< 1 Juan 5 >

1 Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak.
Πᾶς ὁ πιστεύων ὅτι Ἰησοῦς ἐστιν ὁ Χριστὸς ἐκ τοῦ Θεοῦ γεγέννηται, καὶ πᾶς ὁ ἀγαπῶν τὸν γεννήσαντα ἀγαπᾷ τὸν γεγεννημένον ἐξ αὐτοῦ.
2 Sa pamamagitan nito malalaman natin na mahal natin ang mga anak ng Diyos-kung mahal natin ang Diyos at ginagawa ang kanyang mga kautusan.
ἐν τούτῳ γινώσκομεν ὅτι ἀγαπῶμεν τὰ τέκνα τοῦ Θεοῦ, ὅταν τὸν Θεὸν ἀγαπῶμεν καὶ τὰς ἐντολὰς αὐτοῦ ποιῶμεν.
3 Sapagkat ito ang pagmamahal para sa Diyos-nananatili tayo sa kanyang mga kautusan. At ang kanyang mga kautusan ay hindi pasanin.
αὕτη γάρ ἐστιν ἡ ἀγάπη τοῦ Θεοῦ, ἵνα τὰς ἐντολὰς αὐτοῦ τηρῶμεν· καὶ αἱ ἐντολαὶ αὐτοῦ βαρεῖαι οὐκ εἰσίν,
4 Ang sinumang ipinanganak sa Diyos ay napagtagumpayan ang mundo. At ito ang pagwawagi na napagtagumpayan ng mundo, kahit ang ating pananampalataya.
ὅτι πᾶν τὸ γεγεννημένον ἐκ τοῦ Θεοῦ νικᾷ τὸν κόσμον· καὶ αὕτη ἐστὶν ἡ νίκη ἡ νικήσασα τὸν κόσμον, ἡ πίστις ἡμῶν.
5 Sino ba siyang napapagtagumpayan ang mundo? Siya na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos.
τίς ἐστιν ὁ νικῶν τὸν κόσμον εἰ μὴ ὁ πιστεύων ὅτι Ἰησοῦς ἐστιν ὁ Υἱὸς τοῦ Θεοῦ;
6 Ito ang siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo-Jesu-Cristo. Siya ay dumating hindi lamang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo.
οὗτός ἐστιν ὁ ἐλθὼν δι’ ὕδατος καὶ αἵματος, Ἰησοῦς Χριστός· οὐκ ἐν τῷ ὕδατι μόνον, ἀλλ’ ἐν τῷ ὕδατι καὶ ἐν τῷ αἵματι· καὶ τὸ Πνεῦμά ἐστιν τὸ μαρτυροῦν, ὅτι τὸ Πνεῦμά ἐστιν ἡ ἀλήθεια.
7 Sapagkat mayroong tatlo na siyang nagpapatunay
ὅτι τρεῖς εἰσιν οἱ μαρτυροῦντες,
8 ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakasundo.
τὸ Πνεῦμα καὶ τὸ ὕδωρ καὶ τὸ αἷμα, καὶ οἱ τρεῖς εἰς τὸ ἕν εἰσιν.
9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ang patotoo ng Diyos ay mas dakila. Sapagkat ang patotoo ng Diyos ay ito- na siya'y nagdala ng patunay patungkol sa kanyang Anak.
εἰ τὴν μαρτυρίαν τῶν ἀνθρώπων λαμβάνομεν, ἡ μαρτυρία τοῦ Θεοῦ μείζων ἐστίν, ὅτι αὕτη ἐστὶν ἡ μαρτυρία τοῦ Θεοῦ ὅτι μεμαρτύρηκεν περὶ τοῦ Υἱοῦ αὐτοῦ.
10 Siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos ay ginawa siyang sinungaling, dahil hindi siya naniwala sa patotoo na binigay ng Diyos patungkol sa kanyang Anak.
ὁ πιστεύων εἰς τὸν Υἱὸν τοῦ Θεοῦ ἔχει τὴν μαρτυρίαν ἐν αὑτῷ. ὁ μὴ πιστεύων τῷ Θεῷ ψεύστην πεποίηκεν αὐτόν, ὅτι οὐ πεπίστευκεν εἰς τὴν μαρτυρίαν ἣν μεμαρτύρηκεν ὁ Θεὸς περὶ τοῦ Υἱοῦ αὐτοῦ.
11 At ang patotoo ay ito- na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. (aiōnios g166)
καὶ αὕτη ἐστὶν ἡ μαρτυρία, ὅτι ζωὴν αἰώνιον ἔδωκεν ὁ Θεὸς ἡμῖν, καὶ αὕτη ἡ ζωὴ ἐν τῷ Υἱῷ αὐτοῦ ἐστιν. (aiōnios g166)
12 Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay. Siya na hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos ay walang buhay.
ὁ ἔχων τὸν Υἱὸν ἔχει τὴν ζωήν· ὁ μὴ ἔχων τὸν Υἱὸν τοῦ Θεοῦ τὴν ζωὴν οὐκ ἔχει.
13 Ang mga bagay na ito ay sinulat ko sa inyo para malaman ninyo na mayroon kayong buhay na walang hanggan-sa inyo na naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos. (aiōnios g166)
Ταῦτα ἔγραψα ὑμῖν ἵνα εἰδῆτε ὅτι ζωὴν ἔχετε αἰώνιον, τοῖς πιστεύουσιν εἰς τὸ ὄνομα τοῦ Υἱοῦ τοῦ Θεοῦ. (aiōnios g166)
14 At ito ang pananalig na mayroon tayo sa kanyang harapan, na kung anuman ang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban, naririnig niya tayo.
Καὶ αὕτη ἐστὶν ἡ παρρησία ἣν ἔχομεν πρὸς αὐτόν, ὅτι ἐάν τι αἰτώμεθα κατὰ τὸ θέλημα αὐτοῦ ἀκούει ἡμῶν.
15 At kung alam natin na pinapakinggan niya tayo-anuman ang hiling natin sa kanya-alam nating mayroon na tayo ng anumang hiniling natin sa kanya.
καὶ ἐὰν οἴδαμεν ὅτι ἀκούει ἡμῶν ὃ ἐὰν αἰτώμεθα, οἴδαμεν ὅτι ἔχομεν τὰ αἰτήματα ἃ ᾐτήκαμεν ἀπ’ αὐτοῦ.
16 Kung sinuman ang nakakakita sa kanyang kapatid na gumagawa ng kasalanan na hindi humahantong sa kamatayan, kailangan niya manalangin at siya ay bibigyan ng Diyos ng buhay. Ang tinutukoy ko ay ang pagkakasala na hindi nagdadala sa kamatayan. Mayroong kasalanan na nagdadala sa kamatayan-hindi ko sinasabi na kailangan niyang ipanalangin ang tungkol doon.
Ἐάν τις ἴδῃ τὸν ἀδελφὸν αὐτοῦ ἁμαρτάνοντα ἁμαρτίαν μὴ πρὸς θάνατον, αἰτήσει, καὶ δώσει αὐτῷ ζωήν, τοῖς ἁμαρτάνουσιν μὴ πρὸς θάνατον. ἔστιν ἁμαρτία πρὸς θάνατον· οὐ περὶ ἐκείνης λέγω ἵνα ἐρωτήσῃ.
17 Lahat ng hindi matuwid ay kasalanan- pero may kasalanan na hindi nagdadala sa kamatayan.
πᾶσα ἀδικία ἁμαρτία ἐστίν, καὶ ἔστιν ἁμαρτία οὐ πρὸς θάνατον.
18 Alam natin na kung sinuman ang ipinanganak sa Diyos ay hindi nagkakasala. Pero siya na ipinanganak sa Diyos ay iniingatan niya, at hindi siya mapipinsala ng masama.
Οἴδαμεν ὅτι πᾶς ὁ γεγεννημένος ἐκ τοῦ Θεοῦ οὐχ ἁμαρτάνει, ἀλλ’ ὁ γεννηθεὶς ἐκ τοῦ Θεοῦ τηρεῖ αὐτόν, καὶ ὁ πονηρὸς οὐχ ἅπτεται αὐτοῦ.
19 Alam natin na tayo ay sa Diyos, at alam natin na ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama.
οἴδαμεν ὅτι ἐκ τοῦ Θεοῦ ἐσμεν, καὶ ὁ κόσμος ὅλος ἐν τῷ πονηρῷ κεῖται.
20 Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
οἴδαμεν δὲ ὅτι ὁ Υἱὸς τοῦ Θεοῦ ἥκει, καὶ δέδωκεν ἡμῖν διάνοιαν ἵνα γινώσκομεν τὸν ἀληθινόν· καὶ ἐσμὲν ἐν τῷ ἀληθινῷ, ἐν τῷ Υἱῷ αὐτοῦ Ἰησοῦ Χριστῷ. οὗτός ἐστιν ὁ ἀληθινὸς Θεὸς καὶ ζωὴ αἰώνιος. (aiōnios g166)
21 Minamahal kong mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-dyosan.
Τεκνία, φυλάξατε ἑαυτὰ ἀπὸ τῶν εἰδώλων.

< 1 Juan 5 >