< 1 Mga Cronica 22 >
1 At sinabi ni David, “Dito itatayo ang tahanan ng Diyos na si Yahweh, kasama ang altar para sa mga handog na susunugin ng Israel.”
다윗이 가로되 이는 여호와 하나님의 전이요 이는 이스라엘의 번제단이라 하였더라
2 Kaya inutosan ni David ang kaniyang mga lingkod na tipunin ang mga dayuhang nakatira sa lupain ng Israel. Itinalaga niya sila na maging mga taga-tapyas ng bato, upang tumapyas ng mga malalaking bato, upang maitayo ang tahanan ng Diyos.
다윗이 명하여 이스라엘 땅에 우거하는 이방 사람을 모으고 석수를 시켜 하나님의 전을 건축할 돌을 다듬게 하고
3 Nagbigay si David ng maraming bakal para sa mga pako sa mga pintuan patungo sa mga daanan at para sa mga bisagra. Nagbigay rin siya ng maraming tanso na hindi kayang timbangin,
다윗이 또 문짝못과 거멀못에 쓸 철을 한 없이 준비하고 또 심히 많아서 중수를 셀 수 없는 놋을 준비하고
4 at maraming puno ng sedar na hindi mabilang. (Nagdala ng napakaraming troso ng sedar ang mga taga-Sidon at mga taga-Tiron na hindi kayang bilangin ni David.)
또 백향목을 무수히 준비하였으니 이는 시돈 사람과 두로 사람이 백향목을 다윗에게로 많이 수운하여 왔음이라
5 Sinabi ni David, “Ang aking anak na si Solomon ay bata at wala pang karanasan, at ang tahanan na itatayo para kay Yahweh ay dapat na bukod-tanging kahanga-hanga, nang sa gayon ito ay maging tanyag at maluwalhati sa lahat ng ibang lupain. Kaya maghahanda ako para sa pagtatayo nito.” Kaya gumawa si David ng malawakang paghahanda bago ang kaniyang kamatayan.
다윗이 가로되 내 아들 솔로몬이 어리고 연약하고 여호와를 위하여 건축할 전은 극히 장려하여 만국에 명성과 영광이 있게 하여야 할지라 그러므로 내가 이제 위하여 준비하리라 하고 죽기 전에 많이 준비하였더라
6 Pagkatapos ay tinawag niya ang kaniyang anak na si Solomon at inutusan siya na magtayo ng isang tahanan para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
다윗이 그 아들 솔로몬을 불러 이스라엘 하나님 여호와를 위하여 전을 건축하기를 부탁하여
7 Sinabi ni David kay Solomon, “Anak ko, hangarin ko ito na ako mismo ang magtayo ng tahanan, para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos.
이르되 내 아들아 나는 내 하나님 여호와의 이름을 위하여 전을 건축할 마음이 있었으나
8 Ngunit dumating si Yahweh sa akin at sinabi, 'Marami ka ng pinadanak na dugo at nakipaglaban sa maraming labanan. Hindi ikaw ang magtatayo ng tahanan para sa aking pangalan, dahil marami ka ng pinadanak na dugo sa mundo sa aking paningin.
여호와의 말씀이 내게 임하여 이르시되 너는 피를 심히 많이 흘렸고 크게 전쟁하였느니라 네가 내 앞에서 땅에 피를 많이 흘렸은즉 내 이름을 위하여 전을 건축하지 못하리라
9 Gayunpaman, magkakaroon ka ng isang anak na lalaki na magiging payapang tao. Bibigyan ko siya ng kapahingahan mula sa lahat ng kaniyang kaaway sa bawat panig. Sapagkat Solomon ang kaniyang magiging pangalan, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga araw.
한 아들이 네게서 나리니 저는 평강의 사람이라 내가 저로 사면 모든 대적에게서 평강하게 하리라 그 이름을 솔로몬이라 하리니 이는 내가 저의 생전에 평안과 안정을 이스라엘에게 줄 것임이니라
10 Magtatayo siya ng isang tahanan para sa aking pangalan. Magiging anak ko siya at ako ang magiging ama niya. Itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian sa buong Israel magpakailanman.”
저가 내 이름을 위하여 전을 건축할지라 저는 내 아들이 되고 나는 저의 아비가 되어 그 나라 위를 이스라엘 위에 굳게 세워 영원까지 이르게 하리라 하셨나니
11 “Ngayon, aking anak, samahan ka nawa ni Yahweh at bigyan ka niya ng kakayahan upang magtagumpay. Maitayo mo nawa ang tahanan ni Yahweh na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya na gagawin mo.
내 아들아 여호와께서 너와 함께 하시기를 원하며 네가 형통하여 여호와께서 네게 대하여 말씀하신 대로 여호와의 전을 건축하며
12 Tanging si Yahweh nawa ang magbigay sa iyo ng kaalaman at pang-unawa upang masunod mo ang batas ni Yahweh na iyong Diyos, kapag inilagay ka niyang tagapamahala sa buong Israel.
여호와께서 네게 지혜와 총명을 주사 너로 이스라엘을 다스리게 하시고 너의 하나님 여호와의 율법을 지키게 하시기를 더욱 원하노라
13 At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob.
네가 만일 여호와께서 모세로 이스라엘에게 명하신 모든 율례와 규례를 삼가 행하면 형통하리니 강하고 담대하여 두려워 말고 놀라지 말지어다
14 Ngayon, tingnan mo, buong pagsisikap kong inihanda para sa tahanan ni Yahweh ang 100, 000 talento ng ginto, isang milyong talento ng pilak, tanso at maraming bilang ng bakal. Nagbigay rin ako ng troso at bato. Dapat mo pang dagdagan ang lahat ng mga ito.
내가 환난 중에 여호와의 전을 위하여 금 십만 달란트와 은 일백만 달란트와 놋과 철을 그 중수를 셀 수 없을만큼 심히 많이 예비하였고 또 재목과 돌을 예비하였으나 너는 더할 것이며
15 Mayroon kang maraming manggagawa na makakasama mo, mga taga-tapyas ng bato, mga mason, mga karpintero at mga mahuhusay na manggagawa ng iba't ibang mga bagay na hindi mabilang,
또 공장이 네게 많이 있나니 곧 석수와 목수와 온갖 일에 익숙한 모든 사람이니라
16 na may kakayahang gumawa sa ginto, pilak, tanso at bakal. Kaya simulan mo ng magtrabaho at samahan ka nawa ni Yahweh.”
금과 은과 놋과 철이 무수하니 너는 일어나 일하라 여호와께서 너와 함께 계실지로다
17 Ipinag-utos rin ni David sa lahat ng mga pinuno ng Israel na tulungan ang kaniyang anak na si Solomon, sinasabi,
다윗이 또 이스라엘 모든 방백에게 명하여 그 아들 솔로몬을 도우라 하여 가로되
18 “Si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo at binigyan kayo ng kapayapaan sa bawat panig. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng mga nakatira sa rehiyon. Nasakop ni Yahweh ang rehiyon at ang mga tao nito.
너희 하나님 여호와께서 너희와 함께하지 아니하시느냐 사면으로 너희에게 평강을 주지 아니하셨느냐 이 땅 거민을 내 손에 붙이사 이 땅으로 여호와와 그 백성 앞에 복종하게 하셨나니
19 Ngayon hanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos nang buong puso at kaluluwa. Tumayo kayo at itayo ang banal na lugar ng Diyos na si Yahweh. At maaari na ninyong dalhin ang kaban ng tipan ni Yahweh at ang mga bagay na pag-aari ng Diyos sa tahanan na itinayo para sa pangalan ni Yahweh.”
이제 너희는 마음과 정신을 진정하여 너희 하나님 여호와를 구하고 일어나서 여호와 하나님의 성소를 건축하고 여호와의 언약궤와 하나님의 거룩한 기구를 가져다가 여호와의 이름을 위하여 건축한 전에 드리게 하라 하였더라