< 1 Mga Cronica 2 >

1 Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun,
Ito ang mga anak ni Israel: si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon;
2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher.
Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.
3 Ang mga lalaking anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Sela, na mga anak niya sa babaeng anak ni Bat-sua, na isang Canaanita. Si Er na panganay na anak ni Juda ay masama sa paningin ni Yahweh, at pinatay siya ni Yahweh.
Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.
4 Sina Peres at Zera ang naging mga anak niya kay Tamar, na kaniyang manugang. Si Juda ay nagkaroon ng limang anak na lalaki.
At ipinanganak sa kaniya ni Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.
5 Ang mga anak na lalaki ni Peres ay sina Hezron at Hamul.
Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.
6 Ang mga anak na lalaki ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara, lima silang lahat.
At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.
7 Si Acan ang anak na lalaki ni Carmi na nagdala ng gulo sa Israel, nang nakawin niya ang nakalaan para sa Diyos.
At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.
8 Si Azarias ang anak na lalaki ni Etan.
At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.
9 Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram, at Chelubai.
Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at si Ram, at si Chelubai.
10 Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab ang ama ni Naason, isang pinuno sa mga kaapu-apuhan ni Juda.
At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda;
11 Si Naason ang ama ni Salma, at si Salma ang ama ni Boaz.
At naging anak ni Nahason si Salma, at naging anak ni Salma si Booz;
12 Si Boaz ang ama ni Obed, at si Obed ang ama ni Jesse.
At naging anak ni Booz si Obed, at naging anak ni Obed si Isai;
13 Si Jesse ang ama ng panganay niyang anak na si Eliab, si Abinadab ang pangalawa, si Simea ang pangatlo,
At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;
14 si Netanel ang pang-apat, panglima si Radai,
Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;
15 pang-anim si Ozem, at pang-pito si David.
Si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito:
16 Sina Zervias at Abigail ang kanilang dalawang kapatid na babae. Ang mga anak na lalaki ni Zervias ay sina Abisai, Joab, at Asahel, tatlo silang lahat.
At ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.
17 Ipinanganak ni Abigail si Amasa na ang ama ay si Jeter na Ismaelita.
At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita.
18 Si Caleb na anak na lalaki ni Hezron ang ama ni Jeriot kay Azuba, na kaniyang asawa. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Jeser, Sobab, at Ardon.
At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon.
19 Namatay si Azuba, at napangasawa ni Caleb si Efrata, na nagsilang Hur.
At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.
20 Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel.
At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.
21 Pagkatapos, nang si Hezron ay animnapung taong gulang, napangasawa niya ang anak ni Maquir, na ama ni Gilead. Ipinanganak niya si Segub.
At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya.
22 Si Segub ang ama ni Jair, na namahala sa dalawampu't tatlong mga lungsod sa lupain ng Gilead.
At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad.
23 Kinuha nina Gesur at Aram ang mga bayan nina Jair at Kenat, pati na rin ang animnapung nakapalibot na mga bayan. Ang lahat ng mga naninirahang ito ay kaapu-apuhan ni Maquir, na ama ni Gilead.
At sinakop ni Gesur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.
24 Pagkatapos mamatay ni Hezron, sinipingan ni Caleb si Efrata, na asawang babae ng kaniyang amang si Hezron. Ipinanganak niya si Asur, ang ama ni Tekoa.
At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa.
25 Ang mga anak na lalaki ni Jerameel, na panganay ni Hezron ay sina Ram na panganay, Buna, Orem, Ozem, at Ahias.
At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia.
26 May iba pang asawa si Jerameel na nagngangalang Atara. Ina siya ni Onam.
At si Jerameel ay nagasawa ng iba, na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.
27 Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay ni Jerameel, ay sina Maaz, Jamin, at Equer.
At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar.
28 Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Samai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Samai ay sina Nadab at Abisur.
At ang mga anak ni Onam ay si Sammai, at si Jada. At ang mga anak ni Sammai: si Nadab, at si Abisur.
29 Abihail ang pangalan ng asawa ni Abisur; ipinanganak niya sina Ahban at Molid.
At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib.
30 Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim, ngunit namatay si Seled ng hindi nagkaanak.
At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak.
31 Si Ishi ang anak ni Apaim. Ang anak na lalaki ni Isi ay si Sesan. Ang anak na lalaki ni Sesan ay si Ahlai.
At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. At ang mga anak ni Sesan: si Alai.
32 Ang mga anak na lalaki ni Jada, na kapatid na lalaki ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak.
At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak.
33 Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Jerameel.
At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.
34 Ngayon hindi nagkaroon ng mga lalaking anak si Sesan, mga anak na babae lamang. Mayroong utusan si Sesan, na isang taga-Egipto na ang pangalan ay Jarha.
Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha.
35 Ibinigay ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang utusan upang maging kaniyang asawa. Ipinanganak niya si Atai.
At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya.
36 Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad.
At naging anak ni Athai si Nathan, at naging anak ni Nathan si Zabad;
37 Si Zabad ang ama ni Eflal, at si Eflal ang ama ni Obed.
At naging anak ni Zabad si Ephlal, at naging anak ni Ephlal, si Obed.
38 Si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azarias.
At naging anak ni Obed si Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias;
39 Si Azarias ang ama ni Helez, at si Helez ang ama ni Eleasa.
At naging anak ni Azarias si Heles, at naging anak ni Heles si Elasa;
40 Si Eleasa ang ama ni Sismai, at si Sismai ang ama ni Sallum.
At naging anak ni Elasa si Sismai, at naging anak ni Sismai si Sallum;
41 Si Sallum ang ama ni Jecamias, at si Jecamias ang ama ni Elisama.
At naging anak ni Sallum si Jecamia, at naging anak ni Jecamia si Elisama.
42 Ang mga anak na lalaki ni Caleb, ang kapatid na lalaki ni Jerameel ay sina Mesa na panganay, na ama ni Zif. Ang kaniyang pangalawang anak, si Maresa na ama ni Hebron.
At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron.
43 Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem, at Sema.
At ang mga anak ni Hebron: si Core, at si Thaphua, at si Recem, at si Sema.
44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam. Si Requem ang ama ni Samai.
At naging anak ni Sema si Raham, na ama ni Jorcaam; at naging anak ni Recem si Sammai.
45 Ang anak na lalaki ni Samai ay si Maon, at si Maon ang ama ni Beth-sur.
At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur.
46 Si Efa, na asawang alipin ni Caleb, ay ipinanganak sina Haran, Moza, at Gasez. Si Haran ang ama ni Gasez.
At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.
47 Ang mga anak na lalaki ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa, at Saaf.
At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph.
48 Si Maaca, na asawang alipin ni Caleb ay ipinanganak sina Seber at Tirhana.
Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.
49 Ipinanganak din niya si Saaf na ama ni Madmana, si Seva na ama ni Macbena at ama ni Gibea. Si Acsa na anak na babae ni Caleb. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Caleb.
Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha.
50 Ito ang mga anak na lalaki ni Hur, ang kaniyang panganay kay Efrata: si Sobal, na ama ng Chiriath Jearim,
Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;
51 Si Salma na ama ni Betlehem, at si Hareph na ama ni Beth-gader.
Si Salma na ama ni Bethlehem, si Hareph na ama ni Beth-gader.
52 Si Sobal na ama ng Chiriath Jearim ay may mga kaapu-apuhan: si Haroe, at kalahati ng mga tao ng Menuho,
At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.
53 at ang mga angkan ng Chiriath Jearim—ang mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, at mga Misraita. Ang mga Zorita at mga Estaolita ay nagmula sa mga ito.
At ang mga angkan ni Chiriath-jearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita.
54 Ang mga angkan ni Salma ay ang mga sumusunod: ang mga taga-Bethlehem, mga Netofatita, mga taga-Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita—na mga Zorita,
Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita.
55 ang mga angkan ng mga eskriba na nakatira sa Jabes: ang mga Tiratita, mga Simatita, at mga Sucatita. Ito ang mga Kenita na nagmula kay Hamat, na ninuno ng mga Recab.
At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng sangbahayan ni Rechab.

< 1 Mga Cronica 2 >