< 1 Pedro 1 >
1 Si Pedro, na apostol ni Jesu Cristo, sa mga dayuhang nasa iba't ibang dako, sa mga pinili na nasa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia,
Петро, апо́стол Ісуса Христа, захожа́нам Розпоро́шення: По́нту, Гала́тії, Каппадокі́ї, Азії й Віфі́нії, ви́браним
2 ayon sa kaalaman ng Diyos Ama sa simula pa lang, sa pagpapabanal ng Banal na Espiritu, para sa pagsunod kay Jesu Cristo, at para sa pagwiwisik ng kaniyang dugo. Sumainyo ang biyaya, at sumagana ang inyong kapayapaan.
із передба́чення Бога Отця, посвя́ченням Духа, на покору й окро́плення кров'ю Ісуса Христа: нехай примно́житься вам благодать та мир!
3 Papurihan ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu Cristo. Sa kaniyang dakilang kahabagan, nagbigay siya sa atin ng bagong kapanganakan para sa katiyakan ng pamana sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesu Cristo mula sa kamatayan—
Благословенний Бог і Отець Господа нашого Ісуса Христа, що великою Своєю милістю відродив нас до живої надії через воскре́сення з мертвих Ісуса Христа,
4 para sa pamanang hindi maglalaho, hindi madudungisan, at hindi kukupas. Nakalaan ito sa langit para sa inyo.
на спа́дщину нетлінну й непорочну та нев'яну́чу, заховану в небі для вас,
5 Sa kapangyarihan ng Diyos kayo ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasan na nakahandang maihayag sa huling panahon.
що ви бережені силою Божою через віру на спасі́ння, яке готове з'явитися останнього ча́су.
6 Magagalak kayo dito, kahit na ngayon, kinakailangan ninyong makaramdam ng kapighatian dahil sa ibat-ibang mga pagsubok.
Тіштеся з того, засмучені тро́хи тепер, якщо треба, всілякими випробо́вуваннями,
7 Ito ay para ang inyong pananampalataya ay masubok, pananampalataya na higit na mas mahalaga kaysa sa ginto na naglalaho sa apoy na sumusubok sa inyong pananampalataya. Nangyayari ito upang ang inyong pananampalataya ay matagpuang nagbubunga ng pagpupuri, kaluwalhatian, at karangalan sa kapahayagan ni Jesu Cristo.
щоб досвідчення вашої віри було дорогоцінніше за золото, яке гине, хоч і огнем випробо́вується, на похвалу́, і честь, і славу при з'я́вленні Ісуса Христа.
8 Hindi ninyo siya nakita, pero mahal ninyo siya. Hindi ninyo siya nakikita ngayon, ngunit naniniwala kayo sa kaniya at lubos kayong nagagalak na may kaligayahang hindi maipaliwanag na punong-puno ng kaluwalhatian.
Ви Його любите, не бачивши, і віруєте в Нього, хоч тепер не бачите, а вірувавши, радієте невимо́вною й славною радістю,
9 Kayo mismo ang tumatanggap ng bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.
бо досяга́єте мети́ віри вашої — спасі́ння ду́шам.
10 Maingat na sinaliksik at sinuri ng mga propeta ang patungkol sa kaligtasang ito, tungkol sa biyaya na mapapasa-inyo.
Про це спасі́ння розвідували та допитувалися пророки, що звіщали про благода́ть, призначену вам.
11 Nagsaliksik sila upang malaman kung anong uri ng kaligtasan ang darating. Nagsaliksik din sila upang malaman ang patungkol sa panahon na sinasabi sa kanila ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila. Nangyayari ang mga ito habang sinasabi niya sa kanila, bago pa man mangyari, ang patungkol sa pagdurusa ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang darating kasunod niya.
Вони досліджували, на котри́й чи на який час показував Дух Христів, що в них був, коли Він сповіщав про Христові стражда́ння та славу, що при́йдуть по них.
12 Naihayag sa mga propeta na naglilingkod sila sa mga bagay na ito, hindi para sa kanilang sarili, kung hindi para sa inyo— ang pagsasabi ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga nagdadala ng ebanghelyo sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na isinugo mula sa langit, mga bagay na ninanais maipahayag maging ng mga anghel.
Їм відкрито було́, що вони не для себе сами́х, а для вас служили тим, що тепер звіщено вам через благові́сників Духом Святим, із неба посланим, на що бажають дивитися анголи.
13 Kaya't bigkisan ninyo ang baywang ng inyong kaisipan. Maging mahinahon kayo sa inyong pag-iisip. Magkaroon kayo ng buong kapanatagan sa biyaya na dadalhin sa inyo sa kapahayagan ni Jesu Cristo.
Тому́ то, підперезавши сте́гна свого розуму та бувши тверезі, майте досконалу надію на благода́ть, що прино́ситься вам в з'я́вленні Ісуса Христа.
14 Tulad ng masunuring mga anak, huwag ninyong i-ayon ang inyong mga sarili sa mga pagnanasa na inyong sinunod noong wala pa kayong kaalaman.
Як слухняні, не застосовуйтеся до попередніх пожадливо́стей вашого неві́дання,
15 Dahil gaya ng ang tumawag sa inyo ay banal, kayo rin, at magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa sa buhay.
але за Святим, що покликав вас, будьте й самі святі в усім вашім пово́дженні,
16 Sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako ay banal.”
бо написано: „Будьте святі, — Я бо святий“!
17 At kung tinatawag ninyong “Ama” ang tagahatol na walang pagtatangi ayon sa ginagawa ng bawat tao, bigyang panahon ng inyong paglalakbay nang may mataas na pagtingin sa kaniya.
І коли ви Отцем звете Того, Хто кожного, не зважаючи на особу, судить за вчинок, то в страху́ провадьте час вашого тимчасового заме́шкання.
18 Alam ninyo na hindi sa mga pilak o ginto— mga bagay na naglalaho— na kayo ay tinubos mula sa hangal na pamumuhay na inyong natutunan sa inyong mga ninuno.
I знайте, що не тлінним сріблом або золотом відкуплені ви були від марно́го вашого життя, що передане вам від батьків,
19 Pero kayo ay tinubos sa marangal na dugo ni Cristo, tulad ng isang tupa na walang kapintasan at walang karumihan.
але дорогоцінною кров'ю Христа, як непорочного й чистого Ягняти,
20 Pinili si Cristo bago pa ang pagkalikha ng mundo, pero ngayon, sa mga huling panahon, naihayag siya sa inyo.
що призначений був іще перед закла́динами світу, але був з'явлений вам за останнього ча́су.
21 Naniniwala kayo sa Diyos sa pamamagitan niya, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay at sa kaniya na binigyan ng kaluwalhatian upang ang inyong pananampalataya at pagtitiwala ay mailaan sa Diyos.
Через Нього ви віруєте в Бога, що з мертвих Його воскресив та дав славу Йому, щоб була ваша віра й надія на Бога.
22 Ginawa ninyong dalisay ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan para sa taos-pusong pagmamahal para sa kapatiran, kaya masugid ninyong ibigin ang isa't isa.
По́слухом правді очистьте душі свої через Духа на нелицемірну братерську любов, і ревно від щирого серця любіть один о́дного,
23 Ipinanganak kayong muli, hindi mula sa naglalahong binhi, ngunit mula sa hindi naglalahong binhi, sa pamamagitan ng buhay at nananatiling salita ng Diyos. (aiōn )
бо народжені ви не з тлінного насіння, але з нетлінного, — Словом Божим живим та тривалим. (aiōn )
24 Sapagkat “Ang lahat ng laman ay tulad ng damo, at ang lahat ng kagandahan nito ay tulad ng bulakalak. Ang damo ay malalanta, at ang bulaklak ay malalaglag,
Бо „кожне тіло — немов та трава, і всяка слава люди́ни — як цвіт трав'яни́й: засохне трава — то й цвіт опаде,
25 pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” Ito ang mensahe na ipinahayag bilang ebanghelyo sa inyo. (aiōn )
а Слово Господнє повік пробуває“! А це те Слово, яке звіщене вам у Єва́нгелії. (aiōn )