< 1 Mga Cronica 9 >

1 Kaya, naitala ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga angkan. Naitala sila sa Aklat ng mga Hari ng Israel. Sa mga taga-Juda, dinala silang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang kasalanan.
καὶ πᾶς Ισραηλ ὁ συλλοχισμὸς αὐτῶν καὶ οὗτοι καταγεγραμμένοι ἐν βιβλίῳ τῶν βασιλέων Ισραηλ καὶ Ιουδα μετὰ τῶν ἀποικισθέντων εἰς Βαβυλῶνα ἐν ταῖς ἀνομίαις αὐτῶν
2 Ang unang bumalik sa kanilang mga lungsod ay ilan sa mga Israelita, mga pari, mga Levita at mga tagapaglingkod sa templo.
καὶ οἱ κατοικοῦντες πρότερον ἐν ταῖς κατασχέσεσιν αὐτῶν ἐν ταῖς πόλεσιν Ισραηλ οἱ ἱερεῖς οἱ Λευῖται καὶ οἱ δεδομένοι
3 Ang ilan sa mga kaapu-apuhan nina Juda, Benjamin, Efraim, at Manases ay nanirahan sa Jerusalem.
καὶ ἐν Ιερουσαλημ κατῴκησαν ἀπὸ τῶν υἱῶν Ιουδα καὶ ἀπὸ τῶν υἱῶν Βενιαμιν καὶ ἀπὸ τῶν υἱῶν Εφραιμ καὶ Μανασση
4 Kabilang sa mga nanirahan doon ay si Utai na lalaking anak ni Amihod na anak ni Omri na anak ni Imri na anak ni Bani na isa sa mga kaapu-apuhan ni Peres na anak ni Juda.
Γωθι υἱὸς Αμμιουδ υἱοῦ Αμρι υἱοῦ υἱῶν Φαρες υἱοῦ Ιουδα
5 Kabilang sa mga Silonita ay si Asaya na panganay at ang kaniyang mga anak na lalaki.
καὶ ἐκ τῶν Σηλωνι Ασαια πρωτότοκος αὐτοῦ καὶ υἱοὶ αὐτοῦ
6 Kabilang sa kaapu-apuhan ni Zera si Jeuel. Mayroong bilang na 690 ang kanilang mga kaapu-apuhan.
ἐκ τῶν υἱῶν Ζαρα Ιιηλ καὶ ἀδελφοὶ αὐτῶν ἑξακόσιοι καὶ ἐνενήκοντα
7 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin si Sallu na anak ni Mesulam na anak ni Hodavias na anak ni Asenua.
καὶ ἐκ τῶν υἱῶν Βενιαμιν Σαλω υἱὸς Μοσολλαμ υἱοῦ Ωδουια υἱοῦ Σαναα
8 Kabilang din si Ibnias na lalaking anak ni Jeroham, si Elah na anak ni Uzi na anak ni Micri at si Mesulam na anak ni Sefatias na anak ni Reuel na anak ni Ibnia.
καὶ Ιβαναα υἱὸς Ιρααμ καὶ οὗτοι υἱοὶ Οζι υἱοῦ Μαχιρ καὶ Μασσαλημ υἱὸς Σαφατια υἱοῦ Ραγουηλ υἱοῦ Βαναια
9 Ang bilang ng kanilang kamag-anak na nakasulat sa listahan ng talaan ng mga angkan ay 956. Ang lahat ng mga kalalakihang ito ay pinuno sa angkan ng kanilang ninuno.
καὶ ἀδελφοὶ αὐτῶν κατὰ γενέσεις αὐτῶν ἐννακόσιοι πεντήκοντα ἕξ πάντες οἱ ἄνδρες ἄρχοντες πατριῶν κατ’ οἴκους πατριῶν αὐτῶν
10 Ang mga pari ay sina Jedaias, Joiarib, at Jaquin.
καὶ ἀπὸ τῶν ἱερέων Ιωδαε καὶ Ιωαριμ καὶ Ιαχιν
11 At si Azarias na anak ni Hilkias na anak ni Mesalum na anak ni Zadok na anak na Meraiot na anak ni Ahitob, na tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos
καὶ Αζαρια υἱὸς Χελκια υἱοῦ Μοσολλαμ υἱοῦ Σαδωκ υἱοῦ Μαραιωθ υἱοῦ Αχιτωβ ἡγούμενος οἴκου τοῦ θεοῦ
12 Kabilang rin si Adaya na anak ni Jeroham na anak ni Pashur na anak ni Malquias. Kabilang din si Masai na anak ni Adiel na anak ni Jazera na anak ni Mesulam na anak ni Mesilemit na anak ni Imer.
καὶ Αδαια υἱὸς Ιρααμ υἱοῦ Πασχωρ υἱοῦ Μαλχια καὶ Μαασαια υἱὸς Αδιηλ υἱοῦ Ιεδιου υἱοῦ Μοσολλαμ υἱοῦ Μασελμωθ υἱοῦ Εμμηρ
13 Mayroong bilang na 1, 760 ang kanilang mga kamag-anak na pinuno ng angkan ng kanilang ninuno. May kakayahan ang mga kalalakihang ito para sa mga gawain sa tahanan ng Diyos.
καὶ ἀδελφοὶ αὐτῶν ἄρχοντες οἴκων πατριῶν χίλιοι ἑπτακόσιοι ἑξήκοντα ἰσχυροὶ δυνάμει εἰς ἐργασίαν λειτουργίας οἴκου τοῦ θεοῦ
14 Sa mga Levita naman, kabilang si Semaya na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hashabias sa mga kaapu-apuhan ni Merari.
καὶ ἐκ τῶν Λευιτῶν Σαμαια υἱὸς Ασωβ υἱοῦ Εσρικαμ υἱοῦ Ασαβια ἐκ τῶν υἱῶν Μεραρι
15 Kabilang din sina Bacbacar, Heres, Galal, at Matanias na anak ni Mika na anak ni Zicri na anak ni Asaf.
καὶ Βακβακαρ καὶ Αρης καὶ Γαλαλ καὶ Μανθανιας υἱὸς Μιχα υἱοῦ Ζεχρι υἱοῦ Ασαφ
16 Kabilang din si Obadias na anak ni Semaya na anak ni Galal na anak ni Jeduthun at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana na nanirahan sa mga nayon ng Netofatita.
καὶ Αβδια υἱὸς Σαμια υἱοῦ Γαλαλ υἱοῦ Ιδιθων καὶ Βαραχια υἱὸς Οσσα υἱοῦ Ηλκανα ὁ κατοικῶν ἐν ταῖς κώμαις Νετωφατι
17 Taga-pagbantay naman ng mga pintuan sina Sallum, Akob, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kaapu-apuhan. Si Sallum ang kanilang pinuno.
οἱ πυλωροί Σαλωμ καὶ Ακουβ καὶ Ταλμαν καὶ Αιμαν καὶ ἀδελφοὶ αὐτῶν Σαλωμ ὁ ἄρχων
18 Dati silang nagbabantay sa tarangkahan ng hari sa silangang bahagi para sa kampo ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
καὶ ἕως ταύτης ἐν τῇ πύλῃ τοῦ βασιλέως κατ’ ἀνατολάς αὗται αἱ πύλαι τῶν παρεμβολῶν υἱῶν Λευι
19 Tagapamahala sa mga gawain sa templo at nagbabantay sa bungad ng tolda si Sallum na anak ni Kore na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah, at ang kaniyang mga kamag-anak, sa angkan ng kaniyang ama, ang angkan ni Korah. Katulad ng kanilang mga ninuno na tagabantay noon sa pasukan ng lugar kung saan nananahan si Yahweh.
καὶ Σαλωμ υἱὸς Κωρη υἱοῦ Αβιασαφ υἱοῦ Κορε καὶ οἱ ἀδελφοὶ αὐτοῦ εἰς οἶκον πατρὸς αὐτοῦ οἱ Κορῖται ἐπὶ τῶν ἔργων τῆς λειτουργίας φυλάσσοντες τὰς φυλακὰς τῆς σκηνῆς καὶ πατέρες αὐτῶν ἐπὶ τῆς παρεμβολῆς κυρίου φυλάσσοντες τὴν εἴσοδον
20 Si Finehas ang tagapangasiwa sa kanila noon at sinasamahan siya ni Yahweh.
καὶ Φινεες υἱὸς Ελεαζαρ ἡγούμενος ἦν ἐπ’ αὐτῶν ἔμπροσθεν καὶ οὗτοι μετ’ αὐτοῦ
21 Si Zacarias na anak ni Meselemias ang tagabantay sa pasukan ng Templo, ang “toldang tipanan.”
Ζαχαριας υἱὸς Μασαλαμι πυλωρὸς τῆς θύρας τῆς σκηνῆς τοῦ μαρτυρίου
22 May kabuuang bilang na 212 ang mga piniling tagapagbantay sa tarangkahan ng pasukan. Naitala ang kanilang mga pangalan sa talaan ng mga tao sa kanilang mga nayon. Inilagay sila nina David at propetang si Samuel sa mga tungkuling iyon dahil mapagkakatiwalaan sila.
πάντες οἱ ἐκλεκτοὶ ταῖς πύλαις ἐν ταῖς πύλαις διακόσιοι καὶ δέκα δύο οὗτοι ἐν ταῖς αὐλαῖς αὐτῶν ὁ καταλοχισμὸς αὐτῶν τούτους ἔστησεν Δαυιδ καὶ Σαμουηλ ὁ βλέπων τῇ πίστει αὐτῶν
23 Kaya sila at ang kanilang mga anak ang nagbantay sa mga tarangkahan ng tahanan ni Yahweh, ang tabernakulo.
καὶ οὗτοι καὶ οἱ υἱοὶ αὐτῶν ἐπὶ τῶν πυλῶν ἐν οἴκῳ κυρίου ἐν οἴκῳ τῆς σκηνῆς τοῦ φυλάσσειν
24 Itinalaga sa apat na sulok ang mga taga-pagbantay ng mga tarangkahan, sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.
κατὰ τοὺς τέσσαρας ἀνέμους ἦσαν αἱ πύλαι κατ’ ἀνατολάς θάλασσαν βορρᾶν νότον
25 Ang mga kanilang mga kapatid na nakatira sa kanilang mga nayon ay darating upang palitan sila sa loob ng pitong araw
καὶ ἀδελφοὶ αὐτῶν ἐν ταῖς αὐλαῖς αὐτῶν τοῦ εἰσπορεύεσθαι κατὰ ἑπτὰ ἡμέρας ἀπὸ καιροῦ εἰς καιρὸν μετὰ τούτων
26 Ngunit ang apat na pinuno ng mga taga-pagbantay ng mga tarangkahan, na mga Levita, ay itinalaga upang bantayan ang mga silid at silid-imbakan sa tahanan ng Diyos.
ὅτι ἐν πίστει εἰσὶν τέσσαρες δυνατοὶ τῶν πυλῶν οἱ Λευῖται ἦσαν ἐπὶ τῶν παστοφορίων καὶ ἐπὶ τῶν θησαυρῶν οἴκου τοῦ θεοῦ
27 Magdamag silang nagbabantay sa nakatalaga nilang puwesto sa palibot ng tahanan ng Diyos, dahil tungkulin nilang bantayan ito. Binubuksan nila ito tuwing umaga.
καὶ περικύκλῳ οἴκου τοῦ θεοῦ παρεμβαλοῦσιν ὅτι ἐπ’ αὐτοὺς φυλακή καὶ οὗτοι ἐπὶ τῶν κλειδῶν τὸ πρωὶ πρωὶ ἀνοίγειν τὰς θύρας τοῦ ἱεροῦ
28 Ilan sa kanila ang tagapangasiwa sa mga kagamitan sa templo. Binibilang nila ang mga kagamitang ito kapag dinadala ang mga ito sa loob at kapag dinadala sa labas.
καὶ ἐξ αὐτῶν ἐπὶ τὰ σκεύη τῆς λειτουργίας ὅτι ἐν ἀριθμῷ εἰσοίσουσιν αὐτὰ καὶ ἐν ἀριθμῷ ἐξοίσουσιν αὐτά
29 Ilan din sa kanila ang itinalaga upang pangalagaan ang mga nailaan na mga bagay, mga kagamitan at ang mga kasangkapan, kabilang ang mga magagandang harina, alak, langis, insenso at ang mga natatanging mga sangkap.
καὶ ἐξ αὐτῶν καθεσταμένοι ἐπὶ τὰ σκεύη καὶ ἐπὶ πάντα τὰ σκεύη τὰ ἅγια καὶ ἐπὶ τῆς σεμιδάλεως τοῦ οἴνου τοῦ ἐλαίου τοῦ λιβανωτοῦ καὶ τῶν ἀρωμάτων
30 Ang ilan sa mga anak ng mga pari ay naghahalo ng mga natatanging sangkap.
καὶ ἀπὸ τῶν υἱῶν τῶν ἱερέων ἦσαν μυρεψοὶ τοῦ μύρου καὶ εἰς τὰ ἀρώματα
31 Si Matitias na isang Levita, na panganay ni Sallum na mula sa angkan ni Korah, ay tagapangasiwa ng paghahanda ng tinapay para sa paghahandog
καὶ Ματταθιας ἐκ τῶν Λευιτῶν οὗτος ὁ πρωτότοκος τῷ Σαλωμ τῷ Κορίτῃ ἐν τῇ πίστει ἐπὶ τὰ ἔργα τῆς θυσίας τοῦ τηγάνου τοῦ μεγάλου ἱερέως
32 Ang ilan sa kanilang mga kapatid na kaapu-apuhan ni Kohat ay tagapangasiwa sa mga tinapay na handog, upang ihanda ito tuwing Araw ng Pamamahinga.
καὶ Βαναιας ὁ Κααθίτης ἐκ τῶν ἀδελφῶν αὐτῶν ἐπὶ τῶν ἄρτων τῆς προθέσεως τοῦ ἑτοιμάσαι σάββατον κατὰ σάββατον
33 Nanirahan ang mga mang-aawit at pamilya ng pinuno ng mga Levita sa mga silid sa templo kapag wala silang gawain, dahil kailangan nilang gampanan ang kanilang mga naitakdang tungkulin sa araw at gabi.
καὶ οὗτοι ψαλτῳδοὶ ἄρχοντες τῶν πατριῶν τῶν Λευιτῶν διατεταγμέναι ἐφημερίαι ὅτι ἡμέρα καὶ νὺξ ἐπ’ αὐτοῖς ἐν τοῖς ἔργοις
34 Ang mga ito ay pinuno ng mga pamilya na kabilang sa mga Levita, ayon sa nakatala sa talaan ng kanilang angkan. Nanirahan sila sa Jerusalem.
οὗτοι ἄρχοντες τῶν πατριῶν τῶν Λευιτῶν κατὰ γενέσεις αὐτῶν ἄρχοντες οὗτοι κατῴκησαν ἐν Ιερουσαλημ
35 Nanirahan sa Gibeon si Jelhiel na asawa ni Maaca at ama ni Gibeon.
καὶ ἐν Γαβαων κατῴκησεν πατὴρ Γαβαων Ιιηλ καὶ ὄνομα γυναικὸς αὐτοῦ Μοωχα
36 Si Abdon ang kaniyang panganay na anak at ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Zur, Kish, Baal, Ner, at Nadab,
καὶ υἱὸς αὐτοῦ ὁ πρωτότοκος Αβαδων καὶ Σιρ καὶ Κις καὶ Βααλ καὶ Νηρ καὶ Ναδαβ
37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miklot.
καὶ Γεδουρ καὶ ἀδελφὸς καὶ Ζαχαρια καὶ Μακελλωθ
38 Si Miclot ang ama ni Simeam. Nakatira rin sila malapit sa kanilang mga kapatid sa Jerusalem.
καὶ Μακελλωθ ἐγέννησεν τὸν Σαμαα καὶ οὗτοι ἐν μέσῳ τῶν ἀδελφῶν αὐτῶν κατῴκησαν ἐν Ιερουσαλημ μετὰ τῶν ἀδελφῶν αὐτῶν
39 Si Ner ang ama ni Kish na ama ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Malquisua, Abinadab at Esbaal.
καὶ Νηρ ἐγέννησεν τὸν Κις καὶ Κις ἐγέννησεν τὸν Σαουλ καὶ Σαουλ ἐγέννησεν τὸν Ιωναθαν καὶ τὸν Μελχισουε καὶ τὸν Αμιναδαβ καὶ τὸν Ισβααλ
40 Anak ni Jonatan si Merib-baal na ama naman ni Mica.
καὶ υἱὸς Ιωναθαν Μαριβααλ καὶ Μαριβααλ ἐγέννησεν τὸν Μιχα
41 Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
καὶ υἱοὶ Μιχα Φαιθων καὶ Μαλαχ καὶ Θαραχ
42 Si Ahaz ang ama ni Jara. Si Jara ang ama nina Alemet, Azmavet, at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza.
καὶ Αχαζ ἐγέννησεν τὸν Ιαδα καὶ Ιαδα ἐγέννησεν τὸν Γαλεμεθ καὶ τὸν Γαζμωθ καὶ τὸν Ζαμβρι καὶ Ζαμβρι ἐγέννησεν τὸν Μασα
43 Si Moza ang ama ni Binea. Si Binea ang ama ni Refaya. Si Refaya ang ama ni Elasa. Si Elasa ang ama ni Azel.
καὶ Μασα ἐγέννησεν τὸν Βαανα Ραφαια υἱὸς αὐτοῦ Ελεασα υἱὸς αὐτοῦ Εσηλ υἱὸς αὐτοῦ
44 Ito ang anim na lalaking anak ni Azel: Sina Azrikam, Bocru, Ismael, Seraya, Obadias, at Hanan.
καὶ τῷ Εσηλ ἓξ υἱοί καὶ ταῦτα τὰ ὀνόματα αὐτῶν Εσδρικαμ πρωτότοκος αὐτοῦ Ισμαηλ καὶ Σαρια καὶ Αβδια καὶ Αναν οὗτοι υἱοὶ Εσηλ

< 1 Mga Cronica 9 >