< 1 Mga Hari 3 >

1 Kumampi si Solomon sa Paraon na hari ng Ehipto sa pamamagitan ng pagpapakasal. Kinuha niya ang anak na babae ng Paraon at dinala siya sa lungsod ni David hanggang sa matapos niya ang pagtatayo ng kaniyang sariling tahanan, ang tahanan ni Yahweh, at ang pader sa paligid ng Jerusalem.
А Соломон се сроди с египетския цар Фараона, като взе Фараоновата дъщеря; и доведе я да живее в Давидовия град догде да свърши съграждането на своя дом, и на Господния дом и не стената около Ерусалим.
2 Nag-aalay ang mga tao sa mga dambana, dahil wala pang tahanan ang naitayo para sa pangalan ni Yahweh.
Но людете жертвуваха по високите места, понеже до онова време нямаше дом съграден за Господното име.
3 Minahal ni Solomon si Yahweh, lumalakad sa mga alituntunin ni David na kaniyang ama, maliban na nag-alay siya at nagsunog ng insenso sa mga dambana.
И Соломон възлюби Господа, и ходеше в повеленията на баща си Давида; само че жертвуваше и кадеше по високите места.
4 Pumunta ang hari sa Gibeon para mag-alay doon, dahil iyon ang malaking dambana. Naghandog si Solomon ng isang libong susunuging handog sa altar na iyon.
И царят отиде в Гаваон, за да принесе там жертва, защото това бе главното високо място; хиляда всеизгаряния принесе Соломон на оня олтар.
5 Nagpakita si Yahweh sa Gibeon kay Solomon sa isang panaginip isang gabi; sinabi niya, “Humiling ka! Ano ang ibibigay ko sa iyo?”
А в Гаваон Господ се яви на Соломона на сън през нощта; и рече Бог: Искай какво да ти дам.
6 Kaya sinabi ni Solomon, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan sa iyong lingkod, si David, aking ama, dahil lumakad siya sa harap mo nang may pagtitiwala, katuwiran, at kabutihan ng puso. Iningatan mo ang dakilang katapatan sa tipan na ito para sa kaniya at binigyan mo siya ng anak na lalaki para maupo sa trono niya ngayon.
А Соломон каза: Ти показа голяма милост към слугата Си баща ми Давида, понеже той ходи пред Тебе във вярност, в правда и в сърдечна правота с Тебе; и Ти си запазил за него тая голяма милост, че си му дал син да седи на престола му, както е днес.
7 At ngayon, Yahweh na aking Diyos, ginawa mong hari ang iyong lingkod kapalit ni David na aking ama, kahit na isa lamang akong bata. Hindi ko alam kung paano lumabas o pumasok.
И сега, Господи Боже мой, Ти си направил слугата Си цар вместо баща ми Давида; а аз съм малко момче; на зная как да се обхождам.
8 Ang iyong lingkod ay nasa kalagitnaan ng mga taong pinili mo, dakilang bayan, masyadong marami para itala o bilangin.
И слугата Ти е всред Твоите люде които Ти си избрал, люде много, които поради множеството си не могат да се изброят, нито да се пресметнат.
9 Kaya bigyan mo ang iyong lingkod ng maunawaing puso para hatulan ang iyong bayan, para malaman ko ang mabuti at masama. Dahil sino ang may kakayahang hatulan ang dakilang bansa mo na ito?”
Дай, прочее, на слугата Си разумно сърце, за да съди людете Ти, за да различава между добро и зло; защото кой може да съди тоя Твой голям народ;
10 Ang kahilingan na ito ni Solomon ay ikinalugod ng Panginoon.
И тия думи бяха угодни Господу, понеже Соломон поиска това нещо.
11 Kaya sinabi sa kaniya ng Diyos, “Dahil hiniling mo ang bagay na ito at hindi ka humiling para sa sarili mo ng mahabang buhay o kayamanan o ang buhay ng iyong mga kalaban, pero humiling ka para sa sarili mo ng kaunawaan para malaman ang katarungan.
И Бог му каза: Понеже ти поиска това нещо, и не поиска за себе си дълъг живот, нито поиска за себе си богатство, нито поиска смъртта на неприятелите си, но поиска за себе си разум за да разбираш правосъдие,
12 Tingnan mo, ngayon gagawin ko ang lahat ng hiniling mo sa akin. Bibigyan kita ng may karunungan at maunawaing puso, sa gayon wala ng katulad mo na nauna sa iyo, at walang katulad mo ang mas hihigit na susunod sa iyo.
ето, сторих според както си казал; ето, дадох ти мъдро и разумно сърце, така щото преди тебе не е имало подобен на тебе, нито подир тебе ще се издигне подобен на тебе.
13 Binigay ko rin sa iyo ang hindi mo hiniling, ang parehong kayamanan at karangalan, para walang magiging katulad mo sa mga hari sa lahat ng iyong mga araw.
А при това ти дадох каквото не си поискал - и богатство и слава, така щото между царете не ще има подобен на тебе през всичките ти дни.
14 Kung lalakad ka sa aking mga paraan para sundin ang aking mga alituntunin at utos, tulad ng paglakad ng iyong ama na si David, pahahabain ko ang iyong mga araw.”
И ако ходиш в Моите пътища, и пазиш повеленията Ми и заповедите Ми, както ходи баща ти Давид, тогава ще продължа дните ти.
15 Pagkatapos ay nagising si Solomon, masdan ito, isa iyong panaginip. Pumunta siya sa Jerusalem at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon. Nag-alay siya ng mga handog na susunugin at handog para sa kapayapaan, at nagdaos ng isang handaan para sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
И събуди се Соломон; и, ето, бе сън. След това, дойде в Ерусалим и като застана пред ковчега на Господния завет, пожертвува всеизгаряния и принесе примирителни приноси; направи и угощение на всичките си слуги.
16 May dalawang bayarang babae ang pumunta sa hari at tumayo sa harap niya.
Тогава дойдоха при царя две блудници та застанаха пред него.
17 Sinabi ng isang babae, “O, aking panginoon, ako at ang babaeng ito ay naninirahan sa iisang bahay, at nanganak ako kasama siya sa bahay na iyon.
И едната жена рече: О, господарю мой! аз и тая жена живеем в една къща; и аз родих като живеех с нея в къщата.
18 Nangyari na sa ikatlong araw matapos kong manganak ay nanganak din ang babaeng ito. Magkasama kami. Wala na kaming kasama sa bahay, pero kami lamang dalawa ang nasa bahay.
И на третия ден, откак родих аз, роди и тая жена; и ние бяхме сами заедно, нямаше външен човек с нас в къщата, само ние двете бяхме в къщата.
19 Isang gabi ay namatay ang kaniyang anak na lalaki, dahil nahigaan niya ito.
И през нощта умря синът на тая жена, понеже го налегнала.
20 Kaya tumayo siya nang hatinggabi at kinuha ang aking anak na lalaki sa tabi ko, habang natutulog ang iyong lingkod, at inihiga siya sa kaniyang dibdib, at inihiga ang kaniyang patay na anak sa aking dibdib.
А тя, като станала посред нощ, взела сина ми от при мене, когато слугинята ти спеше, та го турила на своята пазуха, а своя мъртъв син турила на моята пазуха.
21 Nang tumayo ako kinaumagahan para pasusuin ang aking anak, patay na siya. Pero nang tinignan ko siya nang mabuti kinaumagahan, hindi siya ang aking anak, na ipinanganak ko.”
И в зори, като станах, за да накърмя сина си, ето, той бе мъртъв; но на утринта, като го разгледах, ето, не бе моят син, когото бях родила.
22 Pagkatapos ay sinabi ng isa pang babae, “Hindi, ang nabubuhay ang aking anak, at ang patay ay ang iyong anak.” Sinabi ng unang babae, “Hindi, ang patay ay ang iyong anak, at ang nabubuhay ay ang aking anak.” Ganito sila nag-usap sa harap ng hari.
А другата жена рече: Не, но живият е моят син, и мъртвият е твоят син. А тая рече: Не, но мъртвият е твоят син, а живият е моят син. Така говориха пред царя.
23 Pagkatapos ay sinabi ng hari, “Ang isa sa inyo ay sinasabi, 'Ito ang aking anak na nabubuhay, at ang iyong anak ay patay na,' at sinasabi ng isa pa, 'Hindi, ang anak mo ay ang patay na, at ang anak ko ay ang nabubuhay pa.'”
Тогава царят рече: Едната казва: Тоя живият е моят син, а мъртвият е твоят син; а другата казва: Не, но мъртвият е твоят син, а живият е моят син.
24 Sinabi ng hari, “Magdala kayo sa akin ng espada.” Kaya nagdala sila ng espada sa hari.
И царят рече: Донесете ми нож. И донесоха нож пред царя.
25 Pagkatapos ay sinabi ng hari, “Hatiin ninyo ng dalawa ang nabubuhay na bata, at ibigay ang kalahati sa babaeng ito, at ang kalahati sa isa pa.”
И царят рече: Разделете на две живото дете, и дайте половината на едната и половината на другата.
26 At ang babae na ang anak ay buhay pa ay nagsalita sa hari, dahil ang kaniyang puso ay puno ng pagmamahal para sa kaniyang anak, “O, aking panginoon, ibigay mo na lang sa kaniya ang nabubuhay na bata, at huwag mo siyang patayin sa anumang paraan.” Pero sinabi ng isa pang babae, “Hindi siya mapupunta sa akin o sa iyo. Hatiin ninyo siya.”
Тогава оная жена, чието беше живото дете, говори на царя (защото сърцето й я заболя за сина й), казвайки: О господарю мой! дай й живото дете, и недей го убива. А другата рече: Нито мое да е, нито твое; разделете го.
27 Pagkatapos ay sumagot ang hari at sinabi, “Ibigay niyo sa unang babae ang nabubuhay na bata, at huwag ninyo siyang patayin sa anumang paraan. Siya ang kaniyang ina.”
Тогава царят в отговор рече: Дайте на тая живото дете, и недейте го убива; тая е майка му.
28 Nang narinig ng buong Israel ang paghahatol na ginawa ng hari, natakot sila sa hari, dahil nakita nila ang karunungan ng Diyos ay nasa kaniya sa pagbibigay ng hatol.
И целият Израил чу за съда който царят отсъди; и бояха се от царя, защото видяха, че Божия мъдрост имаше в него, за да раздава правосъдие.

< 1 Mga Hari 3 >