< 1 Mga Cronica 8 >
1 Ang limang anak na lalaki ni Benjamin ay sina Bela na kaniyang panganay, sina Asbel, Ahara,
At naging anak ni Benjamin si Bela na kaniyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ara ang ikatlo;
Si Noha ang ikaapat, at si Rapha ang ikalima.
3 Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,
At ang mga naging anak ni Bela: si Addar, at si Gera, at si Abiud;
At si Abisua, at si Naaman, at si Ahoa,
5 Gera, Shefupan at Huram.
At si Gera, at si Sephuphim, at si Huram.
6 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Ehud na mga pinuno ng mga angkan na naninirahan sa Geba, na napilitang lumipat sa Manahat:
At ang mga ito ang mga anak ni Ehud; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa, at dinala nila silang bihag sa Manahath.
7 sina Naaman, Ahias at Gera. Si Gera ang panghuli na nanguna sa kanilang paglipat. Siya ang ama nina Uza at Ahihud.
At si Naaman, at si Achias, at si Gera, ay kaniyang dinalang bihag; at kaniyang ipinanganak si Uzza at si Ahihud.
8 Si Saaraim ang naging ama ng mga taong nasa lupain ng Moab, matapos niyang hiwalayan ang kaniyang mga asawang sina Husim at Baara.
At si Saharaim ay nagkaanak sa parang ng Moab, pagkatapos na kaniyang mapagpaalam sila; si Husim, at si Baara ay ang kaniyang mga asawa.
9 Ang mga anak ni Saarim sa asawa niyang si Hodes ay sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam,
At ipinanganak sa kaniya ni Chodes na kaniyang asawa, si Jobab, at si Sibias, at si Mesa, at si Malcham,
10 Jeuz, Sachia at Mirma. Ito ang kaniyang mga anak na lalaki na mga pinuno sa kanilang mga angkan.
At si Jeus, at si Sochias, at si Mirma. Ang mga ito ang kaniyang mga anak na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang.
11 Anak niya rin sina Ahitob at Elpaal kay Husim.
At ipinanganak sa kaniya ni Husim si Abitob, at si Elphaal.
12 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed (siya ang nagtayo sa Ono at Lod kasama ang mga nayon sa paligid nito).
At ang mga anak ni Elphaal: si Heber, at si Misam, at si Semeb, na siyang nagsipagtayo ng Ono at ng Loth, pati ng mga nayon niyaon:
13 Anak niya rin sina Berias at Sema. Sila ang mga pinuno ng mga angkan na naninirahan sa Ayalon na nagpalayas sa mga naninirahan sa Gat.
At si Berias, at si Sema na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Ajalon na siyang nangagpatakas sa mga taga Gath;
14 Ito ang mga anak na lalaki ni Beria: sina Ahio, Sasac, Jeremot,
At si Ahio, si Sasac, at si Jeremoth;
At si Zebadias, at si Arad, at si Heder;
At si Michael, at si Ispha, at si Joa, na mga anak ni Berias;
17 Ito ang mga anak na lalaki ni Elpaal: sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber,
At si Zebadias, at si Mesullam, at si Hizchi, at si Heber.
18 Ismerai, Izlia at Jobab.
At si Ismari, at si Izlia, at si Jobab, na mga anak ni Elphaal;
19 Ito ang mga anak na lalaki ni Simei: sina Jaquim, Zicri, Zabdi,
At si Jacim, at si Zichri, at si Zabdi;
20 Elienai, Zilletai, Eliel,
At si Elioenai, at si Silithai, at si Eliel;
21 Adaya, Beraya at Simrat.
At si Adaias, at si Baraias, at si Simrath, na mga anak ni Simi;
22 Ito ang mga anak na lalaki ni Sasac: sina Ispan, Eber, Eliel,
At si Isphan, at si Heber, at si Eliel;
At si Adon, at si Zichri, at si Hanan;
24 Hananias, Elam, Anatotias,
At si Hanania, at si Belam, at si Anthothias;
At si Iphdaias, at si Peniel, na mga anak ni Sasac;
26 Ito ang mga anak na lalaki ni Jeroham: sina Samserai, Seharia, Atalia,
At si Samseri, at si Seharias, at si Atalia;
27 Jaaresias, Elias at Zicri.
At si Jaarsias, at si Elias, at si Ziri, na mga anak ni Jeroham.
28 Sila ang mga pinuno ng mga angkan at mga pinuno na nanirahan sa Jerusalem.
Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi, na mga pinunong lalake: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem.
29 Si Jeiel na ama ni Gibeon ay nanirahan sa Gibeon. Ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maaca.
At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jeiel, na ang pangalan ng asawa ay Maacha:
30 Si Abdon ang panganay niyang anak na sinundan nina Sur, Kish, Baal, Nadab,
At ang kaniyang anak na panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Nadab;
31 Gedor, Ahio at Zequer.
At si Gedor, at si Ahio, at si Zecher.
32 Ang iba pang anak ni Jeiel ay si Miclot na ama ni Simea. Nanirahan din sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.
At naging anak ni Micloth si Simea. At sila nama'y nagsitahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid.
33 Si Ner ang ama ni Kish na ama ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
At naging anak ni Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal.
34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama ni Mica.
At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha.
35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Thaarea, at si Ahaz.
36 Si Ahaz ang ama ni Joada. Si Joada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza. Si Zimri ang ama ni Moza.
At naging anak ni Ahaz si Joadda; at naging anak ni Joadda si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;
37 Si Moza ang ama ni Binea na ama ni Rafa na ama ni Elasa na ama ni Azel.
At naging anak ni Mosa si Bina; si Rapha na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak:
38 May anim na anak si Azel: sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan. Silang lahat ay mga anak na lalaki ni Azel.
At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang mga pangalan ay ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Searias, at si Obadias, at si Hanan. Lahat ng ito'y ang mga anak ni Asel.
39 Ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid ay si Ulam na panganay, si Jeus ang pangalawa at si Elifelet ang pangatlo.
At ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid: si Ulam na kaniyang panganay, si Jehus na ikalawa, at si Elipheleth na ikatlo.
40 Ang mga anak ni Ulam ay magigiting na mandirigma at mahuhusay gumamit ng pana. Nagkaroon sila ng maraming anak at mga apo na binubuo ng 150. Kabilang silang lahat sa kaapu-apuhan ni Benjamin.
At ang mga anak ni Ulam ay mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga mamamana, at nagkaroon ng maraming anak, at mga anak ng mga anak, na isang daan at limangpu. Lahat, ng ito'y ang mga anak ni Benjamin.