< 1 Mga Cronica 15 >
1 Nagpatayo si David ng mga bahay para sa kaniyang sa lungsod ni David. Siya ay naghanda ng isang lugar para sa kaban ng Diyos at nagtayo ng tolda para dito.
[迎運約櫃的準備]達味在達味城為自己建造了宮室,也為天主的約櫃預備了一塊地方,支搭了一座帳幕。
2 At sinabi ni David, “Ang mga Levita lamang ang maaaring magbuhat ng kaban ng Diyos, sapagkat pinili sila ni Yahweh upang buhatin ito at upang paglingkuran siya magpakailanman.”
那時,達味心裏想:天主的約櫃,除肋未人外,誰也不能抬,因為上主只簡選了他們抬上主的約櫃,永遠奉事他。
3 Pagkatapos, ang lahat ng Israel ay tinipon ni David sa Jerusalem upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito.
達味遂召集了全以色列到耶路撒冷來,為將上主的約櫃迎運到他所預備的地方。
4 Tinipon ni David ang mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang mga Levita.
他又召集了亞郎的子孫和肋未人:
5 Mula sa kaapu-apuhan ni Kohat, naroon ang pinuno na si Uriel at ang kaniyang mga kamag-anak na 120 na kalalakihan.
刻哈特子孫的族長烏黎耳,和他的同族一百二十人;
6 Mula sa kaapu-apuhan ni Merari, naroon ang pinuno na si Asaias at ang kaniyang mga kamag-anak na 220 na kalalakihan.
默辣黎子孫的族長阿撒雅,和他的同族二百二十人,
7 Mula sa kaapu-apuhan ni Gershom, naroon ang pinuno na si Joel at ang kaniyang mga kamag-anak na 130 na kalalakihan.
革爾雄子孫的族長約厄耳,和他的同族一百三十人;
8 Mula sa kaapu-apuhan ni Elizafan, naroon ang pinuno na si Semaias at ang kaniyang mga kamag-anak na 200 na kalalakihan.
厄里匝番子孫的族長舍瑪雅和他的同族爾百人;
9 Mula sa kaapu-apuhan ni Hebron, naroon ang pinuno na si Eliel at ang kaniyang mga na kamag-anak na 80 na kalalakihan.
赫貝龍子孫的足長厄里耳,和他同族八十人;
10 Mula sa kaapu-apuhan ni Uziel, naroon ang pinuno na si Aminadab at ang kaniyang mga na kamag-anak na 112 na kalalakihan.
烏齊耳子孫的族長阿米納達布和他的同族一百一十二人。
11 Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel at Aminadab.
達味將司祭匝多克、厄貝雅塔爾,及肋未人烏黎耳、阿撒雅、約厄耳,舍瑪雅、厄里耳和阿米納達布召來,
12 Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng pamilya ng mga Levita. Ilaan ninyo ang inyong sarili kay Yahweh, kayo at ang inyong mga kapatid na lalaki upang maaari ninyong dalhin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito.
對他們說:「你們既為肋未人的族長,你們與你們的同族兄弟就當聖潔自己,將上主以色列天主的約櫃,抬到我所準備的地方。
13 Hindi ninyo ito binuhat noong una. Kung kaya si Yahweh na ating Diyos ay nagalit sa atin, sapagkat hindi natin siya hinanap o sinunod ang kaniyang kautusan.”
因為你們初次不在場,我們沒有按照規則迎接,所以上主我們的天主打擊了我們。」
14 Kaya ang mga pari at ang mga Levita ay inilaan ang kanilang mga sarili upang buhatin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
司祭和肋未人便聖潔自己,好將上主以色列天主的約櫃抬上來。
15 Kaya pinasan ng mga Levita ang kaban ng Diyos sa kanilang mga balikat gamit ang mga pingga, tulad ng iniutos ni Moises na alinsunod sa tuntuning ibinigay sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.
肋未子孫按照梅瑟奉天主的命所吩咐的,用杠桿在肩上抬著上主的約櫃。[編定儀仗隊]
16 Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
達味又吩咐肋未人的族長,由他們的同族兄弟中指派一些歌詠者,叫他們用各種樂器、琴瑟和鐃鈸,奏出嘹亮歡樂的聲音。
17 Kaya, itinalaga ng mga Levita si Heman, ang lalaking anak ni Joel at isa sa kaniyang mga kapatid na lalaki, si Asaf na anak ni Berequias. At itinalaga din ang kanilang mga kamag-anak mula sa kaapu-apuhan ni Merari at si Etan na anak ni Cusaias.
肋未人遂指派了約厄耳的兒子赫曼和他的一個同族貝勒克雅的兒子阿撒夫,並他們同族兄弟默辣黎的子孫中,谷沙雅的兒子厄堂。
18 Kasama nila ang kanilang mga kamag-anak na nasa ikalawang katungkulan: sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maaseias, Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, at Jeiel, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan.
與他們一起的,尚有他們的同族兄弟,組成第二班:則加黎雅、雅阿齊耳、舍米辣摩特、耶希耳、翁尼、厄里阿布、貝納雅、瑪阿色雅、瑪提提雅、厄里斐路和米刻乃雅,以及守衛敖貝得厄東和耶希耳。
19 Ang mga manunugtog na sina Heman, Asaf at Etan ay itinalaga upang tumugtog ng mga tansong pompiyang na may malalakas na tunog.
至於歌詠者,赫曼、阿撒夫和厄堂打銅鈸;
20 Sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasaias, at Benaias ang tumugtog ng mga instrumentong may kuwerdas na alinsunod sa Alamot.
則加黎雅、雅阿齊耳、舍米辣摩特、耶希耳、翁尼、厄里阿布、瑪阿色雅、貝納雅彈瑟;調用高音。
21 Ang mga nanguna sa pagtugtog ng mga alpa ay sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias na alinsunod sa Seminit.
瑪提提雅、厄里斐路、米刻乃雅、敖貝得厄東、耶依耳、阿匝齊雅領先彈琴,調用低音。
22 Si Quenanias na pinuno ng mga Levita sa pag-awit, ang namahala sa pag-awit dahil mahusay siya.
肋未人的族長革納尼雅管理歌詠,因他善於歌詠之事。
23 Sina Berequias at Elkana ang tagabantay sa kaban.
貝勒基雅和厄耳卡納為守衛看守約櫃。
24 Ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nethanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer ang iihip ng mga trumpeta sa harapan ng kaban ng Diyos. Si Obed-edom at Jehias ang mga tagabantay ng kaban.
司祭舍巴尼雅、約沙法特、乃塔乃耳、阿瑪賽、則加黎雅、貝納雅和厄里厄則爾,在天主的約櫃前吹號筒;敖貝得厄東和耶希雅為守衛,看守約櫃。[迎約櫃至達味城]
25 Kaya pumunta sina David, ang mga nakatatanda sa Israel at ang mga pinuno sa libu-lubo upang ilabas sa bahay ni Obed-edom ang kaban ng tipan ni Yahweh na may kagalakan.
於是達味和以色列的長老並千夫長前去,由敖貝得厄東家中,興高彩烈地將上主的約櫃接上來。
26 Sapagkat tinulungan ng Diyos ang mga Levita na nagbuhat sa kaban ng tipan ni Yahweh, naghandog sila ng pitong toro at pitong tupa.
由於天主扶助了抬上主約櫃的肋未人,他們遂祭獻了七頭公牛和七隻公山羊。
27 Nakadamit si David ng balabal na gawa pinong lino, ganoon din ang mga Levitang nagbuhat sa kaban, ang mga mang-aawit, at si Kenaniaz, ang nangunguna sa awit kasama ang mga mang-aawit. Nakasuot si David ng linong efod.
達味、抬約櫃的肋未人、歌詠之長革納黎雅以及歌詠者,都穿著細麻長衣,達味另外又佩帶著細麻的「厄弗得。」
28 Kaya dinala ng lahat ng Israel ang kaban ng tipan ni Yahweh na may masayang hiyawan at may tunog ng mga tambuli, mga pompiyang at mga instrumentong may kuwerdas at mga alpa.
全以色列在歡呼、吹角、吹號、擊鈸、鼓瑟、彈琴、奏樂之中,將上主的約櫃接了上來。
29 Ngunit nang paparating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana ang babaeng anak ni Saul na si Mical. Nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagdiriwang. At kinamuhian niya si Haring David sa kaniyang puso.
上主的約櫃進入達味城時,撒烏耳的女兒米加耳遺窗內窺看,達味跳躍舞蹈,心中就輕視他。