< 1 Mga Hari 12 >

1 Nagpunta si Rehoboam sa Shekem, dahil ang buong Israel ay darating sa Shekem para gawin siyang hari.
爰にレハベアム、シケムに往り其はイスラエル皆彼を王と爲んとてシケムに至りたればなり
2 Ito ay nangyari nang marinig ito ni Jeroboam anak ni Nebat (dahil siya ay nasa Ehipto pa, kung saan siya ay tumakas mula sa kinaroroonan ni Haring Solomon; Si Jeroboam ay nanirahan sa Ehipto).
ネバテの子ヤラベアム尚エジブトに在て聞りヤラベアムはソロモン王の面をさけて逃さりエジプトに住居たるなり
3 Kaya siya ay isinugo at tinawag nila, at dumating si Jeroboam at buong kapulungan ng Israel; sila ay nagsalita kay Rehoboam at sinabi, “ginawang mahirap ng iyong ama ang aming pasanin.
時に人衆人を遣はして彼を招けり斯てヤラベアムとイスラエルの會衆皆來りてレハベアムに告て言けるは
4 Ngayon, gawin mong madali ang mahirap na trabahong ibinigay ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na inilagay niya sa amin, at paglilingkuran ka namin.”
汝の父我儕の軛を難くせり然ども爾今爾の父の難き役と爾の父の我儕に蒙らせたる重き軛を軽くせよ然ば我儕爾に事へん
5 Sinabi ni Rehoboam sa kanila, “Umalis kayo ng tatlong araw; pagkatapos bumalik kayo sa akin.” Kaya umalis ang mga tao.
レハベアム彼等に言けるは去て三日を經て再び我に來れと民乃ち去り
6 Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matatandang lalaki na tumayo sa harapan ni Solomon na kaniyang ama habang siya ay nabubuhay; sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang sagutin ang mga taong ito?”
レハベアム王其父ソロモンの生る間其前に立たる老人等と計りていひけるは爾等如何に敎へて此民に答へしむるや
7 Sila ay nagsalita sa kaniya at sinabi, “Kung ikaw ay magiging isang lingkod ngayon sa mga taong ito at paglilingkuran sila, at sasagutin sila sa pamamagitan ng mabubuting mga salita, palagi silang magiging mga lingkod mo.”
彼等レハベアムに告て言けるは爾若今日此民の僕となり之に事へて之に答へ善き言を之に語らば彼等永く爾の僕となるべしと
8 Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya.
然に彼老人の敎へし敎を棄て自己と倶に生長て己のまへに立つ少年等と計れり
9 Sinabi niya sa kanila, “Anong payoang maibibigay ninyo sa akin, upang maaari nating masagot ang mga tao na nagsalita sa akin at nagsabing, “Pagaanin ninyo ang pasanin na inilagay sa amin ng inyong ama?”
即ち彼等に言けるは爾等何を敎へて我儕をして此我に告て爾の父の我儕に蒙むらせし軛を軽くせよと言ふ民に答へしむるやと
10 Ang mga kabataan na lumaking kasama ni Rehoboam ay nagsalita sa kaniya, nagsabi, “Magsalita ka sa mga taong ito na nagsabi sa iyo na ang iyong amang si Solomon ang nagpabigat ng kanilang pasanin pero dapat mo itong pagaanin. Dapat mong sabihin sa kanila, “Ang hinliliit kong daliri ay makapal kaysa sa baywang ng aking ama.
彼と偕に生長たる少年彼に告ていひけるは爾に告て爾の父我儕の軛を重くしたれど爾これを我儕のために軽くせよと言たる此民に爾斯言ベし我が小指はわが父の腰よりも太し
11 Kaya ngayon, kahit na pinahirapan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng isang mabigat na pasanin, magdadagdag ako sa inyong pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
またわが父爾等に重き軛を負せたりしが我は更に爾等の軛を重くせん我父は鞭にて爾等を懲したれども我は蠍をもて爾等を懲んと爾斯彼等に告べしと
12 Kaya dumating si Jeroboam at ang lahat ng bayan kay Rehoboam sa ikatlong araw, gaya ng itinagubilin ng hari noong sinabi niyang, “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.”
ヤラベアムと民皆王の告て第三日に再び我に來れと言しごとく第三日にレハベアムに詣りしに
13 Marahas na tinugon ng hari ang bayan at binalewala ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matatandang lalaki.
王荒々しく民に答へ老人の敎へし敎を棄て
14 Siya ay nagsalita sa kanila bilang pagsunod sa payo ng mga nakababatang lalaki; sabi niya, “Pinagpasan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mabibigat na pasanin, pero magdadagdag ako ng pasanin sa inyo. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, pero parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
少年の敎の如く彼等に告て言けるは我父は爾等の軛を重くしたりしが我は更に爾等の軛を重くせん我父は鞭を以て爾等を懲したれども我は蠍をもて爾等を懲さんと
15 Kaya hindi nga pinakinggan ng hari ang mga tao, dahil ito ay isang pagbabago ng mga pangyayari na ginawa ni Yahweh, upang maaari niyang tuparin ang kaniyang salita na kaniyang sinabi kay Ahias na taga-Silo kay Jeroboam na anak ni Nebat.
王斯民に聽ざりき此事はヱホバより出たる者なり是はヱホバその甞てシロ人アヒヤに由てネバテの子ヤラベアムに告し言をおこなはんとて爲たまへるなり
16 Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
かくイスラエル皆王の己に聽ざるを見たり是において民王に答へて言けるは我儕ダビデの中に何の分あらんやヱサイの子の中に產業なしイスラエルよ爾等の天幕に歸れダビデよ今爾の家を視よと而してイスラエルは其天幕に去りゆけり
17 Pero para sa bayang Israel na nanirahan sa mga lungsod ng Juda, si Rehoboam ang naghari sa kanila.
然どもユダの諸邑に住るイスラエルの子孫の上にはレハベアム其王となれり
18 Pagkatapos ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram, na siyang namamahala sa mga pinilit na mga manggagawa, pero pinagbabato siya ng buong Israel hanggang mamatay. Mabilis na tumakas si Haring Rehoboam sa kaniyang karwahe patungong Jerusalem.
レハベアム王徴募頭なるアドラムを遣はしけるにイスラエル皆石にて彼を撃て死しめたればレハベアム王急ぎて其車に登りエルサレムに逃たり
19 Kaya ang Israel ay naging rebelde laban sa angkan ni David hanggang sa araw na ito.
斯イスラエル、ダビデの家に背きて今日にいたる
20 Nangyari ito nang mabalitaan ng buong Israel na bumalik na si Jeroboam, ipinadala nila at tinawag siya sa kanilang kapulungan at ginawa siyang hari sa buong Israel. Walang isa man ang sumunod sa pamilya ni David, maliban lamang sa lipi ni Juda.
爰にイスラエル皆ヤラベアムの歸りしを聞て人を遣して彼を集會に招き彼をイスラエルの全家の上に王と爲りユダの支派の外はダビデの家に從ふ者なし
21 Nang dumating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang lahat ng lipi ni Juda at ang lipi ni Benjamin; mayroong piniling 180, 000 kalalakihan na mga sundalo, para labanan ang lipi ng Israel, para ibalik muli ang kaharian kay Rehoboam na anak ni Solomon.
ソロモンの子レハベアム、エルサレムに至りてユダの全家とベニヤミンの支派の者即ち壯年の武夫十八萬を集む斯してレハベアム國を己に皈さんがためにイスラエルの家と戰はんとせしが
22 Ngunit dumating ang salita ng Diyos kay Semaias, ang lingkod ng Diyos; ito ang sinabi,
神の言神の人シマヤに臨みて曰く
23 “Sabihin kay Rehoboam na anak ni Solomon, hari ng Juda, sa lahat ng lipi ni Juda at Benjamin, at sa natitirang mga tao; sabihing,
ソロモンの子ユダの王レハベアムおよびユダとベニヤミンの全家並に其餘の民に告て言べし
24 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita.
ヱホバ斯言ふ爾等上るべからず爾等の兄弟なるイスラエルの子孫と戰ふべからず各人其家に歸れ此事は我より出たるなりと彼等ヱホバの言を聽きヱホバの言に循ひて轉り去りぬ
25 Pagkatapos itinayo ni Jeroboam ang Shekem sa burol ng bansang Efraim, at nanirahan doon. Lumipat siya mula doon at itinayo ang Penuel.
ヤラベアムはエフライムの山地にシケムを建て其處に住み又其所より出てペヌエルを建たり
26 Inaakala ni Jeroboam sa kaniyang puso, “Ngayon manunumbalik ang kaharian sa bahay ni David.
爰にヤラベアム其心に謂けるは國は今ダビデの家に歸らん
27 Kung aakyat ang bayang ito para mag-alay ng mga handog sa templo ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon, ang puso ng mga taong ito ay manunumbalik muli sa kanilang panginoon, kay Rehoboam hari ng Juda. Papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam hari ng Juda.”
若此民エルサレムにあるヱホバの家に禮物を献げんとて上らば此民の心ユダの王なる其主レハベアムに歸りて我を殺しユダの王レハベアムに歸らんと
28 Kaya naghanap ng payo si Haring Jeroboam at gumawa ng dalawang guyang ginto; sinabi niya sa mga tao, “Labis-labis ito para sa inyo na umakyat sa Jerusalem. Masdan ninyo, ito ang inyong mga diyos bayang Israel, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto.
是に於て王計議て二の金の犢を造り人々に言けるは爾らのエルサレムに上ること旣に足りイスラエルよ爾をエジブトの地より導き上りし汝の神を視よと
29 Naglagay siya ng isa sa Bethel at ang isa sa Dan.
而して彼一をベテルに安ゑ一をダンに置り
30 Kaya naging isang kasalanan ang pagkilos na ito. Ang mga tao ay nagpunta sa isa o sa kabila, hanggang makarating sa Dan.
此事罪となれりそは民ダンに迄往て其一の前に詣たればなり
31 Gumawa si Jeroboam ng mga Templo sa mga dambana; naghirang din siya ng mga pari sa kalagitnaan ng buong bayan, na hindi mga anak na lalaki ni Levi.
彼又崇邱の家を建てレビの子孫にあらざる凡民を祭司となせり
32 Nagtalaga si Jeroboam ng isang pista sa ika-walong buwan, sa ika-labing limang araw ng buwan, tulad ng pista na nasa Juda, at umakyat siya sa altar. Ginawa niya ito sa Bethel, naghahandog sa mga guya na kaniyang ginawa, at naglagay siya sa Bethel ng mga pari sa mga dambana na kaniyang ginawa.
ヤラベアム八月に節期を定めたり即ち其月の十五日なりユダにある節期に等し而して壇の上に上りたりベテルにて彼斯爲し其作りたる犢に禮物を献げたり又彼其造りたる崇邱の祭司をベテルに立たり
33 Umakyat si Jeroboam sa altar na kaniyang ginawa sa Bethel sa ika-labing limang araw ng ika-walong buwan, sa buwan na binalak niya sa sarili niyang isipan; nagtalaga siya ng isang pista para sa bayan ng Israel at umakyat sa altar para magsunog ng insenso.
かく彼其ベテルに造れる壇の上に八月の十五日に上れり是は彼が己の心より造り出したる月なり而してイスラエルの人々のために節期を定め壇の上にのぼりて香を焚り

< 1 Mga Hari 12 >