< 1 Mga Hari 1 >
1 Matandang-matanda na si Haring David. Binalutan nila siya ng mga damit, pero hindi siya naiinitan.
Le roi David était vieux, chargé de jours; on l’enveloppait de vêtements, sans qu’il en fût réchauffé.
2 Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga lingkod, “Hayaan mo kaming maghanap ng dalagang birhen para sa aming hari. Paglingkuran niya ang hari at alagaan siya. Hihiga siya sa iyong mga bisig upang maiinitan ang aming panginoon na hari.”
Ses serviteurs lui dirent: "Que l’on cherche, pour mon seigneur le roi, une jeune fille vierge, qui se tiendra devant le roi, et aura soin de lui; elle reposera dans tes bras, et la chaleur reviendra à mon seigneur le roi."
3 Kaya naghanap sila ng isang magandang babae sa loob ng mga hangganan ng Israel. Nahanap nila si Abisag na taga-Sunem at dinala siya sa hari.
On chercha une belle jeune fille dans tout le territoire d’Israël; on trouva Abisag, la Sunamite, et on l’amena au roi.
4 Siya ay napakagandang babae. Pinaglingkuran niya ang hari at inalagaan siya, pero hindi sumiping ang hari sa kaniya.
Or, la jeune fille était fort belle. Elle devint la garde du roi et elle le servit; mais le roi n’eut pas commerce avec elle.
5 Sa panahong iyon, itinaas ni Adonias na anak ni Haguit ang kaniyang sarili, sinasabing, “Ako ang magiging hari.” Kaya naghanda siya para sa kaniyang sarili ng mga karwahe at mga mangangabayo na kasama ang limampung tao para mauna sa kaniya.
Adonias, fils de Hagghit, laissait percer son ambition en disant: "C’Est moi qui serai roi." Il se procura un char et des écuyers, se faisant précéder de cinquante coureurs.
6 Hindi siya ginambala ng kaniyang ama, na nagsabing, “Bakit mo ginawa ito o iyan?” Si Adonias ay isa ring napakakisig na lalaki, sumunod na ipinanganak kay Absalom.
Jamais son père ne l’avait contrarié en disant: "Pourquoi agis-tu ainsi?" Il était d’ailleurs d’une grande beauté, et il était venu au monde après Absalon.
7 Kinausap niya sila Joab na anak ni Zeruias at si Abiatar na pari. Sumunod sila kay Adonias at tinulungan siya.
Il eut des pourparlers avec Joab, fils de Cerouya, et le pontife Ebiathar, qui se rallièrent à son parti.
8 Ngunit sila Sadoc na pari, Benaias na anak ni Joiada, Nathan na propeta, Semei, Rei, at ang mga magigiting na mga taong sumusunod kay David ay hindi sumunod kay Adonias.
Pour le pontife Çadok, Benaïahou, fils de Joïada, le prophète Nathan, Séméi et Réi, et les vaillants de David, ils ne suivirent point Adonias.
9 Si Adonias ay nag-alay ng mga tupa, mga lalaking baka, at mga pinatabang baka sa bato ng Zoholete na katabi ng En-rogel. Inanyayahan niya ang lahat ng kaniyang kapatid na lalaki, mga anak na lalaki ng hari, at lahat ng kalalakihan sa Juda na mga lingkod ng hari.
Adonias fit égorger des pièces de menu et de gros bétail et des animaux engraissés, près de la pierre de Zohéleth, qui est à côté d’En-Roghel; il convia tous ses frères, les fils du roi, et tous les Judaïtes, serviteurs du roi.
10 Ngunit hindi niya inanyayahan sila Nathan na propeta, Benaias, ang mga magigiting na lalaki, o ang kaniyang kapatid na si Solomon.
Mais Nathan le prophète, Benaïahou, les Vaillants, et Salomon, son frère, il ne les convia point.
11 Pagkatapos, kinausap ni Nathan si Batsheba na ina ni Solomon, sinasabing, “Hindi mo ba narinig na si Adonias na anak ni Haguit ay naging hari, at hindi ito alam ni David na ating panginoon?
Nathan dit à Bethsabée, mère de Salomon: "N’As-tu pas ouï dire qu’Adonias, fils de Hagghit, s’est fait roi? Notre maître David l’ignore.
12 Kaya ngayon, payuhan kita, para maligtas mo ang sarili mong buhay at ang buhay ng iyong anak na si Solomon.
Eh bien! Écoute, je veux te donner un conseil, et tu sauveras ta vie et celle de ton fils Salomon.
13 Pumunta ka kay Haring David; sabihin mo sa kaniya, 'Aking panginoong hari, hindi ba't sumumpa ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, “Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?” Kung ganon, bakit naghahari si Adonias?'
Va, entre chez le roi David, et dis-lui: "N’Est-il pas vrai, seigneur, que tu as juré à ta servante en disant: Certes, Salomon, ton fils, régnera après moi, c’est lui qui sera assis sur mon trône? Pourquoi donc Adonias règne-t-il?"
14 Habang kinakausap mo ang hari, papasok ako pagkatapos mo at patutuhanan ko ang iyong mga salita.”
Or, tandis que tu seras en train de parler ainsi au roi, moi, j’entrerai sur tes pas et je confirmerai tes paroles."
15 Kaya pumunta si Batsheba sa silid ng hari. Napakatanda na ng hari, at pinaglilingkuran siya ni Abisag na taga-Sunem.
Bethsabée alla trouver le roi dans sa chambre. (Le roi était fort âgé, et Abisag, la Sunamite, le servait.)
16 Yumuko si Batseba at nagpatirapa sa harap ng hari. At sinabi ng hari, “Ano ang iyong nais?”
Bethsabée s’inclina et se prosterna devant le roi, qui lui dit: "Que veux-tu?"
17 Sinabi niya sa kaniya, “Aking panginoon, sumumpa ka sa iyong lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, na iyong sinabi, 'Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono.'
Elle lui répondit: "Seigneur, tu as juré à ta servante par l’Eternel, ton Dieu, en disant: Salomon, ton fils, régnera après moi, et c’est lui qui sera assis sur mon trône.
18 Ngayon, tingnan mo, si Adonias ang hari, at ikaw, aking panginoong hari, ay hindi mo alam ito.
Et maintenant, voici qu’Adonias règne et, à l’heure présente, seigneur, tu l’ignores!
19 Nag-alay siya ng mga lalaking baka, pinatabang baka, at maraming mga tupa at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, si Abiatar na pari, at si Joab na kapitan ng hukbo, pero hindi niya inanyayahan si Solomon na iyong lingkod.
Il a tué une grande quantité de bœufs, de bêtes grasses, de menu bétail, et il a convié tous les fils du roi, Ebiathar, le pontife, Joab, le général d’armée; et Salomon, ton serviteur, il ne l’a pas convié.
20 Aking panginoong hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, naghihintay sila na sabihin mo sa kanila kung sino ang uupo sa trono pagkatapos mo, aking panginoon.
Quant à toi, seigneur, les yeux de tout Israël sont fixés sur toi, pour que tu lui déclares qui succèdera sur le trône à mon seigneur le roi.
21 Kung hindi, mangyayari ito, kapag nahimlay na ang aking panginoon ang hari kasama ng kaniyang mga ninuno, ako at ang aking anak na si Solomon ay ituturing na mga kriminal.”
Et il arrivera, lorsque mon seigneur le roi sera allé reposer avec ses pères, que moi et mon fils Salomon nous serons traités de rebelles."
22 Habang kinakausap niya ang hari, pumasok si Nathan na propeta.
Elle parlait encore au roi, lorsque parut Nathan, le prophète.
23 Sinabi ng mga lingkod sa hari, “Nandito si Nathan na propeta.” Nang pumunta siya sa harapan ng hari, nagpatirapa siya na ang kaniyang mukha ay nasa sahig.
On l’annonça au roi, disant: "Voici Nathan, le prophète." Il entra en présence du roi et se prosterna devant lui, la face contre terre.
24 Sinabi ni Nathan, “Aking panginoong hari, sinabi mo bang, 'Si Adonias ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?'
Et il dit: "Est-ce toi, mon seigneur le roi, qui as dit: Adonias régnera après moi, et c’est lui qui s’assiéra sur mon trône?
25 Dahil bumaba siya ngayon at nag-alay siya ng maraming mga lalaking baka, mga pinatabang baka at mga tupa, at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, ang mga kapitan ng mga hukbo, at si Abiatar na pari. Kumakain at umiinom sila sa harapan niya, at isinasabi nilang, 'Mabuhay si Haring Adonias!'
De fait, il est descendu aujourd’hui tuer des bœufs, des bêtes engraissées et des brebis en quantité; il a invité tous les fils du roi, les chefs de l’armée, le prêtre Ebiathar; et voici qu’ils mangent et boivent en sa présence, criant: "Vive le roi Adonias!"
26 Pero ako na iyong lingkod, si Sadoc na pari, si Benaias na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Solomon, ay hindi niya inanyayahan.
Pour moi moi ton serviteur et le pontife Çadok, et Benaïahou, fils de Joïada, et ton serviteur Salomon, il ne nous a pas invités.
27 Ginawa ba ito ng aking panginoong hari nang hindi mo sinasabi sa amin na iyong mga lingkod, kung sino ang dapat na maupo sa trono pagkatapos niya?”
Est-ce au nom de mon maître le roi qu’a eu lieu une telle chose, et sans que tu aies fait connaître à ton serviteur celui qui succèdera sur le trône au roi mon maître?"
28 Pagkatapos, sumagot si Haring David at sinabi, “Pabalikin mo sa akin si Batsheba.” Pumunta siya sa harap ng hari at tumayo sa harap niya.
Le roi David dit alors: "Faites venir Bethsabée." Elle entra chez le roi et se tint debout devant lui.
29 Gumawa ng panata ang hari at sinabi, “Buhay si Yahweh, na tumubos sa akin mula sa lahat ng kaguluhan,
Et le roi jura en ces termes: "Par le Dieu vivant, qui a sauvé ma vie de tout danger!
30 tulad ng panunumpa ko sa iyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinasabi ko, 'Ang iyong anak na si Solomon ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono kapalit ko,' gagawin ko ito ngayon.”
comme je t’ai juré par l’Eternel, Dieu d’Israël, en disant que Salomon, ton fils, régnera après moi, et qu’il me remplacera sur le trône, ainsi ferai-je aujourd’hui."
31 Pagkatapos, yumuko si Batseba na ang kaniyang mukha ay nasa sahig at nagpatirapa sa harap ng hari at sinabi, “Nawa ang aking panginoon na si Haring David ay mabuhay magpakailanman!”
Bethsabée s’inclina, la face contre terre, et se prosterna aux pieds du roi, en disant: "Vive à jamais le roi David, mon seigneur!"
32 Sinabi ni Haring David, “Papuntahin mo sa akin si Sadoc na pari, si Nathan na propeta, at si Benaias na anak ni Joiada.” Kaya pumunta sila sa hari.
Puis le roi David dit: "Appelez-moi le pontife Çadok, le prophète Nathan et Benaïahou, fils de Joïada." Et ils vinrent devant le roi,
33 Sinabi ng hari sa kanila, “Magsama kayo ng mga lingkod ko na inyong panginoon, at pasakayin ninyo si Solomon na aking anak sa aking sariling mola at dalhin ninyo siya sa Gihon.
qui leur dit: "Faites-vous accompagner par les serviteurs de votre maître; vous ferez monter Salomon, mon fils, sur ma propre mule, et vous le conduirez vers le Ghihôn.
34 Pahiran siya ng langis nila Sadoc na pari at Nathan na propeta bilang hari ng buong Israel at hipan ang trumpeta at sabihi, 'Mabuhay si Haring Solomon!'
Là, Çadok, le pontife, et Nathan, le prophète, le sacreront roi d’Israël; vous sonnerez du cor et vous direz: "Vive le roi Salomon!"
35 Pagkatapos ay susundan ninyo siya, at pupunta siya at mauupo sa aking trono; dahil siya ang magiging hari kapalit ko. Itinalaga ko siya para maging pinuno ng buong Israel at Juda.”
Vous remonterez à sa suite, et il ira s’asseoir sur mon trône; c’est lui qui doit régner à ma place, et c’est lui que j’ai institué chef d’Israël et de Juda."
36 Sumagot si Benaias na anak ni Joiada sa hari, at sinabi, “Nawa'y ito nga ang mangyari! Nawa'y si Yahweh, na Diyos ng aking hari, ang magpatibay nito.
Benaïahou, fils de Joïada, répondit au roi: "Amen! Soit ainsi voulu par l’Eternel, Dieu du roi mon maître!
37 Kung paano sinamahan ni Yahweh ang aking panginoong hari, nawa'y ganoon din kay Solomon, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa trono ng aking panginoong si Haring David.”
Comme l’Eternel a été avec le roi mon maître, ainsi soit-il avec Salomon, et puisse-t-il rendre son trône encore plus grand que celui de mon seigneur le roi David!"
38 Kaya sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, Benaias na anak ni Joiada, at ang mga Kereteo at Peleteo ay bumaba at pinasakay si Solomon sa mola ni Haring David; dinala nila siya sa Gihon.
Le pontife Çadok, le prophète Nathan et Benaîahou, fils de Joïada, descendirent, avec les Kerythi et Pelêthi, firent monter Salomon sur la mule du roi David, et le conduisirent vers le Ghihôn.
39 Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!”
Le pontife Çadok, avec le cornet d’huile qu’il avait pris dans la Tente, oignit Salomon; on sonna du cor, et tout le peuple dit: "Vive le roi Salomon!"
40 Pagkatapos, sumunod ang lahat ng tao sa kaniya, at tumugtog ng mga plauta at nagsaya nang may buong kagalakan, na ang lupa ay nayanig sa kanilang tunog.
Et tout le peuple monta à sa suite, faisant résonner les flûtes, se livrant à une grande allégresse; leurs cris ébranlaient la terre.
41 Narinig ito nila Adonias at ng lahat ng kaniyang mga panauhin habang patapos na sila sa pagkain. Nang narinig ni Joab ang tunog ng trumpeta, sinabi niya, “Bakit napakaingay ng lungsod?”
Adonias et tous ses convives, qui achevaient de manger, l’entendirent; et Joab, en percevant le son du cor, demanda: "D’Où vient ce bruit de la ville en émoi?"
42 Habang nagsasalita siya, dumating si Jonatan na anak ni Abiatar na pari. Sinabi ni Adonias, “Pumasok ka, dahil karapat-dapat ka at nagdadala ka ng magandang balita.”
Il parlait encore, lorsqu’il vit venir Jonathan, fils du prêtre Ebiathar. "Viens, dit Adonias, car tu es un vaillant homme et porteur de bonnes nouvelles."
43 Sumagot si Jonatan at sinabi kay Adonias, “Ang aming panginoong si Haring David ay ginawang hari si Solomon.
Jonathan répondit à Adonias: "En vérité, le roi David, notre maître, a donné la royauté à Salomon.
44 At pinadala ng hari sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, Benaias na anak ni Joiada, at ang mga Kereteo at Peleteo na kasama niya. Pinasakay nila si Solomon sa mola ng hari.
Il a envoyé, pour l’accompagner, le pontife Çadok, le prophète Nathan, Benaïahou, fils de Joïada, les Kerêthi et Pelêthi, et on l’a fait monter sur la mule du roi.
45 Pinahiran siya ng langis bilang hari nila Sadoc na pari at Nathan ang propeta sa Gihon, at nagsaya mula roon, kaya napakaingay ng lungsod. Ito ang ingay na narinig mo.
Et le pontife Çadok et le prophète Nathan lui ont donné l’onction royale près du Ghihôn, et ils sont revenus de là tout joyeux, et la cité est pleine d’émoi. De là le bruit que vous avez entendu.
46 Nakaupo rin si Solomon sa trono ng kaharian.
De plus, Salomon s’est assis sur le trône royal.
47 Dagdag pa rito, ang mga lingkod ng hari ay dumating para pagpalain ang ating panginoong si Haring David, sinasabi nila, 'Nawa'y gawing mas dakila ng iyong Diyos ang pangalan ni Solomon kaysa sa iyong pangalan, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa iyong trono.' At iniyuko ng hari ang kaniyang sarili sa higaan.
Bien mieux, les serviteurs du roi sont venus féliciter notre maître, le roi David, en disant: "Puisse le Seigneur rendre le nom de Salomon plus illustre encore que ton nom, et son trône plus grand que le tien!" Et le roi s’est prosterné sur sa couche.
48 Sinabi rin ng hari, 'Pagpalain nawa si Yahweh, na Diyos ng Israel, na nagbigay ng isang tao na mauupo sa aking trono balang-araw, at makita ito ng sarili kong mga mata.'”
Puis il s’est exprimé ainsi: Béni soit l’Eternel, Dieu d’Israël, qui a donné aujourd’hui un occupant à mon trône et m’en a rendu témoin!"
49 Pagkatapos, ang lahat ng mga panauhin ni Adonias ay natakot; tumayo sila at kani-kaniyang umalis.
Saisis d’effroi, tous les invités d’Adonias se levèrent et se dirigèrent chacun de son côté.
50 Takot si Adonias kay Solomon at tumayo siya, umalis, at kinuha ang mga sungay sa altar.
Pour Adonias, craignant Salomon, il se leva également et alla embrasser les cornes de l’autel.
51 Pagkatapos ay sinabi ito kay Solomon, sinasabi, “Tingnan mo, si Adonias ay takot kay Haring Solomon, dahil kinuha niya ang mga sungay sa altar, sinasabi, 'Manumpa muna sa akin si Haring Solomon na hindi niya papatayin ang kaniyang lingkod gamit ang espada.”'
Salomon en fut informé en ces termes: "Voici, Adonias a pris peur du roi Salomon, il est allé saisir les cornes de l’autel et a dit: Que le roi Salomon m’affirme sous serment aujourd’hui qu’il ne fera point périr son serviteur par le glaive!"
52 Sinabi ni Solomon, “Kung ipakikita niya na siya ay isang taong karapat-dapat, kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok ay hindi malalagas sa lupa, ngunit kung kasamaan ang makikita sa kaniya, mamamatay siya.”
Salomon dit alors: "S’Il se conduit en homme de bien, pas un de ses cheveux ne tombera à terre; mais si un acte pervers lui est imputable, il mourra."
53 Kaya nagsugo si Haring Solomon ng mga kalalakihan, na nagbaba kay Adonias pababa ng altar. Pumunta at yumuko siya kay Haring Solomon, at sinabi ni Solomon sa kaniya, “Umuwi ka na.”
Le roi Salomon envoya des gens, qui le firent descendre de l’autel, et il vint se prosterner devant le roi Salomon, qui lui dit: "Rentre en ta demeure."