< 1 Juan 4 >
1 Minamahal, huwag maniwala sa bawat espiritu, pero suriin ang mga espiritu upang makita kung sila ay sa Diyos, dahil maraming mga bulaang propeta ang nagsilabasan sa mundo.
사랑하는 자들아! 영을 다 믿지 말고 오직 영들이 하나님께 속하였나 시험하라 많은 거짓 선지자가 세상에 나왔음이니라
2 Sa paraang ito malalaman mo ang Espiritu ng Diyos — ang bawat espiritu na kinikilala si Jesu-Cristo na nagkatawang tao ay sa Diyos,
하나님의 영은 이것으로 알지니 곧 예수 그리스도께서 육체로 오신 것을 시인하는 영마다 하나님께 속한 것이요
3 at bawat espiritu na hindi kinikilala si Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa mundo na.
예수를 시인하지 아니하는 영마다 하나님께 속한 것이 아니니 이것이 곧 적그리스도의 영이니라 오리라 한 말을 너희가 들었거니와 이제 벌써 세상에 있느니라
4 Kayo ay sa Diyos, minamahal kong mga anak, at napagtagumpayan sila dahil ang siyang sumasainyo ay mas dakila kaysa siyang nasa mundo.
자녀들아 너희는 하나님께 속하였고 또 저희를 이기었나니 이는 너희 안에 계신 이가 세상에 있는 이보다 크심이라
5 Sila ay makamundo, kaya't ang sinasabi nila ay para sa mundo, at ang mundo ay nakikinig sa kanila.
저희는 세상에 속한 고로 세상에 속한 말을 하매 세상이 저희 말을 듣느니라
6 Tayo ay sa Diyos. Siyang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin. Siyang hindi nasa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa pamamagitan nito nalalaman natin ang espiritu ng katotohan at ang espiritu ng kamalian.
우리는 하나님께 속하였으니 하나님을 아는 자는 우리의 말을 듣고 하나님께 속하지 아니한 자는 우리의 말을 듣지 아니하나니 진리의 영과 미혹의 영을 이로써 아느니라
7 Minamahal, mahalin natin ang isa't isa, dahil ang pag-ibig ay sa Diyos, at lahat ng nagmamahal ay pinanganak sa Diyos at kilala ang Diyos.
사랑하는 자들아! 우리가 서로 사랑하자 사랑은 하나님께 속한 것이니 사랑하는 자마다 하나님께로 나서 하나님을 알고
8 Ang taong hindi nagmamahal ay hindi kilala ang Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig.
사랑하지 아니하는 자는 하나님을 알지 못하나니 이는 하나님은 사랑이심이라
9 Sa pamamagitan nito ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag sa atin, na pinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa mundo upang tayo ay maaring mabuhay sa pamamagitan niya.
하나님의 사랑이 우리에게 이렇게 나타난 바 되었으니 하나님이 자기의 독생자를 세상에 보내심은 저로 말미암아 우리를 살리려 하심이니라
10 Sa ganito ang pag-ibig, hindi dahil minahal natin siya, kundi minahal niya tayo, at pinadala niya ang kanyang Anak na maging kabayaran ng ating mga kasalanan.
사랑은 여기 있으니 우리가 하나님을 사랑한 것이 아니요 오직 하나님이 우리를 사랑하사 우리 죄를 위하여 화목제로 그 아들을 보내셨음이니라
11 Minamahal, kung tayo'y lubos na minahal ng Diyos, nararapat din nating mahalin ang bawat isa.
사랑하는 자들아! 하나님이 이같이 우리를 사랑하셨은즉 우리도 서로 사랑하는 것이 마땅하도다
12 Walang sinuman ang nakakita kailanman sa Diyos. Kung mahal natin ang isa't isa, ang Diyos ay mananatili sa atin at ang pag-ibig niya ay lubos na nasa atin.
어느 때나 하나님을 본 사람이 없으되 만일 우리가 서로 사랑하면 하나님이 우리 안에 거하시고 그의 사랑이 우리 안에 온전히 이루느니라
13 Sa pamamagitan nito malalaman natin na tayo ay nananatili sa kanya at siya sa atin, dahil binigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
그의 성령을 우리에게 주시므로 우리가 그 안에 거하고 그가 우리 안에 거하시는 줄을 아느니라
14 At nakita natin at nasaksihan na ipinadala ng Ama ang kanyang anak upang maging tagapagligtas ng mundo.
아버지가 아들을 세상의 구주로 보내신 것을 우리가 보았고 또 증거하노니
15 Sinuman ang kumikilala na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanya at siya sa Diyos.
누구든지 예수를 하나님의 아들이라 시인하면 하나님이 저 안에 거하시고 저도 하나님 안에 거하느니라
16 At alam natin at pinaniwalaan ang pag-ibig na mayroon ang Diyos na nasa sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig, at siyang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya.
하나님이 우리를 사랑하시는 사랑을 우리가 알고 믿었노니 하나님은 사랑이시라 사랑 안에 거하는 자는 하나님 안에 거하고 하나님도 그 안에 거하시느니라
17 Sa ganito ang pagmamahal ay ginawang lubos sa atin, nang sa gayon tayo ay maaring magkaroon ng kasiguraduhan sa araw ng paghuhukom, dahil gaya niya, gayon din tayo sa mundong ito.
이로써 사랑이 우리에게 온전히 이룬 것은 우리로 심판 날에 담대함을 가지게 하려 함이니 주의 어떠하심과 같이 우리도 세상에서 그러하니라
18 Walang anumang takot sa pag-ibig. Pero ang pag-ibig na lubos ay inaalis ang takot, dahil ang takot ay may kinalaman sa kaparusahan. Pero kung sinuman ang siyang natatakot ay hindi nagawang lubos sa pag-ibig.
사랑 안에 두려움이 없고 온전한 사랑이 두려움을 내어 쫓나니 두려움에는 형벌이 있음이라 두려워하는 자는 사랑 안에서 온전히 이루지 못하였느니라
19 Nagmamahal tayo dahil minahal muna tayo ng Diyos.
우리가 사랑함은 그가 먼저 우리를 사랑하셨음이라
20 Kung sinuman ang nagsasabi, “Mahal ko ang Diyos” pero kinapopootan ang kanyang kapatid siya ay isang sinungaling. Pagkat ang sinuman na hindi umiibig sa kanyang kapatid, na kanyang nakikita, ay hindi umiibig sa Diyos, na hindi niya nakikita.
누구든지 하나님을 사랑하노라 하고 그 형제를 미워하면 이는 거짓말하는 자니 보는 바 그 형제를 사랑치 아니하는 자가 보지 못하는 바 하나님을 사랑할 수 없느니라
21 At ito ang kautusan na mayroon tayo mula sa kanya: Kung sinuman ang nagmamahal sa Diyos ay dapat ding mahalin ang kanyang kapatid.
우리가 이 계명을 주께 받았나니 하나님을 사랑하는 자는 또한 그 형제를 사랑할지니라