< 1 Mga Cronica 19 >
1 Hindi nagtagal, namatay ang hari ng mga Ammonita na si Nahas at ang kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
[達味戰勝聯軍]此後,阿孟子民的君王納哈士死了,他的兒子繼位為王。
2 Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kabaitan kay Hanun na anak ni Nahas sapagkat nagpakita ng kabaitan ang kaniyang ama sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga mensahero upang damayan siya tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga Ammonita at pumunta kay Hanun upang damayan siya.
達味心想:我要善待納哈士的兒子哈農,因為他父親曾善待了我。於是達味派遣使者去慰問他,哀悼他的父親。但當達味的臣僕來到阿孟子民的境內哈農那裏慰問他時,
3 Ngunit sinabi ng mga pinuno ng mga Ammonita kay Hanun, “Iniisip mo ba talaga na pinararangalan ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga kalalakihan upang aliwin ka? Hindi kaya naparito ang kaniyang mga lingkod sa iyo upang manmanan at suriin ang lupain upang pabagsakin ito?”
阿孟子民的公卿對哈農說:「達味派人來慰問你,你以為他是尊敬你的父親嗎﹖他的臣僕到你這裏來,安知不是為調查、探聽、破壞這地方﹖」
4 Kaya ipinahuli ni Hanun ang mga lingkod ni David, inahitan sila, pinutol ang kanilang mga kasuotan mula sa kanilang baywang, hanggang sa puwitan at saka sila pinaalis.
哈農遂拿住達味的臣僕,將他們的鬍鬚剃去,將他們下半截至臀部的衣服也都割去,然後放他們走了。
5 Nang isinalaysay nila ito kay David, nagpadala siya ng mga sasalubong sa kanila, sapagkat labis na napahiya ang mga kalalakihan. Sinabi ng hari, “Manatili kayo sa Jerico hanggang sa muling tumubo ang inyong mga balbas at saka kayo bumalik dito.”
他們走了以後,有人將這些人所遭遇的事告訴了達味,達味遂即派人前去迎接他們;因為這些人很覺羞恥,王便吩咐說:「你們暫且留在耶里哥,等鬍鬚長起後再回來。」
6 Nang nakita ng mga Ammonita na naging mabaho sila kay David, nagpadala si Hanun at ang mga Ammonita ng isang libong talentong pilak upang upahan ang mga karwahe ng Arameo at mga mangangabayo mula sa Naharaim, Maacah, at Soba.
阿孟子民見自己同達味結下了仇恨,哈農和阿孟子民便派人用一千「塔冷通」銀子,向二河之間的阿蘭,瑪阿加的阿蘭及祚巴去僱戰車和騎兵。
7 Nakaupa sila ng 32, 000 na karwahe sa hari ng Maacah at ang kaniyang mga tauhan na pumunta at nagkampo sa tapat ng Medeba. Nagsama-sama ang mga Ammonita mula sa kanilang mga lungsod at pumunta sa digmaan.
他們僱得了戰車三萬二千輛,又僱得了瑪阿加王和他的軍隊。他們來到,就在默德巴前紮營;阿孟子民也從自己的城內出來,集合備戰。
8 Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang kaniyang buong hukbo upang salubungin sila.
達味一聽說,遂派約阿布率領全部精兵出擊。
9 Lumabas ang mga Ammonita at humanay para sa labanan sa may tarangkahan ng lungsod, samantalang ang mga haring dumating ay nasa parang na wala silang kasama.
阿孟子民出來,在城門前擺了陣,來助戰的王子們另在田間擺了陣。
10 Nang makita ni Joab na ang hanay na kaniyang kakalabanin ay kapwa sa harapan at likuran, pumili siya ng ilan sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Israel at pinahanay sila laban sa mga Arameo.
約阿布見前後受敵,便由以色列勁旅中,挑選一隊精兵擺陣進攻阿蘭人;
11 Samantalang ibinigay niya ang pamumuno sa mga natirang hukbo sa kaniyang kapatid na si Abisai at inilagay niya sila sa hanay ng pakikipaglaban sa hukbo ng mga Ammonita.
將期餘的軍隊,交由自己的兄弟阿彼瑟指揮,叫他列陣進攻阿孟子民,
12 Sinabi ni Joab, “Kung labis na malakas ang mga Arameo para sa akin, kailangan mo akong iligtas Abisai. Ngunit kung labis na malakas ang hukbo ng mga Ammonita para sa iyo, darating ako at ililigtas kita.
對他說:「若我打不下阿蘭人,你就來援助我;若你打不下阿孟子民,我就來援助你。
13 Maging malakas ka at ipakita natin na tayo ay malakas alang-alang sa ating bayan at alang-alang sa mga lungsod ng ating Diyos, sapagkat gagawin ni Yahweh kung ano ang mabuti para sa kaniyang layunin.”
你當勇敢! 為了我們的民族,為了我們天主的城,我們應當奮鬥。願上主成就他認為美好的事! 」
14 Kaya sumulong si Joab at ang mga kawal ng kaniyang hukbo sa digmaan laban sa mga Arameo, na sapilitang tumakas sa harap ng hukbo ng Israel.
然後,約阿布帶著軍隊往前進攻阿蘭人,阿蘭人便在他面前逃走了。
15 Nang makita ng hukbo ng mga Ammonita na tumakas ang mga Arameo, tumakas din sila mula kay Joab na kapatid ni Abisai at bumalik sa lungsod. Pagkatapos, bumalik si Joab mula sa mga Ammonita at bumalik sa Jerusalem.
阿孟子民見阿蘭人逃走,他們也在約阿布的兄弟阿彼瑟面前逃走,退入城中;以後,約阿布回了耶路撒冷。
16 At nang nakita ng mga Arameo na natatalo sila ng Israel, nagpadala sila ng karagdagang mga kawal mula sa ibayong Ilog Eufrates, kasama si Sofac, ang pinuno ng hukbo ni Hadadezer.
阿蘭人見自己為以色列打敗,遂派使者將大河那邊的阿蘭人調來,由哈達德則爾的元帥芍法客率領。
17 Nang sabihin ito kay David, tinipon niya ang lahat ng Israel, tumawid sila sa Jordan, at pumunta sa kanila. Pinahanay niya ang hukbo para sa digmaan laban sa mga Arameo, at nilabanan nila siya.
達味一得了情報,就調集所有的以色列人,渡過約但河,來到赫藍,擺陣向他們進攻。當達味擺陣攻擊阿蘭人時,阿蘭人就來迎戰。
18 Tumakas ang mga Arameo mula sa Israel at nakapatay si David ng pitong libong nakakarwaheng Arameo at apatnapung libong mga kawal na naglalakad. Pinatay din niya si Sofac, ang pinuno ng hukbo.
但阿蘭人在以色列面前潰退,達味乘勝擊殺了阿蘭七千騎兵,四萬步兵,也殺了他們的元帥芍法客。
19 Nang makita ng lahat ng haring tagapaglingkod ni Hadadezer na tinalo sila ng Israel, nakipagkasundo sila kay David at naglingkod sa kanila. Kaya hindi na pumayag ang mga Arameo na tulungan ang mga Ammonita.
哈達德則爾的臣僕見他們敗於以色列,便與達味講和,表示臣服。從此阿蘭人再不敢協助阿孟子民了。