< 1 Mga Cronica 7 >

1 Ang apat na anak na lalaki ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.
At sa mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, si Jabsub, at si Simron, apat.
2 Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang pinagmulan ng mga angkan na nagmula sa kanilang mga ninuno, ang mga angkan ni Tola. Sila ay mga malalakas at matatapang na lalaki. Ayon sa kanilang mga talaan, ang kanilang bilang ay 22, 600 noong panahon ni David.
At sa mga anak ni Thola: si Uzzi, at si Rephaias, at si Jeriel, at si Jamai, at si Jibsam, at si Samuel, mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y ni Thola; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi: ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu't dalawang libo at anim na raan.
3 Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahias. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias, ang mga pinuno ng limang angkan.
At ang mga anak ni Uzzi: si Izrahias: at ang mga anak ni Izrahias: si Michael, at si Obadias, at si Joel, si Isias, lima: silang lahat ay mga pinuno.
4 Ayon sa talaan ng mga angkan ng kanilang mga ninuno, mayroon silang 36, 000 na mga hukbong pandigma sapagkat marami silang mga asawa at mga anak na lalaki.
At sa kasamahan nila, ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, may mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma, tatlong pu't anim na libo: sapagka't sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak.
5 Ang kanilang mga kapatid, ang mga tribu ni Isacar ay mayroong 87, 000 na mga mandirigma ayon sa talaan na pag-aari ng mga angkan ng kanilang mga ninuno.
At ang kanilang mga kapatid sa lahat na angkan ni Issachar, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na nangabilang silang lahat, ayon sa talaan ng lahi, ay walong pu't pitong libo.
6 Ang tatlong anak na lalaki ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael.
Ang mga anak ni Benjamin: si Bela, at si Becher, at si Jediael, tatlo.
7 Ang limang anak na lalaki ni Bela ay sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri. Sila ay mga mandirigma at pinagmulan ng mga angkan. Ayon sa mga talaan na pag-aari ng mga angkan ng kanilang mga ninuno, nasa 22, 034 ang bilang ng mga mandirigma ng kanilang hukbo.
At ang mga anak ni Bela: si Esbon, at si Uzzi, at si Uzziel, at si Jerimoth, at si Iri, lima; mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga makapangyarihang lalaking may tapang; at sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ay dalawang pu't dalawang libo at tatlong pu't apat.
8 Ang mga anak na lalaki ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elionai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet. Ang lahat ng ito ay kaniyang mga anak.
At ang mga anak ni Becher: si Zemira, at si Joas, at si Eliezer, at si Elioenai, at si Omri, at si Jerimoth, at si Abias, at si Anathoth, at si Alemeth. Lahat ng ito'y mga anak ni Becher.
9 Ayon sa mga talaan ng kanilang angkan, nasa 20, 200 ang bilang ng mga pinuno ng pamilya at mga mandirigma.
At sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ayon sa kanilang lahi, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, dalawang pung libo at dalawang daan.
10 Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
At ang mga anak ni Jediael: si Bilhan: at ang mga anak ni Bilhan: si Jebus, at si Benjamin, at si Aod, at si Chenaana, at si Zethan, at si Tharsis, at si Ahisahar.
11 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Jediael. Ang nakasulat sa mga talaan ng kanilang mga angkan ay 17, 200 na mga pinuno at mga mandirigmang nababagay maglingkod sa militar.
Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang labing pitong libo at dalawang daan na nakalalabas sa hukbo upang makidigma.
12 (Si Supim at Hupim ay mga anak ni Ir at si Husim naman ay anak ni Aher.)
Si Suppim rin naman, at si Huppim na mga anak ni Hir, si Husim na mga anak ni Aher.
13 Ang mga anak na lalaki ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Sila ang mga apo ni Bilha.
Ang mga anak ni Nephtali: si Jaoel, at si Guni, at si Jezer, at si Sallum, na mga anak ni Bilha.
14 Si Manases ay may anak na lalaki na nagngangalang Azriel na anak niya sa kaniyang asawang alipin na Aramea. Isinilang din niya si Maquir na ama ni Gilead.
Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad.
15 Nakapangasawa si Maquir mula sa angkan nina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid na babae ay Maaca. Isa pa sa kaapu-apuhang lalaki ni Manases ay si Zelofehad na mayroon lamang mga anak na babae.
At si Machir ay nagasawa kay Huppim at kay Suppim, na ang pangalan ng kapatid na babae nila ay Maacha; at ang pangalan ng ikalawa ay Salphaad: at si Salphaad ay nagkaanak ng mga babae.
16 Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagsilang ng isang batang lalaki at tinawag siyang Peres. Ang pangalan ng kaniyang kapatid na lalaki ay Seres na ang mga anak ay sina Ulam at Requem.
At si Maacha na asawa ni Machir ay nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Seres; at ang kaniyang mga anak ay si Ulam at si Recem.
17 Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Gilead na anak ni Maquir na anak ni Manases.
At ang mga anak ni Ulam; si Bedan. Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases.
18 Isinilang ng kapatid na babae ni Gilead na si Hamolequet sina Ishod, Abiezer at Mahla.
At ipinanganak ng kaniyang kapatid na babae na si Molechet si Ichod, at si Abiezer, at si Mahala.
19 Ang mga anak na lalaki naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhhi at Aniam.
At ang mga anak ni Semida ay si Ahian, at si Sechem at si Licci, at si Aniam.
20 Ang mga sumusunod ay ang mga kaapu-apuhan ni Efraim. Ang anak na lalaki ni Efraim ay si Sutela. Ang anak na lalaki ni Sutela ay si Bered. Ang anak na lalaki ni Bered ay si Tahat. Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Elada. Ang anak na lalaki ni Elada ay si Tahat.
At ang mga anak ni Ephraim: si Suthela, at si Bered na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak, at si Elada na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak.
21 Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Zabad. Ang anak na lalaki ni Zabad ay si Sutela. (Si Ezer at Elad ay pinatay ng mga tao sa Gat nang pumunta sila upang nakawin ang kanilang mga baka.
At si Zabad na kaniyang anak, at si Suthela na kaniyang anak, at si Ezer, at si Elad, na siyang mga pinatay ng mga lalake ng Gath na mga ipinanganak sa lupain, sapagka't sila'y nagsilusong upang kunin ang kanilang mga hayop.
22 Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa para sa kanila sa loob ng maraming araw at dumating ang kaniyang mga kapatid upang aliwin siya.
At si Ephraim na kanilang ama ay tumangis na maraming araw, at ang kaniyang mga kapatid ay nagsiparoon upang aliwin siya.
23 Sinipingan niya ang kaniyang asawa. Nabuntis siya at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag siya ni Efraim na Beria dahil sa kasawiang dumating sa kaniyang pamilya.
At siya'y sumiping sa kaniyang asawa, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Beria, sapagka't sumakaniyang bahay ang kasamaan.
24 Ang kaniyang anak na babae ay si Sera na siyang nagpatayo ng Beth-Horong Ibaba at Beth-Horong Itaas at Uzeensera.)
At ang kaniyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzen-seera.
25 Ang kaniyang anak na lalaki ay si Refa. Ang anak na lalaki ni Refa ay si Resef. Ang anak na lalaki ni Resef ay si Tela. Ang anak na lalaki ni Tela ay si Tahan.
At naging anak niya si Repha, at si Reseph, at si Thela na kaniyang anak, at si Taan na kaniyang anak;
26 Ang anak na lalaki ni Tahan ay si Ladan. Ang anak na lalaki ni Ladan ay si Amihud. Ang anak na lalaki ni Amihud ay si Elisama.
Si Laadan na kaniyang anak, si Ammiud na kaniyang anak, si Elisama na kaniyang anak;
27 Ang anak na lalaki ni Elisama ay si Nun. Ang anak na lalaki ni Nun ay si Josue.
Si Nun na kaniyang anak, si Josue na kaniyang anak.
28 Ang kanilang mga ari-arian at mga tirahan ay sa Bethel at sa mga nayon sa paligid nito. Nakaabot pa sila pasilangan sa Naaran at pakanluran sa Gezer at sa mga nayon nito at sa Shekem at sa mga nayon nito sa Ayyah at sa mga nayon nito.
At ang kanilang mga pag-aari at mga tahanan ay ang Beth-el at ang mga nayon niyaon, at ang dakong silanganan ng Naaran, at ang dakong kalunuran ng Gezer pati ng mga nayon niyaon; ang Sichem rin naman at ang mga nayon niyaon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyaon:
29 Sa hangganan na sakop ni Manases ay ang Beth-sean at ang mga nayon nito, ang Taanach at ang mga nayon nito, ang Megido at ang mga nayon nito at ang Dor at ang mga nayon nito. Sa mga bayang ito naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Jose na anak ni Israel.
At sa siping ng mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Beth-sean at ang mga nayon niyaon, ang Thanach at ang mga nayon niyaon, ang Megiddo at ang mga nayon niyaon, ang Dor at ang mga nayon niyaon. Sa mga ito nagsitahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.
30 Ang mga anak na lalaki ni Aser ay sina Imna, Isva, Isvi at Berias. Si Sera ang kanilang kapatid na babae.
Ang mga anak ni Aser: si Imna, at si Isua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae.
31 Ang mga anak na lalaki ni Berias ay sina Heber at Malquiel na ama ni Birzavit.
At ang mga anak ni Beria: si Heber, at si Machiel na siyang ama ni Birzabith.
32 Ang mga anak na lalaki ni Heber ay sina Jaflet, Somer, at Jotam. Si Sua ang kanilang kapatid na babae.
At naging anak ni Heber si Japhlet, at si Semer, at si Hotham, at si Sua na kapatid na babae nila.
33 Ang mga anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat. Ito ang mga anak ni Jaflet.
At ang mga anak ni Japhlet si Pasac, at si Bimhal, at si Asvath. Ang mga ito ang mga anak ni Japhlet.
34 Ito naman ang mga anak na lalaki ni Somer na kapatid ni Jaflet, sina Rohga, Jehuba at Aram.
At ang mga anak ni Semer, si Ahi, at si Roga, si Jehubba, at si Aram.
35 Ito ang mga anak na lalaki ni Helem na kapatid ni Shemer, sina Zofa, Imna, Seles at Amal.
At ang mga anak ni Helem na kaniyang kapatid: si Sopha, at si Imna, at si Selles, at si Amal.
36 Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Suah, Harnnefer, Sual, Beri, Imra,
Ang mga anak ni Sopha: si Sua, at si Harnapher, at si Sual, at si Beri; at si Imra:
37 Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera.
Si Beser, at si Hod, at si Samma, at si Silsa, at si Ithram, at si Beera.
38 Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara.
At ang mga anak ni Jether: si Jephone, at si Pispa, at si Ara.
39 Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia.
At ang mga anak ni Ulla: si Ara, at si Haniel, at si Resia.
40 Sila ang mga kaapu-apuhan ni Aser, mga pinuno ng kanilang mga pamilya, mga kilalang tao, mga mandirigma at mga pangunahin sa mga pinuno. Ayon sa nakasulat sa talaan, mayroong 26, 000 na mga lalaki ang nababagay na maglingkod sa militar.
Ang lahat na ito ay mga anak ni Aser, mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga pili at makapangyarihang lalake na may tapang, mga pinuno ng mga prinsipe. At ang bilang nilang nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa paglilingkod sa pagdidigma ay dalawang pu't anim na libong lalake.

< 1 Mga Cronica 7 >