< 1 Juan 3 >

1 Masdan kung anong uri ng pag-ibig ng Ama ang ibinigay sa atin, na tayo ay nararapat tawaging mga anak ng Diyos, at ito ang kung ano tayo. Sa dahilang ito, hindi tayo kilala ng mundo dahil hindi siya kilala nito.
ملاحظه کنید چه نوع محبت پدر به ما داده است تا فرزندان خدا خوانده شویم؛ وچنین هستیم و از این جهت دنیا ما را نمی شناسدزیرا که او را نشناخت.۱
2 Mga minamahal, ngayon tayo ay mga anak ng Diyos, at hindi pa naipahayag kung magiging ano tayo. Alam natin na kapag magpakita si Cristo, tayo ay magiging katulad niya, dahil makikita natin siya bilang siya.
‌ای حبیبان، الان فرزندان خدا هستیم و هنوز ظاهر نشده است آنچه خواهیم بود؛ لکن می‌دانیم که چون او ظاهر شود، مانند او خواهیم بود زیرا او را چنانکه هست خواهیم دید.۲
3 At bawat isa na may ganitong pagtitiwala tungkol sa hinaharap na nakatuon sa kanya ay dinadalisay ang kanyang sarili tulad ng siya ay dalisay.
و هرکس که این امید را بر وی دارد، خود را پاک می‌سازد چنانکه او پاک است.۳
4 Ang lahat ng patuloy na nagkakasala ay gumagawa ng kung ano ang labag sa batas. Dahil ang kasalanan ay ang paglabag sa batas.
و هرکه گناه را بعمل می‌آورد، برخلاف شریعت عمل می‌کند زیرا گناه مخالف شریعت است.۴
5 Alam niyo na nahayag si Cristo upang sa gayon ay alisin ang mga kasalanan. At sa kanya ay walang kasalanan.
و می‌دانید که او ظاهر شد تا گناهان رابردارد و در وی هیچ گناه نیست.۵
6 Walang sinumang nananatili sa kanya na patuloy na nagkakasala. Walang sinumang patuloy sa pagkakasala ang nakakita sa kanya o nakakila sa kanya.
هرکه در وی ثابت است گناه نمی کند و هرکه گناه می‌کند او راندیده است و نمی شناسد.۶
7 Minamahal kong mga anak, huwag ninyong hayaan ang sinuman na akayin kayo sa ligaw na landas. Siya na gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya ni Cristo na matuwid.
‌ای فرزندان، کسی شما را گمراه نکند؛ کسی‌که عدالت را به‌جا می‌آورد، عادل است چنانکه اوعادل است.۷
8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
و کسی‌که گناه می‌کند از ابلیس است زیرا که ابلیس از ابتدا گناهکار بوده است. واز این جهت پسر خدا ظاهر شد تا اعمال ابلیس راباطل سازد.۸
9 Ang sinumang isinilang sa Diyos ay hindi nagkasala dahil ang binhi ng Diyos ay nananatili sa kanya. Hindi siya makapagpatuloy na magkasala dahil isinilang siya sa Diyos.
هر‌که از خدا مولود شده است، گناه نمی کند زیرا تخم او در وی می‌ماند و اونمی تواند گناهکار بوده باشد زیرا که از خدا تولدیافته است.۹
10 Dito ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diablo ay nahayag. Ang sinumang hindi gumagawa kung ano ang matuwid ay hindi sa Diyos, ni ang sinumang hindi nagmamahal ng kanyang kapatid.
فرزندان خدا و فرزندان ابلیس ازاین ظاهر می‌گردند. هر‌که عدالت را به‌جانمی آورد از خدا نیست و همچنین هر‌که برادرخود را محبت نمی نماید.۱۰
11 Sapagkat ito ang mensaheng narinig na ninyo mula pa sa simula, na dapat mahalin natin ang bawat isa,
زیرا همین است آن پیغامی که از اول شنیدید که یکدیگر را محبت نماییم.۱۱
12 hindi katulad ni Cain na siyang nasa kasamaan at pinatay ang kanyang kapatid. At bakit niya nagawang siya ay patayin? Dahil masama ang kanyang mga gawa, at ang kanyang kapatid ay matuwid.
نه مثل قائن که از آن شریر بود و برادر خود را کشت؛ و ازچه سبب او را کشت؟ از این سبب که اعمال خودش قبیح بود و اعمال برادرش نیکو.۱۲
13 Huwag kayong magtaka mga kapatid, kapag ang mundo ay napopoot sa inyo.
‌ای برادران من، تعجب مکنید اگر دنیا از شما نفرت گیرد.۱۳
14 Alam natin na tayo ay lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay, dahil mahal natin ang mga kapatid. Ang sinumang hindi umiibig ay nanatili sa kamatayan.
ما می‌دانیم که از موت گذشته، داخل حیات گشته‌ایم از اینکه برادران را محبت می نماییم. هرکه برادر خود را محبت نمی نمایددر موت ساکن است.۱۴
15 Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao. At alam ninyo na ang buhay na walang hanggan ay hindi nanatili sa isang mamamatay tao. (aiōnios g166)
هر‌که از برادر خود نفرت نماید، قاتل است و می‌دانید که هیچ قاتل حیات جاودانی در خود ثابت ندارد. (aiōnios g166)۱۵
16 Sa pamamagitan nito alam natin ang pag-ibig, sapagkat inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Nararapat din nating ialay ang ating mga buhay para sa mga kapatid.
از این امر محبت را دانسته‌ایم که او جان خود را در راه ما نهاد و ما باید جان خود را در راه برادران بنهیم.۱۶
17 Pero ang sinumang mayroong mga mabubuting bagay sa mundo, nakitang nangangailangan ang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos?
لکن کسی‌که معیشت دنیوی دارد و برادر خود را محتاج بیند و رحمت خود رااز او باز‌دارد، چگونه محبت خدا در او ساکن است؟۱۷
18 Mga minamahal kong mga anak, huwag tayong magmahal sa salita o sa dila, pero sa mga gawa at katotohanan.
‌ای فرزندان، محبت را به‌جا آریم نه درکلام و زبان بلکه در عمل و راستی.۱۸
19 Sa pamamagitan nito alam natin na tayo ay nasa katotohanan at tinitiyak natin ang ating mga puso sa kanyang harapan.
و از این خواهیم دانست که از حق هستیم و دلهای خود رادر حضور او مطمئن خواهیم ساخت،۱۹
20 Sapagkat kapag sinusumpa tayo ng ating mga puso, mas dakila ang Diyos kaysa sa ating mga puso, at alam niya ang lahat ng mga bagay.
یعنی درهرچه دل ما، ما را مذمت می‌کند، زیرا خدا از دل ما بزرگتر است و هرچیز را می‌داند.۲۰
21 Mga minamahal, kapag hindi tayo isinisumpa ng mga puso natin, may kapanatagan tayo sa Diyos.
‌ای حبیبان، هرگاه دل ما ما را مذمت نکند، در حضور خدا اعتماد داریم.۲۱
22 At anuman ang hihilingin natin, matatanggap natin mula sa kanya, dahil pinanatili natin ang kanyang mga kautusan at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin.
و هرچه سوآل کنیم، از او می‌پاییم، از آنجهت که احکام او رانگاه می‌داریم و به آنچه پسندیده اوست، عمل می‌نماییم. و این است حکم او که به اسم پسر اوعیسی مسیح ایمان آوریم و یکدیگر را محبت نماییم، چنانکه به ما امر فرمود.۲۲
23 At ito ang kanyang kautusan - na tayo ay dapat maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang bawat isa - gaya ng ibinigay niyang kautusan sa atin.
۲۳
24 Siya na pinapanatili ang kautusan ng Diyos ay nananatili sa kanya, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. At sa pamamagitan nito alam natin na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.
و هرکه احکام او را نگاه دارد، در او ساکن است و او در وی؛ و ازاین می‌شناسیم که در ما ساکن است، یعنی از آن روح که به ما داده است.۲۴

< 1 Juan 3 >