< 1 Mga Cronica 29 >

1 Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos.
И рече Давид царь ко всему собранию: Соломон сын мой, егоже избра себе Господь, юн и млад, а дело велико, занеже не человеку уготовится здание, но Господу Богу:
2 Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol.
всею силою уготовах на дом Бога моего злато, сребро, медь, железо, древа, камение мраморное, и множество камений многоценных и различных, и всякое честное камение, и камений парийских много:
3 Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo:
и еще внегда благоволити ми в дому Бога моего, есть у мене еже приготовах злато и сребро, и се, дах в дом Бога моего, в высоту, кроме оных, яже уготовах на дом святых:
4 tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talento na pinong pilak upang ilagay sa mga dingding ng mga gusali.
три тысящи талант злата Суфирска и седмь тысящ талант сребра искушена к позлащению стен святилища,
5 Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?”
идеже дело златое златом, а идеже сребряное сребром, и на всякое дело рукою художников: и кто благоволяй исполнити руку свою днесь Господу?
6 Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari.
И обещаша усердно началницы отечеств и князи сынов Израилевых, и тысящницы и сотницы, и началницы дел и икономы царевы,
7 Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal.
и даша на дела дому Господня злата талант пять тысящ, и златник десять тысящ, и сребра талант десять тысящ, и меди талант осмьнадесять тысящ, железа же сто тысящ талант:
8 Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon.
и у нихже обретеся камение, даша во влагалище дому Господня, под руку Иеииля Герсонина.
9 Nagalak ang mga tao dahil sa mga kusang-loob na handog na ito, sapagkat buong puso silang nagbigay kay Yahweh. Labis ding nagalak si Haring David.
И возвеселишася людие о усерднем подаянии, понеже всем сердцем приношаху Господу, и Давид царь возвеселися зело:
10 Pinapurihan ni David si Yahweh sa harapan ng lahat ng kapulungan. Sinabi niya, “Papurihan ka nawa, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ninuno, magpakailanman.
и благослови царь Давид Господа пред всем множеством, глаголя: благословен еси, Господи Боже Израилев, Отец наш, от века и до века:
11 Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat.
Тебе, Господи, величество, и сила, и слава, и одоление, и исповедание, и крепость, яко Ты всеми, иже на небеси и на земли, владычествуеши: от лица Твоего трепещет всяк царь и язык: и Тебе, Господи, царство и великолепие во всех и во всяцем начале:
12 Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman.
от Тебе богатство и слава, Ты над всеми началствуеши, Господи, начало всякаго начала, и в руку Твоею крепость и власть, и в руку Твоею милость, Вседержителю, возвеличити и укрепити вся:
13 At ngayon, aming Diyos, pinasasalamatan ka namin at pinapupurihan ang iyong maluwalhating pangalan.
и ныне, Господи, исповедаемся Тебе и хвалим имя хваления Твоего:
14 Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo.
и кто аз есмь, и кто людие мои, яко возмогохом сия Тебе благовольне обещати? Твоя бо суть вся, и от твоих дахом Тебе:
15 Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo.
пришелцы бо есмы пред Тобою и преселницы, якоже вси отцы наши: дние наши яко сень на земли, и несть постояния:
16 Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo.
Господи Боже наш, ко всему множеству сему, еже уготовах, да созиждется дом имени святому Твоему, от руку Твоею суть, и Тебе вся:
17 Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
и вем, Господи мой, яко Ты еси испытуяй сердца, и правду любиши: в простоте сердца моего произволих сия вся, и ныне людий Твоих, иже зде обретошася, видех с радостию Тебе произволивших (принести дары):
18 Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
Господи Боже Авраама и Исаака и Израиля отец наших, сохрани сия в воли сердца людий Твоих во веки, и исправи сердца их к Тебе:
19 Bigyan mo si Solomon na aking anak ng buong pusong pagnanais na sundin ang iyong mga kautusan, ang iyong mga utos sa kasunduan, at ang iyong mga tuntunin, at isagawa ang lahat ng mga planong ito na itayo ang palasyo na aking ipinaghanda.
Соломону же сыну моему даждь сердце благо, да хранит заповеди Твоя и свидения Твоя и повеления Твоя, и к совершению привести здание дому Твоего.
20 Sinabi ni David sa lahat ng kapulungan, “Papurihan ngayon si Yahweh na inyong Diyos.” Nagpuri ang lahat ng kapulungan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh at nagpatirapa sila sa harapan ng hari.
И рече Давид всему собранию (людий): благословите Господа Бога нашего. И благословиша все собрание Господа Бога отец своих: и преклонше колена поклонишася Господу и царю.
21 Kinabukasan, naghain sila ng mga handog kay Yahweh at mga handog na susunugin para sa kaniya. Naghandog sila ng isang libong toro, isang libong lalaking tupa, at isang libong kordero, kabilang ang mga handog na inumin at mga hain na masagana para sa buong Israel.
И пожре Давид жертвы Господу, и вознесе всесожжения Богу на утрие перваго дне, телец тысящу, овнов тысящу, агнец тысящу, и возлияния их, и жертвы множество от всего Израиля.
22 Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.
И ядоша и пиша пред Господем в день той с великим веселием: и поставиша царем второе Соломона сына Давидова, и помазаша его Господу в царя, и Садока же во архиереа.
23 At umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari sa halip na si David na kaniyang ama. Pinagpala siya, at sinunod siya ng buong Israel.
И седе Соломон на престоле Господни в царя, вместо Давида отца своего, и благоугоден бысть: и покорися ему весь Израиль.
24 Nagpahayag ng katapatan ang lahat ng mga pinuno, mga kawal, at ang lahat ng mga anak ni David kay Haring Solomon.
Князи и сильнии и вси сынове царя Давида отца его повинушася ему.
25 Lubos na pinarangalan ni Yahweh si Solomon sa harap ng buong Israel at ipinagkaloob sa kaniya ang kapangyarihang higit kaysa sa mga ibinigay niya sa sinumang hari ng Israel.
И возвеличи Господь Соломона над всем Израилем и даде ему славу царства, еяже ни един царь име прежде его.
26 Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.
И Давид сын Иессеев царствова над всем Израилем четыредесять лет,
27 Naging hari si David sa Israel sa loob ng apatnapung taon. Namuno siya ng pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
в Хевроне седмь лет, а во Иерусалиме лет тридесять три,
28 Namatay siya na nasa tamang katandaan, pagkatapos niyang tinamasa ang mahabang buhay, kayamanan at karangalan. Si Solomon na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya.
и умре в старости блазе, исполнь дний, в богатстве и славе, и воцарися Соломон сын его вместо его.
29 Nakasulat ang mga nagawa ni Haring David sa kasaysayan ni Samuel na propeta, sa kasaysayan ni Natan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na propeta.
Прочая же словеса царя Давида первая и последняя написана суть в словесех Самуила видящаго и в словесех Нафана пророка и в словесех Гада провидящаго,
30 Nakatala roon ang mga ginawa niya sa kaniyang pamumuno, ang kaniyang nagawa at ang mga pangyayari na nakaapekto sa kaniya, sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa ibang lupain.
о всем царстве его и крепости его, и времена яже быша при нем и во Израили и во всех царствах земных.

< 1 Mga Cronica 29 >