< 1 Samuel 14 >

1 Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, pumunta tayo sa kuta ng mga Filisteo sa kabilang panig.” Subalit hindi niya sinabihan ang kanyang ama.
有一天,撒烏耳的兒子約納堂對他執戟的侍衛說:「來,我們到對面,到培肋舍特人的前哨那裏去。」但他沒有通知他父親。
2 Nanatili si Saul sa dakong labas ng bayan ng Gibea sa ilalim ng punong granada na nasa Migron. Mga anim na raang kalalakihan ang kasama niya,
當時撒烏耳正在革巴邊界,坐在禾場旁的石榴樹下,隨從他的部隊約有六百人。
3 kasama si Ahias anak na lalaki ni Ahitob (kapatid na lalaki ni Icabod) anak na lalaki ni Pinehas na anak na lalaki ni Eli, ang pari ni Yahweh sa Shilo, na nakasuot ng isang epod. Hindi alam ng mga tao na nawala si Jonatan.
阿希突的兒子阿希雅帶著「厄弗得。」──阿希突布是丕乃哈斯的兒子,依加波得的兄弟,丕乃哈斯是在史羅作上主司祭的厄里的兒子。──人都不知道約納堂走了。
4 Sa pagitan ng mga lagusan, na nilalayon ni Jonatan na tawirin papunta sa kuta ng mga Filisteo, may isang mabatong talampas sa isang bahagi, at isang mabatong talampas sa isa pang bahagi. Ang pangalan ng isang talampas ay Bozez, at ang pangalan ng isa pa ay Sene.
約納堂打算由隘口過到培肋舍特人的前哨那裏去,在隘口兩面各有一座石峰:一名叫波責茲,一名叫色乃;
5 Ang isang matarik na talampas ay pumaitaas sa hilaga sa harap ng Micmas, at ang isa sa timog sa harap ng Geba.
一座朝北,與米革瑪斯相對,一座朝南,與革巴相對。
6 Sinabi ni Jonatan sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, tumawid tayo papunta sa kuta nitong mga taong di tuli. Maaring kumilos si Yahweh sa ngalan natin, sapagkat walang makakapigil kay Yahweh mula sa pagligtas sa pamamagitan ng marami o kaunting tao.”
約納堂於是對他執戟的侍衛說:「來,我們往這些未受割損者的前哨去,也許上主會幫助我們;上主要叫人得勝,並不在手人數多少。
7 Sumagot ang kanyang tagapagdala ng baluti, “Gawin mo ang lahat ng bagay na nasa puso mo. Sige, tingnan mo, kasama mo ako upang sundin ang lahat ng mga iniutos mo.”
那給他執戟的人答說:「你儘可隨意行事,我只跟著你,隨你心意而行。」
8 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Tatawid tayo papunta sa mga kalalakihan, at ilalantad natin ang ating mga sarili sa kanila.
約納堂說:「來,我們到那裏去,讓他們看見我們。
9 Kapag sasabihin nila sa atin, “Maghintay kayo diyan hanggang sa dumating kami sa inyo'—kung gayon mananatili tayo sa ating lugar at hindi tatawid papunta sa kanila.
假使他們對我們說:住下! 等我們到你們那裏去。我們就站在我們所在的地方,不再上他們那裏去;
10 Subalit kung sasagot sila, 'Pumunta kayo dito sa amin,' kung gayon tatawid tayo; dahil ibinigay sila ni Yahweh sa atin. Ito ang magiging tanda sa atin.”
如果他們說:你們上我們這裏來罷! 我們就上去,因為上主已把他們交在我們手中了:這為我們是個先兆。」
11 Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, “Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago.”
兩人就突然出現在培肋舍特人的前哨處,培肋舍特人說:「看,這些希伯來人從他們隱藏的山洞中出來了。」
12 Pagkatapos tumawag ang kalalakihan ng kampo kina Jonatan at sa kanyang tagapagdala ng baluti, at sinabi, “Umakyat kayo dito sa amin, at papakitaan namin kayo ng isang bagay.” Sinabi ni Jonatan sa kanyang tagapagdala ng baluti, “Sumunod ka sa akin, dahil ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng Israel.”
前哨的哨兵就對約納堂和給他執戟的人說:「你們上到我們這裏來罷! 我們有事要告訴你們。」約納堂就對給他執戟的人說:「你跟我上來,因為上主已將他們交在以色列人手中了。」
13 Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran.
約納堂遂用手用腳往上爬,給他執戟的跟在他後面。培肋舍特人忽在約納堂前轉身要走,他就向前擊殺他們,他的執戟者也隨著擊殺。
14 Iyan ang unang pagsalakay na ginawa nina Jonatan at kanyang tagapagdala ng baluti, nakapatay ng halos dalawampung kalalakihan sa loob ng halos kalahati ng haba ng isang tudling sa isang ektarya ng lupa.
約納堂和他的執戟者第一次殺死了約有二十人,陳屍於半畝田間。
15 May isang kaguluhan sa kampo, sa bukid, at sa mga tao. Kahit na ang kuta at ang mananalakay ay nagkagulo. Lumindol ang mundo, at may isang malawakang kaguluhan.
當時在營中和陣地上都起了恐慌,全軍──前哨與突擊隊都大為震驚;地也起了震動,到處籠罩著無限的恐怖。
16 Pagkatapos tumingin ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin; ang pangkat ng mga ni Jonatan ay naghiwa-hiwalay, at sila ay nagpaparoon at parito.
撒烏耳的哨兵從本雅明的革巴眺望,看見敵營大亂;
17 Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga tao na kasama niya, “Magbilang kayo at hanapin ninyo kung sino ang nawawala sa atin.” Nang mabilang nila, si Jonatan at ang kanyang tagapagdala ng baluti ang mga nawawala.
撒烏耳就對隨從他的人說:「檢查一下,看我們中有誰去了。」他們檢查後,見約納堂和給他執戟的人不在了。
18 Sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin ang epod ng Diyos dito”—sapagkat isinuot ni Ahias ang epod nang araw na iyon kasama ng mga sundalo ng Israel.
撒烏耳隊對阿希雅說:「拿天主的「厄弗得」來! 」因為那時正是他在以色列子民前帶著天主的「厄弗得。」
19 Habang nagsasalita si Saul sa pari, ang kaguluhan sa kampo ng mga ni Filisteo ay nagpatuloy at lumalawak. Pagkatapos sinabi ni Saul sa pari, “Alisin ang iyong kamay.”
撒烏耳還同司祭說話時,培肋舍特人營中的混亂愈來愈大,撒烏耳就對司祭說:「收回你的手去! 」
20 Nagsama-sama si Saul at lahat ng mga taong kasama niya at pumunta sa labanan. Ang bawat espada ng ni Jonatan ay laban sa kanyang kapwa tao, at nagkaroon ng matinding kalituhan.
撒烏耳和跟隨他的軍民遂集合起來,衝入戰場;看,培肋舍特人竟自相殘殺,陷入混亂。
21 Ngayon iyong mga Hebreo na dati ay kasama ng mga ni Filisteo at iyong kasama nila sa kampo, kahit sila ay umanib sa mga Israelita na kasama nila Saul at Jonatan.
以前服事培肋舍特人,與他們齊來參戰的希伯來人,忽然反正來協助撒烏耳和約納堂一起的以色列人。
22 Nang tinago ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang kanilang sarili sa mga burol malapit sa Efraim narinig nila na tumatakas ang mga Filisteo, kahit na hinabol sa nila sila sa labanan.
那藏在厄弗辣因山地的以色列人,聽說培肋舍特人潰敗了,也都出來參戰,乘勢追趕。
23 Kaya iniligtas ni Yahweh ang Israel nang araw na iyon, at lumagpas ang labanan sa dako ng Beth-aven.
這樣上主在那一天拯救了以色列人;戰爭一直蔓延到貝特曷龍。【跟隨撒烏耳的人約有一萬,戰事蔓延到厄弗辣因整個山地。】
24 Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
以色列人那天很是疲乏,因為撒烏耳在那天做了一件糊塗事,要軍民發誓說:「誰直到晚上,在我向敵人復仇以前,吃了什麼東西,是可咒罵的。」所以全軍民都沒有嘗過食物。
25 Pagkatapos pumasok ng kagubatan ang lahat ng mga tao at may mga pulot sa ibabaw ng lupa.
那地方到處有蜂巢,地面上到處有蜜。
26 Nang pumasok ang mga tao sa kagubatan, dumaloy ang pulot, subalit wala ni isa ang naglagay ng kanyang kamay sa kanyang bibig dahil kinatakutan ng mga tao ang panunumpa.
軍民到了蜂巢旁,見有蜜流出,但卻沒有人敢用手取一點放在嘴裏,因為軍民都怕違犯所起的誓。
27 Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang panunumpa. Inabot niya ang dulo ng kanyang tungkod na nasa kanyang kamay at inilublob ito sa pulot-pukyutan. Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at lumiwanag ang kanyang mga mata.
可是約納堂沒有聽見他父親要軍民起的誓,所以把他手中所持的棍尖,插入蜂巢內,用手送到自己的嘴裏,他的眼立即明亮了。
28 Pagkatapos sumagot ang isa sa mga tao, “Mahigpit na binilinan ng iyong ama ang mga tao ng may panunumpa, sa pagsasabing, 'Susumpain ang tao na kakain ng pagkain sa araw na ito,' kahit na mahina na ang mga tao mula sa gutom.”
軍民中有一個向他說:「你父親要軍民起誓說:今天誰嘗了食物,他是可咒罵的。──雖然軍民很是疲乏。」
29 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, “Gumawa ang ama ko ng gulo sa lupain. Masdan kung paano lumiwanag ang aking mga mata dahil tumikim ako ng kaunti ng pulot na ito.
約納堂答說:「我父親使國家受了害;你們看,嘗了一點蜜,我的眼睛是多麼明亮!
30 Ano pa kaya kung malayang kumain ang mga tao ngayon sa pandarambong mula sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan? Subalit ngayon ang patayan ay hindi matindi sa mga Filisteo.”
的確,假使今天人能吃飽由敵人奪來的東西,培肋舍特人吃的敗仗,豈不更大嗎﹖」
31 Sinalakay nila ang mga Filisteo sa araw na iyon mula Micmas hanggang Ahilon. Pagod na pagod ang mga tao.
那一天他們擊殺培肋舍特人,從米革瑪斯直到阿雅隆,軍民都很疲乏。
32 Sumugod nang may kasakiman ang mga tao sa pandarambong at kumuha ng mga tupa, mga baka at mga bisiro, at pinatay ang mga ito sa lupa. Kinain ng mga tao ang mga ito kasama ang dugo.
所以人民就急忙搶掠財物,奪取牛羊、牛犢,隨地宰殺,吃了帶血的肉。
33 Pagkatapos sinabihan nila si Saul, “Tingnan mo, nagkakasala ang mga tao laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain na may dugo.” Sinabi ni Saul, “Kumilos kayo ng hindi tapat. Ngayon, magpagulong kayo ng isang malaking bato dito sa akin.”
有人告訴撒烏耳說:「看,人民吃了帶血的肉,得罪了上主。」撒烏耳一聽這消息便說:「你們把一塊大石頭滾到我這邊來。」
34 Sinabi ni Saul, “Pumunta kayo sa mga tao, at sabihan sila, 'Hayaang dalhin ng bawat tao ang kanyang kapong baka at kanyang mga tupa, patayin ang mga ito dito, at kainin. Huwag magkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain kasama ang dugo.'” Kaya dinala ng bawat tao ang kanyang sariling kapong baka kasama niya nang gabing iyon at pinatay ang mga ito roon.
又說:「你們散在百姓中,對他們說:你們各人把自己得的牛或羊,牽到我這裏來,在這裏宰殺分食,不要吃帶血的肉,得罪上主。」於是人們當夜將自己得的牛羊牽來,在那裏祭殺了。
35 Gumawa si Saul ng isang altar kay Yahweh, na naging unang altar na ginawa niya kay Yahweh.
撒烏耳給上主建築了一座祭壇,這是他給上主建立的第一座祭壇。
36 Pagkatapos sinabi ni Saul, “Habulin natin ang mga Filisteo sa gabi at dambungan sila hanggang umaga; huwag tayong magtira ng buhay sa isa sa kanila.” Sumagot sila, “Gawin kung anong sa tingin mo ay mabuti.” Subalit sinabi ng pari, “Lapitan natin ang Diyos dito.”
以後撒烏耳說:「我們今夜下去追擊培肋舍特人,劫掠他們直到天明,不給他們留下一人。」軍民回答說:「你看著怎樣好,就怎樣作罷! 」司祭卻說:「我們先得去天主那裏。」
37 Tinanong ni Saul ang Diyos, “Dapat ko bang habulin ang mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Subalit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon.
撒烏耳遂求問天主說:「我可下去追擊培肋舍特人嗎﹖你將他們交在以色列手中嗎﹖」但是天主那天沒有回答他。
38 Pagkatapos sinabi ni Saul, “Pumarito kayo, lahat kayong mga pinuno ng mga tao; matuto kayo at tingnan kung paano nangyari ang kasalanang ito ngayon.
撒烏耳說:「軍民的將領,你們上前來,查看一下,今天是誰犯了罪﹖
39 Sapagkat, habang nabubuhay si Yahweh, siyang nagligtas sa Israel, kahit na ito ay si Jonatan na anak kong lalaki, siya ay tiyak na mamamatay.” Subalit wala sa kalalakihan sa mga tao ang sumagot sa kaniya.
我指拯救以色列的上主起誓,即是罪在我的兒子約納堂,他也該死。」軍民中沒有一人敢回答。
40 Pagkatapos sinabi niya sa buong Israel, “Dapat kayong tumayo sa isang panig, at ako at si Jonatan na aking anak ay sa kabila.” Sinabi ng mga tao kay Saul, “Gawin mo kung ano ang mukhang mabuti para sa iyo.”
於是他對全以色列說:「你們站在一邊,我與我兒子約納堂站在一邊。」全軍民對撒烏耳說:「你看怎樣好,就怎樣作罷! 」
41 Kaya nga sinabi ni Saul kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Ipakita ang ginamit sa palabunutan.” Sina Jonatan at Saul ang nakuha sa palabunutan, subalit nakaligtas ang mga tao mula sa pagpili.
撒烏耳說:「上主,以色列的天主! 為什麼今天你不答覆你的僕人﹖若是這罪過在我或我兒子約納堂身上,上主,以色列的天主,求你賜給『烏陵;』若是罪過在你百姓以色列身上,求你賜給『突明』。」撒烏耳和約納堂中了,軍民清白無過。
42 Pagkatapos sinabi ni Saul, “Magpalabunutan tayo sa pagitan ko at sa aking anak na si Jonatan.” Pagkatapos nakuha si Jonatan sa palabunutan.
撒烏耳下命說:「為我和我的兒子約納堂拈鬮。」約納堂中了。
43 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Jonatan, “Sabihan mo ako kung ano ang nagawa mo.” Sinabihan siya ni Jonatan, “Tumikim ako ng kaunting pulot gamit ang dulo ng bara na nasa aking kamay. Narito ako; mamamatay ako.”
撒烏耳於是對約納堂說:「告訴我,你作了什麼﹖」約納堂就告訴他說:「我不過用手持的棍尖,蘸了一點蜂蜜吃;我在這裏,我該死。」
44 Sinabi ni Saul, “Gawin ng Diyos at higit din sa akin, kung hindi ka mamatay, Jonatan.”
撒烏耳回答說:「約納堂,你必須死,不然,願天主罰我該死。」
45 Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Saul, “Dapat bang mamatay si Jonatan, na siyang nagdala nitong dakilang tagumpay para sa Israel? Higit pa rito! Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok sa kanyang ulo ang mahuhulog sa lupa, dahil kumilos siya kasama ang Diyos ngayon.” Kaya iniligtas ng mga tao si Jonatan kaya hindi siya namatay.
軍民卻對撒烏耳說:「約納堂在以色列中得了這樣偉大的勝利,豈該死嗎﹖萬萬不能! 我們指著上主起誓:他頭上的一根頭髮,也不應落在地上,因為他今天是倚賴天主行事。」這樣軍民救了約納堂不死,
46 Pagkatapos pinatigil ni Saul ang pagtugis sa mga Filisteo, at pumunta ang mga Filisteo sa kanilang sariling lugar.
撒烏耳遂上去,不再追趕培肋舍特人;培肋舍特人也回了本地。
47 Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila.
撒烏耳取得了以色列的王權後,便向四周所有的敵人進攻:他攻打了摩阿布、阿孟子民、厄東、貝特勒曷、祚巴的君王和培肋舍特人。他不論走到那裏,常獲得勝利。
48 Kumilos siya na may kagitingan at tinalo ang mga Amalekita. Iniligtas niya ang Israel mula sa mga kamay ng mga dumambong sa kanila.
他很英勇,擊敗了阿瑪肋克,拯救以色列人脫離來搶掠的人。
49 Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Isui, at Melquisua. Ang mga pangalan ng kanyang dalawang anak na babae ay Merab, ang panganay, at Mical, ang nakababata.
撒烏耳的兒子是:約納堂、依市偉和瑪耳基叔亞;他有兩個女兒:長女名叫默辣布,次女名叫米加耳。
50 Ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam; siya ang anak na babae ni Ahimaaz. Ang pangalan ng kapitan ng kanyang hukbo ay Abner anak na lalaki ni Ner, tiyuhin ni Saul.
撒烏耳的妻子名叫阿希諾罕,是阿希瑪茲的女兒。他的元帥名叫阿貝乃爾,是撒烏耳的叔父乃爾的兒子。
51 Si Kish ang ama ni Saul; at si Ner, ang ama ni Abner, na anak na lalaki ni Abiel.
撒烏耳的父親克士和阿貝乃爾的父親乃爾是阿彼耳的兒子。
52 May matinding labanan laban sa mga Filisteo sa lahat ng araw ni Saul. Kapag makakita si Saul ng sinumang malakas na tao, o sinumang matapang na tao, inilalapit niya ang kanyang sarili.
撒烏耳一生同培肋舍特人常發生激烈戰爭,撒烏耳見到任何勇敢善戰的人,就叫他來跟隨自己。

< 1 Samuel 14 >