< 1 Mga Cronica 4 >
1 Ang mga anak ni Juda ay sina Peres, Hezron, Carmi, Hur, at si Sobal.
Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.
2 Si Sobal ang ama ni Reaias. Si Reaias ang ama ni Jahat: At si Jahat ang ama ni Ahumai at ni Laad. Ito ang mga pinagmulan ng mga angkan ng Zorita.
At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita.
3 Ito ang mga pinagmulan ng mga angkan sa lungsod ng Etam: si Jezreel, Isma, at si Idbas. Ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Hazzalelponi.
At ito ang mga anak ng ama ni Etham: si Jezreel, at si Isma, at si Idbas: at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi:
4 Si Penuel ang pinagmulan ng mga angkan sa lungsod ng Gedor. At si Ezer ang pinagmulan ng mga angkan sa Husa. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Hur, na panganay ni Efrata at nagtatag ng Bethlehem.
At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na ama ni Bethlehem.
5 May dalawang asawa si Asur na ama ni Tekoa, sina Helea at Naara.
At si Asur na ama ni Tecoa ay nagasawa ng dalawa: si Helea, at si Naara.
6 Ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, Heper, Temeni at si Haahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
At ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, at si Hepher, at si Themeni, at si Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
7 Ang mga anak ni Helea ay sina Zeret, Jesohar, Etnan,
At ang mga anak ni Helea ay si Sereth, at si Jesohar, at si Ethnan.
8 at si Kuz, na ama ni Anob, at Zobeba, at ang mga angkan na nagmula kay Aharhel na anak ni Arum.
At naging anak ni Coz si Anob, at si Sobeba, at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Arum.
9 Higit na iginagalang si Jabes kaysa kaniyang mga kapatid na lalaki. Tinawag siya ng kaniyang ina na Jabes. Sinabi niya, “Sapagkat nahirapan ako nang ipinanganak ko siya.”
At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes, na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.
10 Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at nagsabi, “Pagpalain mo nawa ako, at palawakin ang aking nasasakupan. Nawa ang iyong kamay ay suma akin; ilayo mo ako sa kasamaan upang hindi ko na kailangang makaranas ng hirap!” At sinagot ng Diyos ang kaniyang panalangin.
At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.
11 Si Celub na kapatid ni Sua ang naging ama ni Mehir na ama ni Eston.
At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir, na siyang ama ni Esthon.
12 Si Eston ang ama ni Beth-rafa, Pasea, at ni Tehina na nagtatag sa lungsod ng Nahas. Ito ang mga lalaki na nakatira sa Reca.
At naging anak ni Esthon si Beth-rapha, at si Phasea, at si Tehinna, na ama ni Ir-naas. Ito ang mga lalake ni Recha.
13 Ang mga anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.
At ang mga anak ni Cenez: si Othniel, at si Seraiah; at ang anak ni Othniel; si Hathath.
14 Si Meonatai ang ama ni Ofra, at si Seraias ang ama ni Joab, na pinagmulan ng Geharasim, kung saan ang mga tao roon ay mga mahuhusay na manggagawa.
At naging anak ni Maonathi si Ophra: at naging anak ni Seraiah si Joab, na ama ng Geharasim; sapagka't sila'y mga manggagawa.
15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefone ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak ni Ela ay si Kenaz.
At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone; si Iru, si Ela, at si Naham; at ang anak ni Ela; at si Cenez.
16 Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias, at si Asarel.
At ang mga anak ni Jaleleel: si Ziph, at si Zipha, si Tirias, at si Asareel.
17 Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at si Jalon. Ipinanganak ng taga-Egiptong asawa ni Mered si Miriam, Samai, at si Isba na ama ni Estemoa.
At ang mga anak ni Ezra: si Jeter, at si Mered, at si Epher, at si Jalon; at ipinanganak niya si Mariam, at si Sammai, at si Isba, na ama ni Esthemoa.
18 Ito ang mga anak na lalaki ni Bitia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered. Ipinanganak ng Judiong asawa ni Mered si Jered, na ama ni Gedor, si Heber na ama ni Soco at si Jecutiel na ama ni Zanoa.
At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered, na ama ni Gedor, at si Heber na ama ni Socho, at si Icuthiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.
19 Sa dalawang anak na lalaki ng asawa ni Hodias, na kapatid na babae ni Naham, ang isa sa kanila ay naging ama ni Keila na Garmita. Ang isa pa ay si Estemoa na Maacateo.
At ang mga anak ng asawa ni Odias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Esthemoa na Maachateo.
20 Ang mga anak na lalaki ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan, at si Tilon. Ang mga anak na lalaki ni Isi ay sina Zohet at si Ben-zohet.
At ang mga anak ni Simon: si Amnon, at si Rinna, si Benhanan, at si Tilon. At ang mga anak ni Isi: si Zoheth, at si Benzoheth.
21 Ang mga anak ni Sela, na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Leca, si Laada na ama ni Maresa at siyang pinagmulan ng mga angkan ng mga gumagawa ng lino sa Beth-asbea,
Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda: si Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresa, at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino, sa sangbahayan ni Asbea;
22 si Jokim, ang mga lalaki ng Cozeba, si Joas at Saraf, na may ari-arian sa Moab, ngunit bumalik sa Bethlehem. ( Ang kaalamang ito ay galing sa sinaunang mga talaan.)
At si Jaocim, at ang mga lalake ni Chozeba, at si Joas, at si Saraph, na siyang mga nagpasuko sa Moab, at si Jasubi-lehem. At ang alaalang ito'y matanda na.
23 Magpapalayok ang ilan sa mga taong ito na nakatira sa Netaim at Gedera at nagtrabaho para sa hari.
Ang mga ito'y mga magpapalyok, at mga taga Netaim at Gedera: doo'y nagsisitahan sila na kasama ng hari para sa kaniyang gawain.
24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, at si Saul.
Ang mga anak ni Simeon: si Nemuel, at si Jamin, si Jarib, si Zera, si Saul:
25 Si Salum ay anak ni Saul, si Mibsam ay anak ni Sallum, at si Misma na anak ni Mibsam.
Si Sallum na kaniyang anak, si Mibsam na kaniyang anak, si Misma na kaniyang anak.
26 Ang mga kaapu-apuhan ni Misma ay sina Hamuel na kaniyang anak, si Zacur na kaniyang apo, at si Simei na anak ni Zacur.
At ang mga anak ni Misma: si Hamuel na kaniyang anak, si Sachur na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak.
27 Nagkaroon ng labing-anim na lalaking anak si Simei at may anim na babaeng anak. Hindi nagkaroon ng maraming anak ang kaniyang mga kapatid, kaya hindi dumami ang bilang ng kanilang angkan tulad ng lahi ni Juda.
At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae; nguni't ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.
28 Nanirahan sila sa Beerseba, sa Molada, at sa Hasar-shaul.
At sila'y nagsitahan sa Beer-seba, at sa Molada, at sa Hasar-sual;
29 Nanirahan din sila sa Bilha, sa Ezem, sa Tolad,
At sa Bala, at sa Esem, at sa Tholad;
30 sa Bethuel, sa Horma, sa Siclag,
At sa Bethuel, at sa Horma, at sa Siclag;
31 sa Beth-marcabot, sa Hazar-susim, sa Beth-biri, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga lungsod hanggang sa paghahari ni David.
At sa Beth-marchaboth, at sa Hasa-susim, at sa Beth-birai, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David.
32 Ang kanilang limang mga nayon ay ang Etam, Ain, Rimon, Toquen, at Asan,
At ang kanilang mga nayon ay Etam, at Ain, Rimmon, at Tochen, at Asan, limang bayan:
33 kanila rin ang malalayong mga nayon hanggang sa Baal. Ito ang kanilang mga tinirhan, at iniingatan nila ang talaan ng kanilang lahi.
At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi.
34 Ang pinuno ng mga angkan ay sina Mesobab, si Jamlec, at si Josias na anak ni Amasias,
At si Mesobab, at si Jamlech, at si Josias na anak ni Amasias;
35 si Joel, at Jehu na anak ni Josibias na anak ni Seraias, na anak ni Asiel,
At si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraiah, na anak ni Aziel;
36 si Elioenai, Jaacoba, Jesohaia, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias,
At si Elioenai, at si Jacoba, at si Jesohaia, at si Asaias, at si Adiel, at si Jesimiel, at si Benaias;
37 at si Ziza na anak ni Sifi, na anak ni Allon na anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak ni Semaias.
At si Ziza, na anak ni Siphi, na anak ni Allon, na anak ni Jedaia, na anak ni Simri, na anak ni Semaias.
38 Ang binanggit na pangalan ay mga pinuno sa kanilang mga angkan, at labis na dumami ang kanilang mga angkan.
Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam.
39 Pumunta sila malapit sa Gador, sa dakong silangan ng lambak, upang humanap ng mapagpapastulan para sa kanilang mga kawan.
At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
40 Nakatagpo sila ng sagana at mabuting pastulan. Malawak ang lupain, tahimik at payapa. Dating nanirahan ang mga Hamita doon.
At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.
41 Ang itinalang mga pangalan na ito ay dumating sa mga panahon na si Ezequias ang hari ng Juda, at nilusob ang mga tirahan ng mga Hamita at ang mga Meunim, na naroon din. Lubos nilang winasak ang mga naroon at nanirahan doon dahil nakatagpo sila ng pastulan ng kanilang kawan.
At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan.
42 Limang daang kalalakihan mula sa tribu ni Simeon ang nagtungo sa bundok ng Seir, kasama ang kanilang mga pinuno na sina Pelatias, Nearias, Refaias at si Uziel na mga anak na lalaki ni Isi.
At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.
43 Tinalo nila ang iba pang mga Amalekitang takas na naroon, at nanirahan sila doon hanggang ngayon.
At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan, at tumahan doon hanggang sa araw na ito.