< 1 Samuel 13 >
1 Tatlumpong taong gulang si Saul nang nagsimula siyang mamuno; nang namuno siya sa loob ng apatnapung taon sa Israel,
Filius unius anni erat Saul cum regnare cœpisset: duobus autem annis regnavit super Israël.
2 pumili siya ng tatlong libong kalalakihan ng Israel. Dalawang libo ang kasama niya sa Micmas at sa maburol na lugar ng Bethel, habang isang libo ang kasama ni Jonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi niya ang mga natitirang sundalo, bawat lalaki sa kanyang tolda.
Et elegit sibi Saul tria millia de Israël: et erant cum Saul duo millia in Machmas, et in monte Bethel: mille autem cum Jonatha in Gabaa Benjamin: porro ceterum populum remisit unumquemque in tabernacula sua.
3 Tinalo ni Jonatan ang kuta ng mga Filisteo na nasa Geba at narinig ito ng mga Filisteo. Pagkatapos hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, nagsasabing, “Hayaang marinig ng mga Hebreo.”
Et percussit Jonathas stationem Philisthinorum quæ erat in Gabaa. Quod cum audissent Philisthiim, Saul cecinit buccina in omni terra, dicens: Audiant Hebræi.
4 Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal.
Et universus Israël audivit hujuscemodi famam: Percussit Saul stationem Philisthinorum, et erexit se Israël adversus Philisthiim. Clamavit ergo populus post Saul in Galgala.
5 Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven.
Et Philisthiim congregati sunt ad præliandum contra Israël, triginta millia curruum, et sex millia equitum, et reliquum vulgus, sicut arena quæ est in littore maris plurima. Et ascendentes castrametati sunt in Machmas ad orientem Bethaven.
6 Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila ay nasa panganib—sapagkat ang mga tao ay namimighati, nagtago ang mga tao sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay.
Quod cum vidissent viri Israël se in arcto positos (afflictus enim erat populus), absconderunt se in speluncis, et in abditis, in petris quoque, et in antris, et in cisternis.
7 Ang ilan sa mga Hebreo ay pumunta sa ibayo ng Jordan sa lupain ni Gad at Galaad. Subalit naroon pa rin si Saul sa Gilgal, at nanginginig ang lahat ng mga tao na sumusunod sa kanya.
Hebræi autem transierunt Jordanem in terram Gad et Galaad. Cumque adhuc esset Saul in Galgala, universus populus perterritus est qui sequebatur eum.
8 Naghintay siya ng pitong araw, ang itinakdang panahon ni Samuel. Subalit hindi pumunta si Samuel sa Gilgal, at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula kay Saul.
Et expectavit septem diebus juxta placitum Samuelis, et non venit Samuel in Galgala, dilapsusque est populus ab eo.
9 Sinabi ni Saul, “Dalhin ninyo sa akin ang handog na susunugin at ang mga handog pangkapayapaan” Pagkatapos inihandog niya ang handog na susunugin.
Ait ergo Saul: Afferte mihi holocaustum et pacifica. Et obtulit holocaustum.
10 Nang matapos siyang maghandog ng handog na susunugin dumating si Samuel. Lumabas si Saul upang salubungin siya at upang batiin siya.
Cumque complesset offerens holocaustum, ecce Samuel veniebat: et egressus est Saul obviam ei ut salutaret eum.
11 Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Ano itong nagawa mo?” Sumagot si Saul, “Nang nakita ko na iniwanan na ako ng mga tao, at hindi ka dumating sa loob ng itinakdang panahon, at nagtipon ang mga Filisteo sa Micmas,
Locutusque est ad eum Samuel: Quid fecisti? Respondit Saul: Quia vidi quod populus dilaberetur a me, et tu non veneras juxta placitos dies, porro Philisthiim congregati fuerant in Machmas,
12 sinabi ko, 'Bababa ngayon ang mga Filisteo laban sa akin sa Gilgal, at hindi ko hinanap ang pabor ni Yahweh.' Kaya pinilit ko ang aking sarili na ihandog ang handog na susunugin.”
dixi: Nunc descendent Philisthiim ad me in Galgala, et faciem Domini non placavi. Necessitate compulsus, obtuli holocaustum.
13 Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Kumilos ka ng may kahangalan. Hindi mo sinunod ang utos ni Yahweh na iyong Diyos na ibinigay niya sa iyo. Sa gayon itinatag sana ni Yahweh ang iyong pamumuno sa Israel magpakailanman.
Dixitque Samuel ad Saul: Stulte egisti, nec custodisti mandata Domini Dei tui quæ præcepit tibi. Quod si non fecisses, jam nunc præparasset Dominus regnum tuum super Israël in sempiternum:
14 Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”
sed nequaquam regnum tuum ultra consurget. Quæsivit Dominus sibi virum juxta cor suum: et præcepit ei Dominus ut esset dux super populum suum, eo quod non servaveris quæ præcepit Dominus.
15 Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Gilgal patungong Gibea ng Benjamin. Pagkatapos binilang ni Saul ang mga tao na naroon kasama niya, halos anim na raang kalalakihan.
Surrexit autem Samuel, et ascendit de Galgalis in Gabaa Benjamin. Et reliqui populi ascenderunt post Saul obviam populo, qui expugnabant eos venientes de Galgala in Gabaa, in colle Benjamin. Et recensuit Saul populum qui inventi fuerant cum eo, quasi sexcentos viros.
16 Si Saul, kanyang anak na lalaking si Jonatan, at ang mga tao na naroon kasama nila, ay nanatili sa Geba ng Benjamin. Subalit nagkampo ang mga Filisteo sa Micmas.
Et Saul et Jonathas filius ejus, populusque qui inventus fuerat cum eis, erat in Gabaa Benjamin: porro Philisthiim consederant in Machmas.
17 Dumating ang mga mananalakay mula sa kampo ng mga Filisteo sa tatlong pangkat. Isang pangkat ay patungong Ofra, sa lupain ng Sual.
Et egressi sunt ad prædandum de castris Philisthinorum tres cunei. Unus cuneus pergebat contra viam Ephra ad terram Sual:
18 Ang ibang pangkat ay patungong Beth-horon, at ang ibang pangkat ay patungo sa hangganan na nakatanaw sa lambak ng Zeboim patungo sa ilang.
porro alius ingrediebatur per viam Beth-horon: tertius autem verterat se ad iter termini imminentis valli Seboim contra desertum.
19 Walang mahanap na panday sa buong Israel, dahil sinabi ng mga Filisteo, “Kung hindi gagawa ang mga Hebreo ng mga espada o mga sibat para sa kanilang mga sarili.”
Porro faber ferrarius non inveniebatur in omni terra Israël: caverant enim Philisthiim, ne forte facerent Hebræi gladium aut lanceam.
20 Subalit ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay sanay na bumaba sa mga Filisteo, bawat isa upang hasain ang tulis ng kanyang arado, kanyang asarol, kanyang palakol, at kanyang karit.
Descendebat ergo omnis Israël ad Philisthiim, ut exacueret unusquisque vomerem suum, et ligonem, et securim, et sarculum.
21 Ang bayad ay ikadalawang bahagi ng isang sekel para sa tulis ng arado, at sa mga asarol, at isangkatlo ng isang sekel para sa paghahasa ng mga palakol at para sa pagpapatuwid ng mga pantaboy.
Retusæ itaque erant acies vomerum, et ligonum, et tridentum, et securium, usque ad stimulum corrigendum.
22 Kaya sa araw ng labanan, walang mga espada o mga sibat na makikita sa mga kamay ng alinmang sundalo na kasama nina Saul at Jonatan; sina Saul at kanyang anak na lalaki na si Jonatan lamang ang mayroon nito.
Cumque venisset dies prælii, non est inventus ensis et lancea in manu totius populi qui erat cum Saule et Jonatha, excepto Saul et Jonatha filio ejus.
23 Ang kuta ng mga Filisteo ay pumunta sa lagusan ng Micmas.
Egressa est autem statio Philisthiim, ut transcenderet in Machmas.