< 1 Mga Cronica 5 >

1 Ito ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel—ngayon si Ruben ang panganay na anak ni Israel, ngunit ang kaniyang karapatan bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel dahil dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama. Kaya hindi siya itinala bilang panganay na anak.
以色列的长子原是吕便;因他污秽了父亲的床,他长子的名分就归了约瑟。只是按家谱他不算长子。
2 Pinakamalakas sa kaniyang mga kapatid si Juda, at ang pinuno ay manggagaling sa kaniya. Ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay kay Jose—
犹大胜过一切弟兄,君王也是从他而出;长子的名分却归约瑟。
3 ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Pallu, Hezron, at si Carmi.
以色列长子吕便的儿子是哈诺、法路、希斯伦、迦米。
4 Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Joel: anak ni Joel si Semaias. Anak ni Semaias si Gog. Anak ni Gog si Simei.
约珥的儿子是示玛雅;示玛雅的儿子是歌革;歌革的儿子是示每;
5 Anak ni Simei si Mica. Anak ni Mica si Reaias. Anak ni Reaias si Baal.
示每的儿子是米迦;米迦的儿子是利亚雅;利亚雅的儿子是巴力;
6 Anak ni Baal si Beera, na dinalang bihag ni Tilgat Pileser na hari ng Asiria. Si Beera ay pinuno sa tribu ni Ruben.
巴力的儿子是备拉。这备拉作吕便支派的首领,被亚述王提革拉·毗列色掳去。
7 Ang mga kamag-anak ni Beera sa kanilang mga angkan ay ang mga sumusunod, na nakatala sa mga talaan ng kanilang angkan: Si Jeiel na panganay, Zacarias,
他的弟兄照着宗族,按着家谱作族长的是耶利、撒迦利雅、比拉。
8 at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Sema na anak ni Joel. Nanirahan sila sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon,
比拉是亚撒的儿子;亚撒是示玛的儿子;示玛是约珥的儿子;约珥所住的地方是从亚罗珥直到尼波和巴力·免,
9 at pasilangan sa simula ng ilang na hanggang sa Ilog Eufrates. Ito ay dahil marami silang baka sa lupain ng Gilead.
又向东延到幼发拉底河这边的旷野,因为他们在基列地牲畜增多。
10 Sa panahon ni Saul, nilusob ng tribu ni Ruben ang mga Hagrita at tinalo sila. Nanirahan sila sa mga tolda ng mga Hagrita sa buong lupain sa silangan ng Gilead.
扫罗年间,他们与夏甲人争战,夏甲人倒在他们手下,他们就在基列东边的全地,住在夏甲人的帐棚里。
11 Nakatira malapit sa kanila ang tribu ni Gad, sa lupain ng Bashan hanggang sa Saleca.
迦得的子孙在吕便对面,住在巴珊地,延到撒迦。
12 Si Joel ang kanilang pinuno, na pangulo ng angkan, at si Safam naman ang pangulo ng isa pang angkan, at si Janai at si Safat sa Bashan.
他们中间有作族长的约珥,有作副族长的沙番,还有雅乃和住在巴珊的沙法。
13 Ang kanilang kamag-anak sa mga pamilya ng kanilang mga ama ay sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia, at si Eber—pito silang lahat.
他们族弟兄是米迦勒、米书兰、示巴、约赖、雅干、细亚、希伯,共七人。
14 Ang mga taong ito na nabanggit ay mga anak ni Abihail, at si Abihail ay anak ni Huri. Si Huri ay anak ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead. Si Gilead ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jaddo. Si Jahdo ay anak ni Buz.
这都是亚比孩的儿子。亚比孩是户利的儿子;户利是耶罗亚的儿子;耶罗亚是基列的儿子;基列是米迦勒的儿子;米迦勒是耶示筛的儿子;耶示筛是耶哈多的儿子;耶哈多是布斯的儿子。
15 Si Ahi na anak ni Abdiel na anak ni Guni, ay pinuno ng pamilya ng kanilang ama.
还有古尼的孙子、押比叠的儿子亚希。这都是作族长的。
16 Nanirahan sila sa Gilead, sa Basan, sa mga bayan nito, at sa lahat ng lupaing pastulan ng Saron hanggang sa mga hangganan nito.
他们住在基列与巴珊和巴珊的乡村,并沙 的郊野,直到四围的交界。
17 Lahat ng mga ito ay nakatala sa talaan ng mga angkan sa mga araw ni Jotam na hari ng Juda at ni Jeroboam na hari ng Israel.
这些人在犹大王约坦并在以色列王耶罗波安年间,都载入家谱。
18 Ang mga Rubenita, ang mga Gadita, at kalahati ng tribu ni Manases ay mayroong apatnapu't apat na libong mga kawal na sinanay para sa digmaan, na may dalang kalasag at espada, at kayang humugot ng pana.
吕便人、迦得人,和玛拿西半支派的人,能拿盾牌和刀剑、拉弓射箭、出征善战的勇士共有四万四千七百六十名。
19 Nilusob nila ang mga Hagrita, Jetur, Nafis, at Nodab.
他们与夏甲人、伊突人、拿非施人、挪答人争战。
20 Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya.
他们得了 神的帮助,夏甲人和跟随夏甲的人都交在他们手中;因为他们在阵上呼求 神,倚赖 神, 神就应允他们。
21 Hinuli nila ang kanilang mga alagang hayop kabilang ang limampung libong mga kamelyo, 250, 000 mga tupa, dalawang libong mga asno at 100, 000 mga kalalakihan.
他们掳掠了夏甲人的牲畜,有骆驼五万,羊二十五万,驴二千;又有人十万。
22 Sapagkat nakipaglaban ang Diyos para sa kanila, napatay nila ang marami sa mga kaaway. Nanirahan sila sa kanilang lupain hanggang sa pagkabihag.
敌人被杀仆倒的甚多,因为这争战是出乎 神。他们就住在敌人的地上,直到被掳的时候。
23 Nanirahan ang kalahating tribu ni Manases sa lupain ng Basan hanggang sa Baal Hermon at Senir (iyon ay, ang Bundok Hermon).
玛拿西半支派的人住在那地。从巴珊延到巴力·黑们、示尼珥与黑门山。
24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: na sina Epher, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at si Jahdiel. Malalakas at matatapang silang mga kalalakihan, tanyag na mga kalalakihan, mga pinuno sa kanilang mga pamilya.
他们的族长是以弗、以示、以列、亚斯列、耶利米、何达威雅、雅叠,都是大能的勇士,是有名的人,也是作族长的。
25 Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa halip, sinamba nila ang mga diyos ng mga tao sa lupaing iyon, na nilipol ng Diyos sa kanilang harapan.
他们得罪了他们列祖的 神,随从那地之民的神行邪淫;这民就是 神在他们面前所除灭的。
26 Hinimok ng Diyos ng Israel si Pul na hari ng Asiria (na tinawag din na Tilgat Pileser, hari ng Asiria). Dinala niyang bihag ang mga Rubenita, mga Gadita at kalahati ng tribu ni Manases. At dinala niya sila sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, kung saan sila ay nananatili hanggang ngayon.
故此,以色列的 神激动亚述王普勒和亚述王提革拉·毗列色的心,他们就把吕便人、迦得人、玛拿西半支派的人掳到哈腊、哈博、哈拉与歌散河边,直到今日还在那里。

< 1 Mga Cronica 5 >