< 1 Juan 1 >

1 Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay.
It is of what has existed from the beginning, of what we have listened to, of what we have seen with our own eyes, of what we have witnessed and touched with our own heads, it is concerning the Logos of Life that we are now writing.
2 At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin. (aiōnios g166)
And the Life was made visible, and we have seen it and are bearing witness, and are bringing you word of that Eternal Life which was face to face with the Father and was made visible to us. (aiōnios g166)
3 Iyon na aming nakita at narinig inihayag din namin sa inyo, sa gayon ay magkaroon kayo ng pakikisama sa amin, at ang aming pakikisama ay kasama ang Ama at kasama ang kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
It is what we have seen and heard that we are announcing to you, in order that you also may have partnership with us; and our partnership is with the Father and with his Son, Jesus Christ.
4 At sinulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang ang aming kagalakan ay maging ganap.
And we are writing all this to you that our joy may be complete.
5 Ito ang mensahe na aming narinig mula sa kanya at ipinapahayag sa inyo: Ang Diyos ay liwanag at sa kanya'y walang kadiliman ang lahat.
This, then, is the message that we have heard from him, and are announcing to you, that God is light, and no darkness what ever is in him.
6 Kung sinasabi natin na tayo ay mayroong pakikisama sa Kanya at lumalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi isinasagawa ang katotohanan.
If we say, "We have partnership with Him," when we are passing our life in the darkness, we are lying and are not doing the truth.
7 Pero kung tayo'y lumalakad sa liwanag katulad niyang nasa liwanag, meron tayong pakikisama sa isa't isa at ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.
But is we are passing our life in the light, as he is in the light, we ever have partnership with one another, and the blood of Jesus Christ is cleansing us from every sin.
8 Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, niloloko natin ang ating mga sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.
If we say, "We have no sin," we are deceiving ourselves and the truth is not in us.
9 Pero kung tayo ay umamin sa ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan.
But if we confess our sins, faithful is he and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all wrong-doing.
10 Kapag sinabi natin na hindi tayo nagkasala, ginawa natin siyang isang sinungaling, at ang kanyang salita ay wala sa atin.
If we say, "We have not sinned," we are making him a liar, and his word is not in us.

< 1 Juan 1 >