< 1 Mga Hari 10 >
1 Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong.
Or la reine de Séba ayant appris la renommée de Salomon à cause du Nom de l'Eternel, le vint éprouver par des questions obscures.
2 Dumating siya sa Jerusalem kasama ang isang napakahabang karawan, mga kamelyo na punong-puno ng mga pabango, maraming ginto, at maraming mga mamahaling bato. Nang siya ay dumating, sinabi niya kay Solomon lahat ng nasa loob ng kaniyang puso.
Et elle entra dans Jérusalem avec un fort grand train, et avec des chameaux qui portaient des choses aromatiques, et une grande quantité d'or, et de pierres précieuses; et étant venue à Salomon, elle lui parla de tout ce qu'elle avait en son cœur.
3 Sinagot ni Solomon lahat ng kaniyang mga katanungan. Wala ni isa man na kaniyang mga tanong ang hindi sinagot ng hari.
Et Salomon lui expliqua tout ce qu'elle avait proposé; il n'y eut rien que le Roi n'entendît, et qu'il ne lui expliquât.
4 Nang makita ng reyna ng Seba ang lahat ng karunungan ni Solomon, ang palasyo na kaniyang itinayo,
Alors la Reine de Séba voyant toute la sagesse de Salomon, et la maison qu'il avait bâtie,
5 ang pagkain sa kaniyang hapag-kainan at mga tirahan ng kaniyang mga lingkod at kanilang mga gawain at kanilang mga kasuotan, at saka mga taga-silbi niya ng inumin at ang paraan kung paano siya nag-alay ng mga handog na susunugin sa templo ni Yahweh, wala ng espiritu sa kaniya.
Et les mets de sa table, le logement de ses serviteurs, l'ordre du service de ses officiers, leurs vêtements, ses échansons, et les holocaustes qu'il offrait dans la maison de l'Eternel, elle fut toute ravie en elle-même.
6 Sinabi niya sa hari, “Totoo nga, ang balita na aking narinig sa sarili kong lupain tungkol sa iyong mga salita at iyong karunungan.
Et elle dit au Roi: Ce que j'ai appris dans mon pays de ton état et de ta sagesse, est véritable.
7 Hindi ko mapaniwalaan ang aking narinig hanggang sa dumating ako rito, at ngayon ay nakita ito ng aking mga mata. Wala pa pala sa kalahati ang nasabi sa akin tungkol sa iyong karunungan at kayamanan! Nahigitan mo ang katanyagan na aking nabalitaan.
Et je n'ai point cru ce qu'on en disait, jusqu'à ce que je sois venue, et que mes yeux l'aient vu; et voici on ne m'en avait point rapporté la moitié; ta sagesse et tes richesses surpassent tout ce que j'en avais entendu.
8 Pinagpala ang iyong bayan, at pinagpala ang iyong mga lingkod na palaging nasa iyong harapan, dahil naririnig nila ang iyong karunungan.
Ô que bienheureux sont tes gens! ô que bienheureux sont tes serviteurs qui se tiennent continuellement devant toi, et qui écoutent ta sagesse!
9 Nawa ay purihin si Yahweh ang inyong Diyos, na nalulugod sa iyo, na siyang naglagay sa iyo sa trono ng Israel. Dahil walang hanggang minahal ni Yahweh ang Israel, ginawa ka niyang hari, para gumawa ka ng katarungan at katuwiran.
Béni soit l'Eternel ton Dieu, qui t'a eu pour agréable, afin de te mettre sur le trône d'Israël; car l'Eternel a aimé Israël à toujours; et t'a établi Roi pour faire jugement et justice.
10 Binigyan niya ang hari ng 120 talentong ginto at malaking halaga ng mga pabango at mga mamahaling mga bato. Wala nang mas higit pang halaga ng mga pabango tulad nitong mga ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon ay kailanman naibigay pa muli sa kaniya.
Puis elle fit présent au Roi de six vingts talents d'or, et d'une grande quantité de choses aromatiques, avec des pierres précieuses. Il ne vint jamais depuis une aussi grande abondance de choses aromatiques, que la Reine de Séba en donna au Roi Salomon.
11 Ang mga barko ni Hiram, na nagdala ng ginto mula sa Ofir, ay nagdala rin mula sa Ofir ng napakaraming kahoy na algum at mga mamahaling bato.
Et la flotte d'Hiram, qui avait apporté de l'or d'Ophir, apporta aussi en fort grande abondance du bois d'Almugghim, et des pierres précieuses.
12 Gumawa ang hari ng mga haligi gamit ang kahoy na algum para sa templo ni Yahweh at para sa palasyo ng hari, at mga alpa at mga lira para sa mga mang-aawit. Wala nang mas madami pang bilang ng kahoy na algum ang dumating o nakita pa muli hanggang sa araw na ito.
Et le Roi fit des barrières de ce bois d'Almugghim, pour la maison de l'Eternel, et pour la maison Royale; il en fit aussi des violons, et des musettes pour les chantres; il n'était point venu de ce bois d'Almugghim, et on n'en avait point vu jusqu'à ce jour-là.
13 Ibinigay lahat ni Haring Solomon ang lahat ng maibigan ng reyna ng Seba, anuman ang hiniling niya, karagdagan sa mga ibinigay ni Solomon ayon sa kaniyang maharlikang kabutihang-loob. Kaya bumalik siya sa kaniyang sariling lupain kasama ang kaniyang mga lingkod.
Et le Roi Salomon donna à la Reine de Séba tout ce qu'elle souhaita, et ce qu'elle lui demanda, outre ce qu'il lui donna selon la puissance d'un Roi tel que Salomon. Puis elle s'en retourna, et revint en son pays, avec ses serviteurs.
14 Ngayon ang timbang ng ginto na dumating kay Solomon sa loob ng isang taon ay 666 talento ng ginto,
Le poids de l'or qui revenait à Salomon chaque année, était de six cent soixante et six talents d'or;
15 bukod sa mga ginto na dinala ng mga mangangalakal at mga negosyante. Lahat ng mga hari na taga-Arabia at mga gobernador sa bansa ay nagdala rin ng ginto at pilak kay Solomon.
Sans ce qui lui revenait des facteurs marchands en gros, et de la marchandise de ceux qui vendaient en détail, et de tous les Rois d'Arabie, et des Gouverneurs de ce pays-là.
16 Si Solomon ay nagpagawa ng dalawang-daang malalaking kalasag na binalutan ng ginto. Anim na raang siklo ng ginto ang napunta sa bawat isa.
Le Roi Salomon fit aussi deux cents grands boucliers d'or étendu au marteau, employant six cents [pièces] d'or pour chaque bouclier.
17 Nagpagawa rin siya ng tatlong-daang kalasag na binalutan ng ginto. Tatlong mina ng ginto ang napunta sa bawat kalasag; inilagay ang mga ito ng hari sa loob ng Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon.
Et trois cents autres boucliers d'or étendu au marteau, employant trois mines d'or pour chaque bouclier; et le Roi les mit dans la maison du parc du Liban.
18 Pagkatapos ay nagpagawa ang hari ng isang malaking trono na gawa sa garing at nilatagan ito ng pinakamataas na uri ng ginto.
Le Roi fit aussi un grand trône d'ivoire, qu'il couvrit de fin or.
19 May anim na baytang papunta sa trono, at ang likod nito ay may pabilog na tuktok. May mga dantayan ng bisig sa magkabilang gilid ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa tabi ng mga dantayan.
Ce trône avait six degrés, et le haut du trône était rond par derrière, il y avait des accoudoirs de côté et d'autre à l'endroit du siège, et deux lions étaient auprès des accoudoirs.
20 Labingdalawang leon ang nakatayo sa mga baytang, isa sa bawat magkabilang gilid sa bawat anim na baytang. Walang anumang trono kagaya nito sa alinmang kaharian.
Il y avait aussi douze lions sur les six degrés [du trône], de côté et d'autre; il ne s'en est point fait de tel dans tous les Royaumes.
21 Lahat ng iniinumang tasa ni Haring Solomon ay ginto, at lahat ng mga iniinumang tasa sa Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto. Walang pilak, dahil ang pilak ay hindi itinuturing na mahalaga noong panahon ni Solomon.
Et toute la vaisselle du buffet du Roi Salomon était d'or; et tous les vaisseaux de la maison du parc du Liban étaient de fin or; il n'y en avait point d'argent; l'argent n'était rien estimé du temps de Salomon.
22 Ang hari ay may mga grupo ng barko sa dagat na pumapalaot sa karagatan, kasama ang mga barko ni Hiram. Isang beses sa bawat tatlong taon ang mga barko ay nagdadala ng ginto, pilak, garing, gayundin ng mga bakulaw at mga malalaking unggoy.
Car le Roi avait sur mer la flotte de Tarsis avec la flotte d'Hiram; [et] en trois ans une [fois] la flotte de Tarsis revenait, qui apportait de l'or, de l'argent, de l'ivoire, des singes, et des paons.
23 Kaya nahigitan ni Haring Solomon ang lahat ng hari sa mundo sa kayamanan at karunungan.
Ainsi le Roi Salomon fut plus grand que tous les Rois de la terre, tant en richesses qu'en sagesse.
24 Sinadya ng buong mundo ang presensiya ni Solomon para mapakinggan ang kaniyang karunungan, na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso.
Et tous les habitants de la terre recherchaient de voir la face de Salomon, pour entendre la sagesse que Dieu avait mise en son cœur.
25 Ang mga bumisita sa kaniya ay nagdala ng pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at gawa sa ginto, mga damit, mga armas, pampalasa, gayundin ng mga kabayo at mga asno, taon taon.
Et chacun d'eux lui apportait son présent, [savoir], des vaisseaux d'argent, des vaisseaux d'or, des vêtements, des armes, des choses aromatiques, [et on lui amenait] des chevaux, et des mulets, tous les ans.
26 Sama-samang tinipon ni Solomon ang mga karwahe at mga mangangabayo. Mayroon siyang 1, 400 na mga karwahe at labing dalawang libong mangangabayo na inihimpil niya sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
Salomon fit aussi amas de chariots et de gens de cheval; tellement qu'il avait mille et quatre cents chariots, et douze mille hommes de cheval, qu'il fit conduire dans les villes où il tenait ses chariots; il y en avait aussi auprès du Roi à Jérusalem.
27 Napakaraming pilak ang hari sa Jerusalem, kasing dami ng mga bato sa lupa. Ginawa niyang sagana ang mga kahoy na cedar gaya ng mga punong sikamoreng igos na nasa mabababang lupain.
Et le Roi fit que l'argent n'était non plus prisé [à] Jérusalem que les pierres; et les cèdres que les figuiers sauvages qui sont dans les plaines, tant il y en avait.
28 Nagmamay-ari si Solomon ng mga kabayo na nanggaling sa Ehipto at Cilicia. Ang mga mangangalakal ng hari ay binili ang mga iyon sa kawan, bawat isang kawan ay may halaga.
Or quant au péage qui appartenait à Salomon, de la traite des chevaux qu'on tirait d'Egypte, et du fil, les fermiers du Roi se payaient en fil.
29 Ang mga karwahe ay binili sa labas ng Ehipto sa halagang animnaraang siklo ng pilak bawat isa, at mga kabayo ng 150 siklo bawat isa. Pagkatapos karamihan sa mga ito ay ipinagbili sa lahat ng mga hari ng mga Heteo at Arameo.
Mais chaque chariot montait et sortait d'Egypte pour six cents [pièces] d'argent, et chaque cheval pour cent cinquante; et ainsi on en tirait par le moyen de ses fermiers pour tous les Rois des Héthiens, et pour les Rois de Syrie.