si David ng kanyang baluti. Inilagay niya ang isang turbanteng tanso sa kanyang ulo, at dinamitan niya siya ng isang baluti sa katawan.
そしてサウルは自分のいくさ衣をダビデに着せ、青銅のかぶとを、その頭にかぶらせ、また、うろことじのよろいを身にまとわせた。
39 Ibinigkis ni David ang kanyang espada sa kanyang baluti. Pero hindi na siya makalakad, dahil hindi siya nasanay sa mga ito. Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, “Hindi ako makakalaban gamit ang mga ito, sapagka't hindi ako nasanay sa mga ito.” Kaya hinubad ni David ang mga ito.
ダビデは、いくさ衣の上に、つるぎを帯びて行こうとしたが、できなかった。それに慣れていなかったからである。そこでダビデはサウルに言った、「わたしはこれらのものを着けていくことはできません。慣れていないからです」。
40 Kinuha niya ang kanyang tungkod at pumili ng limang makinis na bato mula sa batis; inilagay niya ang mga ito sa kanyang supot pangpastol. Nasa kanyang kamay ang kanyang tirador habang lumalapit siya sa Filisteo.
ダビデはそれらを脱ぎすて、手につえをとり、谷間からなめらかな石五個を選びとって自分の持っている羊飼の袋に入れ、手に石投げを執って、あのペリシテびとに近づいた。
41 Dumating ang Palestina at lumapit kay David, kasama ang tagadala ng kanyang kalasag sa kanyang harapan.
そのペリシテびとは進んできてダビデに近づいた。そのたてを執る者が彼の前にいた。
42 Nang tumingin sa palibot ang Palestina at nakita si David, kinamuhian niya siya, sapagka't isa lamang siyang bata, at malusog na may isang magandang anyo.
ペリシテびとは見まわしてダビデを見、これを侮った。まだ若くて血色がよく、姿が美しかったからである。
43 Pagkatapos sinabi ng Palestina kay David, “Isa ba akong aso, na pumarito kang may dalang tungkod?” At isinumpa ng Palestina si David sa pamamagitan ng kanyang mga diyos.
ペリシテびとはダビデに言った、「つえを持って、向かってくるが、わたしは犬なのか」。ペリシテびとは、また神々の名によってダビデをのろった。
44 Sinabi ng Filisteo kay David, “Lumapit ka sa akin, at ibibigay ko ang iyong laman sa mga ibon sa kalangitan at sa mga mababanigs na hayop ng parang.”
ペリシテびとはダビデに言った、「さあ、向かってこい。おまえの肉を、空の鳥、野の獣のえじきにしてくれよう」。
45 Sumagot si David sa Filisteo, “Pumarito ka sa akin na may isang espada, isang sibat, at isang mahabang sibat. Ngunit pumarito ako sa iyo sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel, na iyong kinamumuhian.
ダビデはペリシテびとに言った、「おまえはつるぎと、やりと、投げやりを持って、わたしに向かってくるが、わたしは万軍の主の名、すなわち、おまえがいどんだ、イスラエルの軍の神の名によって、おまえに立ち向かう。
46 Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,
きょう、主は、おまえをわたしの手にわたされるであろう。わたしは、おまえを撃って、首をはね、ペリシテびとの軍勢の死かばねを、きょう、空の鳥、地の野獣のえじきにし、イスラエルに、神がおられることを全地に知らせよう。
47 at upang malaman ng lahat ng nagtitipong ito na hindi nagbibigay ng tagumpay si Yahweh gamit ang espada o sibat. Sapagka't ang pakikipaglaban ay kay Yahweh, at ibibigay niya kayo sa aming mga kamay.”
またこの全会衆も、主は救を施すのに、つるぎとやりを用いられないことを知るであろう。この戦いは主の戦いであって、主がわれわれの手におまえたちを渡されるからである」。
48 Nang tumayo ang Filisteo at lumapit kay David, sa gayon tumakbo ng mabilis si David patungo sa hukbo ng mga kaaway upang salubungin siya.
そのペリシテびとが立ち上がり、近づいてきてダビデに立ち向かったので、ダビデは急ぎ戦線に走り出て、ペリシテびとに立ち向かった。
49 Isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot, kumuha ng isang bato mula rito, tinirador ito, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo. Bumaon ang bato sa noo ng Filisteo, at sumubsob ang kanyang mukha sa lupa.
ダビデは手を袋に入れて、その中から一つの石を取り、石投げで投げて、ペリシテびとの額を撃ったので、石はその額に突き入り、うつむきに地に倒れた。
50 Tinalo ni David ang ang Palestina gamit ang isang tirador at isang bato. Tinamaan niya ang ang Palestina at pinatay siya. Walang espada sa kamay ni David.
こうしてダビデは石投げと石をもってペリシテびとに勝ち、ペリシテびとを撃って、これを殺した。ダビデの手につるぎがなかったので、
51 Pagkatapos tumakbo si David at tumayo sa ibabaw ng Palestina at kinuha ang kanyang espada, binunot sa lagayan ng kaniyang espada, pinatay siya, at pinugot ang kanyang ulo gamit ito. Nang makita ng mga Filisteo na patay na ang kanilang malakas na lalaki, tumakas sila.
ダビデは走りよってペリシテびとの上に乗り、そのつるぎを取って、さやから抜きはなし、それをもって彼を殺し、その首をはねた。ペリシテの人々は、その勇士が死んだのを見て逃げた。
52 Pagkatapos sumigaw ang mga kalalakihan ng Israel at Juda, at hinabol nila ang mga Filisteo hanggang sa lambak at mga tarangkahan ng Ekron. Nakahandusay ang mga patay na Filisteo sa daan patungong Shaaraim, hanggang sa Gat at sa Ekron.
イスラエルとユダの人々は立ちあがり、ときをあげて、ペリシテびとを追撃し、ガテおよびエクロンの門にまで及んだ。そのためペリシテびとの負傷者は、シャライムからガテおよびエクロンに行く道の上に倒れた。
53 Bumalik ang mga tao ng Israel mula sa pagtugis sa mga Filisteo, at ninakawan ang kanila kampo.
イスラエルの人々はペリシテびとの追撃を終えて帰り、その陣営を略奪した。
54 Kinuha ni David ang ulo ng Filisteo at dinala ito sa Jerusalem, ngunit nilagay niya ang kanyang baluti sa kanyang tolda.
ダビデは、あのペリシテびとの首を取ってエルサレムへ持って行ったが、その武器は自分の天幕に置いた。
55 Nang makita ni Saul si David na lumabas laban sa mga Filisteo, sinabi niya kay Abner, ang kapitan ng hukbo, “Abner, kaninong anak ang binatang ito?” Tumugon si Abner, “Habang nabubuhay ka, hari, hindi ko alam.”
サウルはダビデがあのペリシテびとに向かって出ていくのを見て、軍の長アブネルに言った、「アブネルよ、この若者はだれの子か」。アブネルは言った、「王よ、あなたのいのちにかけて誓います。わたしは知らないのです」。
56 Sinabi ng hari, “Tanungin ninyo kung sino ang maaaring nakakaalam, kung kaninong anak ang binata.”
王は言った、「この若者がだれの子か、尋ねてみよ」。
57 Nang makabalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, pinuntahan siya ni Abner at dinala sa harapan ni Saul na dala ang ulo ng Palestina sa kanyang kamay.
ダビデが、あのペリシテびとを殺して帰ってきた時、アブネルは、ペリシテびとの首を手に持っている彼を、サウルの前に連れて行った。
58 Sinabi ni Saul sa kanya, “Kaninong anak ka, binata?” At sumagot si David, “Anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na taga-Bethlehem.”
サウルは彼に言った、「若者よ、あなたはだれの子か」。ダビデは答えた、「あなたのしもべ、ベツレヘムびとエッサイの子です」。

< 1 Samuel 17 >