< 1 Mga Cronica 21 >
1 Lumitaw ang isang kaaway laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga tao sa Israel.
Then the accuser stood up, against Israel, —and moved David, to number Israel.
2 Sinabi ni David kay Joab at sa mga pinuno ng hukbo, “Pumunta kayo, bilangin ninyo ang mga tao ng Israel mula Beer-seba hanggang Dan at bumalik kayo at ibalita ninyo sa akin, upang malaman ko ang bilang nila.
And David said unto Joab and unto the rulers of the people, Go, number Israel, from Beer-sheba even unto Dan, —and bring [the report] unto me, that I may know the number of them.
3 Sinabi ni Joab, “Nawa ay paramihin ni Yahweh ang kaniyang hukbo ng isandaang beses na mas marami kaysa sa kung ano ito ngayon. Ngunit aking panginoong hari, hindi ba naglilingkod silang lahat sa aking panginoon? Bakit gusto ito ng aking panginoon? Bakit ka magdadala ng sanhi ng pagkakasala sa Israel?”
Then said Joab, May Yahweh add unto his people, as many as they are, a hundred times, but are they not, my lord O king, all of them my lord’s, as servants? wherefore should my lord seek this? wherefore should it become guilt to Israel?
4 Ngunit nanaig ang utos ng hari kay Joab. Kaya umalis si Joab at pumunta sa lahat ng dako ng Israel. Pagkatapos bumalik siya sa Jerusalem.
But, the word of the king, prevailed against Joab, —and Joab departed, and went to and fro throughout all Israel, and came to Jerusalem.
5 At ibinalita ni Joab ang kabuuang bilang ng mga kalalakihang mandirigma kay David. Mayroong 1, 100, 000 na mga kalalakihan na bumubunot ng espada sa Israel. Mayroong 470, 000 na mga kawal sa Juda lamang.
And Joab delivered the sum of the number of the people, unto David, —and all Israel was found to be a thousand thousand and a hundred thousand men, who drew sword, and Judah, four hundred and seventy thousand men, who drew sword.
6 Ngunit hindi kasama sa bilang ang mga tribo ni Levi at Benjamin, sapagkat namuhi si Joab sa utos ng hari.
But, Levi and Benjamin, counted he not among them, —for detestable was the word of the king unto Joab.
7 Nasaktan ang Diyos sa ginawa niyang ito, kaya sinalakay niya ang Israel.
And it was displeasing in the eyes of God, concerning this thing, —therefore smote he Israel.
8 Sinabi ni David sa Diyos, “Labis akong nagkasala sa paggawa nito. Ngayon, alisin mo ang kasalanan ng iyong lingkod, sapagkat ako ay naging napakahangal.”
And David said unto God, I have sinned greatly, in that I have done this thing, —but, now, I beseech thee, take away the iniquity of thy servant, for I have shown myself very foolish.
9 Sinabi ni Yahweh kay Gad, na propeta ni David,
Then spake Yahweh unto Gad, the seer of David saying:
10 “Pumunta ka at sabihin kay David: 'Ito ang sinabi ni Yahweh: “Binibigyan kita ng tatlong pagpipilian. Pumili ka ng isa sa mga ito.”'”
Go—and thou shalt speak unto David, saying, Thus, saith Yahweh, Three things, do I offer thee, —choose thee one from among them, that I may do it unto thee.
11 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Mamili ka ng isa sa mga ito:
So Gad came unto David, —and said to him, Thus, saith Yahweh,
12 tatlong taon na tag-gutom, tatlong buwan na pagtugis ng iyong mga kaaway at pagkahuli sa pamamagitan ng kanilang mga espada, o kaya tatlong araw na espada ni Yahweh, iyon ay, isang salot sa lupain, wawasakin ng mga anghel ni Yahweh ang buong lupain ng Israel.' Kaya ngayon, magpasya ka kung anong sagot ang dadalhin sa nagsugo sa akin”
Choose thee: —Whether, for three years, [there be] famine, Or, for three months, that thou flee before thine adversaries, while the sword of thine enemies overtaketh thee, Or, for three days, the sword of Yahweh, and pestilence be in the land, with, the messenger of Yahweh, laying waste throughout all the boundary of Israel, —Now, therefore, see, what, answer, I shall return unto him that sent me.
13 Pagkatapos, sinabi ni David kay Gad, “Ako ay nasa mahirap na kalagayan. Hayaan mong mahulog ako sa kamay ni Yahweh kaysa sa kamay ng mga tao, sapagkat napakadakila ng kaniyang mahabaging gawa.”
And David said unto Gad, I am in a great strait, —Oh let me fall, I pray thee, into the hand of Yahweh, for abounding are his compassions, exceedingly, but, into the hand of man, let me not fall.
14 Kaya nagpadala si Yahweh ng isang salot sa Israel at pitumpung libong tao ang namatay.
So Yahweh laid pestilence, upon Israel, —and there fell, of Israel, seventy thousand men.
15 Nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa Jerusalem upang sirain ito. Nang sisirain na niya ito, nanood si Yahweh at nagbago ang kaniyang isip tungkol sa paninira. Sinabi niya sa naninirang anghel, “Tama na! Ngayon iurong mo ang iyong kamay.” Sa oras na iyon, nakatayo ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
And God sent a messenger to Jerusalem, to lay it waste, but, as he was laying it waste, Yahweh looked, and relented concerning the calamity, and said unto the messenger who was laying waste, Enough! now, stay thy hand. And, the messenger of Yahweh, was standing by the threshing-floor of Ornan the Jebusite.
16 Tumingin sa itaas si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa pagitan ng langit at lupa na may hawak na espada na nakataas sa buong Jerusalem. Pagkatapos dumapa si David at ang mga nakatatanda na nakadamit ng pangluksa sa lupa.
And, when David lifted up his eyes, and saw the messenger of Yahweh, standing, between the earth and the heavens, and his sword drawn, in his hand, stretched out over Jerusalem, then fell David and the elders, clothed in sackcloth, upon their faces.
17 Sinabi ni David sa Diyos, “Hindi ba ako ang nag-utos na bilangin ang hukbo? Ginawa ko ang masamang bagay na ito. Ngunit ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Pakiusap Yahweh na aking Diyos, hayaan mong ako at ang aking pamilya ang parusahan ng iyong kamay, ngunit huwag mong parusahan ang iyong mga tao ng salot na ito.”
And David said unto God, Was it not, I, who gave word to number the people? Yea, I, it was who sinned and did the great wrong, what then had, these sheep, done? O Yahweh, my God, let thy hand, I beseech thee, be against me, and against the house of my father, but not against, thy people, that they should be plagued!
18 Kaya inutusan ng anghel ni Yahweh si Gad na sabihin kay David, na kailangang pumunta si David at magtayo ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Ornan na Jabuseo.
And, the messenger of Yahweh, commanded Gad, to say unto David, —that David should go up, to rear an altar unto Yahweh, in the threshing-floor of Ornan the Jebusite.
19 Kaya pumunta si David gaya ng itinagubilin sa kaniya ni Gad na gawin sa ngalan ni Yahweh.
So David went up, according to the word of Gad, which he spake in the name of Yahweh.
20 Habang naggigiik ng trigo si Ornan, lumingon siya at nakita ang anghel. Nagtago siya at ang kaniyang apat na anak na lalaki na kasama niya.
And Ornan turned, and saw the messenger, but, his four sons with him, were hiding themselves, —now, Ornan, had been threshing wheat.
21 Nang dumating si David kay Ornan, tumingin si Ornan at nakita niya si David. Iniwan niya ang giikan at yumukod kay David na nasa lupa ang kaniyang mukha.
Then came David unto Ornan, —and Ornan looked, and saw David, and went forth out of the threshing-floor, and bowed himself unto David, with his face to the ground.
22 At sinabi ni David kay Ornan, “Ibenta mo sa akin ang giikang ito upang makapagtayo ako ng altar para kay Yahweh. Babayaran ko ang kabuuang halaga upang maalis ang salot sa mga tao.”
And David said unto Ornan, Grant me the place of the threshing-floor, that I may build thereon an altar, unto Yahweh, —for silver in full, shalt thou grant it me, that the plague may be stayed from off the people.
23 Sinabi ni Ornan kay David, “Kunin mo ito na parang pagmamay-ari mo aking panginoon na hari. Gawin mo dito kung ano ang mabuti sa iyong paningin. Narito, bibigyan kita ng mga baka para sa mga alay na susunugin, mga kahoy na kasangkapan sa panggiik para panggatong at trigo para sa handog na butil; Ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo.”
And Ornan said unto David, Take it to thee, and let my lord the king do what is good in his own eyes, —see! I have given the oxen for ascending-sacrifices, and, the threshing implements for wood, and the wheat for a meal-offering, —the whole, have I given.
24 Sinabi ni Haring David kay Ornan, “Hindi, iginigiit kong babayaran ko ang kabuuang halaga. Hindi ko kukunin ang sa iyo at ihahandog ito bilang handog na susunugin para kay Yahweh, ng walang halaga.”
Then said King David to Ornan, Nay! but I will, surely buy, it for silver in full, —for I will not take that which is thine for Yahweh, nor offer an ascending-sacrifice that hath cost me nothing.
25 Kaya nagbayad si David ng animnaraang siklong ginto para sa lugar.
So David gave to Ornan, for the place, —shekels of gold, by weight, six hundred.
26 Nagtayo doon si David ng altar para kay Yahweh at naghandog ng mga alay na susunugin at mga handog pangkapayapaan. Tinawag niya si Yahweh, na sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng apoy mula sa langit patungo sa altar para sa mga handog na susunugin.
And David built there an altar unto Yahweh, and caused to go up ascending-sacrifices, and peace-offerings, —and called unto Yahweh, and he responded to him, by fire, out of the heavens, upon the altar of ascending-sacrifice.
27 Pagkatapos nagbigay ng utos si Yahweh sa anghel at ibinalik ng anghel ang kaniyang espada sa lalagyan nito.
And Yahweh gave word to tile messenger, and he put back his sword into its sheath.
28 Nang makita ni David na sinagot siya ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jabuseo, ginawa na niya ang pag-aalay doon sa sandali ring iyon.
At that time, when David saw that Yahweh had answered him in the threshing-floor of Ornan the Jebusite, then he sacrificed there.
29 Sa panahon iyon, ang tabernakulo ni Yahweh na ginawa ni Moises sa ilang at ang altar para sa mga alay na susunugin ay nasa banal na lugar sa Gibeon.
But, the habitation of Yahweh, which Moses made in the desert, and the altar of ascending-sacrifice, were, at that time, in the high place at Gibeon;
30 Gayun paman, hindi makapunta si David doon upang humingi ng patnubay sa Diyos, dahil natatakot siya sa espada ng anghel ni Yahweh.
and David could not go before it, to seek God, —for he had been terrified, because of the sword of the messenger of Yahweh.