< 1 Mga Cronica 29 >
1 Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos.
Kral Davut bütün topluluğa şöyle dedi: “Tanrı'nın seçtiği oğlum Süleyman genç ve deneyimsizdir. İş büyüktür. Çünkü bu tapınak insan için değil, RAB Tanrı içindir.
2 Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol.
Tanrım'ın Tapınağı'na gereç sağlamak için var gücümle çalıştım. Altın eşyalar için altın, gümüş için gümüş, tunç için tunç, demir için demir, ahşap için ağaç sağladım. Ayrıca oniks, kakma taşlar, süs taşları, çeşitli renklerde değerli taşlar ve çok miktarda mermer sağladım.
3 Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo:
Bu kutsal tapınak için sağladıklarımın yanısıra, Tanrım'ın Tapınağı'na sevgim yüzünden, kişisel servetimden de altın ve gümüş de veriyorum:
4 tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talento na pinong pilak upang ilagay sa mga dingding ng mga gusali.
Üç bin talant Ofir altını ve tapınağın duvarlarını kaplamak için yedi bin talant kaliteli gümüş.
5 Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?”
Bunları altın, gümüş gerektiren işlerde ve sanatkârların el işçiliğinde kullanılmak üzere veriyorum. Kim bugün kendini RAB'be adamak istiyor?”
6 Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari.
Bunun üzerine boy başları, İsrail'in oymak önderleri, binbaşılar, yüzbaşılar ve saray yöneticileri gönülden armağanlar verdiler.
7 Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal.
Tanrı'nın Tapınağı'nın yapımı için beş bin talant, on bin darik altın, on bin talant gümüş, on sekiz bin talant tunç, yüz bin talant demir bağışladılar.
8 Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon.
Değerli taşları olanlar, Gerşonlu Yehiel'in denetiminde, bunları RAB'bin Tapınağı'nın hazinesine verdi.
9 Nagalak ang mga tao dahil sa mga kusang-loob na handog na ito, sapagkat buong puso silang nagbigay kay Yahweh. Labis ding nagalak si Haring David.
Halk verdiği armağanlar için seviniyordu. Çünkü herkes RAB'be içtenlikle ve gönülden vermişti. Kral Davut da çok sevinçliydi.
10 Pinapurihan ni David si Yahweh sa harapan ng lahat ng kapulungan. Sinabi niya, “Papurihan ka nawa, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ninuno, magpakailanman.
Davut bütün topluluğun gözü önünde RAB'bi övdü. Şöyle dedi: “Ey atamız İsrail'in Tanrısı RAB, Sonsuzluk boyunca sana övgüler olsun!
11 Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat.
Ya RAB, büyüklük, güç, yücelik, Zafer ve görkem senindir. Gökte ve yerde olan her şey senindir. Egemenlik senindir, ya RAB! Sen her şeyden yücesin.
12 Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman.
Zenginlik ve onur senden gelir. Her şeye egemensin. Güç ve yetki senin elindedir. Birini yükseltmek ve güçlendirmek Senin elindedir.
13 At ngayon, aming Diyos, pinasasalamatan ka namin at pinapupurihan ang iyong maluwalhating pangalan.
Şimdi, ey Tanrımız, sana şükrederiz, Görkemli adını överiz.
14 Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo.
“Ama ben kimim, halkım kim ki, böyle gönülden armağanlar verebilelim? Her şey sendendir. Biz ancak senin elinden aldıklarımızı sana verdik.
15 Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo.
Senin önünde garibiz, yabancıyız atalarımız gibi. Yeryüzündeki günlerimiz bir gölge gibidir, kalıcı değildir.
16 Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo.
Ya RAB Tanrımız, kutsal adına bir tapınak yapmak için sağladığımız bu büyük servet senin elindendir, hepsi senindir.
17 Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
Yüreği sınadığını, doğruluktan hoşlandığını bilirim. Her şeyi içtenlikle, gönülden verdim. Şimdi burada olan halkının sana nasıl istekle bağışlar verdiğini sevinçle gördüm.
18 Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
Ya RAB, atalarımız İbrahim'in, İshak'ın, İsrail'in Tanrısı, bu isteği sonsuza dek halkının yüreğinde ve düşüncesinde tut, onların sana bağlı kalmalarını sağla.
19 Bigyan mo si Solomon na aking anak ng buong pusong pagnanais na sundin ang iyong mga kautusan, ang iyong mga utos sa kasunduan, at ang iyong mga tuntunin, at isagawa ang lahat ng mga planong ito na itayo ang palasyo na aking ipinaghanda.
Oğlum Süleyman'a bütün buyruklarına, uyarılarına, kurallarına uymak, hazırlığını yaptığım tapınağı kurmak için istekli bir yürek ver.”
20 Sinabi ni David sa lahat ng kapulungan, “Papurihan ngayon si Yahweh na inyong Diyos.” Nagpuri ang lahat ng kapulungan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh at nagpatirapa sila sa harapan ng hari.
Sonra Davut bütün topluluğa, “Tanrınız RAB'bi övün!” dedi. Böylece hepsi atalarının Tanrısı RAB'bi övdü; Tanrı'nın ve kralın önünde başlarını eğip yere kapandı.
21 Kinabukasan, naghain sila ng mga handog kay Yahweh at mga handog na susunugin para sa kaniya. Naghandog sila ng isang libong toro, isang libong lalaking tupa, at isang libong kordero, kabilang ang mga handog na inumin at mga hain na masagana para sa buong Israel.
Ertesi gün halk RAB'be kurbanlar kesip yakmalık sunular sundu: Bin boğa, bin koç, bin kuzunun yanısıra, bütün İsrailliler için dökmelik sunular ve birçok başka kurban.
22 Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.
O gün İsrailliler büyük bir sevinçle RAB'bin önünde yiyip içtiler. Bundan sonra Davut oğlu Süleyman'ı ikinci kez kral olarak onayladılar. Süleyman'ı RAB'bin önünde önder, Sadok'u da kâhin olarak meshettiler.
23 At umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari sa halip na si David na kaniyang ama. Pinagpala siya, at sinunod siya ng buong Israel.
Böylece Süleyman babası Davut'un yerine RAB'bin tahtına oturdu. Başarılı oldu. Bütün İsrail halkı onun sözüne uydu.
24 Nagpahayag ng katapatan ang lahat ng mga pinuno, mga kawal, at ang lahat ng mga anak ni David kay Haring Solomon.
Yöneticilerin, güçlü kişilerin ve Davut'un oğullarının tümü Kral Süleyman'a bağlı kalacaklarına söz verdiler.
25 Lubos na pinarangalan ni Yahweh si Solomon sa harap ng buong Israel at ipinagkaloob sa kaniya ang kapangyarihang higit kaysa sa mga ibinigay niya sa sinumang hari ng Israel.
RAB bütün İsrailliler'in gözünde Süleyman'ı çok yükseltti ve daha önce İsrail'de hiçbir kralın erişemediği bir krallık görkemiyle donattı.
26 Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.
İşay oğlu Davut bütün İsrail'de krallık yaptı.
27 Naging hari si David sa Israel sa loob ng apatnapung taon. Namuno siya ng pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
Yedi yıl Hevron'da, otuz üç yıl Yeruşalim'de olmak üzere toplam kırk yıl İsrail'de krallık yaptı.
28 Namatay siya na nasa tamang katandaan, pagkatapos niyang tinamasa ang mahabang buhay, kayamanan at karangalan. Si Solomon na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya.
Güzel bir yaşlılık döneminde öldü. Zenginlik ve onur dolu günler yaşadı. Yerine oğlu Süleyman kral oldu.
29 Nakasulat ang mga nagawa ni Haring David sa kasaysayan ni Samuel na propeta, sa kasaysayan ni Natan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na propeta.
Kral Davut'un krallığı dönemindeki öteki olaylar, başından sonuna dek Bilici Samuel'in, Peygamber Natan'ın, Bilici Gad'ın tarihinde yazılıdır.
30 Nakatala roon ang mga ginawa niya sa kaniyang pamumuno, ang kaniyang nagawa at ang mga pangyayari na nakaapekto sa kaniya, sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa ibang lupain.
Krallığı dönemindeki bütün ayrıntılar, ne denli güçlü olduğu, başından geçen olaylar, İsrail'de ve çevredeki ülkelerde olup bitenler bu tarihte yazılıdır.