< 1 Samuel 14 >
1 Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, pumunta tayo sa kuta ng mga Filisteo sa kabilang panig.” Subalit hindi niya sinabihan ang kanyang ama.
Y UN día aconteció, que Jonathán hijo de Saúl dijo á su criado que le traía las armas: Ven, y pasemos á la guarnición de los Filisteos, que está á aquel lado. Y no [lo] hizo saber á su padre.
2 Nanatili si Saul sa dakong labas ng bayan ng Gibea sa ilalim ng punong granada na nasa Migron. Mga anim na raang kalalakihan ang kasama niya,
Y Saúl estaba en el término de Gabaa, debajo de un granado que hay en Migrón, y el pueblo que estaba con él era como seiscientos hombres.
3 kasama si Ahias anak na lalaki ni Ahitob (kapatid na lalaki ni Icabod) anak na lalaki ni Pinehas na anak na lalaki ni Eli, ang pari ni Yahweh sa Shilo, na nakasuot ng isang epod. Hindi alam ng mga tao na nawala si Jonatan.
Y Achîas hijo de Achîtob, hermano de Ichâbod, hijo de Phinees, hijo de Eli, sacerdote de Jehová en Silo, llevaba el ephod; y no sabía el pueblo que Jonathán se hubiese ido.
4 Sa pagitan ng mga lagusan, na nilalayon ni Jonatan na tawirin papunta sa kuta ng mga Filisteo, may isang mabatong talampas sa isang bahagi, at isang mabatong talampas sa isa pang bahagi. Ang pangalan ng isang talampas ay Bozez, at ang pangalan ng isa pa ay Sene.
Y entre los pasos por donde Jonathán procuraba pasar á la guarnición de los Filisteos, había un peñasco agudo de la una parte, y otro de la otra parte; el uno se llamaba Boses y el otro Sene:
5 Ang isang matarik na talampas ay pumaitaas sa hilaga sa harap ng Micmas, at ang isa sa timog sa harap ng Geba.
El un peñasco situado al norte hacia Michmas, y el otro al mediodía hacia Gabaa.
6 Sinabi ni Jonatan sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, tumawid tayo papunta sa kuta nitong mga taong di tuli. Maaring kumilos si Yahweh sa ngalan natin, sapagkat walang makakapigil kay Yahweh mula sa pagligtas sa pamamagitan ng marami o kaunting tao.”
Dijo pues Jonathán á su criado que le traía las armas: Ven, pasemos á la guarnición de estos incircuncisos: quizá hará Jehová por nosotros; que no es difícil á Jehová salvar con multitud ó con poco número.
7 Sumagot ang kanyang tagapagdala ng baluti, “Gawin mo ang lahat ng bagay na nasa puso mo. Sige, tingnan mo, kasama mo ako upang sundin ang lahat ng mga iniutos mo.”
Y su paje de armas le respondió: Haz todo lo que tienes en tu corazón: ve, que aquí estoy contigo á tu voluntad.
8 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Tatawid tayo papunta sa mga kalalakihan, at ilalantad natin ang ating mga sarili sa kanila.
Y Jonathán dijo: He aquí, nosotros pasaremos á los hombres, y nos mostraremos á ellos.
9 Kapag sasabihin nila sa atin, “Maghintay kayo diyan hanggang sa dumating kami sa inyo'—kung gayon mananatili tayo sa ating lugar at hindi tatawid papunta sa kanila.
Si nos dijeren así: Esperad hasta que lleguemos á vosotros; entonces nos estaremos en nuestro lugar, y no subiremos á ellos.
10 Subalit kung sasagot sila, 'Pumunta kayo dito sa amin,' kung gayon tatawid tayo; dahil ibinigay sila ni Yahweh sa atin. Ito ang magiging tanda sa atin.”
Mas si nos dijeren así: Subid á nosotros: entonces subiremos, porque Jehová los ha entregado en nuestras manos: y esto nos será por señal.
11 Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, “Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago.”
Mostráronse pues ambos á la guarnición de los Filisteos, y los Filisteos dijeron: He aquí los Hebreos, que salen de las cavernas en que se habían escondido.
12 Pagkatapos tumawag ang kalalakihan ng kampo kina Jonatan at sa kanyang tagapagdala ng baluti, at sinabi, “Umakyat kayo dito sa amin, at papakitaan namin kayo ng isang bagay.” Sinabi ni Jonatan sa kanyang tagapagdala ng baluti, “Sumunod ka sa akin, dahil ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng Israel.”
Y los hombres de la guarnición respondieron á Jonathán y á su paje de armas, y dijeron: Subid á nosotros, y os haremos saber una cosa. Entonces Jonathán dijo á su paje de armas: Sube tras mí, que Jehová los ha entregado en la mano de Israel.
13 Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran.
Y subió Jonathán [trepando] con sus manos y sus pies, y tras él su paje de armas; y los que caían delante de Jonathán, su paje de armas [que iba] tras él, los mataba.
14 Iyan ang unang pagsalakay na ginawa nina Jonatan at kanyang tagapagdala ng baluti, nakapatay ng halos dalawampung kalalakihan sa loob ng halos kalahati ng haba ng isang tudling sa isang ektarya ng lupa.
Esta fué la primera rota, en la cual Jonathán con su paje de armas, mataron como unos veinte hombres en el espacio de una media yugada.
15 May isang kaguluhan sa kampo, sa bukid, at sa mga tao. Kahit na ang kuta at ang mananalakay ay nagkagulo. Lumindol ang mundo, at may isang malawakang kaguluhan.
Y hubo temblor en el real y por el campo, y entre toda la gente de la guarnición; y los que habían ido á hacer correrías, también ellos temblaron, y alborotóse la tierra: hubo pues gran consternación.
16 Pagkatapos tumingin ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin; ang pangkat ng mga ni Jonatan ay naghiwa-hiwalay, at sila ay nagpaparoon at parito.
Y las centinelas de Saúl vieron desde Gabaa de Benjamín cómo la multitud estaba turbada, é iba [de una] parte [á otra], y era deshecha.
17 Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga tao na kasama niya, “Magbilang kayo at hanapin ninyo kung sino ang nawawala sa atin.” Nang mabilang nila, si Jonatan at ang kanyang tagapagdala ng baluti ang mga nawawala.
Entonces Saúl dijo al pueblo que tenía consigo: Reconoced luego, y mirad quién haya ido de los nuestros. Y reconocido que hubieron, hallaron que faltaban Jonathán y su paje de armas.
18 Sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin ang epod ng Diyos dito”—sapagkat isinuot ni Ahias ang epod nang araw na iyon kasama ng mga sundalo ng Israel.
Y Saúl dijo á Achîas: Trae el arca de Dios. Porque el arca de Dios estaba entonces con los hijos de Israel.
19 Habang nagsasalita si Saul sa pari, ang kaguluhan sa kampo ng mga ni Filisteo ay nagpatuloy at lumalawak. Pagkatapos sinabi ni Saul sa pari, “Alisin ang iyong kamay.”
Y aconteció que estando aún hablando Saúl con el sacerdote, el alboroto que había en el campo de los Filisteos se aumentaba, é iba creciendo en gran manera. Entonces dijo Saúl al sacerdote: Detén tu mano.
20 Nagsama-sama si Saul at lahat ng mga taong kasama niya at pumunta sa labanan. Ang bawat espada ng ni Jonatan ay laban sa kanyang kapwa tao, at nagkaroon ng matinding kalituhan.
Y juntando Saúl todo el pueblo que con él estaba, vinieron hasta [el lugar de] la batalla: y he aquí que la espada de cada uno era [vuelta] contra su compañero, y la mortandad [era] grande.
21 Ngayon iyong mga Hebreo na dati ay kasama ng mga ni Filisteo at iyong kasama nila sa kampo, kahit sila ay umanib sa mga Israelita na kasama nila Saul at Jonatan.
Y los Hebreos que habían estado con los Filisteos de tiempo antes, y habían venido con ellos de los alrededores al campo, también éstos [se volvieron] para ser con los Israelitas que estaban con Saúl y con Jonathán.
22 Nang tinago ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang kanilang sarili sa mga burol malapit sa Efraim narinig nila na tumatakas ang mga Filisteo, kahit na hinabol sa nila sila sa labanan.
Asimismo todos los Israelitas que se habían escondido en el monte de Ephraim, oyendo que los Filisteos huían, ellos también los persiguieron en aquella batalla.
23 Kaya iniligtas ni Yahweh ang Israel nang araw na iyon, at lumagpas ang labanan sa dako ng Beth-aven.
Así salvó Jehová á Israel aquel día. Y llegó el alcance hasta Beth-aven.
24 Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
Pero los hombres de Israel fueron puestos en apuro aquel día; porque Saúl había conjurado al pueblo, diciendo: Cualquiera que comiere pan hasta la tarde, hasta que haya tomado venganza de mis enemigos, sea maldito. Y todo el pueblo no había gustado pan.
25 Pagkatapos pumasok ng kagubatan ang lahat ng mga tao at may mga pulot sa ibabaw ng lupa.
Y todo el [pueblo del] país llegó á un bosque donde había miel en la superficie del campo.
26 Nang pumasok ang mga tao sa kagubatan, dumaloy ang pulot, subalit wala ni isa ang naglagay ng kanyang kamay sa kanyang bibig dahil kinatakutan ng mga tao ang panunumpa.
Entró pues el pueblo en el bosque, y he aquí que la miel corría; mas ninguno hubo que llegase la mano á su boca: porque el pueblo temía el juramento.
27 Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
Empero Jonathán no había oído cuando su padre conjuró al pueblo, y alargó la punta de una vara que traía en su mano, y mojóla en un panal de miel, y llegó su mano á su boca; y sus ojos fueron aclarados.
28 Pagkatapos sumagot ang isa sa mga tao, “Mahigpit na binilinan ng iyong ama ang mga tao ng may panunumpa, sa pagsasabing, 'Susumpain ang tao na kakain ng pagkain sa araw na ito,' kahit na mahina na ang mga tao mula sa gutom.”
Entonces habló uno del pueblo, diciendo: Tu padre ha conjurado expresamente al pueblo, diciendo: Maldito sea el hombre que comiere hoy manjar. Y el pueblo desfallecía.
29 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Gumawa ang ama ko ng gulo sa lupain. Masdan kung paano lumiwanag ang aking mga mata dahil tumikim ako ng kaunti ng pulot na ito.
Y respondió Jonathán: Mi padre ha turbado el país. Ved ahora cómo han sido aclarados mis ojos, por haber gustado un poco de esta miel:
30 Ano pa kaya kung malayang kumain ang mga tao ngayon sa pandarambong mula sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan? Subalit ngayon ang patayan ay hindi matindi sa mga Filisteo.”
¿Cuánto más si el pueblo hubiera hoy comido del despojo de sus enemigos que halló? ¿no se habría hecho ahora mayor estrago en los Filisteos?
31 Sinalakay nila ang mga Filisteo sa araw na iyon mula Micmas hanggang Ahilon. Pagod na pagod ang mga tao.
E hirieron aquel día á los Filisteos desde Michmas hasta Ajalón: mas el pueblo se cansó mucho.
32 Sumugod nang may kasakiman ang mga tao sa pandarambong at kumuha ng mga tupa, mga baka at mga bisiro, at pinatay ang mga ito sa lupa. Kinain ng mga tao ang mga ito kasama ang dugo.
Tornóse por tanto el pueblo al despojo, y tomaron ovejas y vacas y becerros, y matáronlos en tierra, y el pueblo comió con sangre.
33 Pagkatapos sinabihan nila si Saul, “Tingnan mo, nagkakasala ang mga tao laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain na may dugo.” Sinabi ni Saul, “Kumilos kayo ng hindi tapat. Ngayon, magpagulong kayo ng isang malaking bato dito sa akin.”
Y dándole de ello aviso á Saúl, dijéronle: El pueblo peca contra Jehová comiendo con sangre. Y él dijo: Vosotros habéis prevaricado; rodadme ahora acá una grande piedra.
34 Sinabi ni Saul, “Pumunta kayo sa mga tao, at sabihan sila, 'Hayaang dalhin ng bawat tao ang kanyang kapong baka at kanyang mga tupa, patayin ang mga ito dito, at kainin. Huwag magkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain kasama ang dugo.'” Kaya dinala ng bawat tao ang kanyang sariling kapong baka kasama niya nang gabing iyon at pinatay ang mga ito roon.
Y Saúl tornó á decir: Esparcíos por el pueblo, y decidles que me traigan cada uno su vaca, y cada cual su oveja, y degolladlos aquí, y comed; y no pecaréis contra Jehová comiendo con sangre. Y trajo todo el pueblo cada cual por su mano su vaca aquella noche, y degollaron allí.
35 Gumawa si Saul ng isang altar kay Yahweh, na naging unang altar na ginawa niya kay Yahweh.
Y edificó Saúl altar á Jehová, el cual altar fué el primero que edificó á Jehová.
36 Pagkatapos sinabi ni Saul, “Habulin natin ang mga Filisteo sa gabi at dambungan sila hanggang umaga; huwag tayong magtira ng buhay sa isa sa kanila.” Sumagot sila, “Gawin kung anong sa tingin mo ay mabuti.” Subalit sinabi ng pari, “Lapitan natin ang Diyos dito.”
Y dijo Saúl: Descendamos de noche contra los Filisteos, y los saquearemos hasta la mañana, y no dejaremos de ellos ninguno. Y ellos dijeron: Haz lo que bien te pareciere. Dijo luego el sacerdote: Lleguémonos aquí á Dios.
37 Tinanong ni Saul ang Diyos, “Dapat ko bang habulin ang mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Subalit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon.
Y Saúl consultó á Dios: ¿Descenderé tras los Filisteos? ¿los entregarás en mano de Israel? Mas Jehová no le dió respuesta aquel día.
38 Pagkatapos sinabi ni Saul, “Pumarito kayo, lahat kayong mga pinuno ng mga tao; matuto kayo at tingnan kung paano nangyari ang kasalanang ito ngayon.
Entonces dijo Saúl: Llegaos acá todos los principales del pueblo; y sabed y mirad por quién ha sido hoy este pecado;
39 Sapagkat, habang nabubuhay si Yahweh, siyang nagligtas sa Israel, kahit na ito ay si Jonatan na anak kong lalaki, siya ay tiyak na mamamatay.” Subalit wala sa kalalakihan sa mga tao ang sumagot sa kaniya.
Porque vive Jehová, que salva á Israel, que si fuere en mi hijo Jonathán, el morirá de cierto. Y no hubo en todo el pueblo quien le respondiese.
40 Pagkatapos sinabi niya sa buong Israel, “Dapat kayong tumayo sa isang panig, at ako at si Jonatan na aking anak ay sa kabila.” Sinabi ng mga tao kay Saul, “Gawin mo kung ano ang mukhang mabuti para sa iyo.”
Dijo luego á todo Israel: Vosotros estaréis á un lado, y yo y Jonathán mi hijo estaremos á otro lado. Y el pueblo respondió á Saúl: Haz lo que bien te pareciere.
41 Kaya nga sinabi ni Saul kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Ipakita ang ginamit sa palabunutan.” Sina Jonatan at Saul ang nakuha sa palabunutan, subalit nakaligtas ang mga tao mula sa pagpili.
Entonces dijo Saúl á Jehová Dios de Israel: Da perfección. Y fueron tomados Jonathán y Saúl, y el pueblo salió [libre].
42 Pagkatapos sinabi ni Saul, “Magpalabunutan tayo sa pagitan ko at sa aking anak na si Jonatan.” Pagkatapos nakuha si Jonatan sa palabunutan.
Y Saúl dijo: Echad [suerte] entre mí y Jonathán mi hijo. Y fué tomado Jonathán.
43 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Jonatan, “Sabihan mo ako kung ano ang nagawa mo.” Sinabihan siya ni Jonatan, “Tumikim ako ng kaunting pulot gamit ang dulo ng bara na nasa aking kamay. Narito ako; mamamatay ako.”
Entonces Saúl dijo á Jonathán: Declárame qué has hecho. Y Jonathán se lo declaró, y dijo: Cierto que gusté con la punta de la vara que traía en mi mano, un poco de miel: ¿y he aquí he de morir?
44 Sinabi ni Saul, “Gawin ng Diyos at higit din sa akin, kung hindi ka mamatay, Jonatan.”
Y Saúl respondió: Así me haga Dios y así me añada, que sin duda morirás, Jonathán.
45 Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Saul, “Dapat bang mamatay si Jonatan, na siyang nagdala nitong dakilang tagumpay para sa Israel? Higit pa rito! Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok sa kanyang ulo ang mahuhulog sa lupa, dahil kumilos siya kasama ang Diyos ngayon.” Kaya iniligtas ng mga tao si Jonatan kaya hindi siya namatay.
Mas el pueblo dijo á Saúl: ¿Ha pues de morir Jonathán, el que ha hecho esta salud grande en Israel? No será así. Vive Jehová, que no ha de caer un cabello de su cabeza en tierra, pues que ha obrado hoy con Dios. Así libró el pueblo á Jonathán, para que no muriese.
46 Pagkatapos pinatigil ni Saul ang pagtugis sa mga Filisteo, at pumunta ang mga Filisteo sa kanilang sariling lugar.
Y Saúl dejó de seguir á los Filisteos; y los Filisteos se fueron á su lugar.
47 Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila.
Y ocupando Saúl el reino sobre Israel, hizo guerra á todos sus enemigos alrededor: contra Moab, contra los hijos de Ammón, contra Edom, contra los reyes de Soba, y contra los Filisteos: y á donde quiera que se tornaba era vencedor.
48 Kumilos siya na may kagitingan at tinalo ang mga Amalekita. Iniligtas niya ang Israel mula sa mga kamay ng mga dumambong sa kanila.
Y reunió un ejército, é hirió á Amalec, y libró á Israel de mano de los que le robaban.
49 Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Isui, at Melquisua. Ang mga pangalan ng kanyang dalawang anak na babae ay Merab, ang panganay, at Mical, ang nakababata.
Y los hijos de Saúl fueron Jonathán, Isui, y Melchi-sua. Y los nombres de sus dos hijas eran, el nombre de la mayor, Merab, y el de la menor, Michâl.
50 Ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam; siya ang anak na babae ni Ahimaaz. Ang pangalan ng kapitan ng kanyang hukbo ay Abner anak na lalaki ni Ner, tiyuhin ni Saul.
Y el nombre de la mujer de Saúl era Ahinoam, hija de Aimaas. Y el nombre del general de su ejército era Abner, hijo de Ner tío de Saúl.
51 Si Kish ang ama ni Saul; at si Ner, ang ama ni Abner, na anak na lalaki ni Abiel.
Porque Cis padre de Saúl, y Ner padre de Abner, fueron hijos de Abiel.
52 May matinding labanan laban sa mga Filisteo sa lahat ng araw ni Saul. Kapag makakita si Saul ng sinumang malakas na tao, o sinumang matapang na tao, inilalapit niya ang kanyang sarili.
Y la guerra fué fuerte contra los Filisteos todo el tiempo de Saúl; y á cualquiera que Saúl veía hombre valiente y hombre de esfuerzo, juntábale consigo.