< 1 Mga Cronica 27 >

1 Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan.
以色列人的族长、千夫长、百夫长,和官长都分定班次,每班是二万四千人,周年按月轮流,替换出入服事王。
2 Ang namahala sa pangkat ng unang buwan ay si Jasobeam na anak ni Zabdiel. Sa kaniyang pangkat ay mayroong 24, 000 kalalakihan.
正月第一班的班长是撒巴第业的儿子雅朔班;他班内有二万四千人。
3 Kabilang siya sa mga kaapu-apuhan ni Peres at nangangasiwa sa lahat ng mga opisyal ng hukbo para sa unang buwan.
他是法勒斯的子孙,统管正月班的一切军长。
4 Ang namamahala sa pangkat sa ikalawang buwan ay si Dodai, mula sa angkan na nagmula sa mga kaapu-apuhan ni Aho. Si Miclot ang nasa ikalawang tungkulin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
二月的班长是亚哈希人朵代,还有副官密基罗;他班内有二万四千人。
5 Ang pinuno ng hukbo para sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada, na pari at pinuno. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
三月第三班的班长是祭司耶何耶大的儿子比拿雅;他班内有二万四千人。
6 Ang Benaias na ito ang siyang pinuno ng tatlumpo at namamahala sa tatlumpo. Si Amizabad na kaniyang anak ay nasa kaniyang pangkat.
这比拿雅是那三十人中的勇士,管理那三十人;他班内又有他儿子暗米萨拔。
7 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaapat na buwan ay si Asahel na kapatid ni Joab. Ang kaniyang anak na si Zebadias ang naging pinuno ng mga kawal pagkatapos niya. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
四月第四班的班长是约押的兄弟亚撒黑。接续他的是他儿子西巴第雅;他班内有二万四千人。
8 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalimang buwan ay si Samhut, isa sa mga kaapu-apuhan ni Ishar. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
五月第五班的班长是伊斯拉人珊合;他班内有二万四千人。
9 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaanim na buwan ay si Ira na mula sa Tekoa na anak ni Ikes. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
六月第六班的班长是提哥亚人益吉的儿子以拉;他班内有二万四千人。
10 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikapitong buwan ay si Helez na Pelonita, mula sa mga tao ng Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
七月第七班的班长是以法莲族比伦人希利斯;他班内有二万四千人。
11 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikawalong buwan ay si Sibecai na Husatita mula sa angkan ng Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
八月第八班的班长是谢拉族户沙人西比该;他班内有二万四千人。
12 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita, mula sa tribo ni Benjamin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 mga kalalakihan.
九月第九班的班长是便雅悯族亚拿突人亚比以谢;他班内有二万四千人。
13 Ang pinuno ng mg kawal para sa ikasampung buwan ay si Maharai mula sa lungsod ng Netofa mula sa angkan ni Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
十月第十班的班长是谢拉族尼陀法人玛哈莱;他班内有二万四千人。
14 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing isang buwan ay si Benaias mula sa lungsod ng Piraton, mula sa tribo ni Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
十一月第十一班的班长是以法莲族比拉顿人比拿雅;他班内有二万四千人。
15 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na mula sa Netofa mula sa angkan ni Otniel. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
十二月第十二班的班长是俄陀聂族尼陀法人黑玳;他班内有二万四千人。
16 Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel: Para sa tribo ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri ang pinuno. Para sa tribo ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca ang pinuno.
管理以色列众支派的记在下面:管吕便人的是细基利的儿子以利以谢;管西缅人的是玛迦的儿子示法提雅;
17 Para sa tribo ni Levi, si Hashabias na anak ni Kemuel ang pinuno at pinangunahan ni Zadok ang mga kaapu-apuhan ni Aaron.
管利未人的是基母利的儿子哈沙比雅;管亚伦子孙的是撒督;
18 Para sa tribo ni Juda, si Elihu na isa sa mga kapatid ni David ang pinuno. Para sa tribo ni Isacar, si Omri na anak ni Micael ang pinuno.
管犹大人的是大卫的一个哥哥以利户;管以萨迦人的是米迦勒的儿子暗利;
19 Para sa tribo ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias ang pinuno. Para sa tribo ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel ang pinuno.
管西布伦人的是俄巴第雅的儿子伊施玛雅;管拿弗他利人的是亚斯列的儿子耶利摩;
20 Para sa tribo ni Efraim, si Hosea na anak ni Azarias ang pinuno. Para sa kalahating tribo ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias ang pinuno.
管以法莲人的是阿撒细雅的儿子何细亚;管玛拿西半支派的是毗大雅的儿子约珥;
21 Para sa kalahating tribo ni Manases na nasa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias ang pinuno. Para sa tribo ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner ang pinuno.
管基列地玛拿西那半支派的是撒迦利亚的儿子易多;管便雅悯人的是押尼珥的儿子雅西业;
22 Para sa tribo ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham ang pinuno. Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel.
管但人的是耶罗罕的儿子亚萨列。以上是以色列众支派的首领。
23 Hindi binilang ni David ang mga may gulang na dalawampu o mas bata pa, sapagkat nangako si Yahweh na pararamihin niya ang Israel gaya ng mga bituin sa langit.
以色列人二十岁以内的,大卫没有记其数目;因耶和华曾应许说,必加增以色列人如天上的星那样多。
24 Sinimulang bilangin ni Joab na anak ni Zeruias ang mga kalalakihan, ngunit hindi niya natapos. Dumating sa Israel ang galit dahil dito. Hindi naisulat ang bilang na ito sa Kasaysayan ni Haring David.
洗鲁雅的儿子约押动手数点,当时耶和华的烈怒临到以色列人;因此,没有点完,数目也没有写在大卫王记上。
25 Si Azmavet na anak ni Abdiel ang namahala sa kaban ng yaman ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzias ang namahala sa mga bahay-imbakan sa bukid, sa lungsod, at sa mga nayon at sa mga pinatibay na mga tore.
掌管王府库的是亚叠的儿子押斯马威。掌管田野城邑村庄保障之仓库的是乌西雅的儿子约拿单。
26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namahala sa mga magsasakang nag-aararo ng lupa.
掌管耕田种地的是基绿的儿子以斯利。
27 Si Simei na mula sa Rama ang namahala ng mga ubasan, at Si Zabdi na mula sa Sephan ang namahala ng mga ubas at ang mga imbakan ng alak.
掌管葡萄园的是拉玛人示每。掌管葡萄园酒窖的是实弗米人撒巴底。
28 Si Baal Hahan na mula sa Geder ang namahala sa mga punong olibo at mga puno ng sicamoro na nasa mga mabababang lugar, at si Joas ang namahala sa mga imbakan ng langis.
掌管高原橄榄树和桑树的是基第利人巴勒·哈南。掌管油库的是约阿施。
29 Pinamahalaan ni Sitrai na mula sa Saron ang mga kawan na pinapastulan sa Saron, at pinamahalaan ni Safat na anak ni Adlai ang mga kawan na nasa mga lambak.
掌管沙 牧放牛群的是沙 人施提赉。掌管山谷牧养牛群的是亚第赉的儿子沙法。
30 Sa mga kamelyo, si Obil na Ismaelita ang namahala, at si Jedeias na mula sa Meronot ang namahala sa mga babaeng asno. Si Jaziz na Hagrita ang namahala sa mga kawan.
掌管驼群的是以实玛利人阿比勒。掌管驴群的是米 人耶希底亚。掌管羊群的是夏甲人雅悉。
31 Lahat ng ito ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ni Haring David.
这都是给大卫王掌管产业的。
32 Si Jonatan na tiyo ni David, ay isang tagapayo, sapagkat isa siyang marunong na tao at isang eskriba. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nangalaga sa mga anak na lalaki ng hari.
大卫的叔叔约拿单作谋士;这人有智慧,又作书记。哈摩尼的儿子耶歇作王众子的师傅。
33 Si Ahitofel ang tagapayo ng hari, at si Husai na mula sa mga tao ng Arkita ay sariling taga-payo ng hari.
亚希多弗也作王的谋士。亚基人户筛作王的陪伴。
34 Kinuha ni Joiada na anak ni Benaias at ni Abiatar ang tungkulin ni Ahitofel. Si Joab ang pinuno ng hukbo ng mga kawal ng hari.
亚希多弗之后,有比拿雅的儿子耶何耶大和亚比亚他接续他作谋士。约押作王的元帅。

< 1 Mga Cronica 27 >