< 1 Mga Hari 9 >

1 Pagkatapos maitayo ni Solomon ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari, at pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ninais niyang gawin,
When Salomon had finished the building of the house of ye Lord, and the kings palace, and all that Salomon desired and minded to do,
2 nangyaring nagpakita muli si Yahweh kay Solomon sa ikalawang pagkakataon, kagaya ng pagpapakita sa kaniya sa Gabaon.
Then the Lord appeared vnto Salomon the second time, as he appeared vnto him at Gibeon.
3 At sinabi sa kaniya ni Yahweh, “Narinig ko ang iyong panalangin at ang iyong kahilingan sa akin. Itinalaga ko ang templong ito, na iyong itinayo, para sa akin, para doon ko ilagay ang aking pangalan magpakailanman, at ang aking mga mata at ang aking puso ay mananatili doon sa lahat ng panahon.
And the Lord sayd vnto him, I haue heard thy prayer and thy supplication, that thou hast made before me: I haue halowed this house (which thou hast built) to put my Name there for euer, and mine eyes, and mine heart shall be there perpetually.
4 Para naman sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harapan ko gaya ng ama mong si David na lumakad ng may matapat na puso at sa pagiging matuwid, at kung susundin mo ang lahat na iniutos ko at iniingatan ang aking mga kautusan at aking mga tuntunin,
And if thou wilt walke before mee (as Dauid thy father walked in purenesse of heart and in righteousnesse) to doe according to al that I haue commanded thee, and keepe my statutes, and my iudgements,
5 itatatag ko ang trono ng iyong kaharian sa buong Israel magpakailanman, gaya nang ipinangako ko sa iyong amang si David, na sinasabing, 'Isa sa iyong lahi ay hindi kailaman mabibigong lumuklok sa trono ng Israel.'
Then will I stablish the throne of thy kingdome vpon Israel for euer, as I promised to Dauid thy father, saying, Thou shalt not want a man vpon the throne of Israel.
6 Pero kung kayo ay tatalikod, ikaw at ang at iyong mga anak, at hindi iingatan ang aking mga kautusan na aking inilagay sa harapan ninyo, at kung pupunta at sasamba kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa kanila,
But if ye and your children turne away from mee, and wil not keepe my commandements, and my statutes (which I haue set before you) but go and serue other gods, and worship them,
7 kung gayon ay palalayasin ko ang Israel mula sa lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang templong ito na inilaan ko para sa aking pangalan—iwawaksi ko ito sa aking paningin. At ang pangalang “Israel” ay magiging para na lamang isang kawikaan at isang katatawanan sa lahat ng mga tao.
Then will I cutte off Israel from the lande, which I haue giuen them, and the house which I haue halowed for my Name, will I cast out of my sight, and Israel shall be a prouerbe, and a common talke among all people.
8 At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
Euen this hie house shall bee so: euery one that passeth by it, shalbe astonied, and shall hisse, and they shall say, Why hath the Lord done thus vnto this land and to this house?
9 Sasagot ang iba, “dahil tinalikuran nila si Yahweh, na kanilang Diyos, na siyang naglabas sa kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, at pinaglingkuran nila ang ibang mga diyos at yumukod sila sa mga ito at sumamba sila sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng mga sakunang ito sa kanila.””
And they shall answere, Because they forsooke the Lord their God, which brought their fathers out of the land of Egypt, and haue taken holde vpon other gods, and haue worshipped them, and serued them, therfore hath the Lord brought vpon them all this euill.
10 At5 nangyari sa pagsapit ng katapusan ng dalawampung taon, natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng dalawang gusali, ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari.
And at the ende of twentie yeeres, when Salomon had buylded the two houses, the house of the Lord, and the Kings palace,
11 Si Hiram, ang hari ng Tiro, ay nagbigay kay Solomon ng mga kahoy na sedar, mga kahoy na pino, at ginto, lahat ng hinangad ni Solomon. Kaya binigyan ni Haring Solomon si Hiram ng dalawampung lungsod sa lupain ng Galilea.
(For the which Hiram the King of Tyrus had brought to Salomon timber of cedar, and firre trees, and golde, and whatsoeuer he desired) then King Salomon gaue to Hiram twentie cities in the land of Galil.
12 Lumabas si Hiram mula sa Tiro para tingnan ang mga lungsod na ibinigay sa kaniya ni Solomon, pero hindi siya nasiyahan sa mga iyon.
And Hiram came out from Tyrus to see the cities which Salomon had giuen him, and they pleased him not.
13 Kaya sinabi ni Hiram, “Ano ba itong mga lungsod na ibinigay mo sa akin, aking kapatid?” Kaya tinawag ni Hiram ang mga iyon na Lupain ng Cabul, kung saan ganoon pa rin ang tawag sa kanila hanggang ngayon.
Therefore hee sayde, What cities are these which thou hast giuen me, my brother? And hee called them the land of Cabul vnto this day.
14 Nagpadala si Hiram sa hari ng 120 talentong ginto.
And Hiram had sent the King sixe score talents of gold.
15 Ang sumusunod ay ang dahilan na ipinataw ni Haring Solomon na magtrabaho ang mga tao: upang itayo ang templo ni Yahweh at ang kaniyang sariling palasyo, upang itayo ang Millo at ang pader ng Jerusalem, at upang itayo ang mga tanggulan ng Hazor, Megido, at Gezer.
And this is the cause of the tribute why King Salomon raised tribute, to wit, to builde the house of the Lord, and his owne house, and Millo, and the wall of Ierusalem, and Hazor, and Megiddo, and Gezer.
16 Ang haring Paraon ng Ehipto ay nagpunta at sinakop ang Gezer, sinunog niya ito, at pinatay ang mga taga Canaan sa loob ng lungsod. Pagkatapos ay ibinigay ng Paraon ang lungsod sa kaniyang anak na babae, na asawa ni Solomon, bilang regalo sa kanilang kasal.
Pharaoh King of Egypt had come vp, and taken Gezer, and burnt it with fire, and slew the Canaanites, that dwelt in the citie, and gaue it for a present vnto his daughter Salomons wife.
17 Kaya muling itinayo ni Solomon ang Gezer at Beth-Horon sa bandang Ibaba,
(Therefore Salomon builte Gezer and Beth-horon the nether,
18 ang Baalat at Tadmor sa ilang sa lupain ng Juda,
And Baalath and Tamor in the wildernes of the land,
19 at sa lahat ng mga imbakang lungsod na pag-aari niya, at mga lungsod para sa kaniyang mga karwahe at mga lungsod para sa kaniyang mangangabayo, at anumang mga hinangad niyang itayo para sa kanyang kasiyahan sa Jerusalem, sa Lebanon, at sa lahat ng mga lupain na nasa ilalim ng kaniyang pamumuno.
And all the cities of store, that Salomon had, euen cities for charets, and cities for horsemen, and all that Salomon desired and woulde build in Ierusalem, and in Lebanon and in all the land of his dominion)
20 Sa lahat ng mga tao na natira sa mga Amoreo, sa mga Heteo, Perezeo, Hivita at Jebuseo, na hindi kabilang sa bayan ng Israel,
Al the people that were left of the Amorites, Hittites, Perizzites, Hiuites, and Iebusites, which were not of the children of Israel:
21 ang kanilang mga kaapu-apuhan na naiwan nila sa lupain, mga taong hindi lubusang napuksa ng mga mamamayan ng Israel— ginawa sila ni Solomon bilang mga sapilitang manggagawa, kung saan ganoon pa rin sila hanggang sa araw na ito.
To wit, their children that were left after them in the lande, whome the children of Israel were not able to destroy, those did Salomon make tributaries vnto this day.
22 Gayon man, hindi ginawang mga sapilitang manggagawa ang mga Israelita. Sa halip, naging mga sundalo sila at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga opisyales at kaniyang mga pinuno at mga pinuno ng kaniyang hukbo ng karwahe at kaniyang mga mangangabayo.
But of the children of Israel did Salomon make no bondmen: but they were men of warre and his seruants, and his princes, and his captaines, and rulers of his charets and his horsemen.
23 Ito ang mga pangunahing pinuno na namahala sa mga tagapangsiwa ng mga gawain ni Solomon, 550 katao, na nangasiwa sa mga taong gumawa ng gawain.
These were the princes of the officers, that were ouer Salomons worke: euen fiue hundreth and fiftie, and they ruled the people that wrought in the worke.
24 Lumipat ang anak na babae ng Paraon mula sa lungsod ni David patungo sa bahay na itinayo ni Solomon para sa kanya. Kinalaunan, itinayo ni Solomon ang Millo.
And Pharaohs daughter came vp from the citie of Dauid vnto the house which Salomon had built for her: then did he buylde Millo.
25 Tatlong beses sa isang taon na nag- aalay si Solomon ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa altar na itinayo niya para kay Yahweh, nagsusunog ng insenso kasama nito sa altar sa harap ni Yahweh. Kaya tinapos niya ang templo at ginagamit na ito ngayon.
And thrise a yere did Salomon offer burnt offringes and peace offrings vpon the altar which he built vnto the Lord: and hee burnt incense vpon the altar that was before the Lord, when hee had finished the house.
26 Nagpagawa si Solomon ng malaking grupo ng mga barko sa Ezion-Geber, kung saan malapit sa Elat, na nasa dalampasigan ng Dagat na pula, sa lupain ng Edom.
Also King Salomon made a nauie of ships in Ezeon-geber, which is beside Eloth, and the brinke of the red Sea, in the land of Edom.
27 Pinadalhan ni Hiram ang mga grupo ng barko ni Solomon ng mga tauhan, mga bihasang mandaragat, kasama ang mga sariling tauhan ni Solomon.
And Hiram sent with the nauie his seruats, that were mariners, and had knowledge of the sea, with the seruants of Salomon.
28 Pumunta sila sa Ofir kasama ang mga tauhan ni Solomon. Mula roon ay nag-uwi sila ng 420 talentong ginto para kay Haring Solomon.
And they came to Ophir and sette from thence foure hundreth and twentie talents of gold, and brought it to King Salomon.

< 1 Mga Hari 9 >