< 1 Mga Cronica 6 >
1 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
Amadodana kaLevi: OGerishoni, uKohathi, loMerari.
2 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam.
Lamadodana kaKohathi: OAmramu, uIzihari, loHebroni, loUziyeli.
3 Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
Labantwana bakaAmramu: OAroni loMozisi loMiriyamu. Lamadodana kaAroni: ONadabi, loAbihu, uEleyazare, loIthamari.
4 Si Eleazar ang ama ni Finehas, at si Finehas ang ama ni Abisua.
UEleyazare wazala uPhinehasi; uPhinehasi wazala uAbishuwa;
5 Si Abisua ang ama ni Buki, at si Buki ang ama ni Uzi.
uAbishuwa wasezala uBuki; uBuki wasezala uUzi;
6 Si Uzi ang ama ni Zerahias at si Zeraias ang ama ni Meraiot.
uUzi wasezala uZerahiya; uZerahiya wasezala uMerayothi;
7 Si Meraiot ang ama ni Amarias, si Amarias ang ama ni Ahitob.
uMerayothi wazala uAmariya; uAmariya wasezala uAhitubi;
8 Si Ahitob ang ama ni Zadok, at si Zadok ang ama ni Ahimaaz.
uAhitubi wasezala uZadoki; uZadoki wasezala uAhimahazi;
9 Si Ahimaaz ang ama ni Azarias, at si Azarias ang ama ni Johanan.
uAhimahazi wasezala uAzariya; uAzariya wasezala uJohanani;
10 Si Johanan ang ama ni Azarias na naglingkod sa templo na ipinatayo ni Solomon sa Jerusalem.
uJohanani wasezala uAzariya (nguye owasebenza njengompristi endlini uSolomoni ayakha eJerusalema);
11 Si Azarias ang ama ni Amarias, at si Amarias ang ama ni Ahitob.
uAzariya wasezala uAmariya; uAmariya wasezala uAhitubi;
12 Si Ahitob ang ama ni Zadok na ama ni Sallum.
uAhitubi wasezala uZadoki; uZadoki wasezala uShaluma;
13 Si Sallum ang ama ni Hilkias, at si Hilkias ang ama ni Azarias.
uShaluma wasezala uHilikhiya; uHilikhiya wasezala uAzariya;
14 Si Azarias ang ama ni Seraya, at si Seraya ang ama ni Jehozadak.
uAzariya wasezala uSeraya; uSeraya wasezala uJehozadaki.
15 Nabihag si Jehozadak nang ipinatapon ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nebucadnezar.
UJehozadaki laye wahamba lapho iNkosi yathumba uJuda leJerusalema ngesandla sikaNebhukadinezari.
16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
Amadodana kaLevi: OGerishoni, uKohathi, loMerari.
17 Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Simei.
Lala ngamabizo amadodana kaGerishoni: OLibini loShimeyi.
18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
Njalo amadodana kaKohathi: OAmramu loIzihari loHebroni loUziyeli.
19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sila ang mga naging angkan ng mga Levita ayon sa pamilya ng kanilang ama.
Amadodana kaMerari: OMahli loMushi. Lalezi zinsendo zamaLevi njengokwaboyise.
20 Ang mga kaapu-apuhan ni Gerson ay nagmula sa kaniyang anak na si Libni. Ang anak ni Libni ay si Jahat. Ang anak ni Jahat ay si Zima.
KoGerishoni: ULibini indodana yakhe, uJahathi indodana yakhe, uZima indodana yakhe,
21 Ang anak ni Zima ay si Joah. Ang anak ni Joah ay si Iddo. Ang anak ni Iddo ay si Zara. Ang anak ni Zara ay si Jeatrai.
uJowa indodana yakhe, uIdo indodana yakhe, uZera indodana yakhe, uJeyatherayi indodana yakhe.
22 Nagmula ang kaapu-apuhan ni Kohat sa kaniyang anak na lalaki na si Aminadab. Ang kaniyang anak ay si Korah. Ang anak ni Korah ay si Asir.
Amadodana kaKohathi: UAminadaba indodana yakhe, uKora indodana yakhe, uAsiri indodana yakhe,
23 Ang anak ni Asir ay si Elkana. Ang anak ni Elkana ay si Ebiasaf.
uElkana indodana yakhe, loEbiyasafi indodana yakhe, loAsiri indodana yakhe,
24 Ang anak ni Asir ay si Tahat. Ang anak ni Tahat ay si Uriel. Ang anak ni Uriel ay si Uzias. Ang anak ni Uzias ay si Shaul.
uTahathi indodana yakhe, uUriyeli indodana yakhe, uUziya indodana yakhe, loShawuli indodana yakhe.
25 Ang mga anak na lalaki ni Elkana ay sina Amasai, Ahimot at Elkana.
Njalo amadodana kaElkana: OAmasayi loAhimothi.
26 Ang anak na lalaki ng ikalawang Elkana na ito ay si Zofar. Ang kaniyang anak ay si Nahat.
UElkana; amadodana kaElkana: UZofayi indodana yakhe, loNahathi indodana yakhe,
27 Ang anak ni Nahat ay si Eliab. Ang anak ni Eliab ay si Jeroham. Ang anak ni Jehoram ay si Elkana.
uEliyabi indodana yakhe, uJerohamu indodana yakhe, uElkana indodana yakhe.
28 Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel na panganay at si Abija ang pangalawa.
Amadodana kaSamuweli: Izibulo uVashini, loAbhiya.
29 Ang anak na lalaki ni Merari ay si Mahli. Ang kaniyang anak ay si Libni. Ang anak ni Libni ay si Simei. Ang anak ni Simei ay si Uza.
Amadodana kaMerari: UMahli, uLibini indodana yakhe, uShimeyi indodana yakhe, uUza indodana yakhe,
30 Ang anak ni Uza ay si Simea. Ang anak ni Simea ay si ni Hagia. Ang anak ni Hagia ay si Asaya.
uShimeya indodana yakhe, uHagiya indodana yakhe, uAsaya indodana yakhe.
31 Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan.
Lalaba yibo uDavida abamisayo phezu kwenkonzo yengoma endlini yeNkosi umtshokotsho usuphumule.
32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit sa harap ng tabernakulo, ang toldang tipanan, hanggang sa maipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem. Tinupad nila ang kanilang mga tungkulin na sinusunod ang mga panuntunang ibinigay sa kanila.
Njalo babekhonza phambi kwethabhanekele lethente lenhlangano ngengoma, uSolomoni waze wakha indlu yeNkosi eJerusalema. Bema ngokwesimiso sabo enkonzweni yabo.
33 Ito ang mga naglingkod kasama ang kanilang mga anak na lalaki. Mula sa angkan ng mga Kohat ay si Heman na manunugtog. Kung babalikan ang nakaraang panahon, ito ang kaniyang mga lalaking ninuno: si Heman ay anak ni Joel na anak ni Samuel.
Lalaba yibo abema lamadodana abo: Kumadodana amaKohathi: UHemani umhlabeleli indodana kaJoweli indodana kaSamuweli
34 Si Samuel ay anak ni Elkana na anak ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah.
indodana kaElkana indodana kaJerohamu indodana kaEliyeli indodana kaTowa
35 Si Toah ay anak ni Zuf na anak ni Elkana na anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai na anak ni Elkana.
indodana kaZufi indodana kaElkana indodana kaMahathi indodana kaAmasayi
36 Si Elkana ay anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias.
indodana kaElkana indodana kaJoweli indodana kaAzariya indodana kaZefaniya
37 Si Zefanias ay anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah
indodana kaTahathi indodana kaAsiri indodana kaEbhiyasafi indodana kaKora
38 Si Korah ay anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.
indodana kaIzihari indodana kaKohathi indodana kaLevi indodana kaIsrayeli.
39 Ang kasamahan ni Heman ay si Asaf na nakatayo sa kaniyang kanan. Si Asaf ay anak na lalaki ni Berequias na anak na lalaki ni Simea.
Lomfowabo uAsafi owema ngakwesokunene sakhe: UAsafi indodana kaBerekiya indodana kaShimeya
40 Si Simea ay anak na lalaki ni Micael na anak na lalaki ni Baaseias na anak na lalaki ni Malquias.
indodana kaMikayeli indodana kaBahaseya indodana kaMalikiya
41 Si Malquias ay anak na lalaki ni Etni na anak na lalaki ni Zera na anak na lalaki ni Adaias.
indodana kaEthini indodana kaZera indodana kaAdaya
42 Si Adaias ay anak na lalaki ni Etan na anak na lalaki ni Zima na anak na lalaki ni Simei.
indodana kaEthani indodana kaZima indodana kaShimeyi
43 Si Simei ay anak na lalaki ni Jahat na anak na lalaki ni Gerson na anak na lalaki ni Levi.
indodana kaJahathi indodana kaGerishoni indodana kaLevi.
44 Sa gawing kaliwa ni Heman ay ang kaniyang mga kasamahan na mga anak na lalaki ni Merari. Isinama nila si Etan na anak na lalaki ni Quisi na anak na lalaki ni Abdi na anak na lalaki ni Malluc.
Lamadodana kaMerari, abafowabo, ema ngakwesokhohlo: UEthani indodana kaKishi indodana kaAbidi indodana kaMaluki
45 Si Malluc ay anak na lalaki ni Hashabias na anak na lalaki ni Amazias na anak na lalaki ni Hilkias.
indodana kaHashabhiya indodana kaAmaziya indodana kaHilikhiya
46 Si Hilkias ay anak na lalaki ni Amzi na anak na lalaki ni Bani na anak na lalaki ni Semer.
indodana kaAmizi indodana kaBani indodana kaShemeri
47 Si Semer ay anak na lalaki ni Mahli na anak na lalaki ni Musi. Si Musi ay anak na lalaki ni Merari na anak na lalaki ni Levi.
indodana kaMahli indodana kaMushi indodana kaMerari indodana kaLevi.
48 Ang kanilang mga kasamahang Levita ay itinalaga upang gawin ang lahat ng mga gawain sa tabernakulo na tahanan ng Diyos.
Labafowabo, amaLevi, bamiswa kuyo yonke inkonzo yethabhanekele lendlu kaNkulunkulu.
49 Si Aaron at ang kaniyang mga anak ang gumagawa ng lahat ng gawain na may kinalaman sa kabanal-banalang lugar. Ginagawa nila ang mga paghahandog sa altar para sa mga alay na susunugin. Ginagawa nila ang paghahandog sa altar ng insenso. Ang lahat ng ito ay upang mabayaran ang mga kasalanan ng Israel. Sinunod nila ang lahat ng mga iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.
Kodwa uAroni lamadodana akhe banikela phezu kwelathi lomnikelo wokutshiswa laphezu kwelathi lempepha, kusenzelwa wonke umsebenzi wengcwele yezingcwele, lokwenzela uIsrayeli inhlawulo yokuthula, njengakho konke uMozisi inceku kaNkulunkulu eyakulayayo.
50 Ang mga sumusunod ay kaapu-apuhan ni Aaron. Anak ni Aaron si Eleazar na ama ni Finehas na ama ni Abisua.
Lala ngamadodana kaAroni: OEleyazare indodana yakhe, uPhinehasi indodana yakhe, uAbishuwa indodana yakhe,
51 Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias.
uBuki indodana yakhe, uUzi indodana yakhe, uZerahiya indodana yakhe,
52 Anak ni Zerahias si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob.
uMerayothi indodana yakhe, uAmariya indodana yakhe, uAhitubi indodana yakhe,
53 Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Ahimaaz.
uZadoki indodana yakhe, uAhimahazi indodana yakhe.
54 Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na itinalaga sa mga kaapu-apuhan ni Aaron. Sa mga angkan ni Kohat (sila ang unang itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan).
Lezi-ke zindawo zawo zokuhlala ezinqabeni zawo emingceleni yawo, zamadodana kaAroni, zezinsendo zamaKohathi; ngoba inkatho yayingeyawo.
55 Itinalaga sila sa Hebron sa lupain ng Juda at sa mga pastulan nito.
Basebewanika iHebroni elizweni lakoJuda, lamadlelo ayo ayizingelezeleyo.
56 Ngunit ang mga bukirin ng lungsod at ang mga nayon na nakapalibot dito ay ibinigay kay Caleb na anak na lalaki ni Jefune.
Kodwa amasimu omuzi lemizana yawo bakunika uKalebi indodana kaJefune.
57 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan na ito ni Aaron ang Hebron na siyang lungsod-kanlungan, ang Libna kasama ang mga pastulan nito, Jatir, Estemoa kasama ang mga pastulan ng mga ito.
Basebenika amadodana kaAroni imizi yokuphephela: IHebroni, leLibhina lamadlelo ayo, leJathiri, leEshithemowa lamadlelo ayo,
58 Ang Hilen at Debir kasama ang mga pastulan ng mga ito.
leHileni lamadlelo ayo, iDebiri lamadlelo ayo,
59 Ibinigay din sa mga kaapu-apuhan na ito ni Aaron ang Asan at Beth-semes kasama ang mga pastulan ng mga ito.
leAshani lamadlelo ayo, leBeti-Shemeshi lamadlelo ayo.
60 Mula sa tribu ni Benjamin, ibinigay sa kanila ang Geba, Alemet, Anatot kasama ang mga pastulan ng mga ito. Labintatlong lungsod ang lahat ng natanggap ng mga angkan ni Kohat.
Lesizweni sakoBhenjamini: IGeba lamadlelo ayo, leAlemethi lamadlelo ayo, leAnathothi lamadlelo ayo. Yonke imizi yawo, ngensendo zawo, yayiyimizi elitshumi lantathu.
61 Sa pamamagitan ng palabunutan, ibinigay ang sampung lungsod sa mga natitirang kaapu-apuhan ni Kohat mula sa kalahating tribu ni Manases.
Lamadodana kaKohathi, aseleyo kusendo lwesizwe, avela kungxenye yesizwe, ingxenye yakoManase, aba lemizi elitshumi, ngenkatho.
62 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Gerson ayon sa iba't iba nilang angkan ang labintatlong lungsod mula sa mga tribu ni Isacar, Asher, Neftali at ang kalahating tribu ni Manases sa Bashan.
Njalo amadodana kaGerishoni, ngensendo zawo, esizweni sakoIsakari lesizweni sakoAsheri lesizweni sakoNafithali lesizweni sakoManase eBashani, aba lemizi elitshumi lantathu.
63 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Merari ang labindalawang lungsod sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa iba't iba nilang angkan mula sa mga tribu ni Ruben, Gad at Zebulun.
Amadodana kaMerari, ngensendo zawo, esizweni sakoRubeni lesizweni sakoGadi lesizweni sakoZebuluni, aba lemizi elitshumi lambili, ngenkatho.
64 Kaya ibinigay ng mga Israelita ang mga lungsod na ito kasama ang mga pastulan ng mga ito sa mga Levita.
Abantwana bakoIsrayeli basebenika amaLevi limizi kanye lamadlelo ayo.
65 Itinalaga nila sa pamamagitan ng palabunutan ang mga bayang unang nabanggit mula sa mga tribu ni Juda, Simeon at Benjamin.
Basebenika le imizi ngenkatho esizweni sabantwana bakoJuda lesizweni sabantwana bakoSimeyoni lesizweni sabantwana bakoBhenjamini, abayibiza ngamabizo.
66 Ibinigay sa ilang mga angkan ni Kohat ang mga lungsod mula sa tribu ni Efraim.
Lezinye zensendo zamadodana kaKohathi zaba lemizi yemingcele yazo esizweni sakoEfrayimi.
67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (isang lungsod-kanlungan) kasama ang mga pastulan nito sa kaburulan ng bansang Efraim, Gezer kasama ang mga pastulan nito,
Basebewanika imizi yokuphephela, iShekema lamadlelo ayo entabeni yakoEfrayimi, leGezeri lamadlelo ayo,
68 Jocmeam, Beth-horon kasama ang mga pastulan ng mga ito,
leJokimeyamu lamadlelo ayo, leBhethi-Horoni lamadlelo ayo,
69 Ayalon at Gat-rimon kasama ang mga pastulan ng mga ito.
leAjaloni lamadlelo ayo, leGathi-Rimoni lamadlelo ayo.
70 Ibinigay sa mga mula sa kalahating tribu ni Manases ang Aner at Bilean kasama ang mga pastulan ng mga ito. Naging pag-aari ito ng mga natitirang angkan ni Kohat.
Lengxenyeni eyodwa kwezimbili yesizwe sakoManase: IAneri lamadlelo ayo, leBileyamu lamadlelo ayo, yosendo lwamadodana kaKohathi aseleyo.
71 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Gerson, mula sa mga angkan ng kalahating tribu ni Manases ang Golan sa Bashan at Astarot kasama ang mga pastulan ng mga ito.
Amadodana kaGerishoni ensendweni zengxenye yesizwe sakoManase aba leGolani eBashani lamadlelo ayo, leAshitarothi lamadlelo ayo.
72 Mula sa tribu ni Isacar, natanggap ng mga kaapu-apuhan ni Gerson ang Kades, Daberat kasama ang mga pastulan ng mga ito,
Lesizweni sakoIsakari: IKedeshi lamadlelo ayo, leDaberathi lamadlelo ayo,
73 pati na rin ang Ramot at Anem kasama ang mga pastulan ng mga ito.
leRamothi lamadlelo ayo, leAnema lamadlelo ayo.
74 Mula sa tribu ni Asher, natanggap nila ang Masal, Abdon kasama ang mga pastulan ng mga ito,
Lesizweni sakoAsheri: IMashali lamadlelo ayo, leAbidoni lamadlelo ayo,
75 ang Hucoc at Rehob kasama ang mga pastulan ng mga ito.
leHukoki lamadlelo ayo, leRehobi lamadlelo ayo.
76 Mula sa tribu ni Neftali natanggap nila ang Kades sa Galilea, Hamon kasama ang mga pastulan nito, at Kiryataim kasama ang mga pastulan nito.
Lesizweni sakoNafithali: IKedeshi eGalili lamadlelo ayo, leHamoni lamadlelo ayo, leKiriyathayimi lamadlelo ayo.
77 Ibinigay sa mga natitirang Levita na kaapu-apuhan ni Merari ang Rimono at Tabor kasama ang mga pastulan ng mga ito mula sa tribu ni Zebulun.
Njalo amadodana kaMerari aseleyo, esizweni sakoZebuluni, aba leRimono lamadlelo ayo, leThabhori lamadlelo ayo;
78 Ibinigay din sa kanila ang kabilang bahagi ng Jordan at Jerico, sa gawing silangan ng ilog, ang Bezer na nasa ilang kasama ang mga pastulan nito, ang Jaza,
langaphetsheya kweJordani, eJeriko, ngempumalanga kweJordani, esizweni sakoRubeni: IBezeri enkangala lamadlelo ayo, leJahaza lamadlelo ayo,
79 Kedemot, Mefaat kasama ang mga pastulan ng mga ito. Ibinigay ang mga ito mula sa tribu ni Ruben.
leKedemothi lamadlelo ayo, leMefahathi lamadlelo ayo;
80 Mula sa tribu ni Gad, ibinigay sa kanila ang Ramot sa Gilead, ang Mahanaim kasama ang mga pastulan ng mga ito,
lesizweni sakoGadi: IRamothi eGileyadi lamadlelo ayo, leMahanayimi lamadlelo ayo,
81 ang Hesbon at Hazer kasama ang mga pastulan ng mga ito.
leHeshiboni lamadlelo ayo, leJazeri lamadlelo ayo.