< 1 Mga Hari 22 >
1 Lumipas ang tatlong taon na walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel.
亚兰国和以色列国三年没有争战。
2 Pagkatapos nangyari ito sa ikatlong taon, si Jehoshafat hari ng Judah ay pumunta sa hari ng Israel.
到第三年,犹大王约沙法下去见以色列王。
3 Ngayon sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang mga lingkod, “Alam ba ninyo na sa atin ang Ramot Galaad, pero wala tayong ginagawa para makuha ito mula sa kamay ng hari ng Aram?”
以色列王对臣仆说:“你们不知道基列的拉末是属我们的吗?我们岂可静坐不动,不从亚兰王手里夺回来吗?”
4 Kaya sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasama ka ba sa akin sa pakikidigma sa Ramot Galaad?” Sumagot si Jehoshafat sa hari ng Israel, “Ako ay tulad mo, ang aking bayan ay tulad ng iyong bayan, at aking mga kabayo ay tulad ng iyong mga kabayo.
亚哈问约沙法说:“你肯同我去攻取基列的拉末吗?”约沙法对以色列王说:“你我不分彼此,我的民与你的民一样,我的马与你的马一样。”
5 Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap humingi ka ng gabay mula sa salita ni Yahweh kung ano ang dapat mong unang gawin.”
约沙法对以色列王说:“请你先求问耶和华。”
6 Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”
于是以色列王招聚先知,约有四百人,问他们说:“我上去攻取基列的拉末可以不可以?”他们说:“可以上去,因为主必将那城交在王的手里。”
7 Pero sinabi ni Jehoshafat “Wala na bang iba pang propeta ni Yahweh kung saan maaaring tayo makakuha ng payo?”
约沙法说:“这里不是还有耶和华的先知,我们可以求问他吗?”
8 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari tayong manghingi ng payo mula kay Yahweh para tulungan tayo, si Micaya anak ni Imla, pero ayoko sa kaniya dahil hindi siya nagpropesiya ng kahit anong magandang bagay tungkol sa akin, kundi mga kahirapan lamang.” Pero sinabi ni Jehoshafat, “Nawa'y hindi ito sabihin ng hari”
以色列王对约沙法说:“还有一个人,是音拉的儿子米该雅,我们可以托他求问耶和华。只是我恨他;因为他指着我所说的预言,不说吉语,单说凶言。”约沙法说:“王不必这样说。”
9 Pagkatapos ang hari ng Israel ay tumawag ng opisyal at nag-utos na “Ngayon din ay dalhin si Micaya anak ni Imla.”
以色列王就召了一个太监来,说:“你快去,将音拉的儿子米该雅召来。”
10 Ngayon si Ahab na hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kanilang trono, nakasuot ng kanilang kasuotang pang hari, sa isang malawak na lugar sa tarangkahan ng Samaria, at lahat ng mga propeta ay nagsasabi ng hula sa kanilang harapan.
以色列王和犹大王约沙法在撒马利亚城门前的空场上,各穿朝服,坐在位上,所有的先知都在他们面前说预言。
11 Gumawa si Zedekias anak na lalaki ni Caanana ng mga sungay na bakal at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Sa pamamagitan ng mga ito mapapaatras ninyo ang mga Arameo hanggang sila ay maubos.”
基拿拿的儿子西底家造了两个铁角,说:“耶和华如此说:‘你要用这角抵触亚兰人,直到将他们灭尽。’”
12 At pareho ang ipinahayag ng lahat ng mga propeta na sinasabi, “Lusubin natin ang Ramot Galaad at mananalo, dahil ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
所有的先知也都这样预言说:“可以上基列的拉末去,必然得胜,因为耶和华必将那城交在王的手中。”
13 Ang mensahero na nagpunta para tawagin si Micaya ay sinabi sa kaniya, “Ngayon masdan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng magagandang bagay sa hari sa iisang bibig. Hayaan ang iyong mga salita ay maging tulad ng isa sa kanila at magsabi ng magagandang bagay.”
那去召米该雅的使者对米该雅 说:“众先知一口同音地都向王说吉言,你不如与他们说一样的话,也说吉言。”
14 Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”
米该雅说:“我指着永生的耶和华起誓,耶和华对我说什么,我就说什么。”
15 Nang lumapit siya sa hari, sinabi sa kaniya ng hari, “Micaya, dapat ba kaming pumunta sa Ramot Galaad upang makipaglaban, o hindi?' Sumagot si Micaya, “Lumusob tayo at manalo. Ilalagay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
米该雅到王面前,王问他说:“米该雅啊,我们上去攻取基列的拉末可以不可以?”他回答说:“可以上去,必然得胜,耶和华必将那城交在王的手中。”
16 Pagtapos sinabi sa kaniya ng hari, “Gaano karaming beses ko ba dapat ipag-utos sa iyo na katotohanan lamang ang sasabihin sa akin sa pangalan ni Yahweh?”
王对他说:“我当嘱咐你几次,你才奉耶和华的名向我说实话呢?”
17 Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'
米该雅说:“我看见以色列众民散在山上,如同没有牧人的羊群一般。耶和华说:‘这民没有主人,他们可以平平安安地各归各家去。’”
18 Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi siya magsasabi ng magandang pahayag tungkol sa akin, puro kapahamakan lamang?”
以色列王对约沙法说:“我岂没有告诉你,这人指着我所说的预言,不说吉语单说凶言吗?”
19 Pagkatapos sinabi ni Micaya, “Gayuman pakinggan ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo sa langit ay nakatayo sa tabi niya sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
米该雅说:“你要听耶和华的话!我看见耶和华坐在宝座上,天上的万军侍立在他左右。
20 Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.
耶和华说:‘谁去引诱亚哈上基列的拉末去阵亡呢?’这个就这样说,那个就那样说。
21 Pagkatapos isang espiritu ang lumapit, tumayo sa harapan ni Yahweh, at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi sa kaniya ni Yahweh, 'Paano?'
随后有一个神灵出来,站在耶和华面前,说:‘我去引诱他。’
22 Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
耶和华问他说:‘你用何法呢?’他说:‘我去,要在他众先知口中作谎言的灵。’耶和华说:‘这样,你必能引诱他,你去如此行吧!’
23 Ngayon masdan mo, inilagay ni Yahweh ang mapanlinlang na espiritu sa lahat ng bibig nitong mga propeta mong ito, at si Yahweh ay naghanda ng pagkawasak para sa iyo.”
现在耶和华使谎言的灵入了你这些先知的口,并且耶和华已经命定降祸与你。”
24 Pagkatapos si Zedekias anak na lalaki ni Cananaa, ay umakyat, sinampal si Micaya sa pisngi, at sinabi, “Aling daan ang tinahak ng Espiritu ni Yahweh para umalis sa akin upang magsalita sa iyo?”
基拿拿的儿子西底家前来,打米该雅的脸,说:“耶和华的灵从哪里离开我与你说话呢?”
25 Sumagot si Micaya, “Masdan ito, malalaman mo sa araw na iyon, kapag tumakbo ka papunta sa isang kaloob-loobang kwarto para magtago.”
米该雅说:“你进严密的屋子藏躲的那日,就必看见了。”
26 Sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang lingkod, “Hulihin si Micaya at dalhin siya kay Amon, ang gobernador sa lungsod, at kay Joas, aking anak na lalaki. Sabihin sa kaniya,
以色列王说:“将米该雅带回,交给邑宰亚们和王的儿子约阿施,说
27 'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”
王如此说,把这个人下在监里,使他受苦,吃不饱喝不足,等候我平平安安地回来。”
28 Pagkatapos sinabi ni Micaya. “Kung makakabalik ka ng ligtas, hindi nangusap sa akin si Yahweh,” at dinagdag pa niya, “Pakinggan niyo ito, lahat kayong mga tao.”
米该雅说:“你若能平平安安地回来,那就是耶和华没有借我说这话了”;又说:“众民哪,你们都要听!”
29 Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay pumunta sa Ramot Galaad.
以色列王和犹大王约沙法上基列的拉末去了。
30 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa isang labanan, pero isuot mo ang iyong pangharing kasuotan.” Kaya nagbalatkayo ang hari at nagpunta sa labanan.
以色列王对约沙法说:“我要改装上阵,你可以仍穿王服。”以色列王就改装上阵。
31 Ngayon inutusan ng hari ng Aram ang tatlumpu't dalawang mga kapitan ng mga karwaheng pandigma, na nagsasabi, “Huwag niyong lusubin ang hindi mahalaga o mahalagang mga kawal. Sa halip, ang hari ng Israel lamang ang lusubin ninyo.”
先是亚兰王吩咐他的三十二个车兵长说:“他们的兵将,无论大小,你们都不可与他们争战,只要与以色列王争战。”
32 Nang makita ng mga kapitan ng mga karwaheng pandigma si Jehoshafat sinabi nila, “Siguradong iyon ang hari ng Israel.” Lumiko sila at nilusob siya, kaya sumigaw si Jehoshafat.
车兵长看见约沙法,便说:“这必是以色列王!”就转过去与他争战,约沙法便呼喊。
33 Nang makita ng mga pinuno ng mga karwaheng pandigma na hindi iyon ang hari ng Israel, huminto sila sa pagtugis sa kaniya.
车兵长见不是以色列王,就转去不追他了。
34 Ngunit isang lalaki ang basta nalang nagpalipad ng kaniyang palaso at tinamaan ang hari ng Israel sa pagitan ng dugtungan ng kaniyang mga baluti. Pagkatapos sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwaheng pandigma, “Umikot at dalhin ako palabas sa labanang ito, dahil lubha akong sugatan.”
有一人随便开弓,恰巧射入以色列王的甲缝里。王对赶车的说:“我受了重伤,你转过车来,拉我出阵吧!”
35 Lalong sumidhi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ay nanatili sa kaniyang karwaheng pandigma laban sa mga Arameo. Namatay siya ng gabing iyon. dumaloy ang dugo sa kaniyang sugat hanggang sa ilalim ng kaniyang karwaheng pandigma.
那日,阵势越战越猛,有人扶王站在车上,抵挡亚兰人。到晚上,王就死了,血从伤处流在车中。
36 Pagkatapos ng paglubog ng araw, isang sigaw ang narinig ng buong hukbo, na nagsasabing, “Bawat lalaki ay dapat bumalik sa kaniyang lungsod, at bawat lalaki ay bumalik na sa kaniyang rehiyon!”
约在日落的时候,有号令传遍军中,说:“各归本城,各归本地吧!”
37 Kaya si haring Ahab ay namatay at dinala sa Samaria, at inilibing nila siya sa Samaria.
王既死了,众人将他送到撒马利亚,就葬在那里;
38 Hinugasan nila ang karwaheng pandigma sa paliguan ng Samaria, at ang mga aso ay dinilaan ang kaniyang dugo (Ito ay kung saan naliligo ang mga babaeng bayaran), gaya ng inihayag na salita ni Yahweh.
又有人把他的车洗在撒马利亚的池旁(妓女在那里洗澡),狗来舔他的血,正如耶和华所说的话。
39 Para sa ibang bagay na ukol kay Ahab, lahat ng kaniyang ginawa, ang bagay na garing na kaniyang itinayo, at lahat ng mga lungsod na kaniyang itinatag, hindi ba nakasulat ito sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
亚哈其余的事,凡他所行的和他所修造的象牙宫,并所建筑的一切城邑,都写在以色列诸王记上。
40 Kaya natulog si Ahab kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Ahazias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
亚哈与他列祖同睡。他儿子亚哈谢接续他作王。
41 Pagkatapos si Jehoshafat anak na lalaki ni Asa ay nagsimulang maghari sa Juda sa ikaapat na taon ni Ahab hari ng Israel.
以色列王亚哈第四年,亚撒的儿子约沙法登基作了犹大王。
42 Si Jehoshafat ay tatlumpu't limang taon nang magsimula siyang maghari, at namuno siya sa Jerusalem nang dalawampu't limang taon. Ayuba ang pangalan ng kaniyang ina, na anak na babae ni Silhi.
约沙法登基的时候年三十五岁,在耶路撒冷作王二十五年。他母亲名叫阿苏巴,乃示利希的女儿。
43 Lumakad siya sa kaparaanan ni Asa, kaniyang ama; hindi niya sila tinalikuran; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh. Gayunman, ang mga dambana ay hindi parin inalis. Patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng mga insenso ang mga tao sa mga dambana.
约沙法行他父亲亚撒所行的道,不偏离左右,行耶和华眼中看为正的事;只是邱坛还没有废去,百姓仍在那里献祭烧香。
44 Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.
约沙法与以色列王和好。
45 Para sa ibang bagay na ukol kay Jehoshafat, at ang kalakasan na kaniyang ipinakita, at kung paano niya pinagtagumpayan ang digmaan, hindi ba ang mga ito ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
约沙法其余的事和他所显出的勇力,并他怎样争战,都写在犹大列王记上。
46 Inalis niya mula sa lupain ang mga natirang mga lalaki at babaeng bayaran sa sagradong lugar na nanatili sa mga araw ng kaniya Amang si Asa.
约沙法将他父亲亚撒在世所剩下的娈童都从国中除去了。
47 Walang hari sa Edom, pero isang pumapangalawa ang namuno doon.
那时以东没有王,有总督治理。
48 Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.
约沙法制造他施船只,要往俄斐去,将金子运来;只是没有去,因为船在以旬·迦别破坏了。
49 Pagkatapos sinabi ni Ahazias anak na lalaki ni Ahab kay Jehoshafat, “Hayaan ang aking mga lingkod na maglayag kasama ng iyong mga lingkod sa mga barko.” Pero hindi ito pinayagan ni Jehoshafat.
亚哈的儿子亚哈谢对约沙法说:“容我的仆人和你的仆人坐船同去吧!”约沙法却不肯。
50 Natulog si Jehoshafat kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David, na kaniyang ninuno; si Jehoram ang kaniyang anak na lalaki ang naging hari kapalit niya.
约沙法与列祖同睡。葬在大卫城他列祖的坟地里。他儿子约兰接续他作王。
51 Nagsimulang maghari si Ahazias sa Israel sa Samaria nang ika-labing pitong taon ni Jehoshafat hari ng Juda, at naghari siya ng dalawang taon sa Israel.
犹大王约沙法十七年,亚哈的儿子亚哈谢在撒马利亚登基,作以色列王共二年。
52 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh at lumakad sa kaparaanan ng kaniyang ama, sa paraan ng kaniyang ina, at sa paraan ng anak na lalaki ni Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, na nagdala sa Israel para magkasala.
他行耶和华眼中看为恶的事,效法他的父母,又行尼八的儿子耶罗波安使以色列人陷在罪里的 事。
53 Pinaglingkuran niya at sinamba si Baal at kaniyang ginalit si Yahweh, na Diyos ng Israel, ginalit, gaya ng ginawa ng kaniyang ama.
他照他父亲一切所行的,事奉敬拜巴力,惹耶和华—以色列 神的怒气。