< 1 Mga Hari 11 >
1 Ngayon nagmahal si Solomon ng maraming dayuhang babae: ang anak na babae ng Paraon, mga babaeng Moabita, Ammonita, Edomita, Sidomita at mga babaeng Heteo—
Or il re Salomone, oltre la figliuola di Faraone, amò molte donne straniere: delle Moabite, delle Ammonite, delle Idumee, delle Sidonie, delle Hittee,
2 mga bansang nauukol kung saan sinabi ni Yahweh sa bansang Israel, “Huwag kayong pupunta sa kanila para mag-asawa o ni isa sa kanila ay pupunta sa inyo, dahil tiyak na ibabaling nila ang inyong puso sa kanilang mga diyos.” Pero minahal ni Solomon ang mga babaeng ito.
donne appartenenti ai popoli dei quali l’Eterno avea detto al figliuoli d’Israele: “Non andate da loro e non vengano essi da voi; poiché essi certo pervertirebbero il vostro cuore per farvi seguire i loro dèi”. A tali donne s’unì Salomone ne’ suoi amori.
3 Nagkaroon si Solomon ng pitong-daang maharlikang asawa at tatlong-daang iba pang kinakasama. Inilayo ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.
Ed ebbe settecento principesse per mogli e trecento concubine; e le sue mogli gli pervertirono il cuore;
4 Dahil noong tumanda si Solomon, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang diyos; ang kaniyang puso ay hindi niya lubos na isinuko kay Yahweh na kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang amang si David.
cosicché, al tempo della vecchiaia di Salomone, le sue mogli gl’inclinarono il cuore verso altri dèi; e il cuore di lui non appartenne tutto quanto all’Eterno, al suo Dio, come avea fatto il cuore di Davide suo padre.
5 Sinunod ni Solomon si Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio, at sumunod siya kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Amonita.
E Salomone seguì Astarte, divinità dei Sidoni, e Milcom, l’abominazione degli Ammoniti.
6 Gumawa si Solomon ng kasamaan sa paningin ni Yahweh; hindi siya lubusang sumunod kay Yahweh, tulad nang nagawa ng kaniyang amang si David.
Così Salomone fece ciò ch’è male agli occhi dell’Eterno e non seguì pienamente l’Eterno, come avea fatto Davide suo padre.
7 Pagkatapos nagpatayo si Solomon ng isang dambana para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab, sa burol na nasa silangan ng Jerusalem, at para din kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Ammonita.
Fu allora che Salomone costruì, sul monte che sta dirimpetto a Gerusalemme, un alto luogo per Kemosh, l’abominazione di Moab, e per Molec, l’abominazione dei figliuoli di Ammon.
8 Nagtayo rin siya ng mga dambana para sa lahat ng kaniyang mga dayuhang asawa, na nagsunog ng mga insenso at nag-alay para sa kanilang mga diyos.
E fece così per tutte le sue donne straniere, le quali offrivano profumi e sacrifizi ai loro dèi.
9 Nagalit si Yahweh kay Solomon, dahil tumalikod ang kaniyang puso sa kaniya, na Diyos ng Israel, kahit na nagpakita sa kaniya ng dalawang ulit
E l’Eterno s’indignò contro Salomone, perché il cuor di lui s’era alienato dall’Eterno, dall’Iddio d’Israele, che gli era apparito due volte,
10 at nag-utos sa kaniya tungkol sa mismong bagay na ito, na hindi siya dapat maglingkod sa ibang diyos. Subalit hindi sinunod ni Solomon kung ano ang inutos ni Yahweh.
e gli aveva ordinato, a questo proposito, di non andar dietro ad altri dèi; ma egli non osservò l’ordine datogli dall’Eterno.
11 Kaya sinabi ni Yahweh kay Solomon, “Dahil nagawa mo ito at hindi mo sinunod ang aking tipan at aking mga alituntunin na inutos ko sa iyo, tiyak na pipilasin ko ang kaharian mula sa iyo at ibibigay ko ito sa iyong lingkod.
E l’Eterno disse a Salomone: “Giacché tu hai agito a questo modo, e non hai osservato il mio patto e le leggi che t’avevo date, io ti strapperò di dosso il reame, e lo darò al tuo servo.
12 Subalit, alang-alang sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang ikaw ay nabubuhay, pero sisirain ko ito sa kamay ng iyong anak na lalaki.
Nondimeno, per amor di Davide tuo padre, io non lo farò te vivente, ma lo strapperò dalle mani del tuo figliuolo.
13 Gayon man, hindi ko sisirain ang buong kaharian; Ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang sa aking lingkod na si David, at para sa kapakanan ng Jerusalem, na aking pinili.”
Però, non gli strapperò tutto il reame, ma lascerò una tribù al tuo figliuolo, per amor di Davide mio servo, e per amor di Gerusalemme che io ho scelta”.
14 Pagkatapos ay nagtayo si Yahweh ng kakalaban kay Solomon, si Hadad na Idumeo. Siya ay nagmula sa maharlikang angkan ng Edom.
L’Eterno suscitò un nemico a Salomone: Hadad, l’Idumeo, ch’era della stirpe reale di Edom.
15 Noong si David ay nasa Edom, si Joab na pinuno ng mga kawal ay nagpunta para ilibing ang mga patay, bawat taong napatay sa Edom.
Quando Davide sconfisse Edom, e Joab, capo dell’esercito, salì per seppellire i morti, e uccise tutti i maschi che erano in Edom;
16 Si Joab at ang buong Israel ay nanatili doon ng anim na buwan hanggang sa mapatay niya ang bawat kalalakihan sa Edom.
(poiché Joab rimase in Edom sei mesi, con tutto Israele, finché v’ebbe sterminati tutti i maschi),
17 Ngunit si Hadad ay dinala ng mga lingkod ng kaniyang ama sa Ehipto kasama ng iba pang mga Idumeo, dahil si Hadad ay isa pa lamang maliit na bata.
questo Hadad fuggì con alcuni Idumei, servi di suo padre, per andare in Egitto. Hadad era allora un giovinetto.
18 Umalis sila sa Midian at nagpunta sa Paran, mula kung saan kasama nilang dinala ang mga kalalakihan patungo sa Ehipto, sa Paraon na hari ng Ehipto, na nagbigay sa kaniya ng isang bahay, lupa at pagkain.
Quelli dunque partirono da Madian, andarono a Paran, presero seco degli uomini di Paran, e giunsero in Egitto da Faraone, re d’Egitto, il quale diede a Hadad una casa, provvide al suo mantenimento, e gli assegnò dei terreni.
19 Nalugod ang Paraon kay Hadad kaya binigyan siya ng Paraon ng asawa, ang kapatid ng sarili niyang asawa, ang kapatid na babae ng reyna na si Tapenes.
Hadad entrò talmente nelle grazie di Faraone, che questi gli diede per moglie la sorella della propria moglie, la sorella della regina Tahpenes.
20 Isinilang ng kapatid ni Tapenes ang anak na lalaki ni Hadad; Pinangalanan nila siyang Genubat; Siya ay pinalaki ni Tapenes sa palasyo ng Paraon. Kaya namuhay si Genubat sa palasyo ng Paraon kasama ang mga anak ng Paraon.
E la sorella di Tahpenes gli partorì un figliuolo, Ghenubath, che Tahpenes divezzò in casa di Faraone; e Ghenubath rimase in casa di Faraone tra i figliuoli di Faraone.
21 Noong mabalitaan ni Hadad na tulog na si David kasama ang kaniyang mga ninuno, at si Joab na pinuno ng hukbo ay patay na, sinabi ni Hadad sa Paraon, “Pahintulutan mo akong umalis para pumunta sa aking sariling bansa.”
Or quando Hadad ebbe sentito in Egitto che Davide s’era addormentato coi suoi padri e che Joab, capo dell’esercito, era morto, disse a Faraone: “Dammi licenza ch’io me ne vada al mio paese”.
22 At sinabi sa kaniya ng Paraon, “Pero ano pa ang kulang mo sa akin na gustuhin mo pang bumalik sa iyong sariling bansa?” Sumagot si Hadad, “Wala, hayaan mo lang akong umalis.”
E Faraone gli rispose: “Che ti manca da me perché tu cerchi d’andartene al tuo paese?” E quegli replicò: “Nulla; nondimeno, ti prego, lasciami partire”.
23 Nagtayo muli ang Diyos ng isa pang katunggali kay Solomon, si Rezon na anak na lalaki ni Eliada, na tumakas mula sa kaniyang panginoon na si Hadadezer, hari ng Zoba.
Iddio suscitò un altro nemico a Salomone: Rezon, figliuolo d’Eliada, ch’era fuggito dal suo signore Hadadezer, re di Tsoba.
24 Nagtipon si Rezon ng mga kalalakihan at naging kapitan ng isang maliit na puwersa, noong tinalo ni David ang mga kalalakihan ng Zoba. Nagpunta ang mga tauhan ni Zoba sa Damasco at nanirahan doon, at napailalim kay Rezon ang Damasco.
Ed egli avea radunato gente intorno a sé ed era diventato capo banda, quando Davide massacrò i Siri. Egli ed i suoi andarono a Damasco, vi si stabilirono, e regnarono in Damasco.
25 Siya ay naging kaaway ng Israel sa lahat ng panahon ng paghahari ni Solomon, kasama ng mga kaguluhan na idinulot ni Hadad. Kinasuklaman ni Rezon ang Israel at naghari siya sa Aram.
E Rezon fu nemico d’Israele per tutto il tempo di Salomone; e questo, oltre il male già fatto da Hadad. Aborrì Israele e regnò sulla Siria.
26 At si Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, isang Efraimita na taga Sereda, isang opisyal ni Solomon, na ang pangalan ng kaniyang ina ay Serua, isang babaeng balo, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.
Anche Geroboamo, servo di Salomone, si ribellò contro il re. Egli era figlio di Nebat, Efrateo di Tsereda, e avea per madre una vedova che si chiamava Tserua.
27 Ang dahilan kung bakit nagrebelde siya laban sa hari ay dahil itinayo ni Solomon ang Millo at inayos ang lagusan ng pader sa lungsod ni David na kaniyang ama.
La causa per cui si ribellò contro il re, fu questa. Salomone costruiva Millo e chiudeva la breccia della città di Davide suo padre.
28 Si Jeroboam ay isang lalaking malakas at matapang. Nakita ni Solomon ang binata na masipag, kaya ibinigay sa kaniya ang pamamahala sa lahat ng gawain sa tahanan ni Jose.
Or Geroboamo era un uomo forte a valoroso; e Salomone, veduto come questo giovine lavorava, gli diede la sorveglianza di tutta la gente della casa di Giuseppe, comandata ai lavori.
29 Sa panahong iyon, nang lumabas si Jeroboam sa Jerusalem, natagpuan siya ni propetang Ahias sa daan. Ngayon nagbihis si Ahias ng bagong kasuotan, at ang dalawang lalaki ang tanging nasa bukid.
In quel tempo avvenne che Geroboamo, essendo uscito da Gerusalemme, s’imbatté per istrada nel profeta Ahija di Scilo, che portava un mantello nuovo; ed erano loro due soli nella campagna.
30 Pagkatapos ay dinakma ni Ahias ang bagong kasuotan na nasa kaniya, at pinunit ito ng labing-dalawang piraso.
Ahija prese il mantello nuovo che aveva addosso, lo stracciò in dodici pezzi,
31 Sinabi niya kay Jeroboam, “kumuha ka ng sampung piraso, dahil si Yahweh na Diyos ng Israel, sinasabi niya, 'Pagmasdan mo, pipilasin ko ang kaharian at aalisin sa kamay ni Solomon, at ibibigay ko ang sampung lipi sa iyo
e disse a Geroboamo: “Prendine per te dieci pezzi, perché l’Eterno, l’Iddio d’Israele, dice così: Ecco, io strappo questo regno dalle mani di Salomone, e te ne darò dieci tribù,
32 (subalit magkakaroon si Solomon ng isang lipi, alang-alang sa lingkod kong si David at alang-alang sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili mula sa lahat ng lipi ng Israel),
ma gli resterà una tribù per amor di Davide mio servo, e per amor di Gerusalemme, della città che ho scelta fra tutte le tribù d’Israele.
33 dahil iniwanan nila ako at sinamba nila si Astarte, ang babaeng diyus-diyosan ng mga Sidonita, kay Cemos ang diyos ng mga Moabita, at kay Milcom ang diyos ng mga mamamayan ng mga Ammonita. Hindi sila lumakad ayon sa aking kaparaanan, para gawin ang mabuti sa aking paningin, at para sundin ang aking mga utos at mga tuntunin gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si David.
E ciò, perché i figliuoli d’Israele m’hanno abbandonato, si sono prostrati davanti ad Astarte, divinità dei Sidoni, davanti a Kemosh, dio di Moab e davanti a Milcom, dio dei figliuoli d’Ammon, e non han camminato nelle mie vie per fare ciò ch’è giusto agli occhi miei e per osservare le mie leggi e i miei precetti, come fece Davide, padre di Salomone.
34 Ngunit, hindi ko aalisin ang buong kaharian sa kamay ni Solomon. Sa halip, gagawin ko siyang hari sa lahat ng araw ng kaniyang buhay, alang-alang sa aking lingkod na si David na aking pinili, na siyang nag-ingat sa aking mga kautusan at mga tuntunin.
Nondimeno non torrò dalle mani di lui tutto il regno, ma lo manterrò principe tutto il tempo della sua vita, per amor di Davide, mio servo, che io scelsi, e che osservò i miei comandamenti e le mie leggi;
35 Ngunit kukunin ko ang kaharian mula sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko ito sa iyo, ang sampung mga lipi.
ma torrò il regno dalle mani del suo figliuolo, e te ne darò dieci tribù;
36 Ibibigay ko ang isang lipi sa anak na lalaki ni Solomon, para ang aking lingkod na si David ay magkakaroon lagi ng ilaw sa harapan ko sa Jerusalem, ang lungsod kung saan pinili kong ilagay ang aking pangalan.
e al suo figliuolo lascerò una tribù affinché Davide, mio servo, abbia sempre una lampada davanti a me in Gerusalemme, nella città che ho scelta per mettervi il mio nome.
37 Kukunin kita, at ikaw ay mamumuno at tutupad sa lahat ng hangarin mo, at ikaw ay magiging hari ng buong Israel.
Io prenderò dunque te, e tu regnerai su tutto quello che l’anima tua desidererà, e sarai re sopra Israele.
38 Kung pakikinggan mo ang lahat na aking ipag-uutos sa iyo, at kung lalakad ka sa aking mga landas, at kung gagawin mo kung ano ang mabuti sa aking paningin, para ingatan ang mga tuntunin at mga kautusan, gaya ng ginawa ng aking lingkod na si David, sa gayon ay sasamahan kita at ipagtatayo kita ng totoong tahanan, gaya ng itinayo ko para kay David, at ang Israel ay ibibigay ko sa iyo.
E se tu ubbidisci a tutto quello che ti comanderò, e cammini nelle mie vie, e fai ciò ch’è giusto agli occhi miei, osservando le mie leggi e i miei comandamenti, come fece Davide mio servo, io sarò con te, ti edificherò una casa stabile, come ne edificai una a Davide, e ti darò Israele;
39 Paparusahan ko ang mga kaapu-apuhan ni David, pero hindi habang panahon.”
e umilierò così la progenie di Davide, ma non per sempre”.
40 Kaya pinagsikapang patayin ni Solomon si Jeroboam, ngunit tumindig si Jeroboam at tumakas papuntang Ehipto, kay Shishak, hari ng Ehipto, at nanatili siya sa Ehipto hanggang sa pagkamatay ni Solomon.
Perciò Salomone cercò di far morire Geroboamo; ma questi si levò e fuggì in Egitto presso Scishak, re d’Egitto, e rimase in Egitto fino alla morte di Salomone.
41 Para sa ibang mga bagay tungkol kay Solomon, lahat ng kaniyang mga ginawa at ang kaniyang karunungan, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ni Solomon?
Or il rimanente delle gesta di Salomone, tutto quello che fece, e la sua sapienza sta scritto nel libro delle gesta di Salomone.
42 Naghari si Solomon sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
Salomone regnò a Gerusalemme, su tutto Israele, quarant’anni.
43 Natulog siya kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa lungsod ng kaniyang amang si David. Ang kaniyang anak na lalaki na si Rehoboam ang humalili sa kaniya bilang hari.
Poi Salomone s’addormentò coi suoi padri, e fu sepolto nella città di Davide suo padre; e Roboamo suo figliuolo gli succedette nel regno.