< 1 Mga Hari 18 >

1 Kaya pagkalipas ng maraming araw ang salita ni Yahweh ay nakarating kay Elias sa ikatlong taon ng tagtuyot nagsasabing, “Elias ipakita mo ang iyong sarili kay Ahab, at magpapadala ako ng ulan sa lupain.”
[預告旱災結束]過了許多時日,到了第三年,有上主的話傳於厄里亞說:「你去見阿哈布,我要在這地上降雨。」
2 At pumunta si Elias at siya ay nagpakita kay Ahab; ngayon malubha ang taggutom sa Samaria.
厄里亞就去見阿哈布;那時,撒瑪黎雅正遭受嚴重的饑荒。
3 Tinawag ni Ahab si Obadias, ang taga pangasiwa ng palasyo. Sa panahong iyon labis na pinarangalan ni Obadias si Yahweh,
阿哈布將自己的家宰敖巴狄雅召來,─敖巴狄雅原是一位很敬畏上主的人。
4 dahil nang ipinapapatay ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, sinama ni Obadias ang isandaang propeta at itinago niya sila ng tig limampo sa isang kuweba, at pinakain niya sila ng tinapay at tubig.
當依則貝耳殺害上主的先知時,他曾收留一百個先知,每五十人分藏在一個洞裏,私下供給他們飲食。─
5 Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Lumibot ka sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at batis. Marahil tayo ay makakahanap ng damo at maililigtas ang mga kabayo at mga asno para hindi tayo maubusan ng lahat ng hayop.”
阿哈布對敖巴狄雅說:「我們要走遍這地,到所有的水泉和小河那裏去,或許能找到一些青草,使騾馬生存,免得喪失許多牲畜。」
6 Kaya hinati nila ang lupaing kanilang lalakaran at humanap ng tubig. Si Ahab ay naglakad mag isa, at si Obadias ay umiba ng daan.
他們於是分地巡行;阿哈布獨自走了一條路,敖巴狄雅也獨自走了另一條路。敖巴狄雅遇厄里亞
7 Habang si Obadias ay nasa daan, hindi inaasahan nasalubong siya ni Elias. Nakilala siya ni Obadias at nagpatirapa sa lupa. Kaniyang sinabi, “ikaw ba ito, ang panginoon kong si Elias?”
敖巴狄雅走路時,厄里亞恰巧遇見了他;敖巴狄雅認得他,便俯伏在地說:「你不就是我主厄里亞嗎﹖」
8 Sumagot si Elias, “Ako nga ito. Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon, 'Masdan narito, si Elias.'”
厄里亞回答說:「是,你去告訴你的主人說:厄里亞在這裏。」
9 Sumagot si Obadias, “Paano ako nagkasala upang ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Ahab, para patayin niya ako?
敖巴狄雅說:「我犯了什麼罪﹖你竟要將你的僕人交於阿哈布手中,讓他殺死我﹖
10 Si Yahweh ang iyong Diyos ay buhay, walang bansa o kaharian na kung saan ang aking panginoon ay hindi nagsugo ng kalalakihan para hanapin ka. Kapag ang isang bansa o kaharian ay nagsasabi, 'Wala rito si Elias,' pinasusumpa sila ni Ahab na hindi ka nila mahanap.
我指著永生的上主,你的天主起誓:沒有一個民族,沒有一個國家,我的主上不派人去尋找你的;如果人們說:厄里亞不在我們這裏;他一定要叫那個國家和那個民族起誓說:實在他們沒有找到你。
11 Pero ngayon iyong sinasabi, 'Pumunta ka, at sabihin mo sa panginoon mo na narito si Elias.'
現在你說:你去告訴你的主人說:厄里亞在這裏。
12 Sa sandaling ako ay mawalay sa iyo, ikaw ay kaagad daldalhin ng Espiritu ni Yahweh sa isang lugar na hindi ko alam. Kapag ako ay pumunta at sabihin kay Ahab, at kung hindi ka niya makita, papatayin niya ako. Subalit ako, iyong lingkod, ay sumamba kay Yahweh mula pa sa aking kabataan.
我一離開你,上主的神把你帶到我所不知道的地方去;我若去告訴阿哈布,而他找不到你,啟不要殺死我﹖你的僕人自幼也是個敬畏上主得人啊!
13 Hindi ba sinabi sa inyo, aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, kung paanong tinago ko ang isang daan na propeta ni Yahweh, tiglampu sa isang kuweba at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
難道我主沒有聽說過:當依則耳殘殺上主的先知時,我所作的事﹖我曾隱藏一百個上主的先知,每五十人分藏在一個洞裏,由我供給他們飲食。
14 At ngayon sinasabi mo, 'Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon na narito si Elias', kaya papatayin niya ako.”
現在你說:你去告訴你的主人,厄里亞在這裏,他一定要殺我! 」
15 Sumagot si Elias, “Buhay si Yahweh ng mga hukbo, sa harapan niya ako ay nakatayo, tinitiyak ko na ipapakita ko ang aking sarili kay Ahab ngayon.”
厄里亞說:「我指著我所服侍的萬軍的永生上主起誓:今天我一定要叫阿哈布看見我。」阿哈布和厄里亞見面
16 Kaya si Obadias ay nagpunta para makipagkita kay Ahab; sinabi niya sa kaniya, at nagpunta si Ahab para makipagkita kay Elias.
敖巴狄雅於是前去會見阿哈布,告訴他這消息,阿哈布就去迎接厄里亞。
17 Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
阿哈布一見厄里亞,就對他說:「叫以色列遭難的人,不就是你嗎﹖」
18 At sumagot si Elias, “Hindi ko ginulo ang Israel, pero ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ang nanggugulo sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga utos ni Yahweh at sa pagsunod sa mga diyus-diyosan ni Baal.
厄里亞答說:「不是我叫以色列遭難,而是你和你的父家,因為你們拋棄了上主的誡命,歸順了巴耳邪神。
19 Kaya ngayon, magpasabi ka at tipunin sa akin ang buong Isarel sa Bundok Carmelo, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa lamesa ni Jezebel.”
現在,你派人去召集全以色列人,同受依則貝耳供養的那四百五十個巴耳的先知,【及那四百個阿舍辣的先知,】上加爾默耳山,到我跟前來。」
20 Kaya nagpasabi si Ahab sa lahat ng tao sa Israel at tinipon ang mga propetang magkakasama sa Bundok Carmelo.
阿哈布便派人召集了所有的以色列子民,聚集了那些先知,一起到了加爾默耳山上。厄里亞與假先知比試
21 Si Elias ay lumapit sa lahat ng tao at sinabi niya, “Gaano katagal ninyong babaguhin ang inyong kaisipan? Kung si Yahweh ay Diyos, sumunod kayo sa kaniya. Ngunit kung si Baal ay Diyos, sundin siya.” Subalit ang mga tao ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
厄里亞走向全體民眾面前說:「你們搖擺不定,模稜兩可,要到幾時呢﹖如果上主是天主,你們就應該隨從上主;如果巴耳是天主,就該隨從巴耳。」人民一句話也不回答。
22 Pagkatapos sinabi ni Elias sa mga tao, “Ako, ako lamang, ang natitira bilang propeta ni Yahweh, pero ang mga propeta ni Baal ay 450 kalalakihan.
厄里亞對人民說:「上主的先知指剩下我一個人了,巴耳的先知卻有四百五十人。
23 Kaya hayaang bigyan nila tayo ng dalawang toro. Hayaan silang pumili ng isang toro para sa kanilang sarili at putulin ito ng pira-piraso, at ilalatag sa kahoy, pero huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito. Pagkatapos ihahanda ang isang pang toro at ilalatag sa kahoy, at huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito.
請給我們牽兩隻公牛犢來;他們可任選一隻,剖分成塊,放在木柴上,不要點火;我也照樣預備另一隻,放在木柴上,也不點火。
24 Pagkatapos tatawagin ninyo ang pangalan ng inyong diyos, at ako ay tatawag sa pangalan ni Yahweh, at ang Diyos na sasagot sa pamamagitan ng apoy, siya ang magiging Diyos.” Kaya ang lahat ng tao ay sumagot, at sinabi, “Mabuti ito.”
你們呼求你們神的名字,我也呼求上主的名字:那降火顯示應允的神,就是真神。」民眾回答說:「你這話說得很好! 」
25 Kaya sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, “Pumili kayo ng isang toro para sa inyo at mauna na itong ihanda, dahil kayo ay marami. Pagkatapos tumawag kayo sa inyong diyos, pero huwag ninyong lagyan ng apoy ang ilalim ng toro.”
厄里亞對巴耳的先知們說:「因為你們人數眾多,你們應該先挑選一隻牛犢,準備好,然後呼求你們神的名字,只是不要點火。」
26 At kanilang kinuha ang toro na nakalaan sa kanila at inihanda ito, at tinawag ang pangalan ni Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat, sinasabi, “Baal, pakinggan mo kami. “Pero walang tinig, o sinumang sumagot. Sila ay nagsayaw sa paligid ng altar na kanilang ginawa.
他們即將人給他們的公牛犢牽來,預備好,從早晨直到中午呼求巴耳的名字說:「巴耳,應允我們罷! 」但是沒有聲音,也沒有答應的。他們就在自己所築的祭壇旁,跪下又起來,跳個不停。
27 Sa kinatanghalian tapat kinutya sila ni Elias at sinabi, “Sumigaw kayo ng malakas! Siya ay diyos! Marahil siya ay nagiisip, o siya ay nasa palikuran, o siya ay nasa isang paglalakbay, o marahil siya ay natutulog at dapat siyang gisingin.
到了中午,厄里亞嘲弄他們說:「你們再高聲喊叫,因為他是神,或者他正在沉思冥想,或者它暫時隱退,或者正在外旅行,或者他正在睡覺,必須把他叫醒。」
28 “Kaya sila ay sumigaw pa ng mas malakas, at hiniwa nila ang kanilang sarili, tulad ng kanilang ginagawa, gamit ang mga espada at mga sibat, hanggang sa umagos ang dugo sa kanilang sarili.
他們遂更高聲喊叫,照他們的習慣,用刀用槍割傷自己,直到全身流出血來。
29 Lumipas ang tanghaling tapat, at sila ay nahihibang pa rin hanggang sa oras ng pag-aalay handog na pang gabi, pero walang boses o sinumang sumasagot; wala kahit sino ang nagbigay pansin sa kanilang mga pagsusumamo.
過了中午,他們仍繼續狂喊亂叫,直到晚祭的時候,但仍然沒有聲音,也沒有答應的,也沒有理會。
30 Pagkatapos sinabi ni Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin,” at ang lahat ng tao ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos kaniyang inayos ang altar ni Yahweh na nasira.
厄里亞對全你人民說:「你們到我這裏來。」全體人民便都到他那裏去;厄里亞立即重修了已經坍塌了的上主的祭壇;
31 Kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ang bawat bato na kumakatawan sa mga lipi ng mga anak ni Jacob — ito ay kay Jacob na ang salita ni Yahweh ay dumating, sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.”
依照雅各伯子孫的支派數目,取了十二塊石頭,─這雅各伯就是上主曾對他說過:「你的名字要叫以色列。」─
32 Sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang tinayo ang altar sa pangalan ni Yahweh, at humukay siya ng isang kanal sa palibot ng altar na ang laki tama lang para magkasya ang dalawang salop na mga binhi.
用這些石頭,為上主的名築成一座祭壇,在祭壇四周作了一個水溝,可容二「色阿」穀種。
33 Pagkatapos kaniyang inilagay ang kahoy para sa apoy at ang toro ay pinutol sa piraso, at ipinatong ang mga pira-piraso sa ibabaw ng kahoy. At kaniyang sinabi,”Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig at ibuhos ninyo sa handog na susunugin at sa kahoy.”
把木柴放好,將牛犢剖分成塊,放在木柴上,
34 At kaniyang sinabi, “Gawin ninyo ito ng pangalawang ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangalawang ulit, pagkatapos sinabi niya, “Gawin ninyo ito sa pangatlong ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangatlong ulit.
然後吩咐說:「盛滿四桶水,倒在全燔祭和木柴上! 」他們就這樣做了。他又吩咐說:「再倒一次! 」他們就再倒了一次;他再吩咐說:「倒第三次! 」他們就倒了第三次;
35 Ang tubig ay umagos sa palibot ng altar at napuno ang kanal.
水沿祭壇四周奔流,溝裏滿了水。
36 Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita.
到了要奉獻晚祭的時候,厄里亞先知走近前來說:「上主,亞巴郎、依撒格和以色列的天主,求你今天使人知道:你是以色列的天主,我是你的僕人,是奉你的命作這一切事。
37 Pakinggan mo ako, O Yahweh, pakinggan mo ako, para malaman ng mga tao na ikaw, Yahweh, ay Diyos, at iyong ibabalik muli ang kanilang puso sa iyong sarili.”
上主,求你應允我,應允我! 使這人民知道你上主,是真天主,是你叫他們心回意轉。」
38 Pagkatapos kaagad ang apoy ni Yahweh ay bumaba, at tinupok ang handog na susunugin, maging ang kahoy, ang mga bato, at ang lupa, at tinuyo ang tubig na nasa kanal.
於是上主的火降下,焚盡了全燔祭、柴木、石頭和塵土,也燒乾了溝中的水。
39 Nang makita ng buong bayan ito, sila ay nagpatirapa sa lupa at sinabi, “Si Yahweh, siya ay Diyos! Si Yahweh, siya Diyos!”
全體人民見了,都俯伏在地說:「雅威是天主,雅威是天主!」
40 Kaya sinabi ni Elias sa kanila, “Dalhin ninyo ang mga propeta ni Baal. Huwag hayaang makatakas ni isa sa kanila”’ Kaya kinuha sila, at dinala ni Elias ang mga propeta ni Baal sa ibaba ng batis ng Cison at pinatay sila roon.
厄里亞對民眾說:「你們捉住巴耳的先知,不要讓他們走脫一個! 」民眾立即捉住他們。厄里亞帶他們下到克雄小河旁,在那裏將他們全部殺掉。天降大雨
41 Sinabi ni Elias kay Ahab, “Bumangon ka, kumain at uminom, sapagkat may ingay ng malakas na ulan.
厄里亞對阿哈布說:「你上去吃喝罷! 因為已聽到大雨的怒號聲。」
42 Kaya si Ahab ay bumangon para kumain at para uminom. Pagkatapos si Elias ay nagpunta sa tuktok ng Carmelo, siya ay yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod.
阿哈布就上去吃喝,厄里亞卻上了加爾默耳山頂,跪伏在地,將臉放在兩膝之間。
43 Kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, “Pumanhik ka ngayon, tumingin ka sa gawing dagat.” Ang kaniyang lingkod ay pumanhik at tumingin at sinabi, “Wala naman.” Kaya sinabi ni Elias, “Pumunta ka muli, ng pitong ulit.”
以後,對自己的僕人說:「你上去,朝海那邊觀看! 」僕人就上去觀看,說:「什麼也沒有。」厄里亞說:「你來回觀看七次! 」他就去了七次。
44 Sa ikapitong ulit sinabi ng lingkod, “Tingnan mo, may isang ulap na umakyat mula sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang tao.” Sumagot si Elias, “Pumunta ka at sabihin mo kay Ahab, 'Ihanda mo ang iyong karwahe, at bumaba bago ka mapigilan ng ulan.'”
第七次僕人說:「看,有一片雲彩,小得像手掌那麼大,從海上升起來了。」厄里亞說:「你上去告訴阿哈布說:快套車下去,免得被雨阻止! 」
45 Di nagtagal ito ay nangyari na ang kalangitan ay nagdilim sa mga ulap at hangin, at bumuhos ng napakalakas na ulan. Sumakay si Ahab at nagpunta kay Jezreel,
轉瞬之間,天空因風雲變為昏黑,落下大雨;阿哈布上車去了依次勒耳。
46 pero ang kamay ni Yahweh ay na kay Elias. Sinuksok niya ang kaniyang balabal sa kaniyang sinturon at naunang tumakbo kay Ahab sa pasukan ng Jezreel.
上主的手臨於厄里亞身上,他就束上腰,跑在阿哈布前頭,直到依次勒耳的城門口。

< 1 Mga Hari 18 >