< 1 Mga Cronica 14 >

1 Pagkatapos, nagpadala si Hiram na hari ng Tiro ng mga mensahero kay David at cedar na kahoy, mga karpintero at mga mason. Nagtayo sila ng bahay para sa kaniya.
泰尔王希兰将香柏木运到大卫那里,又差遣使者和石匠、木匠给大卫建造宫殿。
2 Alam ni David na hinirang siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel at naitaas ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel.
大卫就知道耶和华坚立他作以色列王,又为自己的民以色列,使他的国兴旺。
3 Nag-asawa pa ng marami si David sa Jerusalem, at siya ay naging ama ng maraming anak na lalaki at babae.
大卫在耶路撒冷又立后妃,又生儿女。
4 Ito ang pangalan ng kaniyang mga anak na isinilang sa Jerusalem: Sina Samua, Sobab, Natan, Solomon,
在耶路撒冷所生的众子是沙母亚、朔罢、拿单、所罗门、
5 Ibhar, Elisua, Elpelet,
益辖、以利书亚、以法列、
6 Noga, Nefeg, Jafia,
挪迦、尼斐、雅非亚、
7 Elisama, Beeliada, at Elifelet.
以利沙玛、比利雅大、以利法列。
8 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na hinirang si David bilang hari sa buong Israel, umalis silang lahat upang hanapin siya. Ngunit nabalitaan ni David ang tungkol dito at umalis upang labanan sila.
非利士人听见大卫受膏作以色列众人的王,非利士众人就上来寻索大卫。大卫听见,就出去迎敌。
9 Dumating ang mga Filisteo at nilusob ang lambak ng Refaim.
非利士人来了,布散在利乏音谷。
10 Pagkatapos, humingi si David ng tulong mula sa Diyos. Sinabi niya, “Dapat ko bang lusubin ang mga Filisteo? Pagtatagumpayin mo ba ako laban sa kanila?” Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Lusubin mo sila, sapagkat tiyak na ibibigay ko sila sa iyo.”
大卫求问 神,说:“我可以上去攻打非利士人吗?你将他们交在我手里吗?”耶和华说:“你可以上去,我必将他们交在你手里。”
11 Kaya, pumunta sila sa Baal-perazim at tinalo ang mga Filisteo doon. Sinabi niya, “Nilupig ni Yahweh ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng aking mga kamay tulad ng rumaragasang tubig baha.” Kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay Baal-perazim.
非利士人来到巴力·毗拉心,大卫在那里杀败他们。大卫说:“神借我的手冲破敌人,如同水冲去一般”;因此称那地方为巴力·毗拉心。
12 Iniwan ng mga Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon at nagbigay si David ng utos na dapat sunugin ang mga iyon.
非利士人将神像撇在那里,大卫吩咐人用火焚烧了。
13 Pagkatapos, muling nilusob ng mga Filisteo ang lambak.
非利士人又布散在利乏音谷。
14 Kaya muling humingi si David ng tulong sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa kaniya, “Huwag mong lusubin ang kanilang harapan, sa halip umikot ka at lusubin mo sila sa likuran sa tapat ng mga puno ng balsam.
大卫又求问 神。 神说:“不要一直地上去,要转到他们后头,从桑林对面攻打他们。
15 Kapag narinig mo ang tunog ng martsa sa hangin na umiihip sa itaas ng mga puno ng balsam, lumusob ka nang buong lakas. Gawin mo ito dahil ang Diyos ay mauuna sa iyo upang lusubin ang hukbo ng mga Filisteo.”
你听见桑树梢上有脚步的声音,就要出战,因为 神已经在你前头去攻打非利士人的军队。”
16 Kaya ginawa ni David ang inutos ng Diyos sa kaniya. Tinalo niya ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.
大卫就遵着 神所吩咐的,攻打非利士人的军队,从基遍直到基色。
17 Pagkatapos, naipamalita ang katanyagan ni David sa lahat ng lupain at ginawa ni Yahweh na matakot ang lahat ng bansa kay David.
于是大卫的名传扬到列国,耶和华使列国都惧怕他。

< 1 Mga Cronica 14 >