< 1 Mga Hari 20 >
1 Sama-samang tinipon ni Ben Hadad ang hari sa Aram ang kaniyang buong hukbo; kung saan tatlumput dalawang mabababang hari na kasama niya, at mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Siya ay nagpunta, at kinubkob ang Samaria, at nakipaglabanan dito.
スリヤの王ベネハダデはその軍勢をことごとく集めた。三十二人の王が彼と共におり、また馬と戦車もあった。彼は上ってサマリヤを囲み、これを攻めた。
2 Siya ay nagpadala ng mga mensahero sa lungsod kay Ahab sa hari ng Israel, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ito ni Ben Hadad:
また彼は町に使者をつかわし、イスラエルの王アハブに言った、「ベネハダデはこう申します、
3 Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin. Gayon din ang iyong asawa at ng inyong mga anak, ang mga pinakamahusay, ay akin na ngayon.”'
『あなたの金銀はわたしのもの、またあなたの妻たちと子供たちの最も美しい者もわたしのものです』」。
4 Ang hari ng Israel ay sumagot at sinabi, “Ito ay ayon sa iyong sinasabi, panginoon ko, aking hari. Ako at lahat ng akin ay sa iyo.”
イスラエルの王は答えた、「王、わが主よ、仰せのとおり、わたしと、わたしの持ち物は皆あなたのものです」。
5 Ang mga mensahero ay bumalik at sinabi, “Sinasabi ito ni Ben Hadad, 'Nagpadala ako ng liham sa iyo na nagsasabing kailangang ibigay mo sa akin ang iyong mga pilak, iyong mga ginto, ang iyong mga asawa, at iyong mga anak.
使者は再びきて言った、「ベネハダデはこう申します、『わたしはさきに人をつかわして、あなたの金銀、妻子を引きわたせと言いました。
6 Pero ipadadala ko sa iyo ang aking mga lingkod kinabukasan sa ganitong oras, at kanilang hahalughugin ang iyong bahay at ang mga bahay ng iyong mga lingkod. Kukunin nila sa sarili nilang mga kamay at aalisin anuman ang magustuhan ng kanilang mga mata.”'
しかし、あすの今ごろ、しもべたちをあなたにつかわします。彼らはあなたの家と、あなたの家来の家を探って、すべて彼らの気にいる物を手に入れて奪い去るでしょう』」。
7 Sama-samang tinawag ng hari ng Israel ang lahat ng mga nakatatanda sa lupain at sinabi, “Pakiusap pansinin at tingnan kung paano ang taong ito ay humahanap ng gulo. Siya ay nagpasabi sa akin para kunin aking mga asawa, mga anak, at pilak at ginto, at hindi ako tumatanggi sa kaniya.”
そこでイスラエルの王は国の長老をことごとく召して言った、「よく注意して、この人が無理な事を求めているのを知りなさい。彼は人をつかわして、わたしの妻子と金銀を求めたが、わたしはそれを拒まなかった」。
8 Lahat ng mga nakatatanda at lahat ng tao sinabi kay Ahab, Huwag mong siyang pakinggan o pag bigyan sa kanilang mga hinihingi.”
すべての長老および民は皆彼に言った、「聞いてはなりません。承諾してはなりません」。
9 Kaya sinabi ni Ahab sa mga mensahero ni Ben Hadad, “Sabihin sa aking panginoon ang hari, ''Sang-ayon sa lahat ng sinabi na iyong lingkod ng una, pero hindi ko matatanggap itong pangalawang hinihiling.”' Kaya ang mensahero ay umalis at ibinalik ang sagot kay Ben Hadad.
それで彼はベネハダデの使者に言った、「王、わが主に告げなさい。『あなたが初めに要求されたことは皆いたしましょう。しかし今度の事はできません』」。使者は去って復命した。
10 Pagkatapos si Ben Hadad ay nagpadala ng kaniyang sagot kay Ahab, at sinabi, “Gawin nawa ng mga diyos ito sa akin at mas higit pa, kahit na ang mga abo ng Samaria ay magiging sapat para sa lahat ng tao na susunod sa akin upang magkaroon ang bawat isa ng isang dakot.”
ベネハダデは彼に人をつかわして言った、「もしサマリヤのちりが、わたしに従うすべての民の手を満たすに足りるならば、神々がどんなにでも、わたしを罰してくださるように」。
11 Ang hari ng Israel ay sumagot at sinabi, “Sabihin ninyo kay Ben Hadad, 'Walang sinuman ang nagsusuot ng baluti ang kailangan magyabang na para itong kaniya nang hinuhubad.'”
イスラエルの王は答えた、「『武具を帯びる者は、それを脱ぐ者のように誇ってはならない』と告げなさい」。
12 Narinig ni Ben Hadad ang mensaheng ito habang sila ay nag-iinuman, siya at ang mga hari sa ilalim niya na nasa kanilang mga tolda. Inutusan ni Ben Hadad ang kaniyang mga tauhan, “Ihanay ninyo ang inyong mga sarili sa pakikidigma.” Kaya inihannda nila ang kanilang sarili sa pakikidigma para lusubin ang lungsod.
ベネハダデは仮小屋で、王たちと酒を飲んでいたが、この事を聞いて、その家来たちに言った、「戦いの備えをせよ」。彼らは町にむかって戦いの備えをした。
13 Masdan, isang propeta ay lumapit kay Ahab hari ng Israel at sinabi, “sinasabi ni Yahweh, 'Nakita mo ba ang lubhang napakaraming hukbo? Tingnan mo, aking ibibigay ito sa iyong kamay sa araw na ito, at iyong makikilala na ako si Yahweh.”
この時ひとりの預言者がイスラエルの王アハブのもとにきて言った、「主はこう仰せられる、『あなたはこの大軍を見たか。わたしはきょう、これをあなたの手にわたす。あなたは、わたしが主であることを、知るようになるであろう』」。
14 Sumagot si Ahab, “Sa pamamagitan nino?” Sumagot at sinasabi ni Yahweh, “Sa pamamagitan ng mga batang opisyal na naglingkod sa gobernador sa mga lalawigan.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Sino ang magsisimula ng labanan? Sumagot si Yahweh, “Ikaw.”
アハブは言った、「だれにさせましょうか」。彼は言った、「主はこう仰せられる、『地方の代官の家来たちにさせよ』」。アハブは言った、「だれが戦いを始めましょうか」。彼は答えた、「あなたです」。
15 Pagkatapos tinipon ni Ahab ang mga batang pinuno na naglilingkod sa gobernador sa mga lalawigan. Sila ay 232. Pagkatapos ay kaniyang tinipon ang lahat ng mga sunadalo, ang lahat ng hukbo ng Israel, na may bilang na pitong libo.
そこでアハブは地方の代官の家来たちを調べたところ二百三十二人あった。次にすべての民、すなわちイスラエルのすべての人を調べたところ七千人あった。
16 Sila ay umalis ng tanghaling tapat. Si Ben Hadad ay umiinom at lasing sa loob ng kaniyang tolda, siya at ang tatlongput dalawang mas mababang mga hari na tumutulong sa kaniya.
彼らは昼ごろ出ていったが、ベネハダデは仮小屋で、味方の三十二人の王たちと共に酒を飲んで酔っていた。
17 Ang mga batang pinuno na naglilingkod sa gobernador sa mga lalawigan ang unang lumusob. Pagkatapos ipinaalam kay Ben Hadad ng mga taga-manman na kaniyang ipinidala, “May mga lalaking dumarating mula sa Samaria.”
地方の代官の家来たちが先に出ていった。ベネハダデは斥候をつかわしたが、彼らは「サマリヤから人々が出てきた」と報告したので、
18 Sinabi ni Ben Hadad, “Maging sila ay lalabas para sa kapayapaan o digmaan, kunin sila ng buhay.”
彼は言った、「和解のために出てきたのであっても、生どりにせよ。また戦いのために出てきたのであっても、生どりにせよ」。
19 Kaya ang mga batang pinuno na naglilingkod sa lalawigan ng gobernador ay lumabas ng lungsod, at ang mga hukbo ay sumunod sa kanila.
地方の代官の家来たちと、それに従う軍勢が町から出ていって、
20 Pinatay ng bawat isa ang kaniyang kalaban, at ang mga Aramina ay tumakas; Hinabol sila ng Israel. Si Ben Hadad ang hari ng Aram ay tumakas na nakasakay ng kabayo kasama ang mga ilang mangangabayo.
おのおのその相手を撃ち殺したので、スリヤびとは逃げた。イスラエルはこれを追ったが、スリヤの王ベネハダデは馬に乗り、騎兵を従えてのがれた。
21 Pagkatapos ang hari ng Israel ay lumabas at sinalakay ang mga kabayo at mga karwaheng pandigma at pinatay ang mga maraming Aramean.
イスラエルの王は出ていって、馬と戦車をぶんどり、また大いにスリヤびとを撃ち殺した。
22 Kaya ang propeta ay lumapit sa hari ng Israel at sinabi sa kaniya, “Umalis ka, at palakasin ang iyong sarili, at unawain at planuhin ano ang iyong ginagawa, dahil sa pagbabalik ng taon ang hari ng Aram ay babalik muli laban sa iyo.”
時に、かの預言者がイスラエルの王のもとにきて言った、「行って、力を養い、なすべき事をよく考えなさい。来年の春にはスリヤの王が、あなたのところに攻め上ってくるからです」。
23 Sinabi ng mga lingkod ng hari ng Aram sa kaniya, “Ang kanilang diyos ay isang diyos sa mga burol. Kaya sila ay malakas kaisa sa atin. Pero ngayon labanan natin sila sa kapatagan, at sigurado doon magiging mas malakas tayo sa kanila.
スリヤの王の家来たちは王に言った、「彼らの神々は山の神ですから彼らがわれわれよりも強かったのです。もしわれわれが平地で戦うならば、必ず彼らよりも強いでしょう。
24 At gawin mo din ito, alisin mo ang mga hari ang bawat isa sa kanilang pinamumunuan, sa kani-kaniyang tungkulin, at maglagay ka ng kapitan ng hukbo na kapalit nila.
それでこうしなさい。王たちをおのおのその地位から退かせ、総督を置いてそれに代らせなさい。
25 Mag-ipon ka ng isang hukbo gaya ng hukbo mong nawala, kabayo para sa kabayo at karwaheng pandigma para sa karwaheng pandigma, at tayo ay lalaban sa kanila sa kapatagan. kaya sigurado tayo ay magiging malakas kaysa sa kanila.” Kaya si Ben Hadad ay nakinig sa kanilang payo at ginawa niya ang minungkahi nila.
またあなたが失った軍勢に等しい軍勢を集め、馬は馬、戦車は戦車をもって補いなさい。こうしてわれわれが平地で戦うならば必ず彼らよりも強いでしょう」。彼はその言葉を聞きいれて、そのようにした。
26 Makaraan ang simula ng bagong taon, Tinipon ni Ben Hadad ang mga Aramean at nagpunta sa Aphek para labanan ang Israel. Ang bayan ng Israel ay tinipon at inarmasan para kalabanin sila.
春になって、ベネハダデはスリヤびとを集めて、イスラエルと戦うために、アペクに上ってきた。
27 Ang bayan ng Israel ay nag-kampo sa harapan nila gaya ng dalawang kawan ng kambing, pero ang kabukiran ay napuno ng mga Aramean.
イスラエルの人々は召集され、糧食を受けて彼らを迎え撃つために出かけた。イスラエルの人々はやぎの二つの小さい群れのように彼らの前に陣取ったが、スリヤびとはその地に満ちていた。
28 Pagkatapos isang lingkod ng Diyos ang lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at sinabi, “Sinasabi ni Yahweh: 'Dahil sinabi ng mga Aramean na si Yahweh ay diyos ng mga burol, pero hindi siya ang diyos sa mga lambak, ilalagay ko sa iyong kamay ang malakas na hukbong ito, at inyong malalaman na ako si Yahweh.”'
その時神の人がきて、イスラエルの王に言った、「主はこう仰せられる、『スリヤびとが、主は山の神であって、谷の神ではないと言っているから、わたしはこのすべての大軍をあなたの手にわたす。あなたは、わたしが主であることを知るようになるであろう』」。
29 Kaya ang mga hukbo ay nagkampo ng magkatapat ng pitong araw. Pagkatapos sa ikapitong araw ay sinimulan ang labanan. Ang bayan ng Israel ay pumatay ng isang daang libong hukbo ng Aramea sa loob ng isang araw.
彼らは七日の間、互にむかいあって陣取り、七日目になって戦いを交えたが、イスラエルの人々は一日にスリヤびとの歩兵十万人を殺した。
30 Ang natira ay tumakas sa Aphek, sa loob ng lungsod, at nabagsakan ng pader ang dalawangput pitong libong sundalo na natira. At tumakas si Ben Hadad at nagpunta sa loob ng lungsod, sa loob ng isang silid.
そのほかの者はアペクの町に逃げこんだが、城壁がくずれて、その残った二万七千人の上に倒れた。ベネハダデは逃げて町に入り、奥の間にはいった。
31 Sinabi ng mga lingkod kay Ben Hadad, “Tingnan mo ngayon, narinig namin na ang mga hari ng sambahayan ng Israel ay maawaing mga hari. Pakiusap hayaan ninyo kaming maglagay ng sako sa aming mga baywang at lubid sa aming mga ulo at pumunta sa hari ng Israel. Marahil maari ka pa niyang buhayin.
家来たちは彼に言った、「イスラエルの家の王たちはあわれみ深い王であると聞いています。それでわれわれの腰に荒布をつけ、くびになわをかけて、イスラエルの王の所へ行かせてください。たぶん彼はあなたの命を助けるでしょう」。
32 Kaya naglagay sila ng sako sa kanilang baywang at lubid sa kanilang mga ulo at pagkatapos pumunta sila sa hari ng Israel at sinabi, “Sinabi ng iyong lingkod na si Ben Hadad, 'Pakiusap hayaan mo akong mabuhay.”' Sinabi ni Ahab, “Siya ba ay buhay pa? Siya ay aking kapatid.”
そこで彼らは荒布を腰にまき、なわをくびにかけてイスラエルの王の所へ行って言った、「あなたのしもべベネハダデが『どうぞ、わたしの命を助けてください』と申しています」。アハブは言った、「彼はまだ生きているのですか。彼はわたしの兄弟です」。
33 Ngayon ang mga lalaki ay nakikinig sa anumang palatandaan mula kay Ahab, kaya sila ay mabilis na sumagot sa kaniya, “Oo, ang iyong kapatid na si Ben Hadad ay buhay pa.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Umalis ka at dalhin siya.” Pagkatapos si Ben Hadad pumunta sa kaniya, at pinasakay siya ni Ahab sa kaniyang karwahe.
その人々はこれを吉兆としてすみやかに彼の言葉をうけ、「そうです。ベネハダデはあなたの兄弟です」と言ったので、彼は言った、「行って彼をつれてきなさい」。それでベネハダデは彼の所に出てきたので、彼はこれを自分の車に乗せた。
34 Sinabi ni Ben Hadad kay Ahab, “Aking ibabalik sa iyo ang lungsod na kinuha ng aking ama mula sa iyong ama, at ikaw ay maaring gagawa para sa iyong sarili ng mga pamilihan sa Damasco, gaya ng ginagawa ng aking ama sa Samaria.” Sumagot si Ahab, “Hahayan kitang lumaya dahil sa kasunduang ito.” Kaya gumawa ng kasunduan si Ahab sa kaniya at hinayaan siyang umalis.
ベネハダデは彼に言った、「わたしの父が、あなたの父上から取った町々は返します。またわたしの父がサマリヤに造ったように、あなたはダマスコに、あなたのために市場を設けなさい」。アハブは言った、「わたしはこの契約をもってあなたを帰らせましょう」。こうしてアハブは彼と契約を結び、彼を帰らせた。
35 May isang lalaki, isa sa mga anak ng propeta, sinabi sa kaniyang kapwa propeta sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Pakiusap saktan mo ako.” Pero ang lalaki ay tumangging saktan siya.
さて預言者のともがらのひとりが主の言葉に従ってその仲間に言った、「どうぞ、わたしを撃ってください」。しかしその人は撃つことを拒んだので、
36 Pagkatapos sinabi ng propeta sa kaniyang kapwa propeta, “Dahil hindi mo sinunod ang tinig ni Yahweh, sa sandaling iwanan mo ako, isang leon ang papatay sa iyo.” At sandaling iniwan siya ng lalaking iyon, isang leon ang nakatagpo sa kaniya at pinatay siya.
彼はその人に言った、「あなたは主の言葉に聞き従わないゆえ、わたしを離れて行くとすぐ、ししがあなたを殺すでしょう」。その人が彼のそばを離れて行くとすぐ、ししが彼に会って彼を殺した。
37 Pagkatapos nakatagpo ang propeta ng isa pang lalaki at sinabi, “Pakiusap saktan mo ako.” Kaya sinaktan siya ng lalaki at sinugatan siya.
彼はまたほかの人に会って言った、「どうぞ、わたしを撃ってください」。するとその人は彼を撃ち、撃って傷つけた。
38 Pagkatapos ang propeta ay umalis at hinintay ang hari sa daan; siya ay nagpanggap na may isang benda sa kaniyang mga mata.
こうしてその預言者は行って、道のかたわらで王を待ち、目にほうたいを当てて姿を変えていた。
39 At nang dumaan ang hari, sinigawan ng propeta ang hari at sinabi, “Ang iyong lingkod ay nagmula sa kainitan ng labanan, at isang sundalo ang huminto at nagdala ng isang kalaban sa akin at sinabi, 'Bantayan mo ang taong ito. Kung sa anumang paraan ay makatakas siya, sa gayon ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, kung hindi magbabayad ka ng isang talentong pilak.'
王が通り過ぎる時、王に呼ばわって言った、「しもべはいくさの中に出て行きましたが、ある軍人が、ひとりの人をわたしの所につれてきて言いました、『この人を守っていなさい。もし彼がいなくなれば、あなたの命を彼の命に代えるか、または銀一タラントを払わなければならない』。
40 Pero dahil ang iyong lingkod ay abala parito at paroon, ang iyong kalabang sundalo ay nakatakas.” Pagkatapos sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, ito ang iyong magiging kaparusahan - ikaw mismo ang nagtakda nito.
ところが、しもべはあちらこちらと忙しくしていたので、ついに彼はいなくなりました」。イスラエルの王は彼に言った、「あなたはそのとおりにさばかれなければならない。あなたが自分でそれを定めたのです」。
41 Pagkatapos nagmamadaling inalis ng propeta ang benda ng kaniyang mga mata, at nakilala siya ng hari ng Israel na siya ay isa sa mga propeta.
そこで彼が急いで目のほうたいを取り除いたので、イスラエルの王はそれが預言者のひとりであることを知った。
42 Sinabi ng propeta sa hari, “Sinasabi ni Yahweh, 'Dahil nakawala sa iyong kamay ang lalake na aking hinatulan ng kamatayan, ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan para sa kaniyang bayan.”'
彼は王に言った、「主はこう仰せられる、『わたしが滅ぼそうと定めた人を、あなたは自分の手から放して行かせたので、あなたの命は彼の命に代り、あなたの民は彼の民に代るであろう』と」。
43 Kaya ang hari ng Israel ay umuwi sa kaniyang bahay ng nagdaramdam at galit, at nagpunta sa Samaria.
イスラエルの王は悲しみ、かつ怒って自分の家におもむき、サマリヤに帰った。